“Señora may mga tao po sa labas na naghahanap kay señorita Aria.” Sabi ng isang katulong kay Lyra, bakas ang takot sa mukha nito.
Lumalim ang gatla sa noo ni Lyra dahil sa labis na pagtataka.Wala siyang Ibang alam na pwedeng maghanap sa anak ni Lorenzo maliban kay atty. Thompson.Ilang segundo lang ang lumipas ay namangha si Lyra ng mula sa pintuan ay biglang pumasok ang isang matangkad at gwapong binata na nakasuot ng black, 3 piece suit.Mula sa matikas na pangangatawan ay malalaman mo na hindi siya isang ordinaryong tao. Ang awra nito ay naghuhumiyaw sa kapangyarihan, halata na mula ito sa mataas na estado ng lipunan dahil sa mamahaling kasuotan nito.Nakakatakot kung makatitig ang itim nitong mga mata na tila ba inaarok ang buong pagkatao mo.Nanatiling blangko ang mukha nito, kaya kay hirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata.At base sa expression ng kan’yang mukha ay siya ang klase ng taong hindi mo dapat pinaghihintay.Napalunok si Lyra, hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng takot sa lalaking nakatayo ngayon sa kan’yang harapan.“Bakit ba maraming nahuhumaling sa batang iyon? At ano ang kaugnayan ng lalaking ito sa anak ni Lorenzo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa kan’yang isipan habang tulala sa gwapong mukha ng binata.Harris POV“Ano ang ibig sabihin nito? Sino kayo?” Tanong ng nagulat na babae dahil sa walang pahintulot na pagpasok ko sa loob ng tahanan nito.Sa tingin ko ay nasa edad 40 pa lang ang babae, ngunit bata pa rin itong tingnan dahil sa magarang pananamit nito at mga alahas na suot sa katawan.Sa loob ng anim na buwang paghahanap ng aking mga mga tauhan kay Aria ay natunton din nila kung saan nakatira ang ama nitong si Lorenzo Lynch.Nalaman ko rin na namatay sa isang aksidente ang ama ni Aria isang linggo pa lang ang nakalipas kaya matinding pag-aalala ang naramdaman ko para sa aking munting anghel.Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kaagad kong pinuntahan ang kinaroroonan ni Aria.“Nasaan si Zaharia?” Balik tanong ko sa kan’ya imbes na sagutin ang tanong nito.Tanging kaseryosohan lang ang makikitang expression sa mukha ko habang walang ganang nakatingin sa ginang.Nakatayo lang ako sa harapan niya habang nakasilid ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong itim na slacks.“Anong kailangan mo sa anak ko?” Mataray na tanong niya sa akin ng makabawi sa pagkabigla.“She’s not your daughter, so don’t waste my time ilabas mo na si Aria at ibigay mo siya sa akin kung ayaw mong magkaproblema tayo.” Walang gana kong sagot.Hindi ko alam kung bakit kay bigat ng loob ko sa babaeng ito gayong ito pa lang ang una naming pagkikita.Nagulat ako ng bigla itong humagulhol ng iyak bago umupo sa sofa na parang tila isang kandila na unti-unting nauupos.Tinakpan ng dalawang palad nito ang kan’yang mukha at doon ay nagpatuloy ng pag-iyak.“Isang linggo ng nawawala si Aria, tinangay ito ng kan’yang Yaya noong mga panahon na nagluluksa kami sa pagkamatay ng aking asawa.Maniwala ka sa akin, hindi ko alam kung nasaan si Aria ngayon.” Anya habang umiiyak..Natigilan akong bigla sa mga narinig ko mula sa kanya, mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay pakiramdam ko ay biglang bumigat ang aking dibdib.Ang lahat ng kasiyahan at pananabik na muling masilayan ang batang si Aria ay naglahong parang bula napalitan ito ng sakit at labis na pag-aalala.Nagdududang tingin ang ipinukol ko sa babae.