“So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital.
Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa.
Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda.
Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol.
Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang ibang bagay, kabilin-bilinan ng kanyang OB-Gyne na kailangan niyang mag-ingat dahil may pagkamaselan ang pagbubuntis niya. Nang sabihin niya iyon kay Menard ay saka lang nito pinagsabihan ang ina nitong lubayan siya na mas lalong ikinapangingit ng loob ng Ginang.
Sa loob ng pitong buwan na pagbubuntis niya ay ang laki ng ipinagbago niya. Hindi pa man siya nakakapanganak ay parang dumuble ang edad niya dahil sa stress na pilit niyang nilalabanan araw-araw. Humimpis ang kanyang mukha at malaki din ang ipinayat niya. Buo na ang desisyon niyang sa oras na maipanganak niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay kakausapin niya ng maayos si Menard at hindi siya papayag na patirahin pa ang ina nito sa pamamahay niya. Kaya niyang hanapan ito ng sarili nitong bahay para lang magkaroon siya ng kapayapaan at kapanatagan na walang mangyayari sa anak niya kung sakali.
Ngunit hindi niya akalaing, hindi na pala mangyayari iyon dahil hindi pa man niya naisisilang ang kanyang anak ay may maitim ng plano ang mga ito sa kanya.
“Ano ba ‘yan, sasakay na lang ng bangka. Lalampa-lampa pa!” dinig niyang turan ng ina ni Menard.
Tumingin siya kay Menard at nag-iwas lang ito ng tingin at hindi nag-abalang tulungan siya. Huminga siya ng malalim at pinilit humakbang mag-isa at ingat na ingat na huwag mahulog sa tubig.
Inaya siyang magbakasyon ng mga ito at gusto nilang maglayag sila sa buong bansa. Kahit alam niyang kabuwanan na niya ay hindi siya tumanggi sa pag-asang iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon na magbago ang kanyang asawa at tratuhin na siya ng tama. Sa buong pagsasama nila bilang mag-asawa ay nakuha na nito ang lahat sa kanya, dahil sa pagbubuntis niya ay hinayaan niya itong angkinin ang kompanyang pinaghirapan niyang palaguin, maging ang ilang ari-arian na naipundar niya ay meron na rin itong parte ngunit hindi siya ganoon katanga para ibigay dito ang buong authority sa mga kayamanan niya.
Eksaktong pagsakay niya sa yate ay ang paglayo nito sa pampang, naglakad siya papunta sa isang bench upang umupo.
Pumasok sina Menard at ang ina nito sa magkaibang cabin ngunit hindi man lang siya inalok ng mga ito, nanatili na lang siya doon at pinagmasdan ang malawak na karagatan. Gusto niyang maiyak at kuwestyunin na naman ang sarili niya kung tama pa ba ang ginagawa niyang pagtitiis, pero agad niya iyong iwinaglit sa isip niya at binuksan ang dala niyang tumbler at uminom mula doon.
Hindi niya namalayan kung ilang oras siyang naroon lang at nakaupo.Pakiramdam niya ay hapong-hapo siya at gusto niya munang ipikit ang mga mata niya ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang makarinig ng halakhakan sa loob ng deck. Nagsalubong ang kilay niya at doon natuon ang pansin niya.
“Hello, my dear friend,” bati sa kanya nang nakangising si Sasha.
Kasabay nitong lumabas si Menard na hapit ang beywang ng kanyang kaibigan.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Mabuti na lamang talaga at nakaupo na siya dahil kung hindi ay baka natumba na siya sa pagkabigla.
“Ano’ng ibig sabihin nito?” kunot-noong tanong niya sa mga ito kahit na sa isip niya ay alam niya kung ano’ng nangyayari at ayaw lang niyang tanggapin iyon.
Tumawa ang ina ni Menard. “Hindi mo alam ang nangyayari? Kailangan ko bang ipaliwanag sa’yo ang nakikita mo?”
Hindi niya ito pinansin at nanatiling nakatingin kay Menard, hinihintay na magsalita ito at magpaliwanag.
“I’m sorry, honey but Sasha and I are engage before we get married.” Parang bomba iyon na sumabog sa tenga niya.
