You Broke Me First

You Broke Me First

last updateLast Updated : 2024-04-18
By:   Diosa Mei  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
801views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL
Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more
I. ENGAGE
ENGAGETumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more
At my Wedding
ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more
III. A ROMANCELESS HONEYMOON  
Ang limang minutong paghihintay ko kay Menard ay inabot ng sampung minuto . . . dalawampu . . . hanggang sa umabot ng tatlumpong minuto. Nakaramdam na ako ng pagkabagot at pagkainip. Kanina pa ako panay tingin sa relong nakapulupot sa kamay ko. Parang gusto ko na tuloy bumaba at bumalik sa loob ng reception.Ngunit pinigilan ko ang sariili ko, pinalawig ko pa ang pang-uunawa ko at inisip na lang na sa dami ng bisita namin ngayon ay tiyak na nahihirapang magpaalam si Menard.Pero hindi ba dapat ay alam nilang may naghihintay kay Menard?Marahas akong napabuntonghininga at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Mabuti na lamang at tinted ang mga salamin niyon dahil kung hindi tiyak na nakakahiya sa mga naroon kung makikita ang itsura ko na parang tanga kakahintay sa Groom ko.Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Menard na palabas na elevator, parang bula namang nawala ang pagkainip ko at sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Walang duda, mahal ko nga ang lalaking iyan. He’
last updateLast Updated : 2023-05-13
Read more
True Colors
Kanina pa ‘ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami’t ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na la
last updateLast Updated : 2024-04-01
Read more
He’s the one who betrays me!
“So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital. Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda. Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol. Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang i
last updateLast Updated : 2024-04-18
Read more
DMCA.com Protection Status