Angela’s Point of viewNagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa aking mukha at sa tingin ko ay may ilang minuto ng nakatayo sa aking paanan ang isang estranghero. Kahit hindi ko nakikita kung sino ito ay ramdam ko ang mabigat na enerhiyang dala nito na may kaakibat na panganib. May ilang segundo na rin akong gising ngunit mas pinili ko na mag-kunwaring tulog at makiramdam sa aking paligid.Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabâg nito tungo sa kanang bahagi ng kama.Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay maging ang pag-angat ng isang braso nito sa ere, hanggang sa isang iglap ay mabilis kong nasalo ang braso nito na paparating sa aking mukha. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha ng sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang dulo ng isang patalim na gahibla na lang ang layo sa dibdib ko.Isang lalaki na nakasuot na pang nurse na uniporme ang siyang may hawak ng patalim at nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na patayin ako ni
“Young masyer! A-ang mommy n’yo naaksidente!” Nagulat si Hareth sa biglaang pagpasok ng isang nurse sa loob ng kwarto, namumutla na ang mukha nito at halata ang labis na pagkataranta ng nurse na wari mo ay may kinatatakutan.Nang marinig ni Hareth ang sinabi nito ay natataranta siyang tumayo bago lumingon ang sa kanyang tauhan.“Maiwan ka dito bantayan mong mabuti ang asawa ko.” Utos niya sa lalaki, mabilis itong nagyuko ng ulo bilang tugon sa kanya.Isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa asawa na nakaratay sa higaan, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.Nagmamadali na lumabas siya ng kwarto at naiwan ang isang katulong pati ang isa sa kanyang bodyguard na nagbabantay sa may pintuan ng kwarto.Malaki ang mga hakbang ni Hareth palabas ng hospital habang pilit na tinatawagan ang kanyang ina sa number nito.Makailang ulit niyang sinubukan na tawagan ang ina ngunit wala talagang sumasagot.Mabilis na pinasibat ang sasakyan palayo ng hospital, habang sa kanyang likuran
Hareth Point of viewNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumalaw sa aking tabî si Angela kaya nagmulat ako ng aking mga mata. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inaantok kong tanong sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Alas siyete na ng umaga nang magising ito at nanatili pa rin kaming nakahiga sa kama.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa bibig nito bago humarap sa akin, yumakap sa aking katawan ang isang braso nito bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.“Masarap ang tulog ko kasi katabi kita, salamat.” Malambing niyang saad, mahigpit ko siyang niyakap habang masuyong hinahaplos ito sa likod. May isang buwan na rin kaming namamalagi dito sa resort, dahil kailangan ni Angela ng isang tahimik at payapang lugar na makakatulong sa kanyang paggaling. Naghilom na ang sugat nito sa balikat kaya masasabi kong magaling na ito sa physical na antas ngunit hindi sa emosyonal na aspeto.Pagkatapos ng insidente na iyon ay malaki ang naging epekto nito sa mental health
Hareth’s Point of view“Pare, kinakabahan ako sa surpresa n’yo na ‘to may pa blindfold pa kayong nalalaman.” Ani ko kay Jasper at Lorence, kasama ang iba pa naming kaibigan na kasamahan namin sa racing.“Sisihin mo ‘yang si Lorence siya ang may pakana ng lahat ng ito.” Sagot ni Jasper habang tumatawa, dahan-dahan akong humakbang habang inaalalayan ako ni Jasper paupo sa may sofa.Naririnig ko ang tawanan at hiyawan ng mga kaibigan ko ng pumailanlang sa buong kwarto ang isang maharot na tugtugin.Tinanggal ni Lorence ang tali sa aking mga mata kaya tumambad sa aking paningin ang madilim na kwarto at ang tanging nagbibigay liwanag ay ang ibat-ibang kulay ng ilaw na umiikot sa paligid kaya nagmukhang disco ang loob ng kwarto na aming kinaroroonan. Ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang malaking kahon na nasa gitna, hindi pa man nabubuksan ito ay kinakabahan na ako dahil nahihinuha ko na kung ano ang laman ng malaking kahon.Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang pag-iisang
