Aria’s POVPagsapit ng hating gabi ay biglang bumukas ang pintuan, mabilis akong bumangon at sumiksik sa pader ng pumasok si mama Lyra sa loob ng aking kwarto.Hindi ito nag-iisa dahil mula sa likuran nito ay nakasunod ang isang may katandaan ng lalaki.Tanging ang ilaw mula sa labas ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko kaya bahagya pa akong nasilaw dahil hindi sanay na makakita ng liwanag ang aking mga mata.“Sigurado ka ba na hindi ako sasabit sa babaeng ito Lyra?” Naniniguradong tanong ng matandang lalaki kay mama Lyra.“Ulila na yan, kaya wala ng maghahabol pa sa babaeng ‘yan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa kan’ya at higit sa lahat ay birhen pa ang isang yan.” Nakangising sagot ng aking madrasta sa lalaki.Tila natuwa ang lalaki sa kan’yang narinig at malagkit na tingin ang ipinukol nito sa akin kaya nakadama ako ng takot sa mga titig nito.“Naideposito mo na ba ang pera sa bank account ko?” Narinig kong tanong ni mama Lyra.“Tulad ng na
Harris POVSimula ng maka-encounter ko ang éstranghérang babae ay hindi na ako mapakali at para akong masisiraan ng ulo sa kakaisip sa babaeng iyon.Lalo na kapag naaalala ko ang malambot nitong mga labi na tila hinihigop ang lahat ng lakas ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit pagdating sa babaeng iyon ay nawawala ang kontrol ko sa sarili at bigla akong nakadama ng matinding pananabik para sa kan’ya.Di yata’t tinangay nito ang puso ko dahil labis akong nasaktan ng hindi ko na naramdaman ang presensya nito sa aking tabi.Nakapagtataka na kay bilis niyang nawala, hinalughog na ng mga tauhan ko ang buong paligid ngunit bigo sila na mahanap ang babae.Pakiramdam ko ay puno ng sikreto ang tahanan ng mga Lynch at iyon ang nais kong tuklasin.Bago ako umalis sa bahay ng mga Lynch pinaiwan ko sina James upang lihim na magmatyag sa bawat kilos ng stepmother ni Aria.Mula ng makadaupang palad ko ang éstranghérang babae ay tuluyan na akong nawalan ng gana kay Aria.Walang akong
Harris POVNapalingon ako sa pintuan ng bathroom ng maramdaman ko ang presensya ni Collin.Nahihiya na lumabas ito mula sa pintuan at hindi ko maiwasan ang matulala sa kagandahan niyang taglay.Bumagay sa kan’ya ang malaking t-shirt’s ko na umabot hanggang kalahati ng hita niya.Pinagamit ko muna kasi sa kan’ya ang damit ko dahil hindi pa dumarating ang mga pinabili kong damit para sa dalaga.Ang suot niyang panloob ay ang short trunks ko na itinali ko na lang ng mahigpit upang hindi siya mahubaran.“K-kuya, o-okay k-ka la-lang?” Nahihirapan niyang bigkas, bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses nito.Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanya at inalalayan ito na makaupo sa gilid ng kama. “Maupo ka muna at gagamutin ko ang mga sugat mo.” Anya bago kinuha ang medicine kit habang ito ay tahimik lang na nakamasid sa akin.“Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari sayo? At sino ang may gawa nito sayo?” Malumanay na tanong ko sa kan’ya.Napansin ko na hindi ito
Harris POVAlas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay dahil pagkatapos kong makipagkita kay Chelsy ay dumiretso ako sa aking opisina.Inuwi ko sa bahay ang lahat ng trabaho ko para may kasama si Collin.Pagpasok ko pa lang sa pinakamaindoor ng bahay ay sinalubong na kaagad ako ng kasambahay halata na balisa ito.“Y-young Master, kaninang umaga pa hindi lumalabas ng kwarto si Collin, hindi kami makapasok sa loob dahil nakakandado ang pintuan.” Natataranta nitong wika, halos takbuhin ko na ang hagdan para mabilis na makarating sa aking kwarto.Dinukot ko ang susi sa bulsa ng suot kong pantalon at saka binuksan ang kwarto.Sa pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang madilim na loob ng kwarto kaya hindi ko makita si Collin.“Collin!” Tawag ko sa pangalan nito ngunit wala akong narinig na anumang sagot mula sa dalaga.Pinindot ko ang switch ng ilaw at kumalat ang liwanag sa buong kwarto, napansin ko ang pagkain sa lamesa na hindi man lang nagagalaw at sa tingin ko ay kaninang umaga pa