“Halughugin niyo ang buong paligid.” Mariin kong utos sa aking mga tauhan ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ng stepmother ni Aria.Nagulat ito sa aking sinabi at bigla itong tumayo, halata na hindi ito mapakali.“Hindi n’yo ba alam na trespassing ang ginagawa ninyo! Idedemanda ko kayo!” Galit nitong wika, tumaas ang sulok ng aking bibig.“Go on, sue me.” Mariin kong sabi na hindi man lang nabahala sa sinabi nito.Ilang minuto ang lumipas ay bumalik ang limang tauhan ko sa aking tabi.“Young Master, wala si Ms. Zaharia sa paligid.” Anya ng aking tauhan, dumilim ang aking mukha at pakiramdam ko ay para akong bomba na sasabog anumang oras.“James! Hanapin nyo ang babaeng iyon at dalhin sa akin! Huwag kayong titigil hanggat hindi ninyo Nakikita si Aria.” Ma awtoridad kong utos sa aking kanang kamay, mabilis itong yumukod at sumagot ng “masusunod, Young Master.”Bakas ang matinding gulat sa mukha ng babae, marahil ay ngayon pa lang ako nito nakilala dahil bahagyang umawang ang bibig nito.Hindi ko na ito pinag-aksayahan pa ng panahon at kaagad ko na itong tinalikuran.Mabigat ang loob ko na pumihit paharap sa pintuan ngunit nakapagtataka kung bakit kay bigat ng aking mga paa at hindi ko ito maihakbang.Napalingon ako sa puno ng hagdan ng maramdaman ko ang presensya ng isang bata.Ngunit nadismaya lang ako ng makita ko ang isang batang babae na halos kaedaran lang ni Aria.Nakatitig sa akin ang itim nitong mga mata at kita ang paghanga nito sa akin.Bagsak ang itim at mahaba nitong buhok, maputi ang bata ngunit higit na maputi si Aria ko.Ang tingin ko lang sa kan’ya ay isang normal na bata, hindi katulad ni Aria ko na sa unang pagkikita pa lang naming dalawa ay may espesyal na damdamin na nag-uugnay sa aming dalawa.Tuluyan na akong lumabas ng bahay, pagdating sa labas ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling sinulyapan ang kabuuan ng bahay.Nang mga oras na ito ay matinding kalungkutan ang bumabalot sa puso ko habang nakatanaw sa bahay ng pamilyang Lynch.“Hindi ako titigil hanggang sa matagpuan kita Zaharia.” Anya sa aking isipan at hindi ko na namalayan ang pagpatak ng isang luha sa gilid ng aking mata.”Hindi lingid sa kaalaman ni Harris na kanina pa nakatitig si Aria sa exhaust fan dahil tanging doon lang siya nakakakita ng liwanag.Wala sa loob na napaluha ang batang si Aria dahil ng mga sandaling iyon ay iniisip niya si Mr. Smith habang tahimik na umiiyak.“Kapag nakalabas ako dito ay hahanapin kita Mr. para bawiin sayo ang kwintas at singsing ni Mommy.” Anya sa kan’yang sarili habang malungkot na nakatanaw sa maliit na liwanag.Iisa ang tumatakbo sa isip ng dalawa at iisa rin ang kanilang nararamdaman ngunit wala silang kaalam-alam na tanging pader lang ang kanilang pagitan.Sa huling sulyap ni Harris sa tahanan ng mga Lynch ay isang pangako ang kan’yang binitiwan.“Kahit lumipas man ang maraming taon ay hindi ako susuko sa paghahanap sayo Aria ko, hihinto lang ako kapag bumalik ka na aking mga bisig.” Anya sa isipan bago tuluyang sumakay sa kan’yang sasakyan.“Mommy, sino ang lalaking iyon?” Tanong ni Chelsy sa Ina.“Siya si Mr. Harris Smith ang nag-iisang tagapagmana ng mga Smith, ang pinakamayamang pamilya sa buong bansa.” Wala sa sariling sagot ni Lyra sa anak na si Chelsy, habang nakatitig sa pintuan na nilabasan ng binata at nang mga tauhan nito.Ngayon lang niya napagtanto kung sino ang taong kaharap niya kanina at hindi siya makapaniwala na ang billionaryong ‘yun ang naghahanap sa isang paslit.“I like him, Mom.” Seryosong pahayag ni Chelsy sa ina, bigla itong napalingon sa anak bago matamang tinitigan ang mukha ng bata.Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lyra na wari mo ay may magandang naisip.“You know that he is looking at Aria?” malambing na wika niya sa anak, nagdilim ang mukha ni Chelsy na tila ikinagalit nito ang sinabi ng ina.Dahil sa narinig ay lalong tumindi ang galit ni Chelsy kay Aria at nilamon ng matinding inggit ang kan’yang puso.“Bakit ba kinukuha na lang ni Aria sa akin ang lahat?” Galit na tanong nito sa kan’yang ina, nagsimula ng mamula ang mga mata ng bata tanda na malapit na itong umiyak.“Yeah, your right, na kay Aria na ang lahat at sadyang napakaswerte niya, but who knows that someday ang lahat ng swerteng iyon ay nakalaan pala para sa’yo?” Nakangiting paliwanag niya sa anak.Natigilan si Chelsy at nagtatanong ang mga mata na tumitig sa mukha ng ina, dahil labis siyang naguguluhan sa mga sinabi nito.“So, don’t cry, sweetheart, remember that you are my daughter and you're the one who will inherit everything.Even Mr. Smith, you have him.” Anya sa anak sa malambing na tinig bago matamis na ngumiti dito.Biglang sumilay ang isang magandang ngiti sa munting labi ng batang si Chelsy, makikita ang labis na katuwaan sa inosenteng mukha nito.Nagsumiksik si Aria ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kan’yang stepmother.Tanging ang tunog ng mataas na takong ang naririnig sa buong kwarto habang tahimik na nakamasid lang si Aria sa ina-inahan.“Magmula ngayon ay mananatili ka sa loob ng kwarto na ito, lalabas ka lang pagtunton ng ala-una ng gabi para maglinis ng buong bahay at kumain, nagkakaintindihan ba tayo?” mataray na pahayag ni Lyra kay Aria.“Opo.” Mahinang sagot nito habang malungkot na nakatingin sa Madrasta.“At magmula ngayon ay ayoko ng marinig pa ang boses mo, ni huwag mong susubukan na tumingin sa akin dahil ayokong makita ang pagmumukha mong yan!” Nanggigigil na wika nito.Mabilis na nag yuko ng ulo si Aria upang hindi na magalit pa sa kanya ang Mama Lyra niya. Pagkayuko nito ay magkakasunod na tango ang ginawa ng bata na siyang ikinasiya ni Lyra.Sa tuwing nakikita ni Lyra ang mukha ni Aria ay naaalala niya ang mukha ni Zarina, ang ina nito.Si Zarina ay pinsang buo niya sa mother side, simula pa lang ng bata sila ay na kay Zarina na ang lahat ng atensyon.Mas lalong lumaki ang galit niya sa ina ni Aria ng ito ang piliin ng kaibigan nilang si Lorenzo, hindi lingid sa kaalaman ng dalawa ay palihim niyang minahal si Lorenzo.Halos gumuho ang mundo ni Lyra ng magpakasal ang dalawa kaya gumawa siya ng paraan para masira ang pagsasama ng dalawa.Nagkataon naman na ayaw ng mama ni Lorenzo kay Zarina dahil sa malaking agwat ng estado nila sa buhay.Mayaman ang pamilya ni Lorenzo samantalang isang kahig, isang tuka ang pamilya ni Zarina, dahil inabandona ito ng sariling ama at tanging ang ina lang nito ang nagtaguyod kay Zarina.Pumabor kay Lyra ang lahat, dahil mayaman ang kan’yang pamilya, kaya nakuha niya ang loob ng ina ni Lorenzo hanggang sa gumawa ng paraan ang ina nito at pinaalis si Zarina sa bahay nilang mag-asawa.Nagkaroon ng kasunduan ang pamilya ni Lorenzo at Lyra kaya naikasal ang dalawa.Walang nagawa si Lorenzo kung hindi ang maging sunod-sunuran sa ina kaya nakulong si Lorenzo sa isang arranged marriage.Nang pumanaw ang ina ni Lorenzo ay nakuha niya ang lahat ng mana nito, saka pa lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na hanapin ang kanyang mag-ina.Sa tuwing naaalala ni Lyra ang lahat ng nakaraan ay tumitindi ang galit na nararamdaman niya para kay Zarina at Lorenzo.At ngayon ay nasa harapan niya mismo ang bunga ng pagmamahalan ni Lorenzo at Zarina.Hindi na namalayan ni Lyra na umiiyak na pala siya, mabilis na pinahid ang mga luha sa pisngi at nagmamadaling lumabas ng kwarto.Hanggang ngayon kasi ay nasasaktan pa rin siya dahil kahit patay na si Zarina ay ito pa rin ang minahal ni Lorenzo at ngayon ay nakikita niya ang sarili sa anak na si Chelsy.Hindi siya papayag na magaya ang anak sa kanyang kapalaran dahil gagawin niya ang lahat, para mapunta ang lahat kay Chelsy.