Chapter 1-Busy ang lahat ng tao sa loob ng San Lorenzo Hospital, may mga ilang Nurse na nagtutulak ng stretcher habang nakahiga ang isang pasyente na duguan at panay ang daing dahil sa sakit na nararanasan nito.Mula sa hallway ng hospital ay may isang pitong taong gulang na batang babae ang nakaupo sa isang waiting area, tahimik na nakamasid sa mga taong dumadaan sa kan’yang harapan.Sa kabila ng kainosentihan nito ay makikita ang kalungkutan sa maganda niyang mukha.Sa murang edad ay binalot na ng matinding pangamba ang puso ng batang babae dahil sa labis na pag-aalala para sa kanyang ina na kasalukuyang nasa loob ng emergency room ng hospital.Mag-isang nakaupo sa waiting area ang bata, naghihintay kung kailan lalabas ang kan’yang ina, wala siyang ideya kung ano talaga ang totoong kalagayan nito.Habang naglalakad sila ay bigla na lang itong bumagsak sa kalsada na kanilang dinadaanan.Mabuti na lang at may concern citizen na nagmalasakit sa mag-ina at kaagad na tinakbo sa hospital
Harris POVNapalingon ako sa batang si Aria na nakaupo sa aking tabi, nakasandal ito sa sandalan ng bangko habang nakayukyok ang ulo.Pilit nilalabanan ang antok at matiyagang naghihintay kung kailan matatapos ang operasyon ng ina nito.10:30 na ng gabi ngayon, nagsimula ang operasyon kaninang 9:00 o’clock, ang sabi ng doctor ay aabutin daw ang operasyon ng apat na oras.Kaya ngayon ay nandito kaming dalawa sa labas ng operating room at naghihintay kung kailan ito matatapos.May kung anong humaplos sa puso ko habang nakamasid sa makulit na batang ito hanggang sa kusang kumilos ang aking mga kamay.Inangat ko ito mula sa kan’yang kinauupuan at inilipat sa aking kandungan.Nag-angat ito ng mukha at nagtatanong ang namumungay nitong mga mata na tumingin sa akin.“Matulog ka muna at gigisingin na lang kita kapag natapos na ang operasyon.” Malambing kong wika, hindi na ito sumagot sa akin at kusa niyang isinubsob ang mukha sa aking dibdib bago yumakap sa katawan ko ang maliit nitong mga br
Harris POVSa dami ng trabahong hinarap ko buong maghapon ay halos five thirty na ng hapon ako nakabalik ng hospital.Nasasabik na akong makita muli ang batang si Aria at matinding kasiyahan ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto na inuukopa nilang mag-ina, pumuwesto sa magkabilang gilid ng pintuan ang dalawang bodyguard ko upang doon magbantay.Sabik na pinihit ang doorknob habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa labi para sa aking munting Aria.Biglang naglaho ang ngiti ko sa labi ng tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan at tumambad sa aking harapan ang dalawang Nurse na kasalukuyang nag-aayos ng kama.Mabilis na yumukod ang mga ito ng makita ako.“Nasaan ang pasyente dito?” Seryoso kong tanong sa kanilang dalawa, halata ang pagdagsa ng takot sa kanilang mga mukha.“Namatay na po ang pasyente, around 3:00 o’clock ng madaling araw.” Malumanay na sagot ng nurse sa akin.Lumalim ang gatla sa aking noo dahil sa labis na pa
Aria’s POV“Sweetie, aalis na si daddy baka malate ako ng uwi mamayang gabi, kaya huwag mo na akong hintayin.” Malambing na wika ng daddy ko habang karga ako nito sa kanang braso.“Dad, pwede ba na huwag ka na lang muna pumasok sa work mo? Saturday naman eh, mamasyal ulit tayo, tapos isama natin si ate Chelsy.” Naglalambing kong request sa aking ama bago niyakap ito ng mahigpit sa leeg.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na ito, parang ayoko na mawala sa aking paningin si daddy at kahit kasama ko ito ngayon ay namimiss ko pa rin siya.Nakita ko na lumapad ang kan’yang ngiti bago nanggigigil na hinalikan ang matambok kong pisngi.“Naglalambing ang baby ko, don’t worry tomorrow babawi ako, ipapasyal kita sa lahat ng lugar na nais mong puntahan.” Magiliw nitong sagot sa akin.“Promise po?” Naninigurado kong tanong.“Promise…” nakangiti niyang sagot bago dinampian ng isang mariin na halik ang aking noo.Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang pagmamahal ng aking a