Share

True Colors

Author: Diosa Mei
last update Last Updated: 2024-04-01 17:13:25

Kanina pa ‘ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami’t ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na lang ay pagsilbihan siya at ang kanyang ina.

Nang mga unang araw nang pagsasamal namin ay medyo nangangapa pa ako sa mga gawaing bahay dahil sanay akong ang mga katulong ko ang gumagawa niyon ngunit pagkalipas lang ng ilang buwan ay nakasanan ko na din. Maging ang bunganga ng ina ni Menard ay nakasanayan ko na rin na halos araw-araw ay pinagsasabihan ako at pinapakialaman sa mga gusto kong gawin.

“Yhzel, ano ka ba naman? Tanghali na wala pa ring pagkain ang asawa mo? Ang bagal-bagal mo namang kumilos?” Nakapameywang na singhal sa akin ng ina ni Meynard.

“’Ma, masama ang pakiramdam ko, bakit hindi mo na lang muna ipagluto si Menard? Wala ka namang gagawin, ‘di ba?” malumanay kong sabi sa kanya.

“Aba’t, hoy, asawa ko ba iyan? Ba’t ko ipagluluto iyon, eh, responsibilidad mo iyon bilang asawa niya?” salubong ang kilay na singhal pa rin niya sa akin.

“Ano ba’ng nangyayari dito? Umagang-umaga, nagbabangayan na naman kayo?” ani Menard na kapapasok lang sa kusina.

Akala ko ay lalapit siya sa akin at hahalik ngunit lihim akong nadismaya nang sa ina niya ito lumapit at humalik saka naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.

“Iyang asawa mo, hindi ka pinagluto ng pagkain!” nakairap na sumbong ng ina ni Menard. “At gusto pa akong utusan na ipagluto ka! Ano ba naman iyang napangasawa mo, Menard, wala pa kayong isang taon pero ipinapakita na ang katamaran!”

Hindi ako kumibo at nanatiling nakapinid ang mga labi, gusto ko sanang sumagot pero kapag ginawa ko iyon ay magtatalo na naman kami ni Menard at ako na naman ang lalabas na masama.

Sinulyapan lang ako ni Menard at inilagay ang ininumang baso sa lababo. “Don’t bother, ‘Ma. Hindi rin naman ako kakain dito, may morning appointment ako sa isang VIP Busenessman at paalis na rin ako.”

“VIP Business? Ibig sabihin bigatin iyan?” nangingislap ang mga matang tanong ng Mommy ni Menard.

“Yes. At kapag nakuha ko ang deal na ito ay baka lumawig pa ang connection ko sa business world. May plano na rin akong magtayo ng panibagong negosyo sa Makati,” nakangising pagyayabang ni Menard.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila.

“Talaga? Naku, ang galing naman talaga ng anak ko. Mamayang gabi pag-uwi mo ay ipagluluto kita ng paborito mong ulam,” nakangiting wika ng Mommy ni Menard at tumingin sa akin. “Magpunta ka sa grocery at bumili ng mga kakailanganin ko sa pagluto, baka pati iyon katamaran mo pa?”

Tumango ako at balak magsalita ngunit nagpaalam na si Menard at hindi man lang nagawang humalik sa akin. Nang maiwan ako mag-isa sa kusina ay saka lang ako malakas na nagbuntonghininga, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa kong pagpapakumbaba sa asawa ko’t ina niya.

Hindi ako tanga para hindi makahalata at malaman kung ano’ng klaseng pakikitungo ang ginagawa ng mag-ina sa akin ngunit para sa relasyong meron kami ni Menard ay kailangan ko munang magtiis. Bago pa lang naman kaming mag-asawa at marahil ay pareho pa kaming nag-a-adjust sa sitwasyong meeron kami lalo na at kasama namin ang Mommy niya.

Bumalik ako sa kuwarto upang magbihis, ngayong araw ay balak niyang kumunsulta sa isang OB-Gyne dahil dalawang buwan na akong delayed at sinubukan ko na ding mag-pregnancy test ng dalawang beses at parehas positive iyon. Kahit na ramdam kong buntis na ako ay mas okay pa rin na magpa-check up para matiyak ko at masabi iyon kay Menard.

Napangiti ako at wala sa sariling napahawak sa flat ko pang tiyan. Siguro kapag nalaman ni Menard na buntis ako ay magbago na ang pakikitungo niya sa akin at iparamdam na ang halaga ko sa kanya.

Paglabas ko sa kuwarto ay nasalubong ko ang Mommy ni Menard na agad tumaas ang kilay nang makita akong nakabihis.

“Saan ka pupunta?”

