Share

Bought by the Devil
Bought by the Devil
Penulis: Alexandra Wang

Kabanata 1

Penulis: Alexandra Wang
last update Terakhir Diperbarui: 2023-01-02 19:05:04

Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan.  When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. 

Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.

Another day. 

Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. 

Bahagya siyang napangiti nang makita ang litratong nakapatong sa ibabaw ng cabinet na malapit sa pinto ng balkon. Kinuha niya iyon. H******n. Hindi nagtagal ay ibinalik muli dating pwesto. "Good morning, Sophie."

Mayamaya ay kumilos na siya. Pagkatapos makapagbihis ng damit pang-ehersisyo ay nagtungo siya sa gym ng kanyang bahay. Nag-workout sa loob ng isang oras. Naligo. Bumaba at kumain ng agahan bago tinungo ang kanyang abuhing Audi na nakaparada sa garahe. Dumaan muna siya sandali sa isang flower shop at bumili ng isang bouquet ng puting camellia. Paborito iyon ni Sophie. 

Kaya nang mawala ito, sinigurado niya na punong-puno ng puting camellia ang burol nito hanggang libing. Para man lang hindi ito malungkot masyado. 

"What's my schedule today, Ali?" tanong niya sa earpiece na kanyang suot. Pinindot niya iyon ay hinayaan na magsalita ang kanyang sekretarya at butler, si Ali. 

"You're always early, morning bird. Hindi mo ba alam na dapat natutulog pa ang matatandang katulad ko ng ganitong oras?"

Bahagya siyang natawa sa itinuran ng matanda. "Well, I've been asking you to retire for years now, Ali. It isn't my fault that you're old. Isa pa, wala ka na rin naman nang aalagaan. Wala na si Sophie. Kaya ko naman na sarili ko."

"Look at this bastard…" Mahina itong tumawa kahit na may bahid iyon ng pait. "Anyway, you have a meeting at nine. Luncheon at twelve. Nothing else follows. Oh, that Ana Garcia was asking if they can talk to you—"

"About what?" he irritatedly asked. "Are they asking if they can hook me up with their daughter?"

"Oo. Alysa Garcia. I've sent you the file about her. They won't stop pestering me, Yasir. Give me some answer now—"

Bahagya siyang napasimangot nang tumunog ang notification sound ng kanyang smartphone na nakapatong sa tabi ng manibela. Tungkol na naman iyon sa kanya at sa…malas niyang buhay pag-ibig. Kahit na madalas na sentro ng tsismis at usapin ay hindi pa rin siya nasasanay. When Sophie was alive, she would only laugh at those articles and tease him.

Sino ba namang mag-aakala na may katotohanan pala ang tsismis na madalas minamalas lahat ng minamahal niya?

All Yasir ever wanted was to have a peaceful life with his family. With the woman he loved and cared about. But he must have angered the gods, that he could not even keep a wife. Let alone let himself forget.

"Look, Ali. Tell them I don't give a f—"

"Hindi lang 'yon, Yasir. Model ‘yong anak nila. Social butterfly. A good asset on parties, don't you think?"

"So?"

Tumawa ang matanda. "Look, just accept it, okay? Trust me, Yasir. Ga'no lang ba na magtapon ka ng ilang milyon? Isa pa, hindi mo rin naman tatratuhin na parang asawa ang anak nila. Just to dispel a few rumors, isn't it? Just send her away after marriage. Maganda rin naman kung may asawa ka, at least may maihaharap ka sa mga event."

He just sighed, not even wanting to be excited about the thought. "You do you, old man. Just make sure you'll arrange separate housing for her. Schedule the most convenient date for the wedding and send me the papers. I'll skip the ceremony."

Pinatay niya ang tawag at lumiko sa isang may pagkaliblib na kalsada. Halos isang oras pa ang itinakbo ng kanyang sasakyan bago niya narating ang isang parte ng daan na may basag na concrete barrier at may lantang puting bouquet ng mga bulaklak na nakapatong sa ibabaw. He sighed and picked it up before replacing them with new fresh ones. Sumandal siya sa kanyang sasakyan bago tumanaw sa malayo. 

It’s been a few years since you left, Sophie…

Simula noong mawala ang kanyang ikatlo at huling asawa, hindi na kailan man naging katulad ng dati ang buhay ni Yasir. He felt barren. Empty. Tired and hopeless. Sino ba namang hindi? Kung palagi na lang siyang maiiwan mag-isa, parang ayaw niya na lang magmahal pa. 

Ali always told him that he changed after that. He became more cruel and heartless. Umikli rin daw ang pisi ng kanyang pasensyang maikli na noon pa. He could not blame him for worrying because he knew that the old man was just worrying about him but all that Yasir could do was to build up his defenses. 

Kung papapiliin lang din siya, ayaw niya nang magmahal pang muli. 