“Eleven Years Later”Biglang nataranta ang lahat dahil sa pagdating ng isang mamahaling sasakyan, nagmamadaling kumilos ang lahat ng empleyado nang Smith Auto Luxury Company at nagtipon ang mga ito sa bungad ng lobby upang salubungin ang pagpasok ng kanilang boss.Bumukas ang pintuan ng kotse at bumaba ang isang pares ng makintab na sapatos.Sabay-sabay na yumukod ang lahat ng tuluyang makababa si Harris sa kan’yang sasakyan.Wala kahit isa sa kanila ang may lakas ng loob na magtaas ng tingin upang tingnan ang mukha ng binata.Walang pakialam na humakbang papasok sa loob ng kan’yang kumpanya ang binata habang nanatiling seryoso ang expression ng mukha nito.“Mga walang silbi ang mga taong kinuha mo, ilang taon na ang nakaraan hanggang ngayon ay hindi n’yo pa rin nakikita si Aria.” Mahina ngunit may diin na pahayag ng binata sa kan’yang tauhan na si James habang patuloy sila sa paglalakad.Mas pinili ni James ang tumahimik at tanggapin ang galit ng kan’yang boss dahil kilala niya ang u
Aria’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang maliit na alarm clock na nakalagay sa bandang uluhan ko.Ala-una na ng madaling araw kaya nagmamadali akong tumayo at isinuot ang aking tsinelas.Sa maraming taon na lumipas ay masasabi ko na parang huminto ang buhay ko, dahil sa matinding kalungkutan. Tanging ang apat na sulok ng kwarto na ito ang naging saksi sa lahat ng hirap na dinanas ko sa kamay ng aking stepmother.Sa gabi lang ako maaaring lumabas at kailangan bago mag-alas tres ay matapos ko na ang lahat ng gawain ko.Para akong multo sa sarili kong tahanan dahil walang nakakaalam na nag-eexist pa ako dito sa mundo.Buong maghapon ay nakakulong lang ako sa loob ng aking kwarto, bawal akong lumabas, bawal akong magsalita o gumawa ng anumang ingay.Buong araw din akong hindi kumakain, nakakakain lang ako tuwing gabi kaya para makasurvived sa malaimpyernong buhay na ito ay palihim akong nagtatago ng pagkain upang may makain ako kahit kaunti sa buong maghapon.Sa tuwi
“Mommy, may hinala ako na nakita ni Mr. Smith ang babaeng iyon!” Naghi-hysterical na wika ni Chelsy sa kan’yang ina.“Anong sabi mo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa anak.“Yes, Mommy, narinig ko ng utusan ni Mr. Smith ang mga tauhan niya upang hanapin ang isang babae.Nagulat din ako ng biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, kaya sigurado ako na nakita niya ang babaeng iyon!” Naluluha na pahayag nito sa ina.Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Lyra at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng makaalis na si Harris at ang mga tauhan nito.“Don’t cry, Sweetheart, dahil sisiguraduhin ko na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo, at kung sakaling muling magkita ang dalawa ay sigurado ako na si Mr. Smith na mismo ang lalayo kay Aria.Kaya ituloy mo lang ang pagpapanggap hanggang sa tuluyang mahulog sayo ang loob ni Mr. Smith.” Balewalang pahayag ni Lyra sa anak habang nakataas ang gilid ng bibig nito.Natigilan si Chelsy sa narinig mula sa kan’yang ina at u
Aria’s POVPagsapit ng hating gabi ay biglang bumukas ang pintuan, mabilis akong bumangon at sumiksik sa pader ng pumasok si mama Lyra sa loob ng aking kwarto.Hindi ito nag-iisa dahil mula sa likuran nito ay nakasunod ang isang may katandaan ng lalaki.Tanging ang ilaw mula sa labas ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko kaya bahagya pa akong nasilaw dahil hindi sanay na makakita ng liwanag ang aking mga mata.“Sigurado ka ba na hindi ako sasabit sa babaeng ito Lyra?” Naniniguradong tanong ng matandang lalaki kay mama Lyra.“Ulila na yan, kaya wala ng maghahabol pa sa babaeng ‘yan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa kan’ya at higit sa lahat ay birhen pa ang isang yan.” Nakangising sagot ng aking madrasta sa lalaki.Tila natuwa ang lalaki sa kan’yang narinig at malagkit na tingin ang ipinukol nito sa akin kaya nakadama ako ng takot sa mga titig nito.“Naideposito mo na ba ang pera sa bank account ko?” Narinig kong tanong ni mama Lyra.“Tulad ng na
Harris POVSimula ng maka-encounter ko ang éstranghérang babae ay hindi na ako mapakali at para akong masisiraan ng ulo sa kakaisip sa babaeng iyon.Lalo na kapag naaalala ko ang malambot nitong mga labi na tila hinihigop ang lahat ng lakas ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit pagdating sa babaeng iyon ay nawawala ang kontrol ko sa sarili at bigla akong nakadama ng matinding pananabik para sa kan’ya.Di yata’t tinangay nito ang puso ko dahil labis akong nasaktan ng hindi ko na naramdaman ang presensya nito sa aking tabi.Nakapagtataka na kay bilis niyang nawala, hinalughog na ng mga tauhan ko ang buong paligid ngunit bigo sila na mahanap ang babae.Pakiramdam ko ay puno ng sikreto ang tahanan ng mga Lynch at iyon ang nais kong tuklasin.Bago ako umalis sa bahay ng mga Lynch pinaiwan ko sina James upang lihim na magmatyag sa bawat kilos ng stepmother ni Aria.Mula ng makadaupang palad ko ang éstranghérang babae ay tuluyan na akong nawalan ng gana kay Aria.Walang akong
Harris POVNapalingon ako sa pintuan ng bathroom ng maramdaman ko ang presensya ni Collin.Nahihiya na lumabas ito mula sa pintuan at hindi ko maiwasan ang matulala sa kagandahan niyang taglay.Bumagay sa kan’ya ang malaking t-shirt’s ko na umabot hanggang kalahati ng hita niya.Pinagamit ko muna kasi sa kan’ya ang damit ko dahil hindi pa dumarating ang mga pinabili kong damit para sa dalaga.Ang suot niyang panloob ay ang short trunks ko na itinali ko na lang ng mahigpit upang hindi siya mahubaran.“K-kuya, o-okay k-ka la-lang?” Nahihirapan niyang bigkas, bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses nito.Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanya at inalalayan ito na makaupo sa gilid ng kama. “Maupo ka muna at gagamutin ko ang mga sugat mo.” Anya bago kinuha ang medicine kit habang ito ay tahimik lang na nakamasid sa akin.“Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari sayo? At sino ang may gawa nito sayo?” Malumanay na tanong ko sa kan’ya.Napansin ko na hindi ito
Harris POVAlas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay dahil pagkatapos kong makipagkita kay Chelsy ay dumiretso ako sa aking opisina.Inuwi ko sa bahay ang lahat ng trabaho ko para may kasama si Collin.Pagpasok ko pa lang sa pinakamaindoor ng bahay ay sinalubong na kaagad ako ng kasambahay halata na balisa ito.“Y-young Master, kaninang umaga pa hindi lumalabas ng kwarto si Collin, hindi kami makapasok sa loob dahil nakakandado ang pintuan.” Natataranta nitong wika, halos takbuhin ko na ang hagdan para mabilis na makarating sa aking kwarto.Dinukot ko ang susi sa bulsa ng suot kong pantalon at saka binuksan ang kwarto.Sa pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang madilim na loob ng kwarto kaya hindi ko makita si Collin.“Collin!” Tawag ko sa pangalan nito ngunit wala akong narinig na anumang sagot mula sa dalaga.Pinindot ko ang switch ng ilaw at kumalat ang liwanag sa buong kwarto, napansin ko ang pagkain sa lamesa na hindi man lang nagagalaw at sa tingin ko ay kaninang umaga pa