“May pupuntahan lang po ako,” magalang kong sagot.

“Porket narinig mo lang na may bigatin na business deal ang anak ko, maglalakwatsa ka na agad? Mahiya ka naman! Anak ko na nga ang nagpapalamon sa’yo, kaunting konsiderasyon naman!”

Nagpanting ang tenga ko sa narinig, hindi ko napigilan na pagtaasan siya ng kilay. Hindi naman tama na sabihan siyang palamunin dahil kung tutuusin ay pag-aari ko ang kompnayang hinahawakan ni Menard.

“Baka nakakalimutan niyo po’ng pag-aari ko ang kompanyang hawak ni Menard. Pumayag lang ako na siya ang humawak dahil nirerespeto ko ang relasyon na meron kami. Kaya sana bago mo sabihing palamunin ako, isipin niyo muna iyon,” walang emosyon kong sabi sa kanya.

Natigilan naman ang Mommy ni Menard at tila hindi makahagilap ng sasabihin. Nakita kong tila nawalan ng kulay ang mukha niya at padabog na iniwan ako doon. Nailing lang ako at nagtuloy-tuloy na sa paglabas ng bahay namin.

Pagkasakay ko sa kotse ay idinayal ko ang number ni Sasha upang huminga kahit papaano. Simula nang ikasal ako ay si Sasha lang ang nalalapitan ko at labasan ng sama ng loob, dahil sa pagiging tutok ko sa kompanya ay hindi ko kinahiligan na makipagkaibigan o makipag-usap sa ibang tao. Tanging si Sasha lang ang maituturing niyang kaibigan dahil ito lagi ang kasama kong kasama.

“Hello?” dinig kong bati ni Sasha sa kabilang linya. “Napatawag ka, Zel?”

“Where are you? Nasa opisina ka na ba?” tanong ko din.

“Uhm, nagluluto pa ako ng pagkain, bakit?”

“I heard from Menard na may early meeting siya sa isang VIP businessman, hindi ka ba kasama?” tanong ko habang nakatutok sa daan ang tingin.

“Ha? Ah, y-yes. Hinihintay ko lang maluto ‘yung sinaing ko at aalis na din ako. Sorry, b-busy ako, Zel—fck!”

Natigilan ako nang bigla niyang putulin ang linya sa pagitan namin, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ungol nang kung sino mang kasama ni Sasha. Hindi ko napigilang mapailing, Sasha’s in the middle of intimacy at mukhang male-late pa siya sa pagpasok.

Paano na si Menard? Tiyak na kakailanganin niya ng assistant.

Idinayal ko ang numero ni Menard upang ipaalam na hindi makakaabot si Sasha at itanong kung kailangan niya ng tulong dahil puwede naman akong pumalit muna kay Sasha ngunit nakakailang ring na ako sa phone niya ay hindi pa rin iyon sinasagot ni Menard. Mukhang busy na din yata siya.

****

“Congratulations, Misis, you’re eight weeks pregnant,” nakangiting bati sa akin ni Doktora Sandoval. Nasa Mongrel Medical Center ako ngayon at katatapos ko lang eeksamin.

Confirmed! Buntis nga ako! Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang maliit na litrato ng munting anghel sa loob ng sinapupunan ko.

“It’s always been good to see someone in tears knowing they’re having a baby,” nakangiting sabi pa ni Doktora.

Nginitian ko din siya at tumango. “Hindi lang ako makapaniwala na magiging mommy na ako.”

Tumawa si Doktora. “Being mother comes a new big responsibility, Ma’am. You need to take extra careful of your body and avoid stress, that’s the number one factor of miscarriage. I’ll prescribe you some vitamins and milk for you and your baby. Babalik ka rin sa akin next month para sa monthly check up.”

Tumango ako, napuno nang excitement ang puso ko. Hindi ko tuloy mahintay na umuwi at sabihin kay Menard ang magandang balita.

Pagkatapos kong bilhin ang mga nasa prescription ay dumiretso ako sa opisina para surpresahin si Menard ngunit habang nasa biyahe ako ay nakatanggap ako ng text galing sa Mommy ni Menard at  may pinapabili sa supermarket. Balak ko na sanang deadmahin iyon ngunit tumunog muli ang phone ko at nakita kong tumatawag siya.

“Hello? Nabasa mo ba ang text ko?” bungad agad niya sa akin.

“Nagmamaneho po ako kaya hindi ako makareply agad,” sagot ko.

“Hmph! Simpleng okay lang hindi ka makareply? Dalian mo na at kailangan kong umalis, may usapan kami ng mga kaibigan kong mag-golfing!”

