Share

I. ENGAGE

Author: Diosa Mei
last update Huling Na-update: 2023-05-03 03:18:43

ENGAGE

Tumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.

Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.

Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.

Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli sa naka-program kong oras dahil bawat minutong lumilipas ay mahalaga.

“Good morning, Ma’am Yhzel. How are you today?” nakangiting bati sa akin ng security guard.

Awtomatiko akong napangiti at binati rin siya. “Good morning, Kuya Dino. I feel good today, how about you?”

“I’m good, thanks!” sagot niya at sumaludo pa pagkatapos kong mag-log in.

Nakakatuwa si Kuya Dino at talagang ma-go-good vibes ang kahit na sinong papasok dahil sa magandang ngiting isinasalubong niya sa mga tulad kong nagpupunta ng maaga sa gym.

Eksaktong alas sais ay umalis ako sa gym at umuwi na. Sinalubong ako ni Yaya Myrna para ipaalam na tumwag ang nobyo ko. Napangiti ako at pagkatapos kung magpaalam ay mabilis akong umakyat at hinanap ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon at tiningnan, may tatlong missed call nga si Menard at dalawang text.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at idinayal ang numero ng katipan, hindi mawala sa mga labi ko ang magandang ngiti. Sa totoo lang ay kinikilig ako, talagang nagawa pa niyang magising ng umaga para ipaalala sa akin ang meeting ko at ang pagkikita namin mamaya.

Ilang ring muna ang narinig ko bago narinig ang paos niyang boses. Halatang bagong gising lang ito.

“Good morning,” malambing na bati ko sa kanya. “I’m sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Alam mo namang—”

“Yeah, I know,” putol niya sa sinasabi ko. “Tumawag lang talaga ako para ipaalala sa’yo ang meeting mo at ang lakad natin later.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko maitago ang kilig sa sobrang sweetness niya.

“I know you’re smiling, sweetheart,” sabi niya sa kabilang linya.

Natawa ako at napakamot. “Bakit mo alam?”

“You can’t hide from me, sweetheart,” malambing niyang turan.

Ipinilig ko ang ulo ko at humiga sa kama. “May pupuntahan ka ba ngayong umaga?”

“Yeah,” tinataad niyang sagot. “May importante akong aasikasuhin, why?”

“Importante? Like what?” tanong ko.

“Basta, huwag ka nang magtanong pa. See you later,” aniya.

“Okay, I love you,” malambing kong turan.

“I love you too. Bye.”

Pagkababa ko ng cellphone ay napatingala ako kisame, lumitaw doon ang guwapong mukha ng katipan ko—nakangiti sa akin at puno ng pagmamahal na nakatingin sa akin.

Napangiti ako. “I love you, Menard,” usal ko.

Ilang sandali akong nanatili sa ganoong posisyon—nangangarap ng gising. Mahigit isang taon na kaming magnobyo ni Menard at wala siyang ibang pinapakita sa akin kundi kabutihan at sobra-sobrang pagmamahal. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga biniyayaan na magkaroon ng isang mapagmahal na nobyo.

Wala na akong mahihiling pa. For me, Menard is enough—more than enough. He’s everything to me at kung aayain man niya akong magpakasal ay hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ang alok niya. Handa na ako . . . handa na sa susunod na kabanata ng mga buhay namin. Iyon ay kung handa na rin siya.

****

“Good morning, Miss Hontiveros,” nakangiting bati sa akin  ng secretary kong si Sasha.

“Good morning, Sasha, mukhang maganda ang araw o ngayon, ah,” bati ko sa kanya at naglakad papuntang desk ko.

“Yes, Miss Hontiveros,” sagot naman niya. Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang tatlong file at ang schedule ko ngayong araw. Hindi ko napigilang mapakunot-noo nang makita ang limang appointment na nakalagay sa memo pad.

“Seiously? Five appointments?” tanong ko at tumingin sa kanya.

Tumango naman siya. “At nine, with Mr. Tobierna, twelve-thirty with the staffs of PR Department. Two o’clock with Mrs. Miranda, three with Mr. Lopez, kailangan niyo raw pag-usapan ang tungkol sa ilang stocks na on-hold dahil sa ilang makinang depected and—”

“I won’t attend at my last appointment,” pigil ko sa sinasabi niya. “I need to prepare myself at five-thirty, may usapan kami ni Menard and he’s picking me here.”

“And five thirty, Mr. Carpio will come and pick you,” nakangiting pagtutuloy niya sa sinasabi kanina.

“What?” muli kong tiningnan ang memo pad at natawa nang mabasa ang pangalan ng kanyang nobyo doon. “Did he call you?”

“Yes, Ma’am. Sinigurado niyang hindi mo makakalimutan ang usapan niyo,” sagot niya na tila kinilig pa habang nagsasalita.

Napailing ako at hindi naitago ang magandang ngiti sa mga labi. Kinuha ko ang cellphone ko at idinayal ang numero ni Menard.

