BLYTHE JULIANNA (ACE)
"Hey Acey! What brought you here, darling?" masayang bati sa kan'ya ng may-ari ng car shop na pinuntahan n'ya. She's at La' Carera Wheels o mas kilala sa tawag na La' Cars, isa sa pinakamalaking car company sa bansa. Pangalawa ito sa MG Car Company ng mamita Flamingo nila at kasalukuyang matunog ang pangalan dahil sa mga bagong hightech na labas na mga kotse nito. "I brought my baby here, can someone help me to fix him? I dunno what is the problem pero parang may naririnig akong unusual sound sa engine," sagot n'ya rito. "Sure darling! Ikaw pa ba? I will call someone to bring your baby inside the workshop," sagot nito. Tinangoan n'ya lang ito bilang sagot at ibinigay ang susi ng kan'yang sasakyan. Raffish Batista is a foreign-Filipino national na nagmamay-ari ng La' Carera Wheels. Bihasa itong magtagalog kahit sa ibang bansa ito lumaki. Isa itong half Nigerian, half Arabic-Filipino na nagpatayo ng branch ng La' Carera Wheels sa Pilipinas. Nakita n'yang pinapasok na ng isang lalaki ang kan'yang pulang Bugatti La Voiture Noire, isa sa pinakamahal na sports car sa buong mundo. "Wanna have some coffee with me inside my office, darling?" nakangiting offers nito sa kan'ya but she politely refuses the man's offer. Alam n'ya ang karakas nito at kaya nga s'ya nandito at pabalik-balik sa La' Carera at nakikipagkaibigan sa lalaki ay dahil sa isang misyon. Her agency received a report of smuggling of car parts and accessories at isa ang La' Cars sa mga lists ng mga car company na s'yang gumagawa ng mga krimen. The group of syndicates smuggled the parts and assembled it in the country and sold the cars sa may pinakamataas na offer sa bidding na ginaganap sa tuwing may mga bagong sasakyan na nagawa ang mga ito. Ang masama pa ay hindi ito dumaan sa taxation ng bansa for importing products overseas. Malaking pera ang involved at malaking sindikato din ang nasa likod nito. Ito ang kan'yang misyon ngayon. Ang buwagin at hulihin ang mga tao sa likod ng krimen na nangyayari sa bansa. "I need to see your mechanic on how to do his work to fix my baby, Raffish. Gusto kong matuto, I've been collecting different kinds of cars but I don't even know a single thing kapag nagkaroon ng trouble ang sasakyan ko," kunwari na sabi n'ya rito. Lihim s'yang natawa sa kan'yang sarili. Kung tutuusin ay kaya n'yang mag-ayos ng sasakyan at hangga't maaari ay s'ya ang gumagawa ng mga sasakyan n'ya kapag may trouble dahil ayaw n'yang pahawakan ito sa iba. Kahit ang kan'yang mga kapatid na lalaki ay hindi n'ya binibigyan ng pagkakataon na makahawak sa kan'yang mga babies. Ngunit sa pagkakataong ito ay she needs to play dumb in front of this asshole para mas kapani-paniwala ang kan'yang drama. Lihim na s'yang nag imbestiga ngunit masyado itong madulas at malinis magtrabaho. Kaya kailangan n'yang makapasok sa loob para makakuha ng mga ebedensya na magpapatunay na may ginagawang kababalaghan ang La Car's laban sa batas ng bansa. "Oh sure! How about padadalhan na lang kita ng coffee while you are inside the workshop?" alok nito sa kan'ya. She can barely see the lust in the man's eyes habang pinapasadahan ng tingin ang kan'yang dibdib na sinadya n'yang ipalabas ng kaunti. She is wearing a v-neck top at medyo mababa ang neckline nito kaya kita ang mala porselana n'yang cleavage na bahagyang nakalabas. Lihim s'yang napangisi dahil hindi magtatagal ay makukuha n'ya na ang kan'yang pakay sa lalaki. "No thanks, Raffish! I'm good, naka tatlong tasa na ako ng kape today. Baka magka nervous breakdown na ako n'yan mamaya," natatawang tanggi n'ya rito