Sasagot pa sana ako ngunit binababaan niya na ako ng phone. Marahas akong nagbuntonghininga at walang nagawa kundi magpunta na lang ng Supermarket at bilhin ang mga itenext nitong mga kailangan niya para sa pagluluto. Inabot ako ng tanghali sa pamimili at nakaramdam na ng gutom kaya naman pumasok ako sa isang restaurant sa loob ng Mall upang kumain dahil sa haba ng pila ay inabot ng mahigit tatlumpong minuto bago nai-served sa akin ang pagkain ko.

Hindi pa man ako nakakasubo ay tumunog na naman ang phone ko at nakita ang pangalan ng mommy ni Meynard. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

“Hel—”

“Where the hell are you? Tanghali na Yhzel, natakluban ka na ba ng mga pinamili mo?”

Naipinid ko ang mga labi ko ng iloang segundo upang kontrolin ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. “Kumakain pa ako, nagutom ako sa pamimili,” sagot ko.

“Dalian mo na, kapag hindi ako nakaabot sa usapan namin ng mga kaibigan ko. Isusumbong talaga kita sa anak ko! Nagpapakasarap ka lang habang ang anak ko nagpapakiharap magtrabaho!”

Nagsalubong ang kilay ko at balak ko na sanang sagutin ng pabalang ang babae ngunit nagtimpi ako dahil tiyak na gagawa na naman siya ng eksena at magsusumbong sa asawa ko.

Related chapters

  • You Broke Me First   He’s the one who betrays me!

    “So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital. Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda. Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol. Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang i

    Last Updated : 2024-04-18
  • You Broke Me First   PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

    Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas

    Last Updated : 2023-05-03
  • You Broke Me First   I. ENGAGE

    ENGAGETumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli

    Last Updated : 2023-05-03
  • You Broke Me First   At my Wedding

    ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala

    Last Updated : 2023-05-09
  • You Broke Me First   III. A ROMANCELESS HONEYMOON  

    Ang limang minutong paghihintay ko kay Menard ay inabot ng sampung minuto . . . dalawampu . . . hanggang sa umabot ng tatlumpong minuto. Nakaramdam na ako ng pagkabagot at pagkainip. Kanina pa ako panay tingin sa relong nakapulupot sa kamay ko. Parang gusto ko na tuloy bumaba at bumalik sa loob ng reception.Ngunit pinigilan ko ang sariili ko, pinalawig ko pa ang pang-uunawa ko at inisip na lang na sa dami ng bisita namin ngayon ay tiyak na nahihirapang magpaalam si Menard.Pero hindi ba dapat ay alam nilang may naghihintay kay Menard?Marahas akong napabuntonghininga at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Mabuti na lamang at tinted ang mga salamin niyon dahil kung hindi tiyak na nakakahiya sa mga naroon kung makikita ang itsura ko na parang tanga kakahintay sa Groom ko.Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Menard na palabas na elevator, parang bula namang nawala ang pagkainip ko at sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Walang duda, mahal ko nga ang lalaking iyan. He’

    Last Updated : 2023-05-13

Latest chapter

  • You Broke Me First   He’s the one who betrays me!

    “So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital. Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda. Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol. Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang i

  • You Broke Me First   True Colors

    Kanina pa ‘ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami’t ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na la

  • You Broke Me First   III. A ROMANCELESS HONEYMOON  

    Ang limang minutong paghihintay ko kay Menard ay inabot ng sampung minuto . . . dalawampu . . . hanggang sa umabot ng tatlumpong minuto. Nakaramdam na ako ng pagkabagot at pagkainip. Kanina pa ako panay tingin sa relong nakapulupot sa kamay ko. Parang gusto ko na tuloy bumaba at bumalik sa loob ng reception.Ngunit pinigilan ko ang sariili ko, pinalawig ko pa ang pang-uunawa ko at inisip na lang na sa dami ng bisita namin ngayon ay tiyak na nahihirapang magpaalam si Menard.Pero hindi ba dapat ay alam nilang may naghihintay kay Menard?Marahas akong napabuntonghininga at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Mabuti na lamang at tinted ang mga salamin niyon dahil kung hindi tiyak na nakakahiya sa mga naroon kung makikita ang itsura ko na parang tanga kakahintay sa Groom ko.Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Menard na palabas na elevator, parang bula namang nawala ang pagkainip ko at sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Walang duda, mahal ko nga ang lalaking iyan. He’

  • You Broke Me First   At my Wedding

    ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala

  • You Broke Me First   I. ENGAGE

    ENGAGETumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli

  • You Broke Me First   PROLOGO: ANG PAGTATAKSIL

    Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas

DMCA.com Protection Status