“Hello?” ani Menard sa kabilang linya.

“Did you just make an appointment with me?” nakangiting tanong ko sa kanya.

“Oh, yeah. Baka may mauna pa sa akin at hindi ko makuha an oras mo,” masuyong turan niya sa kabilang linya.

Natawa ako at sinenyasan si Sasha na umalis na. Alas siyete pa lang kaya may oras pa akong makipag-usap sa nobyo ko.

“You know you’ll always have my time,” sabi ko at sumandal sa upuan ko at iniikot iyon. Humarap ako sa napakalaking mirror glass, mula roon ay kitang-kita niya ang napakalawak na lungsod ng Maynila.

“I know, sweetheart, but I want to make sure that I’ll have you tonight,” masuyong turan niya sa kabilang linya.

Napakagat-labi ako, pakiramdam ko ay may ibang kahulugan ang sinabi niya. Kailanman ay hindi pa kami humantong sa mas malalim na p********k, hindi pa ako handa sa gusto niyang mangyari at nirerespeto niya ang desisyon kong iyon kaya naman mas lalo ko siyang minamahal. Naniniwala pa rin ako na importante ang kasal bago namin gawin ang bagay na iyon.

Nagpaalam na siya kaya ibinaba ko na rin ang cellphone ko, itinuon ko na ang sarili sa paghahanda sa unang meeting ko ngayong araw. Parang gusto ko pa ngang matapos agad ang maghapon ko para dumating na si Menard.

Eight-thirty pa lang ay tinawag ko na si Sasha para maghanda sa unang meeting ko. Alam kong maaga rin darating si Mr. Tobierna dahil katulad ko ay importante din dito ang bawat takbo ng oras. Hindi naman nagtagal ang meeting namin dahil magkaparehas kami ng iniisip at mga plano, wala pang isang oras ay isang malaking deal na ang nagawa ko at sa susunod na buwan ay mag-uumpisa na ang korporasyon naming dalawa ni Mr. Tobierna. Buong panahon ng diskusyon namin ni Mr. Tobierna ay nasa tabi ko si Sasha at inililista ang mahahalagang detalye nang pinag-uusapan namin. Kahit ang iba niyon ay konpidensyal na at dapat ay sa aming dalawa na lang ni Mr. Tobierna ay hindi iyon itinago kay Sasha. Malaki na ang tiwala ko sa kanya at isa siya sa mga matatagal nang nagta-trabaho sa akin.

“Nakuha mo bang lahat iyon, Sasha?” tanong ko sa kanya nang makaalis na si Mr. Tobierna.

Tiningnan niya ang mga nakasulat sa pad niya at nakangiting tumango sa akin.

“Yes, Miss Hontiveros,” sagot niya.

“Good, now I want you to encode it and put it in my desk by tomorrow,” sabi ko sa kanya at tumayo na para lumabas ng confirence room. Mabilis naman siyang sumunod sa akin, pabalik na kami sa opisina ko nang tumunog ang kanyang cellphone. Isa iyong mensahe galing kay Menard na nagsasabing kumain na siya at huwag magpalipas ng gutom.

“Do you know how it felt to be love, Sasha?” baling ko sa sekretarya na nasa likod ko.

“Po?” maang na tanong niya.

Natawa ako at umiling. ‘Nevermind, forget what I asked,” sabi ko at ikinumpas sa ere ang isa kong kamay. Sa sorang saya na nararamdaman ko ay kung anu-ano na’ng tinatanong ko sa kanya.

Mabilis lang na lumipas ang maghapon ko, nalipasan na naman ako ng gutom dahil sa kakaisip ma matapos agad ang mga meeting ko. Tila hapong-hapo ako na umupo sa swivel chair ko at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. May isang oras pa ako para magpahinga.

Nakarinig ako ng katok at pumasok si Sasha na may dalang supot ng pagkain.

“Kumain po muna kayo at baka kung ano’ng mangyari na sa’yo. Nalipasan na po kayo ng gutom,” aniya na lumapit sa akin at inilapag ang pagkain sa ibabaw ng mesa.

“Thank you, Sasha,” sabi ko at hinilot ang sentido. Nakakaramdam na nga ako ng sakit ng ulo dahil sa gutom, pagkakita ko sa pagkain ay saka lang kumalam ang sikmura ko.

“May kailangan pa po kayo?” magalang na tanong niya.

Umiling siya. “Wala na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Kapag may naghanap sa akin pakisabing umuwi na ako at masakit ang ulo,” bilin ko sa kanya.

“Okay po,” iyon lang at nagpaalam na siya.

Paglabas ni Sasha ay saka ko binuksan ang pagkain, napangiti ako dahil lahat nang binili niya ay puro paborito ko. Kilalang-kilala na niya talaga ako, minsan ko na siyang tinanong kung gusto niyang bigyan ko siya ng mataas na posisyon ng kompanya ngunit tinanggihan niya kaya ang ginawa ko ay dinagdagan ko na lang ang pinapasahod ko sa kanya bilang kapalit sa matagal niyang paninilbihan sa akin.