na ikinatawa din ng mahina ng lalaki sabay iling. Inilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa at bahagyang dinilaan gamit ang dila ang ibabang bahagi ng labi nito. "Napakamanyag ng gago!" lihim na sabi n'ya ngunit matamis ang ngiti ang nakapaskil sa kan'yang labi habang sinasalubong ang mga tingin nito na parang walang alam. "You're so pretty, Ace! I like you but I know na you don't feel the same, so yeah, let's just stay like this. Friends are better than nothing, right?" prangkang sabi nito sa kan'ya sabay hagod ng tingin sa kan'yang kabuoan. Alang-alang n'ya itong tadyakan sa mukha ngunit pinigil n'ya ang sarili at matamis na lang itong nginitian bilang tugon. "That's a good joke, Raffish," nakangising sabi n'ya rito sabay kindat at tinalikuran agad ang lalaki para pumasok sa loob ng shop kung saan inaayos at ginagawa ang mga sasakyan. Iniwas n'ya ang sarili na baka humulagpos ang kan'yang pagtitimpi at baka mapatay n'ya na ang lalaki ng hindi pa nagagawa ang kan'yang trabaho. Narating n'ya ang loob ng work shop at nakita n'ya agad ang kotse n'ya sa di kalayuan kaya lumapit s'ya rito. May tao sa ilalim ng kan'yang sasakyan at sa hinuha n'ya ay inaayos na nito ang kung ano mang problema sa kan'yang kotse. The truth is— alam n'ya ang problema ng kan'yang sasakyan dahil s'ya mismo ang gumawa ng sira nito para may dahilan s'ya na dalhin sa La Car's ang sasakyan. Naglakad s'ya palapit sa kan'yang sasakyan at tumigil lamang ng nasa paanan na ng paa ng lalaki na bahagyang nakalabas. Hindi n'ya makita ang mukha ng tao na nasa ilalim ng kan'yang sasakyan at may kung anong tinitingnan doon. Paa lamang ang nakikita dahil ang buong katawan nito ay pumasok sa kailaliman ng kan'yang sasakyan. "How's my car?" tanong n'ya sa lalaki ngunit hindi ito sumagot. Hinayaan n'ya na lang muna ito dahil baka ayaw nitong magpa-disturbo sa ginagawa. Isinandig n'ya ang katawan sa isang sasakyan at pinag krus ang mga braso sa dibdib habang nakaharap sa kotse n'ya at hinihintay ang paglabas ng lalaki para makausap n'ya ito. Ilang minuto pa ang kan'yang hinintay bago nakitang umusod palabas ang katawan ng lalaki na ikinatigil ng kan'yang paghinga dahil sa pagpantad ng hubad na katawan nito dulot ng hindi pagsuot ng t-shirt. At maya-maya pa ay nakita n'ya na ang ulo nito. Bumangon ito at tumayo para harapin s'ya. Biglang tumigil ang kan'yang mundo ng masilayan ang gwapong mukha ng lalaki sa kan'yang harapan. "Fvck! I've never seen a handsome car mechanic like him in my twenty five years of my life!" lihim na sabi n'ya sa kan'yang sarili habang hindi maalis ang mga mata sa gwapong mukha nito. "Clogged ang air filter ng sasakyan mo plus dirty spark plugs at worn out na din ang ignition wires, that's why there's a stuttering ang popping noises na maririnig sa sasakyan kapag pinaandar mo ," paliwanag ng lalaki sa kan'ya. Mas lalo pa s'yang nawindang ng marinig ang pagsasalita nito ng Tagalog ngunit hindi maipagkakaila ang British accent sa boses. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at nakatulala lang s'ya na nakatingin dito habang sinusundan ng kan'yang mga mata ang bawat paggalaw ng muscles ng lalaki sa mukha kapag nagsasalita. "Damnit! He is so fvcking hot!" mariing pagmumura n'ya sa isip. