"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
View MorePikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng sili
Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. "Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"Nagningning naman
Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy
Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments