Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2023-01-02 19:05:39

Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. 

Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. 

"Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."

Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"

Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"

Nagningning naman ang mga mata ni Ana. Bakit hindi nga ba sumagi sa isip nito iyon? Napapalakpak pa ang ginang at lumapit sa asawa. "Ang talino mo talaga! Isa pa, hindi pa naman nakikita ni Mr. Reza si Alysa. Puwede pa nating pagpalitin ang dalawa."

Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, tahimik na nakikinig sa labas ng silid ang kanilang bunsong anak, si Amira. Nakatakip ang palad sa bibig habang pinipigilan ang tunog ng kanyang paghikbi. Kakatapos niya pa lang magluto ng hapunan at tatawagin niya sana ang kanyang mga magulang upang sabihan na handa na ang lamesa. 

Ngunit siguro ay iniadya na rin iyon ng Panginoon sa kanya, para malaman niya ang balak ng sarili niyang ama at ina. 

Tahimik na naglakad papalayo ang dalaga at lumabas mula sa bahay nilang may kalakihan din. Hindi rin naman siya makakalayo dahil wala siyang pera. Hindi siya makakatakas.

Matagal nang alam ni Amira na kahit kailan ay hindi siya naging paborito ng kanyang mga magulang. Palaging nakatuon ang pansin ng mga ito sa kanyang Ate Amira, na totoo namang napakaganda at talentado. Hindi katulad niya. 

Ipinanganak ang dalaga na may speech impediment, siguro ay dahil na rin sa mga iniinom na gamot ng kanyang ina noong ipinagbubuntis siya. Madalas siyang mautal kapag nagsasalita, na naging dahilan din kung bakit mababa ang kanyang kumpiyansa. Palagi rin siyang ma-bully noong nag-aaral siya dahil na rin sa kanyang pag-uutal-utal. 

At pag-uwi niya naman sa kanyang sariling tahanan kung saan dapat ay nakakaramdam siya ng payapa, tinuturing naman siya ng kanyang mga magulang na parang estranghero. 

Lumigid sa likod-bahay ang dalaga at doon pinakawalan ang kanyang mga hikbi. Ayaw niyang maikasal sa lalaking hindi niya naman kilala, higit sa katotohanang hindi niya naman ito mahal. Paano kapag nalaman nito na hindi siya ang kanyang Ate Alysa?

Paano kung kagaya ng kanyang mga magulang ay tratuhin din siya ng mga ito na parang basahan?

Habang humihikbi ay hindi mapigilan ni Amira na ibuntong ang kanyang galit sa bermudang nasa ilalim ng kanyang paanan. Sa pagkakarinig niya pa naman ay Reza ang apelyido ng kanyang mapapangasawa.

Iisa lang ang may apelyidong ganoon sa siyudad ng M— si Yasir Ibrahim Reza.

Base sa mga naririnig niya mula sa ibang tao ay si Yasir Reza ang tipo ng lalaki na hindi dapat binabangga. Maliban sa ito ang pinakamayaman sa buong siyudad ay magaspang ang ugali nito; madalas pa nga itong maihalintulad sa demonyo dahil wala itong awa, lalo na sa mga kakompetisyon nito sa negosyo. 

Hindi siya makakapalag kung bigla na lamang itong magalit sa kanya kapag nalaman nitong hindi siya si Alysa Garcia. 

Nagpalipas pa ng sandali ang dalaga at tinuyo ang kanyang mga luha bago bumalik sa loob ng kabahayan. Sinigurado niyang hindi mahahalata ng kanyang ama at ina ang luha sa kanyang mga mata. Nakaupo na ang kanyang mga magulang sa hapag habang kinakain lahat ng pagkain na niluto niya. Madalas naman na wala ang kanyang Ate Alysa dahil model ito at maraming dinadaluhang mga party. 

“Oh, Amira. Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinihintay ng papa mo,” malamig na tanong ng kanyang ina. “May sasabihin kami sa ‘yo.”

“A…a-ano po ‘yon?” tanong niya. Humigpit ang hawak ni Amira sa laylayan ng kanyang blusa. Alam niya naman na ang sasabihin ng kanyang mga magulang ngunit hindi niya mapigilang makaramdam ng takot at panliliit.

“Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Ipapakasal ka na namin sa darating na Biyernes. Iempake mo na lahat ng gamit mo," walang kaabog-abog na sabi ng kanyang ama habang ngumunguya. 

"E p…p-papa, akala ko po si Ate Alysa ang—" Tumalon ang puso niya nang pabagsak na ibaba ng kanyang ama ang hawak nitong kutsara sa lamesa. 

"Huwag ka nang maraming tanong! Ngayon din, ieempake mo ang gamit mo at maghahanda ka para sa kasal mo! Huwag kang makasarili, Amira!"

Wala nang nagawa pa ang dalaga kung hindi ang bumalik sa kanyang silid at ayusin ang gamit niya. Nanginginig siya at ramdam niya ang panlalamig ng buong katawan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang trato sa kanya ng kanyang mga magulang ganoong wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ang mga ito…

Pinahid niya ang kanyang mga luha at inumpisahang alisin ang kanyang mga art material at ilagay ang mga iyon sa kanyang bag. Kung iiwan niya lang ang mga iyon sa mansiyon ay tiyak na hindi niya na iyon makikita pa. Masakit man ang dibdib ay—

"Amira?"