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ng isang lalaki ang kan'yang atensyon na nagpatulala sa kan'ya. She used to have men around her dahil tatlong barako ang kan'yang mga kapatid at halos lalaki din lahat ang kan'yang mga pinsan. Magagandang lahi ang kanilang pinagmulan kaya hindi maipagkakaila na ang kan'yang mga kapatid at mga pinsan na lalaki ay habulin ng mga babae ngunit ang lalaki sa kan'yang harapan ay kakaiba dahil nakuha nito ang kan'yang atensyon. "Miss?" tawag sa kan'ya ng lalaki at iwinagayway pa nito ang palad sa kan'yang harapan. Nagbalik s'ya sa kan'yang sarili at nataohan. Ilang beses muna s'yang kumurap at tumikhim para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan. Sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya nakaranas na matulala sa isang lalaki kaya hiyang-hiya s'ya sa kan'yang sarili ngayon. "Ahmmm! I'm sorry, what did you say again?" parang tanga na tanong n'ya rito. Mariin s'ya nitong tiningnan at napailing bago inulit ang sinabi nito kanina. Nakinig na s'ya sa pagkakataong ito dahil ayaw n'ya na ng mapahiya ulit sa lalaki. "So what can you suggest para sa problema ng sasakyan ko?" tanong n'ya rito. Akmang ibubuka nito ang bibig para sagutin ang kan'yang tanong ngunit hindi din nito naituloy dahil nagsalita ulit s'ya ng may maalala. "Ahmm, wait! Are you one of the owners of La Car's? " tanong n'ya dahil sa hitsura ng lalaki ay hindi naman ito mukhang mekaniko lamang. Gwapo ito, matangkad, well built ang katawan at mukhang mayaman at higit sa lahat ay mabango kahit pa pawis na pawis ito. "Nope! Mekaniko ako rito," malamig ba sagot ng binata sa kan'ya. Sa tono ng pananalita nito ay parang ayaw s'ya nitong kausap. Nakaramdam s'ya ng ibayong lungkot ng maisip ang bagay na iyon at hindi n'ya alam kung saan nanggaling ang nararamdaman n'ya na lungkot. Lihim n'yang kinurot ang kan'yang balat at pinagalitan ang kan'yang sarili. "Are you sure?" usisa n'ya pa. Nakakunot naman ang noo nitong nilingon s'ya. "Yes! Bakit may problema ba sa sagot ko?" supladong tanong ng lalaki sa kan'ya. Ito ang kauna-unahang lalaki na hindi man lang namangha sa kan'yang kagandahan. Most of the boys na nakakaharap n'ya are drooling like a mad dog pero itong lalaki sa harap n'ya ngayon ay wala man lang ka rea-reaction sa mukha. Ni hindi nga s'ya nito tinataponan ng tingin at nililingon lang s'ya kapag sumasagot ito sa kan'yang tanong, which makes her secretly smile dahil may galang pa rin naman pala ito kahit napaka suplado ng mukha nito. "Wala naman, naninigurado lang," nakalabing sagot n'ya rito at humalukipkip sa gilid. Napailing naman ito at bumalik na sa ginagawa. Hindi na rin s'ya umimik at hinayaan na itong ayusin ang kan'yang kotse. Matapos ang mahigit tatlong oras ay natapos na rin ang pag-aayos nito sa kan'yang sasakyan. S'ya naman ay hindi umalis at nakabantay lang doon pero hindi s'ya sigurado kung ang sasakyan n'ya ba talaga ang binabantayan n'ya o ang gwapong mekaniko na hubad-baro sa kan'yang harapan. Pinagpipyestahan ng kan'yang mga mata ang mga pandesal nito sa t'yan na nakabalandra sa kan'yang harapan. Mas lalo pa itong naging kaakit-akit sa kan'yang paningin dahil sa kumikintab na pawis sa balat nito. Ayon sa lalaki ay overhaul na ang ginawa nito sa kan'yang sasakyan. Wala namang problema sa kan'ya, kahit may appointment s'ya at late na s'ya ay okay lang dahil bawing-bawi naman s'ya sa magandang tanawin sa kan'yang harapan ng mga oras na iyon. Kung ganito ba naman kagwapo ang pag-aaksayahan n'ya ng oras kahit buong linggo pa s'ya dito ay ayos lang sa kan'ya. "Ang landi mo Ace," kastigo n'ya sa sarili ng mataohan sa mga kahalayan na iniisip. "Hey darling, you are still here?" boses ni Raffish na papalapit sa kan'ya ang nagpabalik sa kan'yang katinuan. Inihanda n'ya ang isang matamis na ngiti at nilingon ang lalaki na nakapamulsa habang naglalakad palapit sa kan'yang kinaroroonan. "Yeah! Pero