*****

“Hold my hand and don’t open your eyes,” ani Menard habang inaalalayan ako pababa ng sasakyan.

“Saan mo ba talaga ako dinala?” tanong ko habang nakapikit ang mga mata.

“Relax, it’s a surprise, sweetheart,” masuyong bulong niya sa may punong tenga ko.

Parang lumundag ang puso ko sa malalim niyang boses. Parang sinasadya niyang lamigan iyon para mas lalo akong ma-excite. Ito ang kauna-unahang sinurpresa niya ako kaya excited akong malaman kung ano ang sinasabi niyang sorpresa.

Tumigil kami sa paglalakad, naramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. Kinakabahan ako ngunit iyon ay dahil sa sobrang excitement sa sorpresang inihanda niya para sa akin.

“Okay, open your eyes,” narinig kong saad ni Menard.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga ito at napasinghap ako sa napakagandang tanawin na bumalandra sa harap ko. Nasa isang cliff kami at mula roon ay kitang-kita ang buong kamaynilaan. Napapaligiran kami ng mga kulay dilaw na ilaw at ang iba ay nakagapang sa mga poste. Ang ‘di-kalayuan sa amin ay isang mamahaling restaurant na puno ng mga mga customer.

“Where are we?” namamanghang tanong ko kay Menard.

Lumapit siya sa akin at nakangiting hinawakan ang dalawang kamay ko. “We’re at a place where we will remember for the rest of our lives,” makahulugang turan niya.

Napalunok ako at nagpigil ng hininga. Ito na ba ang pinapangarap niya kanina lang? Magpo-propose na ba siya sa akin?

“Yhzel Hontiveros, sa harap ng maraming tao, sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan, at sa kumikislap na mga bituin . . .” may dinukot si Menard sa bulsa niya at binuksan.

Hindi ko napigilang mapaiyak nang tanggalin ni Menard ang singsing saka tumingin sa mga mata ko. “I know I’m not rich and I am just an ordinary employer but I can promise you that you won’t regret being my wife in the future . . .” Huminga siya ng malalim bago itinuloy ang pagsasalita. “Will you marry me?”

Npahagulhol ako at sunod-sunod na tumango. Hindi na ako bata at parehas na kaming nasa tamang edad. Wala na akong mga magulang, matagal na silang sumakabilang buhay at tanging ako na lang mag-isa ang natitira sa mundo. Siguro isa iyon sa mga dahil kung bakit gustong-gusto ko nang magkaroon ng sariling pamilya. Nakakasawa na ang mag-isa sa napakalaking bahay na iniwan sa akin ng mga magulang ko.

Nang gabing iyon ay isa sa mga alaalang hindi ko makakalimutan, dahil natupad na ang isa sa mga pangarap ko—ang maikasal sa taong pinakamamahal ko.

Ngunit . . . kung alam ko lang na may katapusan ang kaligayahang iyon ay hindi ko na sana itinuloy pa.

Kaugnay na kabanata

  • You Broke Me First   At my Wedding

    ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala

    Huling Na-update : 2023-05-09
  • You Broke Me First   III. A ROMANCELESS HONEYMOON  

    Ang limang minutong paghihintay ko kay Menard ay inabot ng sampung minuto . . . dalawampu . . . hanggang sa umabot ng tatlumpong minuto. Nakaramdam na ako ng pagkabagot at pagkainip. Kanina pa ako panay tingin sa relong nakapulupot sa kamay ko. Parang gusto ko na tuloy bumaba at bumalik sa loob ng reception.Ngunit pinigilan ko ang sariili ko, pinalawig ko pa ang pang-uunawa ko at inisip na lang na sa dami ng bisita namin ngayon ay tiyak na nahihirapang magpaalam si Menard.Pero hindi ba dapat ay alam nilang may naghihintay kay Menard?Marahas akong napabuntonghininga at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Mabuti na lamang at tinted ang mga salamin niyon dahil kung hindi tiyak na nakakahiya sa mga naroon kung makikita ang itsura ko na parang tanga kakahintay sa Groom ko.Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Menard na palabas na elevator, parang bula namang nawala ang pagkainip ko at sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Walang duda, mahal ko nga ang lalaking iyan. He’

    Huling Na-update : 2023-05-13
  • You Broke Me First   True Colors

    Kanina pa ‘ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami’t ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na la

    Huling Na-update : 2024-04-01
  • You Broke Me First   He’s the one who betrays me!

    “So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital. Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda. Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol. Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang i

    Huling Na-update : 2024-04-18
  • You Broke Me First   PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

    Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas

    Huling Na-update : 2023-05-03

Pinakabagong kabanata

  • You Broke Me First   I. ENGAGE

    ENGAGETumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli

  • You Broke Me First   PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

    Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas

DMCA.com Protection Status