Share

Chapter 3

Harris POV

Sa dami ng trabahong hinarap ko buong maghapon ay halos five thirty na ng hapon ako nakabalik ng hospital.

Nasasabik na akong makita muli ang batang si Aria at matinding kasiyahan ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.

Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto na inuukopa nilang mag-ina, pumuwesto sa magkabilang gilid ng pintuan ang dalawang bodyguard ko upang doon magbantay.

Sabik na pinihit ang doorknob habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa labi para sa aking munting Aria.

Biglang naglaho ang ngiti ko sa labi ng tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan at tumambad sa aking harapan ang dalawang Nurse na kasalukuyang nag-aayos ng kama.

Mabilis na yumukod ang mga ito ng makita ako.

“Nasaan ang pasyente dito?” Seryoso kong tanong sa kanilang dalawa, halata ang pagdagsa ng takot sa kanilang mga mukha.

“Namatay na po ang pasyente, around 3:00 o’clock ng madaling araw.” Malumanay na sagot ng nurse sa akin.

Lumalim ang gatla sa aking noo dahil sa labis na pagtataka, ang alam ko ay tagumpay ang operasyon dahil ‘yun ang sinabi ng Doctor bago ako umalis.

“Si Aria? Nasaan ang batang si Aria? Yung anak ng pasyente?” Mabilis kong tanong sa kanila ng may pag-aatubili.

“Ang alam ko po, Young Master ay kinuha na ito ng kan’yang ama kaya wala na po-“ hindi ko na hinintay pa na matapos ang sasabihin nito at mabilis ko na itong tinalikuran.

Halos takbuhin ko ang pasilyo ng hospital at wala na akong pakialam sa mga taong nababangga ko dahil ang tanging nasa isip ko ay ang makita si Aria at mabawi ito sa kan’yang Ama.

Hinihingal na huminto ako ng marating ko ang labas ng hospital, para akong baliw na inisa isa ang mukha ng lahat nang bata na aking makita.

Maging ang mga tauhan ko ay naghahanap din, pati mga sasakyan na dumadaan ay hinaharang ko at sinisilip ang loob nito ngunit wala talaga si Aria kahit saang sulok ng hospital.

“Ahhhh!” “CRASH!” Pagkatapos sumigaw ay malakas kong ibinato ang isang babasaging lamesa sa pader, nagsabog ang mga bubog nito sa kung saang bahagi ng kwarto at wala akong pakialam kahit masugatan pa ako.

Hindi pa ako nakontento ay dinampot ko ang isang vase at ibinato sa malaking flat screen na TV na nakadikit sa pader.

Binasag ko ang lahat ng gamit sa aking harapan na milyon ang halaga ng mga ito, dito ko ibinuntong ang lahat ng galit na nararamdaman ko.

Alas onse na ng gabi at kasalukuyan akong nandito ngayon sa aking Mansion na matatagpuan sa Cambridge Street, North Forbes sa Makati.

Bigo ako na mahanap si Aria at hindi ko alam kung bakit parang pinapatay ako ng matinding sakit na nararamdaman ko.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa matinding galit, parang gusto kong pumatay ng tao nang mga oras na ito.

Walang nagawa ang mga tauhan ko maging ang mga katulong kung hindi ang tumayo sa isang tabi at hayaan akong mailabas ang bigat ng aking saloobin.

Pakiramdam ko ay kalahati ng pagkatao ko ang nawala.

Sa sandaling panahon na nakilala ko ang batang si Aria ay naging masaya ako, pakiramdam ko ay nagkaroon ng kabuluhan ang dating malungkot kong buhay.

Hindi ko sukat akalain na ang lahat ng iyon ay panandalian lamang.

Kung alam ko lang na mawawala siya sa akin dapat ay hindi ko na ito iniwan.

“Hanapin n’yo ang batang iyon! Ibalik ninyo sa akin si Aria ngayon din.” Utos ko sa aking mga tauhan na may diin ang bawat salita ngunit ramdam ang galit sa aking tinig habang matalim na nakatingin sa kanilang lahat.

Kaagad na umalis ang mga ito sa aking harapan upang hanapin ang bata at alamin kung saan ito naninirahan.

Nang medyo humupa na ang galit sa aking dibdib ay binalot naman ng matinding kalungkutan ang puso ko.

Bigla akong nanghina at wala sa sariling napaupo sa sahig, inangat ko ang aking mga tuhod at inilagay ang kanang braso sa ibabaw ng tuhod ko saka ipinatong ang aking ulo.

Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng interest sa isang babae, at ang nakakatawa ay sa isang bata pa.

Ngayon lang ako naging obsessed, at napagtanto ko na hindi lang ako obsessed kay Aria kundi mahal ko na ito.

Napaka Imposible pero iyon ang totoo, mahal ko na ang batang iyon.

“Hindi ako papayag na mailayo ka nila sa akin, gagawin ko ang lahat matagpuan lang kita dahil akin ka lang at pag-aari na kita…” Halos pabulong kong wika, may diin ang bawat katagang lumalabas sa aking bibig habang malakas na nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding emosyon na bumabalot sa buong pagkatao ko.

“Zaharia, anak, siya si Mama Lyra mo at ito naman ang ate Chelsy mo.