paalis na rin ako, Raffish. Tapos na ring ayusin ang baby ko," sagot n'ya rito habang nakangiti sa lalaki. Kita n'ya kung paano mangislap sa pagnanasa ang mga mata nito ng ngitian n'ya na lihim n'yang ikinangisi. "Soon, you will be under my spill, Raffish. Sige, kagatin mo pa ang pain ko sayo para mapadali ang trabaho ko," lihim na sabi n'ya habang abot tainga ang pagkakangiti sa lalaki. Hindi n'ya na napansin na may kasama pala silang dalawa na malamig at seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Raffish na nagpapalitan ng isang matamis na ngiti.BLYTHE JULIANNA (ACE)...."Oh that's good! Si Luke pala ang nag-ayos sa sasakyan mo. I'm sure pulido ang pagkakaayos n'ya at sigurado na naayos na ng mabuti ang nasirang parti. Luke is one of our top mechanic here. Hindi lamang dito kundi pati na rin sa ibang branches ng La Car's sa ibang bansa. He is in demand at swerte mong nandito s'ya ngayon sa Pilipinas," kwento ni Raffish sa kan'ya.Tumango-tango s'ya bilang tugon sa mga sinabi nito at lihim na humanga sa galing ng lalaki pagdating sa sasakyan. Ngunit ang paghanga sa galing na nararamdaman n'ya para rito ay may kakaibang pakiramdam na dala sa kan'ya. Looking at Luke ay may kakaiba s'yang nararamdaman sa pagkatao nito na hindi n'ya pa matukoy sa ngayon na kung ano."Acey?" pukaw sa kan'ya ni Raffish ng makita nito na nakatulala lang s'ya at hindi sumasagot."So..., this hot and gorgeous man's name is Luke at isang nternational car mechanic. That's cool,"hirit pa ng isip n'ya bago binigyan ng ngiti si Raffish na ngayon ay nakaku
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Napasigaw s'ya dahil sa inis sa lalaki. Hindi naman isyu sa kan'ya ang sampong milyon, marami s'ya n'yan ngunit hindi tamang halaga ang singil sa kan'ya ng lalaki. At tinakot pa s'ya nito na magkikita sila sa korte kapag hindi s'ya nagbayad."Pwes hindi ako magbabayad, bahala ka sa buhay mo," inis na sabi n'ya na sarili lang naman ang kausap. Kung magpa-file ito ng kaso sa kan'ya ay ayos lang. "Sino ang tinakot ng gongong na yon? Ako? Tingnan lang natin kung kakayanin mo ang isang El Frio!" matigas na sabi n'ya at tumayo para pumasok sa kan'yang kwarto. Gusto n'yang maligo at magbabad sa bath tub at baka sakali na mawala ang inis n'ya sa katawan.Isang linggo matapos ang nangyaring alitan nila ng lalaki tungkol sa bill n'ya ay hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya ito sa labas ng kan'yang condo. Kagigising n'ya lang at tanging malaking sando na puti at panty ang suot n'ya ng sunod-sunod na tunog ng doorbell ang kan'yang narinig mula sa labas.Tanging mga kapa
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Pagkatapos n'yang magbihis ay agad n'yang kinuha ang susi ng kan'yang sasakyan at lumabas ng silid. Deritso s'yang lumabas ng kan'yang penthouse at tinungo ang elevator. Walang katao-tao sa palapag na iyon dahil exclusive lamang iyon para sa kan'ya at sa pamilya n'ya. At nagtataka s'ya kung paano nakaakyat sa taas si Luke. May special key card ang kan'yang pamilya at kapag wala ang special key card na ito ay walang makakaakyat sa taas dahil hindi gagalaw ang kan'yang private elevator. Kaya palaisipan sa kan'ya kung paano natunton ng lalaki ang kan'yang kinaroroonan. "Fvck! May pagka salinpusa din ang taong iyon ah!" s'ya sa sarili ng mapagtanto ang lahat. Hinalikan lang s'ya ni Luke ay nawala na agad s'ya sa kan'yang sarili at hindi man lang naisip ang mga bagay-bagay. Nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang pagtunog ng elevator hudyat na nasa lobby na s'ya ng naturang building. She owns the whole building at katulad ng kan'yang mga kapati