Aria’s POV“Mahigit isang linggo na akong namamalagi sa Mansion ni Harris, isang linggo na rin kaming nagkukulong sa kan’yang kwarto.Napakabuti niya sa akin at ni minsan ay hindi na niya ako iniwan, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kan’ya ang totoo kong pangalan.Natatakot kasi ako na matunton ng matandang lalaki na siyang bumili sa akin, ang kinaroroonan ko.Ayoko na ring malayo sa tabi ni Mr. Harris, kapag kasi nasa tabi ko siya ay nawawala ang takot ko sa puso ko at laging kampante ang pakiramdam ko.Nakokonsensya ako sa tuwing tinatawag niya akong Collin ngunit ito na lang ang tanging paraan na naisip ko para sa kaligtasan ko.“Anong iniisip mo? At kanina ka pa tulala.” Tanong ni Mr. Harris habang patuloy na gumagapang ang mga labi nito sa aking balat.“W-wala,” utal kong sagot, napatingala ako ng sipsipin niya ang balat ko sa sensitibong bahagi ng aking leeg.Hindi ko na napigilan ang isang mahabang ungol na nanulas sa bibig ko. Sa loob ng isang linggo ay
Lyra’s POV“AHHHH!” “Crash!” Galit na sigaw ni Chelsy bago malakas na ibinato ang hawak niyang flower vase sa pader.Nabasag ito at nagkalat ang mga bubog sa sahig, bahagya pa itong hinihingal habang matalim na nakatitig sa pader.Ilang sandali pa ay nanghihina itong napaluhod sa sahig na tila naubusan ng lakas habang hilam sa luha ang kan’yang mga mata.Makikita sa mukha nito ang tila kawalan ng pag-asa.“Chelsy! Anak, what happened?” Nag-aalala kong tanong bago mabilis na lumapit dito at niyakap siya ng mahigpit saka isinandig ang ulo nito sa aking dibdib.“Mom, I like him, N-no, I love him, I really love him, Mom.” Sagot niya na tila wala sa sarili, garalgal ang tinig kaya halos pumiyok ang boses nito sa pagsasalita. Kita sa magandang mukha ng aking anak ang sakit ng kabiguan na nararamdaman nito ngayon kaya hindi ko na kinaya ang matinding emosyon at tuluyan na akong napaiyak.Batid ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya ngayon.“Sshhh… Mommy is here, Sweetheart, don’t worr
Aria’s POVIsang araw ang lumipas simula ng umalis Harris, matinding kalungkutan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil namimiss ko na ang presensya ng binata.Kasalukuyan akong naka-upo sa upuan dito sa may balkonahe ng kwarto ni Harris.Naaaliw ako na pagmasdan ang mga punong kahoy na isinasayaw ng hangin, maging ang paglubog at pagsikat ng araw ay malaya ko ng nasaksihan. Sadyang napakaganda ng mundo at nakakagaan sa pakiramdam ang magandang tanawin na nasa aking harapan.Bigla akong napalingon sa pintuan ng maramdaman ko na bumukas ito.Pumasok ang dalawang babae na parehong may dalang tray na may lamang pagkain.Ang isa ay nakangiti, habang ang isa naman ay seryoso na nakatingin sa akin, tila sinusuri nito ang pagkatao ko sa paraan ng kanyang tingin.Maingat silang lumapit sa akin, bahagya naman akong napasiksik sa aking kinauupuan dahil nakaramdam ako ng natakot.“Iha, huwag kang matakot, hinatiran ka lang namin ng pagkain.” Anya sa malumanay na tono na halatang nag-iinga
Aria’s POV“Ilang taon ka na Collin?” Natigilan ako sa tanong ni Liza, kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto ni Harris upang maglinis.Abala ako sa pagpupunas ng mga aparador ng bigla itong magtanong sa akin.Nakaupo siya sa sofa habang nakacrosslegs at sa ibabaw ng mga hita nito ay nakapatong ang isang magazine na kan’yang binabasa.Napaisip akong bigla dahil sa tanong nito, hindi ko na kasi alam kung ilang taon na ako, dahil noong mga panahon na nakakulong ako sa loob ng kwarto ay tanging ang oras lang ang alam ko.“Huwag mong sabihin na hindi mo alam ang edad mo?” Namamangha na muling tanong niya sa akin, naalarma ako sa kan’yang pahayag. Hindi kasi pwedeng malaman ng kahit na sino ang totoong pagkatao ko, dahil natatakot ako na baka malaman nina mama Lyra ang kinaroroonan ko at ibalik nila ako sa loob ng kwarto na naging kulungan ko sa mahabang panahon.Mas pinili ko na lang na manahimik at magpatuloy sa aking ginagawa.“Kawawa ka naman pala, marahil ay ulila ka na k