Share

Kabanata 3

last update Huling Na-update: 2023-01-02 19:06:28

Pikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. 

Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. 

Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. 

Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng silid. Magiliw na ngumiti sa kanya ang matanda. Ganoon pa man, hindi pa rin niya mapigilan ang matinding kaba na kanyang nararamdaman. 

“Hija, you don’t have to worry that much. I’m Ali, Yasir’s secretary. He can’t come today because of an urgent business meeting, but he’ll meet you later tonight. Nag-book siya ng hotel room para makausap ka.”

Napalunok si Amira. “P…p-po? Bakit—”

Tumawa lang ito at inalalayan siya sa pagtayo. “Huwag kang mag-alala. We already knew you’re not Alysa Garcia. That’s why Yasir wanted to talk to you immediately. Ayaw mo bang makilala ang napangasawa mo?”

Sandaling natahimik si Amira. Yumuko. Hindi niya mapigilan ang mariin niyang pagkutkot sa kanyang daliri. “Natatakot po ako…” utal niyang bulong. “Natatakot po ako kay Mr. Reza.”

Ngumiti lang ang matanda at bahagyang tinapik ang kanyang balikat. “I’ve already heard that countless times, Amira. I can assure you, there’s no reason for you to get scared of him.”

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Amira nang sabihin ni Mr. Ali na manananghalian daw muna sila at bibili ng ilang damit na kakailanganin niya. Pinagsuot lang kasi siya ng kanyang mga magulang ng lumang bestidang kulay puti at heels na may kababaan. Manipis na make-up at naninilaw nang traje de boda. ‘Ni hindi man lang siya binilhan ng bagong damit ng mga ito kahit na…

Naramdaman niya ang kung ano mang bumara sa kanyang lalamunan, kasabay ng pagbigat ng kanyang mga mata. Tumikhim si Amira. Hindi siya maaaring umiyak, lalo na at kailangan niya pang alalahanin kung paano ipiprisinta ang kanyang sarili kay Yasir mamaya. Ayaw niyang bumalik. Ayaw niya nang bumalik. 

“Mr. Ali… itatapon p…p–po b…b-ba ako ni Yasir kapag nalaman niya na hindi ako kagaya ng kapatid ko?”

Nangunot ang noo ng matanda. Nahinto sa pagsubo ng pagkain. “Bakit mo naman nasabi, Amira?”

Nahihiyang napatungo ang dalaga. “Kasi p…p-po, ‘yon ang sabi sa ‘kin nina Mama… Na walang… magkakagusto sa ‘kin kasi bulol ako at nauutal.”

Saglit na hindi umimik ang matanda. Mayamaya ay tumikhim ito at pinunasan ang labi. “I know Yasir doesn’t have the best reputation, but you should at least spare him the judgment before you meet him personally, hmm? Besides, I don’t think your parents are the best people that you should listen to.”

Ang kanyang takot ay lalo lang nahaluan ng hiya dahil sa sinabi ng matanda. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga at dahan-dahang inubos ang lobster risotto na nasa kanyang harapan. 

Gabi na nang matapos sila ng matanda sa pamimili, kahit na iilang damit lang naman ang kailangan niya. Masyado kasi itong metikuloso at mapili. Naiintindihan naman ni Amira dahil kilala nito higit sa lahat si Yasir Reza. 

Kahit na ramdam niya pa rin ang takot sa kanyang dibdib ay nanatili pa rin ang dalaga sa loob ng hotel room na inarkila ng kanyang napangasawa para sa kanya. Malamlam ang ilaw sa loob ng silid. Hindi naman malamig ngunit ramdam niya ang panunuot ng simoy ng aircon sa kanyang suot. Pinili iyon ni Ali sa kanya: isang mamahaling lace dress na kulay pula. Pinarisan iyon ng high heels ng kaparehong kulay. 

Halos tumalon ang puso ng dalaga palabas ng kanyang dibdib nang may kumatok sa pinto. Kaagad niyang nilapitan iyon at binuksan. Bumungad sa kanya si Mr. Ali. Magiliw itong ngumiti at inialok ang braso nito. 

“Shall we?”