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Aray ko naman, Acey! Bakit ka ba nananakit, huh?" Pa singhal na reklamo sa kan'ya ni Pickles ng makaupo silang dalawa sa mahabang sofa. Paano hindi ito magrereklamo kung isinalya n'ya ito paupo sa sofa. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya nakaramdam ng inis ng mga oras na iyon at hindi n'ya din alam kung para kanino ang inis na nararamdaman n'ya."What happened?" nagtatakang tanong ni Graciella sa kanilang dalawa ni Pickles habang nagpalipat-lipat ng tingin. At ngayon n'ya lang napansin na nandito din pala sa bar ang kaibigan. Ang pag-aakala n'ya na dalawa lang sila ni Pickles ang magkikita ngayong gabi. Wala s'ya sa sarili n'ya dahil ang kan'yang atensyon ay nasa inis n'ya ng mga oras na iyon na kahit s'ya ay hindi alam kung para saan at kung para kanino."Aba, malay ko d'yan kay Ace. Hinatak ba naman ako palayo kay pogi at isinalya pa paupo dito," busangot na reklamo ni Pickles kay Graciella."Shut up!" singhal n'ya sa babae ngunit imbes na tumahimik ito ay ma
BLYTHE JULIANNA (ACE)....So..., do you find me charming, huh? hmmmmm!" seryoso na sabi nito ngunit mababanaag sa mga mata nito ang isang emosyon na hindi n'ya kayang pangalan. Hindi n'ya mabilang kung ilang beses s'yang napalunok ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili habang magkasalubong ang kanilang mga mata na dalawa ng lalaki. "Fvck! Get your senses back to your body, Ace!" lihim na kastigo n'ya sa sarili dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan ng mga oras na iyon lalo pa at magkadikit ang kanilang mga balat na dalawa ni Luke."Sweety?" ipinilig n'ya ang kan'yang ulo ng marinig ang malambing na boses ni Luke at ang itinawag nito sa kan'ya."Back off, Muller and stay away from me! Kahit landiin mo pa ako ng landiin ay hindi pa rin ako magbabayad sa isiningil mo sa akin! Scammer ka! Scammer!" nanlilisik ang kan'yang mga mata habang pinagduduro ang lalaki. Mabuti na lang at nakabawi s'ya mula sa kan'yang pagkatulala dahil sa lalaking kaharap.Sumilay ang i
BLYTHE JULIANNA (ACE)...."Let me help you with him," boluntaryo na sabi ng lalaki na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili. Hindi pa s'ya sumasagot ngunit lumuhod na ito sa tabi ni Dos at kinuha ang kamay ng kapatid mula sa kan'ya.Nakasunod lang ang kan'yang tingin kay Luke dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin dito. At kahit hanggang sa itinayo na ng lalaki ang kan'yang kapatid na lasing ay wala pa rin s'yang imik. Lalo pa s'yang namangha ng makita na parang wala lang rito ang bigat ni Dos na kung tutuusin ay halos magkasing built lang ang dalawa ng katawan.Parehong matipuno at alaga sa gym ang katawan ng mga ito ngunit mas gusto n'ya ang katawan ni Luke. Siguro ay dahil kapatid n'ya si Dos at walang epekto sa kan'ya kapag nakikita n'ya itong walang pang-itaas na suot.But Luke is different dahil unang kita n'ya pa lang sa katawan nito ay nagulo na agad ang kan'yang tahimik na mundo. "Sweety, open the door, please," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."At nagpahalik ka naman! Hmmmmm!" dagdag pa nito na mas lalo pang ikinainit ng kan'yang mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahiling n'ya sa taas na sana ay bumuka ang sahig ng kan'yang bahay at lamunin s'ya para hindi na sila magkita pa ni Luke dahil hiyang-hiya s'ya rito at sa kan'yang sarili.Tumikhim s'ya para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago tinapunan ng isang matalim na tingin ang lalaki na nasa kan'ya din pala ang tingin."Lumayas ka sa pamamahay ko, Muller bago pa ako may magawa sayo na hindi mo magugustohan!" mahina ngunit may diin na taboy n'ya sa binata.Kung ibang lalaki pa itong kaharap n'ya ay baka kanina pa ito kumaripas ng takbo dahil sa takot but not Luke dahil sobrang lakas ng loob nito na tumayo at lumapit pa sa kan'ya.At hindi lang ito tumayo sa kan'yang harapan kundi umuklo pa para magpantay ang kanilang mga mukha. At sinadya nitong ilapit ng sobra ang pagmumukha sa kan'ya na halos magdikit na ang kanilang mga labi."Ba
