Aria’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang maliit na alarm clock na nakalagay sa bandang uluhan ko.Ala-una na ng madaling araw kaya nagmamadali akong tumayo at isinuot ang aking tsinelas.Sa maraming taon na lumipas ay masasabi ko na parang huminto ang buhay ko, dahil sa matinding kalungkutan. Tanging ang apat na sulok ng kwarto na ito ang naging saksi sa lahat ng hirap na dinanas ko sa kamay ng aking stepmother.Sa gabi lang ako maaaring lumabas at kailangan bago mag-alas tres ay matapos ko na ang lahat ng gawain ko.Para akong multo sa sarili kong tahanan dahil walang nakakaalam na nag-eexist pa ako dito sa mundo.Buong maghapon ay nakakulong lang ako sa loob ng aking kwarto, bawal akong lumabas, bawal akong magsalita o gumawa ng anumang ingay.Buong araw din akong hindi kumakain, nakakakain lang ako tuwing gabi kaya para makasurvived sa malaimpyernong buhay na ito ay palihim akong nagtatago ng pagkain upang may makain ako kahit kaunti sa buong maghapon.Sa tuwi
“Mommy, may hinala ako na nakita ni Mr. Smith ang babaeng iyon!” Naghi-hysterical na wika ni Chelsy sa kan’yang ina.“Anong sabi mo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa anak.“Yes, Mommy, narinig ko ng utusan ni Mr. Smith ang mga tauhan niya upang hanapin ang isang babae.Nagulat din ako ng biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, kaya sigurado ako na nakita niya ang babaeng iyon!” Naluluha na pahayag nito sa ina.Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Lyra at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng makaalis na si Harris at ang mga tauhan nito.“Don’t cry, Sweetheart, dahil sisiguraduhin ko na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo, at kung sakaling muling magkita ang dalawa ay sigurado ako na si Mr. Smith na mismo ang lalayo kay Aria.Kaya ituloy mo lang ang pagpapanggap hanggang sa tuluyang mahulog sayo ang loob ni Mr. Smith.” Balewalang pahayag ni Lyra sa anak habang nakataas ang gilid ng bibig nito.Natigilan si Chelsy sa narinig mula sa kan’yang ina at u
Aria’s POVPagsapit ng hating gabi ay biglang bumukas ang pintuan, mabilis akong bumangon at sumiksik sa pader ng pumasok si mama Lyra sa loob ng aking kwarto.Hindi ito nag-iisa dahil mula sa likuran nito ay nakasunod ang isang may katandaan ng lalaki.Tanging ang ilaw mula sa labas ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko kaya bahagya pa akong nasilaw dahil hindi sanay na makakita ng liwanag ang aking mga mata.“Sigurado ka ba na hindi ako sasabit sa babaeng ito Lyra?” Naniniguradong tanong ng matandang lalaki kay mama Lyra.“Ulila na yan, kaya wala ng maghahabol pa sa babaeng ‘yan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa kan’ya at higit sa lahat ay birhen pa ang isang yan.” Nakangising sagot ng aking madrasta sa lalaki.Tila natuwa ang lalaki sa kan’yang narinig at malagkit na tingin ang ipinukol nito sa akin kaya nakadama ako ng takot sa mga titig nito.“Naideposito mo na ba ang pera sa bank account ko?” Narinig kong tanong ni mama Lyra.“Tulad ng na
Harris POVSimula ng maka-encounter ko ang éstranghérang babae ay hindi na ako mapakali at para akong masisiraan ng ulo sa kakaisip sa babaeng iyon.Lalo na kapag naaalala ko ang malambot nitong mga labi na tila hinihigop ang lahat ng lakas ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit pagdating sa babaeng iyon ay nawawala ang kontrol ko sa sarili at bigla akong nakadama ng matinding pananabik para sa kan’ya.Di yata’t tinangay nito ang puso ko dahil labis akong nasaktan ng hindi ko na naramdaman ang presensya nito sa aking tabi.Nakapagtataka na kay bilis niyang nawala, hinalughog na ng mga tauhan ko ang buong paligid ngunit bigo sila na mahanap ang babae.Pakiramdam ko ay puno ng sikreto ang tahanan ng mga Lynch at iyon ang nais kong tuklasin.Bago ako umalis sa bahay ng mga Lynch pinaiwan ko sina James upang lihim na magmatyag sa bawat kilos ng stepmother ni Aria.Mula ng makadaupang palad ko ang éstranghérang babae ay tuluyan na akong nawalan ng gana kay Aria.Walang akong