Ilang beses pa iyong nagpaulit-ulit sa kanyang tenga bago siya nakahuma at mabilis na bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. Isa-isang bumalik sa isip niya ang pagtrato sa kanya ng mga ito, ang buong akala niya ay siya ang may problema. Ang buong akala niya ay kasama iyon sa buhay may-asawa. Iyon pala . . . iyon pala, niloloko siya ng mga ito.
Bakit hindi ko naisip iyon? Mapait na tanong niya sa kanyang sarili.
Tumayo siya at hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para lumapit sa dalawang traydor at balak niyang sugurin si Sasha ngunit parang alam na ng babae ang gagawin niya at nauna siya nitong itinulak. Napasigaw siya nang malakas na bumagsak sa sahig at tila hindi pa nakuntento si Sasha at nagawa pa nitong sipain ang kanyang tiyan.
Kaagad na sumigid ang kirot ng tiyan niya at sindak siyang tumingin kay Menard.
“Wala ka man lang bang gagawin? I’m—ah!” hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa muling pagsigid ng kirot at nanlalaki ang mga mata niya nang makapa ang malapot na pulang likido sa bandang ibaba ng kanyang katawan. Pagtingin niya ay nakita niya ang pag-agos ng dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. “Menard! Go back, I’m bleeding!”
Ngunit parang walang narinig si Menard at nanatili lang itong nakatingin sa kanya, wala siyang makitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito. Tumingin siya sa ina nito ngunit mas lalo siyang kinilabutan nang makita itong nakangisi at tila tuwang-tuwa sa sinapit niya.
“Y-You’re not going to help me, are you?” tanong niya sa pagitan nang impit na pagdaing. Sunod-sunod na ang pagbagsak ng luha niya dahil sa nararamdamang sakit.
Tumawa si Sasha. “I’m sorry, Yhzel but you’re right. Ayaw mo ba’ng magkasama kayo ng anak mo sa kabilang buhay?”
Hindi siya kumibo at tiningnan lang ito ng masama. Gusto niyang sugurin ito ngunit hindi niya kayang gawin iyon at mukhang hindi na mangyayari pa iyon dahil natitiyak niyang hahayaan lang ng mga itong makita siyang unti-unting binabawian ng buhay.
“Menard, please! This is your son! Hahayaan mo lang ba talagang may mangyari sa anak mo?” pagsusumamo niya sa kanyang asawa, tiningnan niya ito ngunit kaagad namang humarang si Sasha.
“I can give him a lot of it,” sabi nitong nakataas ang isang kilay. “Isa pa, mas gugustuhin niyang magkaroon kami ng anak kaysa magkaroon sa’yo ng anak niya.”
“Damn you! Ano ba’ng ginawa ko sa’yo para ganituhin mo ako!” galit na singhal niya rito.
Isang sampal ang iginanti nito sa kanya. “Nagtatanong ka pa? Look at you! Bakit ikaw pa ang naunang mabuntis kaysa sa akin? Matagal na naming gustong magkaanak pero bakit ikaw pa ang nakapagbigay niyon sa kanya? Mas matagal kaming may relasyon pero bakit mas nauna ka niyang pakasalan kaysa sa akin? Inagaw mo lahat ng iyan sa akin, Yhzel at bilang ganti ko sa ginawa mong pang-aagaw ay kukunin ko lahat ng sa’yo! Kapag namatay ka dito ay mapupunta kay Menard ang lahat ng pera mo’t maging ang kompanya! Pagkatapos ng isang taon ay ikakasal kaming dalawa at ako ang kikilalaning legal na Mrs. Menard Carpio samantalang ikaw ay mananatiling alaala na lang!”
Nagtagis ang mga bagang niya ngunit wala siyang magawa.
“Ipapahanda ko na ang speedboat,” sabi naman ng ina ni Menard na halatang hindi kayang makita ang sitwasyon niya. Bigla siyang nabuhayan ng loob.
“Kung ang kayamanan ko lang ang hangad niyo, kaya kong ibigay iyon sa inyo. Sa oras na makabalik ako—”
“Ha. Makabalik? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Dito ka na mamamatay kasama ang anak mo,” matabang na turan ni Sasha at tumingin kay Menard.