Magmula ngayon ay ito na ang bagong tahanan mo at sila ang bagong pamilya mo.” Malumanay na wika ni Lorenzo sa anak habang pinapakilala ang kan’yang pangalawang pamilya kay Aria.

Inilibot ni Aria ang mga mata sa buong paligid ng bahay at matinding paghanga ang makikita sa kan’yang mga mata.

Napakalayo ng dati nilang tahanan sa bahay na nasa kanyang harapan ngayon, pati na ang mga mamahaling kagamitan.

Dati ay nakatira lang siya sa isang maliit na kubo na halos tagpi-tagpi lang ang ding-ding.

Ang tanging kagamitan lang nilang mag-ina ay isang bangko na yari sa kawayan at ilang tabla na pinagdikit-dikit upang magkaroon lang sila ng isang maliit na lamesa.

Pero ngayon ang bahay sa kanyang harapan ay naghuhumiyaw sa karangyaan at malulula ka dahil sa laki ng tahanang ito.

Biglang sumaya ang malungkot na mukha ni Aria dahil iniisip niya na sa wakas ay mayroon na siyang kapatid na matatawag na Ate at mayroon pa rin siyang Mama.

“Talaga, Daddy? May ate at mama na po ulit ako?” Masayang tanong ng inosenteng si Aria sa Ama, kababakasan ng matinding kagalakan ang mukha ni Aria.

“Yes, anak, ito ang tahanan mo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay pag-aari mo.” Nakangiting paliwanag ni Lorenzo sa anak, dahil sa labis na pagkagiliw niya sa anak ay hindi na nito napansin ang pagdaan ng galit sa mga mata ng mag-ina.

Makikita sa kanilang mga mata ang labis na di pagkagusto para sa anak ni Lorenzo.

“Dad, nagtataka lang ako, kung asawa mo si Mommy? Bakit may isa pa akong Mommy?” Naguguluhan na tanong ni Aria.

Lumuhod si Lorenzo upang magpantay ang kanilang mukha.

“Kasi baby, Muslim si Daddy, kaya dalawa ang asawa ni Daddy.” Nakangiting sagot nito sa anak na siyang kinatango nito na tila nauunawaan ang sinabi ng ama.

Hindi lang masabi ni Lorenzo sa anak na isang arranged marriage lang ang namagitan sa kanila ni Lyra.

Asawa man niya ito ngayon ngunit ang laman ng kan’yang puso ay si Zarina ang ina ni Aria.

“Manang, samahan mo si Aria sa magiging kwarto niya at ibigay mo rin ang lahat ng kailangan n’ya.” Seryosong utos ni Lorenzo sa kanilang Mayordoma.

Nakangiti namang lumapit ito kay Aria, inakay na nito ang bata patungo sa hagdan.

Tahimik na sumunod naman si Aria sa Mayordoma.

“Sweetheart, pumasok ka muna sa kwarto mo at mag-uusap lang kami ng daddy mo.” Nakangiting utos ni Lyra sa anak, kaagad namang tumalima ang bata at tinungo ang hagdan.

Nang mawala na sa paningin ang anak ay isang matalim na tingin ang ipinukol nito kay Lorenzo.

“Talagang dinala mo pa talaga ang batang yan dito sa papamahay ko?” Galit na tanong nito kay Lorenzo.

“Huh? Pamamahay mo? Pamamahay ko Lyra! Pag-aari ko ang lahat ng ito, at huwag mong idadamay ang anak ko sa galit mo sa kan’yang ina dahil higit na may karapatan ang anak ko sa lahat ng pag-aari ko kaysa sa iyo!” Bulyaw nito sa asawa.

“Kasal tayo, ako ang asawa kaya mas may karapatan kami ng anak mong si Chelsy kaysa sa anak mo sa labas!” Ganting sigaw ni Lyra sa asawa, makikita sa mukha niya ang determinasyon na hindi patatalo sa kan’yang asawa.

Inisang hakbang ni Lorenzo ang pagitan nila at hinaklit sa braso si Lyra, napangiwi ang mukha nito dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa sa kan’yang braso.

“Huwag na tayong maglokohan dito, Lyra, dahil alam mo na hindi ko anak si Chelsy! At baka nakakalimutan mo si Zarina ang mahal ko umeksena ka lang at sinira mo ang pagsasama naming mag-asawa.

Kung hindi dahil sa inyong dalawa ni Mama ay marahil buhay pa sana ang asawa ko…” Nanggigigil na pahayag ni Lorenzo bago padabog na binitawan ang braso ni Lyra.

Mabilis na tinalikuran ni Lorenzo si Lyra at inakyat ang hagdan papunta sa kwarto ng kanyang anak.

Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa nakikinig si Chelsy sa usapan ng kan’yang mga magulang.

Hilam sa luha ang mga mata nito dahil sa bagong natuklasan na hindi niya tunay na ama si Lorenzo.

Labis na nasaktan ang batang si Chelsy.

Habang si Lyra ay tulala sa kawalan ngunit patuloy sa pag-agos ang masaganang luha nito sa magkabilang pisngi.

Sa kaloob-looban nito ay matinding galit ang nararamdaman niya para sa asawa at pagkasuklam para sa anak nitong si Aria.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status