Napalingon siya sa bumukas na pinto. Si Alysa pala. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sumandal ito sa pinto. 

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi p…p-po, ate…" saad niya bago niya ito tinalikuran. Hindi ito umalis sa may pinto. Bagkus ay tila pinakiramdaman pa siya nang kaunti. 

"Alam mo, Amira, hindi naman masama 'yong papakasalan mo, e," panimula nito. "Mayaman si Mr. Reza. Kaya ka n'yang ibili ng kahit na ano." Hindi na nito napigilan ang pagtawa. "Iyon ay kung… magagawa mo siyang pasayahin. Good luck, Amira."

Ang nakakalokong hagikhik nito ang huli niyang narinig kasunod ng pagsara ng pinto. Alam niya na nagpunta lang ito sa kanyang silid para tudyuhin pa siyang muli. Ugali na iyon ng kanyang Ate Alysa. Bakit pa ba siya umasa na makakaramdam siya ng kahit kaunting awa mula rito?

Alam niyang wala na siyang takas. At kung makakatakas man siya, saan naman siya pupunta? Paano niya bubuhayin ang sarili niya ganoong ang pera niya lang ay limang daang piso at isang lumang smartphone na tila ilang pindot na lang ay bibigay na? Wala rin siyang kilalang mga kamag-anak at tiyak niya na ang natitira pa nilang mga kakilala ay ibabalik lang din siya sa kanyang mga magulang. Ayaw niya rin namang guluhin ang kanyang iilang kaibigan na paniguradong may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan. 

Parang gustong magwala ni Amira nang sa kawalan ng pokus ay nalaglag niya ang lalagyan niya ng mga paintbrush. Kumalat iyon sa sahig. Lumuhod ang dalaga para kunin ang mga iyon nang mapansin niya ang isang papel na nasa ilalim ng kanyang higaan. Inabot iyon ng dalaga. Isang litrato pala iyon na kanyang iginuhit halos tatlong taon na ang nakakalipas.

Mapungay ang mga mata ng lalaki sa kabila ng seryosong mukha nito. Makakapal na kilay at pilikmata. Prominenteng matangos na ilong at pangahan na mukha. May kakapalan ang labi na bahagyang mamula-mula. Matipuno. At… 

Hindi niya alam kung buhay pa ito. Ang huli niya lang na nalalaman ay kritikal ang kondisyon nito noong dinala niya ito sa emergency room, isang madaling-araw na i-ni-lock siya ng kanyang mga magulang sa labas ng kanilang tahanan. Nagkataon lang na nadaanan niya ang sasakyan nitong bumangga sa isang malaking concrete barrier sa gilid ng kalsada. Yupi na ang harapan niyon ngunit pinagsikapan niya pa rin na maialis ang lalaki sa loob. Hindi siya umalis sa tabi nito hangga't hindi dumadating ang ambulansiya. 

Pagkatapos noon, hindi na siya nagkaroon ng ano mang balita tungkol sa lalaki. 

Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at itiniklop ang papel. May mga kailangan pa siyang intindihin. Marami pa siyang kailangan isipin. 

Lalong-lalo na ang katotohanan na kailangan niyang ipagdasal ang kanyang sarili, lalo na sa kahaharapin niyang panibagong yugto ng kanyang buhay. Isang yugtong ngayon pa lang ay tiyak niyang hindi maganda. 

Paano ko naman mapapasaya si Mr. Reza, kung ganito ako? Utal-utal, tahimik, patpatin, sa isip-isip ni Amira habang isinasara ang kanyang bag. Hindi pa rin mapalis ang panlalata ng dalaga kahit na ilang oras na ang lumipas simula noong nalaman niya ang balita. Ang tanging nagawa niya na lamang ay ang mahiga at tumitig sa kisame, kasabay ng mabagal na paglipas ng oras. 

Alam niyang inaasahan ng lalaki na ang kanyang kapatid ang pakakasalan nito. Hindi naman ito sasang-ayon kung alam lang nito na ang kagaya niya ang mapapangasawa ng lalaki. Wala naman kasi siyang maidudulot na kahit ano mang maganda sa buhay nito. Takot siya sa tao. Mababa ang kumpiyansa niya at mas lalong hindi siya magaling magbitbit ng damit. 

Himala na lang kung mapagdedesisyunan ng lalaki na… tanggapin siya. 

Panginoon, huwag Mo na sanang hayaan na bumalik pa ako dito…

Related chapters

  • Bought by the Devil   Kabanata 3

    Pikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng sili

    Last Updated : 2023-01-02
  • Bought by the Devil   Kabanata 1

    Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy

    Last Updated : 2023-01-02

Latest chapter

  • Bought by the Devil   Kabanata 3

    Pikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng sili

  • Bought by the Devil   Kabanata 2

    Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. "Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"Nagningning naman

  • Bought by the Devil   Kabanata 1

    Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status