Aria’s POV“Mahigit isang linggo na akong namamalagi sa Mansion ni Harris, isang linggo na rin kaming nagkukulong sa kan’yang kwarto.Napakabuti niya sa akin at ni minsan ay hindi na niya ako iniwan, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kan’ya ang totoo kong pangalan.Natatakot kasi ako na matunton ng matandang lalaki na siyang bumili sa akin, ang kinaroroonan ko.Ayoko na ring malayo sa tabi ni Mr. Harris, kapag kasi nasa tabi ko siya ay nawawala ang takot ko sa puso ko at laging kampante ang pakiramdam ko.Nakokonsensya ako sa tuwing tinatawag niya akong Collin ngunit ito na lang ang tanging paraan na naisip ko para sa kaligtasan ko.“Anong iniisip mo? At kanina ka pa tulala.” Tanong ni Mr. Harris habang patuloy na gumagapang ang mga labi nito sa aking balat.“W-wala,” utal kong sagot, napatingala ako ng sipsipin niya ang balat ko sa sensitibong bahagi ng aking leeg.Hindi ko na napigilan ang isang mahabang ungol na nanulas sa bibig ko. Sa loob ng isang linggo ay
Hareth’s Point of view“Pare, kinakabahan ako sa surpresa n’yo na ‘to may pa blindfold pa kayong nalalaman.” Ani ko kay Jasper at Lorence, kasama ang iba pa naming kaibigan na kasamahan namin sa racing.“Sisihin mo ‘yang si Lorence siya ang may pakana ng lahat ng ito.” Sagot ni Jasper habang tumatawa, dahan-dahan akong humakbang habang inaalalayan ako ni Jasper paupo sa may sofa.Naririnig ko ang tawanan at hiyawan ng mga kaibigan ko ng pumailanlang sa buong kwarto ang isang maharot na tugtugin.Tinanggal ni Lorence ang tali sa aking mga mata kaya tumambad sa aking paningin ang madilim na kwarto at ang tanging nagbibigay liwanag ay ang ibat-ibang kulay ng ilaw na umiikot sa paligid kaya nagmukhang disco ang loob ng kwarto na aming kinaroroonan. Ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang malaking kahon na nasa gitna, hindi pa man nabubuksan ito ay kinakabahan na ako dahil nahihinuha ko na kung ano ang laman ng malaking kahon.Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang pag-iisang
Hareth Point of viewNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumalaw sa aking tabî si Angela kaya nagmulat ako ng aking mga mata. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inaantok kong tanong sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Alas siyete na ng umaga nang magising ito at nanatili pa rin kaming nakahiga sa kama.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa bibig nito bago humarap sa akin, yumakap sa aking katawan ang isang braso nito bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.“Masarap ang tulog ko kasi katabi kita, salamat.” Malambing niyang saad, mahigpit ko siyang niyakap habang masuyong hinahaplos ito sa likod. May isang buwan na rin kaming namamalagi dito sa resort, dahil kailangan ni Angela ng isang tahimik at payapang lugar na makakatulong sa kanyang paggaling. Naghilom na ang sugat nito sa balikat kaya masasabi kong magaling na ito sa physical na antas ngunit hindi sa emosyonal na aspeto.Pagkatapos ng insidente na iyon ay malaki ang naging epekto nito sa mental health