“Babe, let’s get this done. Nangako ka sa akin na magiging masaya ang bakasyon nating ito,” tila nagtatampong sabi pa ni Sasha kay Menard.
“Okay, leave everything to me, Babe,” sabi ni Menard at tumingin sa kanya at nilapitan siya.
“M-Menard, ano’ng gagawin mo sa akin?” kinakabahan niyang tanong dito at awtomatikong gumapang paatras.
“We’re going to dispose you,” kaswal na sagot nito sa kanya.
“You’re insane! Don’t do this!” sigaw niya ngunit kaagad iyong napalitan ng d***g nang sumakit muli ang tiyan niya. Maraming dugo na ang nawala sa kanya at abot-abot na ang kabang nararamdaman niya dahil sa takot na baka kung mapaano na ang anak niya. Napahawak siya sa tiyan niya at pinrotektahan iyon mula kay Menard.
“Please, I don’t care kung kukunin mo ang kayamanan ko. Ibibigay ko lahat iyon sa’yo, dalhin mo lang ako sa hospital. Huwag mong hayaang may mangyari sa anak natin.” Umiiyak na turan niya ngunit tila walang narinig si Menard at akmang kakargahin siya. Tinabig niya ang kamay nito at itinulak palayo.
“Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo, Yhzel. Malaki ang kasalanan ko kay Sasha at upang makabawi sa mga ginawa kong kasalanan at pagkukulang sa kanya ay kailangang gawin ko ‘to.”
Matagal siyang natigilan at nakatulala lang sa kanyang asawa. Hindi niya akalain na iyon pa ang sasabihin nito pagkatapos nang ginawa nitong panloloko sa kanya. Bakit parang gustong ipahiwatig nito na kasalanan niya pa ang nangyayari sa kanya ngayon? Bakit parang ipinapamukha nito sa kanya na isang kasalanan ang ginawa nitong pagpapakasal at pagsira sa buhay niya?
He’s the one who betrays me!
Nakakuyom ang mga kamao ko habang naataingin sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko—ang isa ay ng buong buhay ko at ang isa pa’y pinatuloy ko’t itinuring na hindi na iba dahil sa ipinakita niyang katapatan sa akin.“H-How did you do this to me?” kalmado ngunit puno ng diin kong sabi sa kanila.“It’s because you’re stupid,” natatawang sabi ni Sasha ang pinagkakatiwalaan kong sekretarya. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin at ni minsan ay hindi ko siya kinakitaan ng kahit na anong pagdududa.“Sa tingin mo talaga totoong mahal kita?” sabi naman ng asawa kong si Menard. Wala pa man kaming isang taong mag-asawa ay nagawa na niyang kunin sa akin ang lahat.Kasalanan ko rin naman, masyado akong nagpadala sa pagmamahal na nararadaman ko para sa kanya—na kahit harap-harapan ko nang nakikiita ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay hindi ko iyon pinansin at nagbulag-bulagan. Umaasang magbabago rin siya lalo na at magkakaroon na sila ng anak.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa nas
ENGAGETumunog ang alarm clock na nasa gilid ko lamang. Nakapikit ko iyong inabot upang patayin, pagkatapos ay iinat-inat akong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili, alas singko pa lang ng umaga ngunit kailangan ko nang bumangon upang mag-ehersisyo at magpapawis.Paglabas ko ng banyo ay kumuha ako ng pares na damit pang-jogging. Maglilibot ako ng tatlumpong minuto sa loob ng compound namin at pagkatapos ay dederetso siya sa gym para magpapawis ng tatlumpong minuto ulit.Bago ako lumabas ng bahay ko ay nagbilin ako kay Myrna na kaunti lang ang lutuin dahil sa opisina na ako kakain. May early meeting ako with Mr. Tobierna at hindi ako puwedeng ma-late dahil may pagka-istrikto iyon sa oras.Ilang sandali pa ay naglilibot na ako sa buong compound, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjo-jogging din katulad ko. Pagdaan ko sa may parke ay may nakita akong mga nagzu-zumba, nagpahinga lang ako saglit at nagtungo na sa gym. Hindi ako puwedeng mahuli