Harris POVNapalingon ako sa pintuan ng bathroom ng maramdaman ko ang presensya ni Collin.Nahihiya na lumabas ito mula sa pintuan at hindi ko maiwasan ang matulala sa kagandahan niyang taglay.Bumagay sa kan’ya ang malaking t-shirt’s ko na umabot hanggang kalahati ng hita niya.Pinagamit ko muna kasi sa kan’ya ang damit ko dahil hindi pa dumarating ang mga pinabili kong damit para sa dalaga.Ang suot niyang panloob ay ang short trunks ko na itinali ko na lang ng mahigpit upang hindi siya mahubaran.“K-kuya, o-okay k-ka la-lang?” Nahihirapan niyang bigkas, bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses nito.Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanya at inalalayan ito na makaupo sa gilid ng kama. “Maupo ka muna at gagamutin ko ang mga sugat mo.” Anya bago kinuha ang medicine kit habang ito ay tahimik lang na nakamasid sa akin.“Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari sayo? At sino ang may gawa nito sayo?” Malumanay na tanong ko sa kan’ya.Napansin ko na hindi ito
Harris POVAlas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay dahil pagkatapos kong makipagkita kay Chelsy ay dumiretso ako sa aking opisina.Inuwi ko sa bahay ang lahat ng trabaho ko para may kasama si Collin.Pagpasok ko pa lang sa pinakamaindoor ng bahay ay sinalubong na kaagad ako ng kasambahay halata na balisa ito.“Y-young Master, kaninang umaga pa hindi lumalabas ng kwarto si Collin, hindi kami makapasok sa loob dahil nakakandado ang pintuan.” Natataranta nitong wika, halos takbuhin ko na ang hagdan para mabilis na makarating sa aking kwarto.Dinukot ko ang susi sa bulsa ng suot kong pantalon at saka binuksan ang kwarto.Sa pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang madilim na loob ng kwarto kaya hindi ko makita si Collin.“Collin!” Tawag ko sa pangalan nito ngunit wala akong narinig na anumang sagot mula sa dalaga.Pinindot ko ang switch ng ilaw at kumalat ang liwanag sa buong kwarto, napansin ko ang pagkain sa lamesa na hindi man lang nagagalaw at sa tingin ko ay kaninang umaga pa
Aria’s POV“Mahigit isang linggo na akong namamalagi sa Mansion ni Harris, isang linggo na rin kaming nagkukulong sa kan’yang kwarto.Napakabuti niya sa akin at ni minsan ay hindi na niya ako iniwan, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kan’ya ang totoo kong pangalan.Natatakot kasi ako na matunton ng matandang lalaki na siyang bumili sa akin, ang kinaroroonan ko.Ayoko na ring malayo sa tabi ni Mr. Harris, kapag kasi nasa tabi ko siya ay nawawala ang takot ko sa puso ko at laging kampante ang pakiramdam ko.Nakokonsensya ako sa tuwing tinatawag niya akong Collin ngunit ito na lang ang tanging paraan na naisip ko para sa kaligtasan ko.“Anong iniisip mo? At kanina ka pa tulala.” Tanong ni Mr. Harris habang patuloy na gumagapang ang mga labi nito sa aking balat.“W-wala,” utal kong sagot, napatingala ako ng sipsipin niya ang balat ko sa sensitibong bahagi ng aking leeg.Hindi ko na napigilan ang isang mahabang ungol na nanulas sa bibig ko. Sa loob ng isang linggo ay
Lyra’s POV“AHHHH!” “Crash!” Galit na sigaw ni Chelsy bago malakas na ibinato ang hawak niyang flower vase sa pader.Nabasag ito at nagkalat ang mga bubog sa sahig, bahagya pa itong hinihingal habang matalim na nakatitig sa pader.Ilang sandali pa ay nanghihina itong napaluhod sa sahig na tila naubusan ng lakas habang hilam sa luha ang kan’yang mga mata.Makikita sa mukha nito ang tila kawalan ng pag-asa.“Chelsy! Anak, what happened?” Nag-aalala kong tanong bago mabilis na lumapit dito at niyakap siya ng mahigpit saka isinandig ang ulo nito sa aking dibdib.“Mom, I like him, N-no, I love him, I really love him, Mom.” Sagot niya na tila wala sa sarili, garalgal ang tinig kaya halos pumiyok ang boses nito sa pagsasalita. Kita sa magandang mukha ng aking anak ang sakit ng kabiguan na nararamdaman nito ngayon kaya hindi ko na kinaya ang matinding emosyon at tuluyan na akong napaiyak.Batid ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya ngayon.“Sshhh… Mommy is here, Sweetheart, don’t worr