Magkahalong kaba, takot, at pait ang nararamdaman ng dalaga habang naglalakad sila patungo sa silid ng lalaki. Sinabihan siya na roon niya raw hihintayin ang kanyang asawa nang magkausap sila nang masinsinan. Kung ano mang klaseng pag-uusap iyon at kung ano ang magiging takbo, hindi niya na alam.

Halos mabingi na siya sa pintig ng kanyang puso nang makapasok siya sa loob ng silid. Madilim doon ngunit wala siyang tapang na buksan ang ilaw. Kinapa na lang ng dalaga ang daan patungo sa Alaskan King bed na nasa gitna ng presidential suite na kinaroroonan. Tahimik siyang naupo. Naghintay. 

“I pray you’re fine, Miss Garcia. Or should I call you Mrs. Reza?”

Napapitlag siya sa baritonong tinig na nanggaling mula sa kabilang bahagi ng malaking silid. Ngayon niya lang napansin na bukas pala ang fireplace sa bahaging iyon at may nakatayong lalaki sa may tabi, tila may hawak na baso ng kung anong likido. Parang tinatambol ang puso ni Amira. 

Ano ba ‘tong napasok ko?

“Anyway, I’ll cut the formalities and what-not. I’m not here to act sweet and pretend that I wanted this marriage in the first place. Alam mo naman siguro na para lang ‘to sa kapakanan nating dalawa. I don’t love you and you surely feel the same about me, Miss Garcia.”

Tumikhim ang lalaki at naupo sa isa sa mga Moroccan chair na nasa likuran nito. Sinimsim ang alak na nasa basong hawak at tahimik na tumingin sa mga naglalarong apoy sa fireplace. Nayakap na lamang ni Amira ang kanyang sarili habang pinipigilan ang kanyang sarili na mapahikbi—na dala na rin ng takot at pangamba—na tiyak na maririnig ng lalaki. 

“As per our agreement, you’ll be receiving an allowance per month. You’ll have your own credit card and your own home. Hindi tayo titira sa iisang bubong kaya naman hindi mo kailangan na mangamba na baka araw-araw mo akong makita. You’ll just act as a good wife in front of paparazzis and press, even in corporate functions and parties. However, I don’t expect you to love me— are you crying?”

Napasinghap si Amira nang bumukas ang ilaw at maglakad ang lalaki papalapit sa kanya. Napaurong siya sa kanyang kinauupuan at tinakpan ang kanyang mukha. Hindi niya maaaring hayaan ang lalaki na makita ang kanyang mga luha. Paano kung mainis ito sa kanya? Paano kung magalit ito? Paano kung—

“Miss Garcia, why are you crying?” usisa nito bago naupo sa dulo ng kama at marahang inalis ang mga kamay na tumatakip sa kanyang mukha. “I didn’t do anything that threatened you—”

Kapwa silang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Para bang sa kabila ng panlalabo ng kanyang paningin ay unti-unting luminaw ang nakikita ng dalaga.Makakapal na pares ng kilay at mga mapupungay na mata sa kabila ng seryoso nitong mga mukha. Matangos na ilong. Mapupula at may kakapalan na mga labi. Makisig na pangangatawan. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking iniligtas niya, tatlong taon na ang nakakaraan... 

“Ikaw…” bulong nito. Hindi napigilan ng lalaki na haplusin ang kanyang pisngi at pahirin ang butil ng luhang naroroon. “Ikaw ang nagligtas sa ‘kin no’ng maaksidente kami ng asawa ko…”

Bahagyang nawala ang kanyang panlalamig nang makita niya ang paglungkot ng mga mata nito. Nag-iwas ng tingin si Amira at niyakap ang kanyang mga tuhod. Hindi siya maaaring magpakakampante. ‘Ni hindi niya nga mabasa ang ekspresyon nito! At isa pa…

“P…p-pasensya na, hindi ang kapatid ko ang naikasal sa ‘yo…” Nabasag ang kanyang tinig. “Sorry…”

Nang muling maalala ang ginawang pagbenta sa kanya ng mga magulang ay hindi na napigilan pa ni Amira ang pagtulo ng kanyang mga luha. Alam niya na mahina siya. Alam niya na kung ano man ang inaasahan nitong benepisyong makukuha mula sa kanyang Ate Alysa ay hindi nito makukuha sa kanya. Ano ba namang laban niya sa maganda at talentado niyang kapatid? 

