Home / Romance / You Broke Me First / PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

Share

You Broke Me First
You Broke Me First
Author: Diosa Mei

PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

Author: Diosa Mei
last update Huling Na-update: 2023-05-03 03:17:20

Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.

“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.

“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.

“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.

Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.

Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kundi dahil sa malaking awa para sa sarili ko. Kanina lang ay ang saya-saya ko at nagawa ko pang magpasalamat sa Diyos dahil ang buong akala ko ay nagbago na si Menard. Inaya niya ako maging ng ina niyang magbakasyon at maglibot sa iba’t ibang lugar ng bansa gamit ang isa sa mga mamahaling yate na pag-aari ko mismo.

Subalit iba ang naabutan ko’t nangyari. Eksaktong nakaalis kami sa port at nakalayo ay lumabas si Sasha at doon ko nalaman ang lahat ng kasamaan nila.

“Aww, she’s crying,” ani Sasha at sinundan ng nakakabaliw na pagtawa. “How good it is to see you crying while we’re gonna enjoy your money.”

Nagtagis ang bagang ko kung hindi lang masakit ang tiyan ko mula sa pagkakasapi niya ay sinugod ko na siya’t iningudngod sa sahig ang mukha niya. Napangiwi ako nang sumigid muli ang tiyan ko, nahintakutan ako nang makita ang pag-agos ng dugo mula sa aking hita.

“I-I need to go to the hospital,” sabi ko ngunit nagtinginan lang sila at tinawanan ako.

“You’re not going anywhere, Yhzel,” nakangising sabi  ni Menard.

“What? Can’t you see? I’m f*cking bleeding!” sigaw ko sa kanya at akmang tatayo para lang muling mapaupo dahil sa muling pagsigid ng kirot ng tiyan ko.

“Who cares?” maarteng sabi ni Sasha. “You’re going to die here soon, ayaw mo bang magkasama kayo ng anak mo sa langit?”

*****

“F*ck this b*tch!” dinig kong singhal sa akin ni Sasha. Sinampal niya ako sa mukha pagkatapos akong mailagay ni Menard sa isang sirang speedboat. “Mamatay na lang pinahihirapan pa tayo!”

“Relax, honey, pagkatapos nito ay wala nang magpapahirap pa sa pagsasama natin. Mabubuhay ka ng reyna sa piling ko,” sabi naman ni Menard at sa nanlalabo kong paningin ay hinalikan niya sa labi ang kabit niya.

Nakapagtatakang wala akong maramdaman sakit sa nasasaksihang kahayupan nila. Siguro kasi namanhid na ang buong pagkatao ko sa mga nalaman, maging ang paninigas ng tiyan ko ay hindi ko na napapansin at nakapokus na lang ako sa kung kailan ako malalagutan ng hininga.

Ayoko pa sanang mamatay—ayaw ko pa! Gusto kong mabuhay pa kasama ang anak ko ngunit may magagawa ba ako para iligtas ang sarili ko sa gitna ng karagatan? Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili niyang dalhin ako sa dagat, para mas mapadali ang pagdispatsa niya sa akin.

“We’re rich, honey!” tili ni Sasha, may mga sinasabi pa siya ngunit hindi ko na marinig. Hindi ko alam kung ang sinasakyan kong speedboat ang papalayo o ang yateng sinasakyan nila—ang yateng pag-aari ng kompanya ko! Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, iligtas ang sarili at ang anak ko ngunit may darating ba?

Maliban na lang kung magkakahimala at may biglang sumulpot na magliligtas sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at naghintay na lang ng katapusan ko.

Anak, patawarin mo si Mommy. Hindi man lang kita nagawang protektahan sa mga hayop na iyon! Kung bibigyan pa ko ng isang pagkakataon ay gusto kong ayusin ang lahat ng ito at aalagaan kita, palalakihin at mamahalin ka hanggang sa huling hininga ko.

Ngunit hindi na mangyayari iyon. Pinapasok na ng tubig ang speedboat at ilang sandali na lang ay kasama na ako at ang anak ko na lulubog.

Ito na ba talaga ang katapusan ko? Hanggang dito na lang ba talaga ako? Mapupunta nga ba sa mga hayop na iyon ang mga pinaghirapan kong ipundar sa napakahabang panahon?

Hindi! Kailangan kong lumaban! Kailangan kong makaligtas at kapag nangyari iyon ay isinusumpa kong magbabayad sila at hindi ako titigil hanggat hindi ko nababawi ang lahat at pulutin silang lahat sa kangkungan!

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang napakagandang kalangitan, masakit sa balat ang init na hatid ng araw at hindi ko alam kung gaano na ako katagal nagpapalutang-lutang. Nakita ko ang nakangiting mukha ng sanggol na nasa sinapupunan ko, itinaas ko ang kamay ko para abutin ang mukha niya at haplusin ngunit hindi ko pa man naaabot ang mukha niya ay dahan-dahan nang pumipikit ang mga mata ko. Napangiti ako, iyon na yata ang hudyat nang pagpapaalam ko sa mundo. Sinusundo na ako ng anghel ko.

Kung kaya ko lang sana ibalik ang lahat ng mga nangyari na . . . hindi magiging ganito ang katapusan ko . . .

Kaugnay na kabanata

  • You Broke Me First   I. ENGAGE

    ENGAGETumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli

    Huling Na-update : 2023-05-03
  • You Broke Me First   At my Wedding

    ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala

    Huling Na-update : 2023-05-09
  • You Broke Me First   III. A ROMANCELESS HONEYMOON  

    Ang limang minutong paghihintay ko kay Menard ay inabot ng sampung minuto . . . dalawampu . . . hanggang sa umabot ng tatlumpong minuto. Nakaramdam na ako ng pagkabagot at pagkainip. Kanina pa ako panay tingin sa relong nakapulupot sa kamay ko. Parang gusto ko na tuloy bumaba at bumalik sa loob ng reception.Ngunit pinigilan ko ang sariili ko, pinalawig ko pa ang pang-uunawa ko at inisip na lang na sa dami ng bisita namin ngayon ay tiyak na nahihirapang magpaalam si Menard.Pero hindi ba dapat ay alam nilang may naghihintay kay Menard?Marahas akong napabuntonghininga at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Mabuti na lamang at tinted ang mga salamin niyon dahil kung hindi tiyak na nakakahiya sa mga naroon kung makikita ang itsura ko na parang tanga kakahintay sa Groom ko.Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Menard na palabas na elevator, parang bula namang nawala ang pagkainip ko at sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Walang duda, mahal ko nga ang lalaking iyan. He’

    Huling Na-update : 2023-05-13
  • You Broke Me First   True Colors

    Kanina pa ‘ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami’t ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na la

    Huling Na-update : 2024-04-01
  • You Broke Me First   He’s the one who betrays me!

    “So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital. Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda. Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol. Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang i

    Huling Na-update : 2024-04-18

Pinakabagong kabanata

  • You Broke Me First   PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

    Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status