Pagkatapos umusal ng tahimik na panalangin ay muli na siyang sumakay sa kanyang sasakyan at nagmaneho papalayo sa lugar na iyon. He has businesses to tend to. Wala siyang oras para lumuha pa sa isang taong matagal nang wala. 

He sighed as he pulled up slowly, getting caught up with the red stoplight. Paulit-ulit niyang itinambol ang kanyang daliri sa manibela habang hinihintay na makatawid ang mga taong nagdaraan nang may isa sa kanila ang nakakuha ng kanyang atensyon. 

Kaagad na napalabas ng kanyang Audi si Yasir. Napatingin sa mga naglalakad. Akmang hahabulin niya ang kanyang tinitingnan ngunit pumitpit na ang sasakyang nasa likuran niya. Berde na ang ilaw. Nakakasagabal na siya sa ibang mga nagmamaneho. 

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga bago muling bumalik sa loob ng kanyang sasakyan. Pinaharurot niya ang kanyang mamahaling kotse, tila wala sa huwisyo. Bakit niya ba hinahanap ang babaeng iyon? Ilang taon na rin ang nagdaan at tiyak na hindi naman siya nito kilala. 

Kung tutuusin pa nga ay dapat hindi na lamang siya nito iniligtas mula sa malagim na trahedyang iyon. 

Sumagitsit ang gulong niya sa konkretong kalsada nang ihinto niya iyon sa tapat ng pinakamataas na building sa siyudad. Inihagis niya ang susi sa valet habang natataranta ang mga tao sa paligid niya. Tila hindi malaman ng mga ito kung anong klaseng pagbati at pagyukod ang gagawin sa takot na baka mainis siya at bigla na lang mangsisante. Hindi na lang pinansin ni Yasir ang mga empleyado niyang parang mga langgam na hindi magkamayaw. Nakulong ang kanyang isipan sa pigura ng babaeng nakita niya kanina lang. 

Nang makapasok sa loob ng kanyang opisina ay kaagad niyang ikinandado ang pinto. Nahahapo na sumalampak ang lalaki sa swivel chair at inihilamos ang palad sa kanyang mukha. Once again, he felt tired. Restless. Totoo pala talagang hindi nabibili ng pera ang ligaya. 

He removed the wedding band on his ring finger and placed it inside his drawer, among the pictures Sophie left before she died. Her scarf. Her wedding ring. And ultrasound results.

Every time Yasir looked at those, he felt… calm for a while. 

Kahit na alam niyang hindi siya tunay na masaya, sa tuwing nakikita niya ang litrato ng kanyang namayapang asawa, sandali niyang nakakalimutan na wala na ito. 

And he has been living his past three years like that. He felt as if a huge part of him died that day too. Nakaligtas siya. Buhay siya. Pero para saan?

Para kanino?

He refused to move on. Hindi naman sa ayaw niya. Sadyang hindi niya lang kaya. Pagkatapos ng napakahabang oras na puro sakit lang ang nararamdaman niya sa pag-ibig, dumating si Sophie. She was God-sent. She made him feel unconditional love that he has never felt before. She was never after his money nor his connections, nor his name; Sophie loved him as him. 

Yasir sighed and closed the drawer. Wala na rin namang saysay kung aalalahanin niya ang kanyang namayapang asawa. His tears would not bring Sophie back.

 Napatingin siya sa kanyang smartphone at nakita ang mensahe ni Ali na ipinagbibigay-alam sa kanya na pinirmahan na nito ang kontrata kasama ang mga Garcia at ikakasal siya sa anak na babae ng mga ito para na rin hindi na siya maging tampulan ng tsismis at mga panglalakad ng mga iilang kaibigan niya. 

He would marry that wretched woman and then maybe send her away. Siguro naman ay alam na nito na iyon ang kakahinatnan ng kanilang pagsasama. After all, her parents sold her. He was nice enough to accept that proposal. Hindi rin naman irerekomenda ni Ali na pakasalan niya ang babae kung wala itong nakikitang benepisyo na makukuha niya. 

Men like Yasir Ibrahim Reza, after all, were all for benefits and losses. 

Don’t worry, Sophie. My heart forever belongs to you. I'd marry countless times, but you'd always own my love.

Bab terkait

  • Bought by the Devil   Kabanata 2

    Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. "Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"Nagningning naman

    Terakhir Diperbarui : 2023-01-02
  • Bought by the Devil   Kabanata 3

    Pikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng sili

    Terakhir Diperbarui : 2023-01-02

Bab terbaru

  • Bought by the Devil   Kabanata 3

    Pikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng sili

  • Bought by the Devil   Kabanata 2

    Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. "Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"Nagningning naman

  • Bought by the Devil   Kabanata 1

    Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy

DMCA.com Protection Status