‘Ni hindi niya nga magawang magsalita nang tuwid. 

“Amira, was it?” He let out a deep breath. “Come here…”

Nabigla siya nang ikulong siya ng lalaki sa loob ng matitipunong bisig nito. Lalo na nang marahan nitong himasin ang kanyang likod, na tila ba pinapatahan siya. Walang ibang nagawa si Amira kung hindi ang isubsob ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki, habang pinapakawalan lahat ng emosyong inipon niya sa tagal ng panahon na namamalagi siya sa poder ng kanyang mga magulang. Lahat ng hinanakit. Lahat ng pait. Lahat ng tanong kung bakit hindi siya kayang mahalin ng mga ito, lahat iyon ay pinakawalan niya habang yakap-yakap siya ni Yasir Reza.

“Go on, just cry your heart out,” masuyong bulong nito sa kanyang tainga. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito. “I’m here…”

Ilang oras pa ang kanyang ginugol sa pag-iyak hanggang sa masaid lahat ng luhang kayang ilabas ng kanyang mga mata. Hindi umalis si Yasir. Sa kabila nga ng sabi nila na masungit ito at walang puso, kataka-taka ang masuyong yakap nito sa kanya…

“Salamat, Mr. Reza…” bahagyang nangnginginig na usal ni Amira bago inabot ang baso ng tubig na ibinibigay ng lalaki. “P…p-pasensya na…”

“Did I scare you, Amira?” may bahid ng pag-aalala na tanong nito. “I’m sorry. I didn’t expect that it was you who’s going to be my wife.”

“P…p-pinalit ako nina mama kay ate, Mr. Reza,” pabulong niyang sabi. “Kasi raw—”

“Kasi minamalas lahat ng napapangasawa ko?” Bakas sa tinig ng lalaki na natatawa ito. “That might be true, but I think it isn’t always the case, Amira. However, I’m glad it’s you.”

Bahagyang sumikdo ang kanyang puso. Napatungo ang dalaga. Napako ang kanyang tingin sa hawak na baso. “Balak niyo p…p-po ba ako na ibalik kina mama?” Muling naramdaman ng dalaga ang paumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. “P…p-pakiusap, ‘wag n’yo na po akong pabalikin do’n… Gagawin ko lahat, ‘wag n’yo lang akong pabalikin—”

Tila natataranta na dinaluhan siya ng lalaki. “Look, Amira, hindi kita ibabalik do’n okay? Asawa na kita ngayon… Dito ka na sa poder ko.”

Kaagad na natigil ang kanyang pag-iyak. Totoo ba ang naririnig niya? Napatitig pa siya nang todo kay Yasir nang haplusin nito ang magkabilang pisngi niya. Nakatuon ang mga mata ng lalaki sa kanyang mukha. Wala siyang mabakas na galit man lang sa mga mata nito. Kalmado ang kanyang asawa… na tila ba lahat ng mga naririnig niya tungkol sa lalaki ay hindi totoo. 

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at mahinang tumawa. “Kung ibang tao ka lang, Amira, baka kanina pa ako nagmumura.” Ngumiti ang lalaki. “Wala kang dapat ipag-alala. Kahit papa’no, marunong akong sumunod sa usapan at marunong din akong tumanaw ng utang na loob.”

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi ng lalaki. Bumaba ang hawak nito sa kanyang mga kamay kasabay ng pag-iiba ng ritmo ng pintig ng kanyang dibdib. Bakit gan’to? Hindi naman siya nakalunok ng kahit na ano. Ngunit noong mga oras na iyon, pakiramda niya ay may ilang laksang paruparo ang naglalaro sa kanyang sikmura. “Wala naman p…p-po akong ibang gusto kung ‘di ang makalayo mula sa kanila, Mr. Reza—”

“Then your wish is my command, princess,” masuyong saad nito bago siya tinitigan, mata sa mata. Ngumiti si Yasir at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. “Don’t cry now. You’re safe with me, I promise. You’re safe with a devil like me.”

Nahigit ni Amira ang kanyang hininga nang muling maghinang ang kanilang mga mata. He was surprisingly… gentle. Especially when he asked that question. 