“Young masyer! A-ang mommy n’yo naaksidente!” Nagulat si Hareth sa biglaang pagpasok ng isang nurse sa loob ng kwarto, namumutla na ang mukha nito at halata ang labis na pagkataranta ng nurse na wari mo ay may kinatatakutan.Nang marinig ni Hareth ang sinabi nito ay natataranta siyang tumayo bago lumingon ang sa kanyang tauhan.“Maiwan ka dito bantayan mong mabuti ang asawa ko.” Utos niya sa lalaki, mabilis itong nagyuko ng ulo bilang tugon sa kanya.Isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa asawa na nakaratay sa higaan, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.Nagmamadali na lumabas siya ng kwarto at naiwan ang isang katulong pati ang isa sa kanyang bodyguard na nagbabantay sa may pintuan ng kwarto.Malaki ang mga hakbang ni Hareth palabas ng hospital habang pilit na tinatawagan ang kanyang ina sa number nito.Makailang ulit niyang sinubukan na tawagan ang ina ngunit wala talagang sumasagot.Mabilis na pinasibat ang sasakyan palayo ng hospital, habang sa kanyang likuran
Angela’s Point of viewNagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa aking mukha at sa tingin ko ay may ilang minuto ng nakatayo sa aking paanan ang isang estranghero. Kahit hindi ko nakikita kung sino ito ay ramdam ko ang mabigat na enerhiyang dala nito na may kaakibat na panganib. May ilang segundo na rin akong gising ngunit mas pinili ko na mag-kunwaring tulog at makiramdam sa aking paligid.Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabâg nito tungo sa kanang bahagi ng kama.Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay maging ang pag-angat ng isang braso nito sa ere, hanggang sa isang iglap ay mabilis kong nasalo ang braso nito na paparating sa aking mukha. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha ng sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang dulo ng isang patalim na gahibla na lang ang layo sa dibdib ko.Isang lalaki na nakasuot na pang nurse na uniporme ang siyang may hawak ng patalim at nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na patayin ako ni
Angela’s Point of viewUmangat ang dalawang daliri ko sa ere bago sumenyas ito pauna habang seryosong nakatingin sa unahan. Kahit hindi ako tumingin sa aking mga kasamahan ay alam ko na alerto silang lahat sa bawat signal na ginagawa ko.Pagkatapos na sumenyas ay nag simula ng kumalat ang kasamahan ko sa paligid habang bitbit ang kanilang mga baril, kasalukuyan kaming nasa mission ngayon at masasabi ko na isa ito sa pinaka delikadong misyon ng aking grupo.Napaka tahimik ng buong paligid, ngunit sa kabila ng payapang gabi ay nagbabadya ang isang matinding laban sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng mga militar.Makapigil hininga ang bawat segundo na lumilipas dahil nakasalalay sa misyong ito ang aming mga buhay.Tumingin ako sa relo na nasa bisig ko at ilang minuto na lang ay sisimulan na naming lumusob sa kampo ng mga rebelde upang iligtas ang kanilang mga bihag. Maingat ang bawat galaw ng aking mga kasamahan, iniiwasan na gumawa ng anumang kaluskos upang hindi malaman ng kalaban
Hareth point of view“Salamat, Hareth, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.” Nakikita ko ang katapatan niya sa kanyang mga salita kaya alam ko na walang halong pagkukunwari ito. Sabay pa kaming napangiti ni Margareth na wari mo ay malapit na magkaibigan, bago siya tuluyang nagpaalam sa akin.Nakangiti na akong lumabas ng comfort room at bumalik sa table na kinaroroonan ng aking mga kaibigan.“Oh, Par, nasaan si Angela?” Nagtataka na tanong sa akin ni Jasper na siyang ikinataka ko, halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa tanong nito.“Ang tagal mo kasing bumalik kaya sumunod na siya sa restroom, hindi ba kayo nagkita?” Naguguluhan na tanong niya sa akin, huli na bago ko pa maunawaan ang lahat. Mabilis na inikot ang buong paligid nagbabakasakali na matagpuan ko ko ito ngunit hindi ko nakita ang aking asawa. Maging sina Jasper ay sinubukang hanapin si Angela ngunit maging sila ay bigo na mahanap ito.Nagmamadali na tinungo ko ang kinapaparadahan ng aking sasakyan at halos palipa