ISANG buwan lang ang binuno naming paghahanda para sa aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga panahong iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam na ikakasal ka na? It was liked mixed emotions flowing my body. Matinding kaba, saya at excitement. Lahat ng mga kakilala ko ay walang ibang sinasabi kundi ang i-congrats ako at best wishes.Napatingin ako sa salaming nasa harap ko at pinagmasdan ang sariili kong nakaayos na, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Kung sana lang ay buhay pa ang mga magulang ko ay tiyak na iiyak ang mga ito sa natatamasa kong kaligayan.“Hey,” sumulpot mula sa likuran ko ang aking Secretary at bestfriend na si Sasha. Lumapit siya sa akin na nakangiti at halatang masayang-masaya para sa akin. “Bakit mukha kang malungkot? Dapat maging masaya ka dahil ikakasal ka na, sige ka, baka masira iyang make-up mo. Ang mahal-mahal pa naman ng bayad mo diyan,” pagbibiro niya sa akin.Pagak akong natawa at sunod-sunod na umiling. “I was not crying, naalala
Ang limang minutong paghihintay ko kay Menard ay inabot ng sampung minuto . . . dalawampu . . . hanggang sa umabot ng tatlumpong minuto. Nakaramdam na ako ng pagkabagot at pagkainip. Kanina pa ako panay tingin sa relong nakapulupot sa kamay ko. Parang gusto ko na tuloy bumaba at bumalik sa loob ng reception.Ngunit pinigilan ko ang sariili ko, pinalawig ko pa ang pang-uunawa ko at inisip na lang na sa dami ng bisita namin ngayon ay tiyak na nahihirapang magpaalam si Menard.Pero hindi ba dapat ay alam nilang may naghihintay kay Menard?Marahas akong napabuntonghininga at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko. Mabuti na lamang at tinted ang mga salamin niyon dahil kung hindi tiyak na nakakahiya sa mga naroon kung makikita ang itsura ko na parang tanga kakahintay sa Groom ko.Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Menard na palabas na elevator, parang bula namang nawala ang pagkainip ko at sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Walang duda, mahal ko nga ang lalaking iyan. He’
Kanina pa ‘ko tulala sa kisame habang ang katabi kong si Menard ay mahimbing nang natutulog at tila pagod na pagod. Katatapos lang ulit naming magniig at kagaya ng mga naunang gabi na magkatabi kami’t ginagawa ang aktibidad na iyon ay para akong robot na sunod-sunuran sa mga gusto niyang gawin.Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang ikasal kami ni Menard at sa loob lang ng maikling panahon na iyon ay marami ang nabago. He take full control of my company, and his mother stays with us. Sinunod ko ang kagustuhan ni Menard na sa bahay na lang ako mamalagi at asikasuhin ang ina niya, noong una ay tumutol ako at sinabing may mga katulong naman ako sa bahay subalit nagalit siya sa akin at tinanggal ang mga katulong na matagal nang nanilbihan sa akin.Wala akong nagawa kundi ang hayaan ito sa bagay na iyon upang maiwasan namin ang pagtatalo. Ma punto naman siya, simula nang ikasal kaming dalawa ay siya na ang tumatayong padre de pamilya sa bahay na iyon at ang tanging gagawin niya na la
“So is it true?” tanong ni Menard sa kanya pagkauwi niya galing sa Hospital. Nakangiti siyang tumango at ibinigay dito ang litrato ng ultra sound. “I’m eight weeks pregnant,” nakangiting sagot niya sa asawa. Nakita niya ang matinding kasiyahan sa mukha ni Menard sa nalaman niya, kaya naman labis-labis din ang saya na nararamdaman niya. Umaasa na magbabago na ang kanyang asawa at pakikitunguhan na siya ng maganda. Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang pala. Hindi ito nagbago ng pakikitungo sa kanya, bagama’t natuwa ito sa nalamang buntis siya ay tila wala pa rin itong pakialam sa kanya at kahit na pinagmamalupitan na siya ng ina nito ay hindi man lang siya nito kayang ipagtanggol. Tiniis niya ang hindi magandang pagmaltrato sa kanya ng ina ni Menard at ang malamig na pakikitungo ni Menard sa kanya. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuntis niya, nang mga oras na iyon ay ang iniisip niya lang ay ang kaligtasan ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Saka na lang niya iisipin ang i