“May I kiss you? Just to seal my promise.”

Parang ayaw niya nang kumawala sa init ng presensiya ni Yasir Ibrahim Reza nang maglapat ang kanilang mga labi—kasabay ng paglalaro ng mga paruparo sa kanyang sikmura—sa gitna ng madilim na hotel suite na iyon.

Kaugnay na kabanata

  • Bought by the Devil   Kabanata 1

    Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy

    Huling Na-update : 2023-01-02
  • Bought by the Devil   Kabanata 2

    Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. "Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"Nagningning naman

    Huling Na-update : 2023-01-02

Pinakabagong kabanata

  • Bought by the Devil   Kabanata 3

    Pikit-matang nilagdaan ni Amira ng kanyang pangalan ang mga papel na nasa harapan niya. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo at takasan ang sarili niyang kasal, alam niyang hindi niya magagawa iyon. Nasa likuran niya lang ang kanyang mga magulang, pati na rin ang kinatawan ni Yasir Reza, ang sekretarya nito na isang matandang lalaki. Kung hindi ba naman walang puso ang lalaki, hindi ito sumipot sa kasal. Pumirma lang ito sa wedding papers pagkatapos ay wala nang iba pa. Maikli lang ang seremonyas. Humarap lang siya sandali sa abogado ni Mr. Reza, pinirmahan ang mga papeles, pagkatapos ay nakipag-usap lang sandali ang mga magulang niya kay Mr. Ali, ang sekretarya ni Yasir. Kahit sa kalayuan ay nakikita niya ang pagtataka ng matanda kung bakit siya ang sumipot sa kasal, hindi ang kapatid niyang si Alysa. Nang matapos ang diskusyon ng kanyang mga magulang at ni Mr. Ali ay lumapit ito sa kanya, habang ang ilang tauhan naman nito ay in-escort-an ang kanyang mga magulang papalabas ng sili

  • Bought by the Devil   Kabanata 2

    Inis na nagpabalik-balik si Ana Garcia sa silid na kinaroroonan nito. Kung kailan natapos nilang pirmahan ang kontratang nagsasaad ng kasal ng anak nito na si Alysa kay Yasir Ibrahim Reza, ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, ay tsaka naman may nakapagbulong dito tungkol sa malagim na sinasapit ng mga asawa ng lalaki. Hindi nito mapigilang ngatngatin ang sariling kuko habang umiisip ng paraan kung paano maiaalis ang pinakamamahal na anak sa sitwasyong iyon. Nagastos na nila ang paunang bayad ng lalaki para kay Alysa, at mas lalong hindi naman sila puwedeng umatras. Kailangan nila ang pera. "Ano ba 'yan, Ana? Magdudugo na 'yang daliri mo kakangatngat mo," puna ni Floyd, ang asawa nito. "Kumalma ka nga."Napapisik ang ginang. "At paano naman ako kakalma, Floyd, ha? Paano kung mapaano si Alysa kapag ikinasal siya sa lalaking 'yon?"Tumawa lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasa nitong dyaryo. "Kaya nga may isa ka pang anak na babae, e. Ano pang silbi ni Amira?"Nagningning naman

  • Bought by the Devil   Kabanata 1

    Yasir yawned as he got up from his bed. Rutinaryo niya na na palaging gumigising ng alas singko ng umaga, kahit na gaano pa siya ka-late natulog. Bago kasi umalis ay talagang nag-eehersisyo pa siya at kumakain ng agahan. When she was still with him, she would always nag him about taking care of himself. Marahang nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang hubad at matipunong katawan. Iniunat niya pa ang kanyang mga brasong natatakpan ng mga tattoo bago pinulot ang nahulog na tela. Sandali niyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa pinto ng balkonaheng nakabukas. Noong naroroon pa siya, maaga iyong gumigising para lang tumitig sa kawalan, hinihintay ang paggising ni Yasir.Another day. Nagpakawala si Yasir ng malalim na buntong-hininga at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may upuan. Itinapis niya iyon sa kanyang sarili bago naglakad sa balkonahe at tumanaw sa kawalan. Sa katunayan, kung maaari lang siyang matulog pa nang matagal, hindi talaga siya babangon nang maaga. Bahagya siy

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status