Hareth Point of view“Honey, ayaw mo ba akong samahan? Remember ngayon ang anniversary ng organization namin sa racing.” Pangungulit ko sa aking asawa, ni hindi man lang ito nag-abalang magmulat ng kanyang mga mata ng sumagot sa akin.“Susunod na lang ako, mauna ka na, gusto ko pang matulog eh, kahit thirty minutes lang, please Honey.” Ani niya sa tono na tila nakikiusap. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit tinatamad itong bumangon dahil masyado siyang napagod sa pag-aasikaso para sa nalalapit naming kasal. Hindi ko na kasi siya nasamahan dahil nagkaroon ng emergency meeting sa kumpanya, maaga naman akong nakauwi ngunit halos sabay lang kaming dumating ng bahay.“Sure ka, na susunod ka?” Naninigurado kong tanong sa kanya bago ito hinalikan sa labi habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.“Yeah, promise.” Inaantok niyang sagot sa akin, halata ang matinding pagod sa maganda niyang mukha. Tumayo na ako upang makapag palit ng damit at bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ay mul
“And now you may kiss the bride.” Anunsyo ng Judge na siyang nagkasal sa aming dalawa ni Hareth. Napakabilis ng mga pangyayari, dahil sa pagkakaalam ko ay ipinatawag lang kami ni tita Zaharia upang kausapin. Ngunit laking gulat ko ng pagdating namin sa mansion ng mga Smith ay may naghihintay ng Judge na siyang magkakasal sa aming dalawa.Hindi ako malapaniwala na wala pang isang oras ang lumipas ay may asawa na kaagad ako. Nilibot ko ang aking paningin at tanging ang mga nakangiting mukha ng lahat ang siyang nakapalibot sa akin.“Congratulations, Iha, sa wakas natupad na rin ang pangarap ko na ikaw ang mapangasawa ng aking anak.” Ani ni tita Zaharia bago mahigpit akong niyakap nito kaya gumanti ako ng isang mahigpit na yakap sa kanya.“Maraming salamat, tita.” Ani ko, ngunit biglang sumimangot ang mukha nito kaya nagkatawanan ang lahat.“My Ghod, Angela, hanggang ngayon ba ay tita pa rin ang tawag mo sa akin? Talaga bang mahirap para sayo ang tawagin akong mommy?” Nagtatampo niyang tu
Angela’s Point of viewNakakailang, iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito ngunit wala akong magawa kung hindi ang tahimik na tumayo sa tabi ni Hareth.Nandito kami ngayon sa isang magarbong pagtitipon dahil kaarawan ng isa sa mga business partner ng mga Smith. Wala akong nagawa ng sapilitan akong isinama ni Tita Zaharia bilang escort ng kanyang anak.Walang ideya ang ginang sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ng kanyang anak. Nangako naman sa akin si Hareth na walang makakaalam sa kung anong relasyon ang meron kami. Gusto ko kasi na maging pribado ang lahat para walang mapag-usapan ang mga tao sa aming paligid kung sakaling dumating ang panahon na kailangan na naming maghiwalay.Nang araw na sabihin ko kay Hareth na tinatanggap ko lang siya bilang kaibigan ay wala akong natanggap na anumang reaksyon mula sa kanya, ngunit ng ibalik ko ang singsing na binigay niya sa akin ay basta na lang ako nito tinalikuran at umalis na lang ito ng bahay ng walang paalam.“Hi, babe! How