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Hello?" bungad n'ya rito."Do you miss me?" para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng lalaki na nagpagulo sa kan'yang isipan ngunit ng makabawi ay malakas n'ya itong sinigawan sa cellphone."Go to hell, Muller!" Pabagsak s'yang naupo sa upoan habang busangot ang mukha. Paano ba naman kasi ay parang may recorder ang utak n'ya na paulit-ulit na nagpi- play ang sinabi ni Luke sa kan'ya kagabi ng tawagan s'ya nito.Hindi n'ya alam kung pinagtitripan lang s'ya ng lalaki o ano. Wala naman sana s'yang pakialam ngunit dahil apektado s'ya ay naiinis na s'ya sa mga pinagagawa ng lalaki sa kan'ya."Earth to mareng Ace, bakit parang pasan mo ang mundo, girl?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ni Pickles. At ng ilibot n'ya ang kan'yang tingin ay napabuga ulit s'ya ng hangin dahil hindi n'ya man lang napansin ang kaibigan na nasa loob na rin pala ng meeting room kung saan sila magkakaroon ng meeting sa boss nila."Shut up,
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi n'ya na kaya pa ang panunukso at pambibitin na ginagawa ni Luke sa kan'ya kaya s'ya na mismo ang kumilos at humarap sa kasintahan.At nang makaharap n'ya na ito ay s'ya na mismo ang pumalibot ng kan'yang braso sa batok ng kasintahan at siniil ito ng halik sa labi.Isang linggo na mahigpit ng may nangyari sa kanilang dalawa at pagkatapos ng unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi na ulit ito naulit dahil hindi pa s'ya pwede.Kaya ngayon ay para na naman s'yang baliw na sabik na sabik kay Luke. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya na ang bagay na ito at hinahanap-hanap na din ng kan'yang katawan.Mapusok na ginantihan ni Luke ang kan'yang mga halik hanggang sa mag espadahan ang kanilang mga dila. Puno ng panggigil at kasabikan ang kanilang mga galaw na dalawa ni Luke.Ang dalawang palad nito ay nalipat sa pisngi ng kan'yang puwet at mukhang alam n'ya na ang gagawin nito kaya naman ay inihanda n'ya na ang kan'yang sarili.At ng maramdaman ang galaw ni L
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatanaw sa malawak na tanawin sa kan'yang harapan. Hindi pa rin maalis sa isip n'ya ang kan'yang natuklasan tungkol sa dalawa.Ang inaalala n'ya lang ay kung ang kuya Uno n'ya ang makatuklas sa lihim ng kanilang kapatid na si Dos. Kung s'ya lang ay wala namang problema at nirerespeto n'ya ang desisyon nito.At lihim n'yang hiniling na sana ay maintindihan din ng kuya Uno n'ya kapag nalaman nito ang tungkol sa kambal nila. Ayaw n'yang mag-away ang dalawa dahil magkagalit na si Tres at Dos dahil din sa ginawa nito na ikinasira ng pamilya ng kapatid nilang si Tres."What are you thinking, sweetheart?" ang malambing na boses ni Luke ang pumukaw sa kan'ya. Agad nitong ipinalibot ang dalawang braso sa kan'yang bewang at niyakap s'ya mula sa likod."You're up," s'ya rito at inihilig ang ulo sa didbib ng kasintahan. Maaga s'yang nagising at agad na dumiretso sa balkonahe habang naiwan si Luke na mahimbing na natutulog sa kanilang silid.
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Narating nila ang bahay ni Luke ng hindi ito umiimik. Hindi na din s'ya nagsalita dahil napuno ng mga tanong ang isip n'ya. Hindi sinagot ni Luke ang mga tanong n'ya kanina ngunit nangako naman ito na sasagutin ang lahat pagdating nila sa bahay nito. Lumapag sa helipad ang helicopter na sinasakyan nila at agad s'yang bumaba. Si Luke naman ay kinuha ang kanilang mga gamit bago sumunod sa kan'ya. Tahimik nilang binabagtas ang hagdan pababa sa bahay nito at nagulat s'ya ng mabungaran ang kapatid na si Dos sa sala ng bahay ni Luke. Ngayon ay nasagot ang isang tanong n'ya kanina, na magkakilala ang dalawang lalaki. Patunay lang ang biglang pagsugod ni Dos sa bahay ni Luke at alam nito kung saan nakatirik ang bahay na ito ng kan'yang kasintahan. Malamig at blangko ang kan'yang reaction ng makita ang kapatid. Kung gaano ka blangko ang reaction sa mukha nito ay ganon din ang ipinakita n'ya sa kapatid. "Ace! Let's talk!" may diin na sabi ng kapatid sa kan'ya. "Ye
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Ace!""Julianna!" magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki sa kan'yang pangalan ng makita s'ya na bumulagta sa sahig dahil sa pagbaril sa kan'ya ni Raffish.At kasunod sa pagsigaw ng dalawang lalaki na kasama n'ya ay ang pagbulagta ng katawan ni Raffish sa sahig habang naliligo sa sariling dugo."Sweetheart," nababahala at puno ng pag-alala na tawag sa kan'ya ni Luke ng lapitan s'ya nito. Nginitian n'ya ang kasintahan at itinaas ang kan'yang kamay para haplusin ang pisngi nito."Thank you! Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaril ni Raffish sa akin at kung hindi mo ako pinilit na magsuot ng bullet proof vest ay baka napurohan na ako," s'ya kay Luke. Nakita n'ya ang pagkawala ng pag-alala sa mukha nito ng marinig ang kan'yang sinabi.Nakalimutan din yata nito na pinilit s'ya nito kanina na isuot ang vest para extra protection. Ngayon n'ya napatunayan na tama ang lalaki sa pagpilit sa kan'ya kanina na magsuot."Fvck! You scared me, sweetheart. Akala ko ay—,""Ge
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Kuya Dos," matigas na sambit n'ya sa pangalan ng kapatid na s'yang kausap ng mga taga La Car's."Fvck! It's him!" dagdag n'ya pa habang nakatingin sa kapatid na walang ka emo-emosyon ang mukha. Nagharap na ang mga ito at ganon na lang ang kan'yang mura ng magsibunot ng mga baril ang mga kaharap ni Luke."Luke, that's my brother! Let me handle him!" pagbibigay alam n'ya sa kasintahan. Alam n'ya na kailangan n'yang hulihin ang mga tao na nasa likod ng malaking sindikato ngunit kapatid n'ya pa rin si Dos at pareho ang dugo na nasa katawan nila.Ilang beses n'yang inulit ang kan'yang sinabi kay Luke ngunit wala s'yang tugon na narinig mula sa kasintahan na ikinataranta n'ya lalo na ng magsimula ng magpalitan ng putok ang grupo."Damn it!" Mabilis n'yang inayos ang kan'yang position at nagsimula ng isa-isahin ang mga kalaban na nakikita mula sa kan'yang kinaroroonan. Hinanap n'ya si Dos ngunit hindi n'ya na ito namataan sa grupo ng mga kalalakihan, ganon din si L
BLYTHE JULIANNA (ACE)...The time has come at iniwan na s'ya ni Luke sa kan'yang kinaroroonan para pumunta sa kabilang building. Nakasunod ang kan'yang sniper gun kung saan ay may nakakabit na scoop at nakikita n'ya mula rito ang lalaki.Ayaw n'yang maalis sa kan'yang paningin si Luke kaya hangga't maaari ay susundan n'ya ito ng kan'yang paningin. Hindi muna ito dumiretso sa La Car's. Tumigil ito sa tagong bahagi sa baba at nagmatyag sa paligid."Did you see something, sweetheart?" narinig n'yang tanong nito mula sa suot na earpiece."Yeah!" wala sa sarili na sagot n'ya rito."What is it?" tanong nito pabalik sa kan'ya."A handsome man!""Handsome man? What the fvck! Who is the handsome man na tinitingnan mo ngayon, Ace?" may diin na tanong nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa dahil kita mula sa kan'yang kinaroroonan ang paglabas ng mga ugat sa leeg ni Luke tanda na galit ito."The man I love the most. Hmmmmm," pilyang sagot n'ya rito. Tumingala sa kan'yang kinaroroonan ang binata at
BLYTHE JULIANNA (ACE)...She agreed to work with Luke and after a week of resting for Luke to fully recover they started their plan.Ngunit kahit nasa bahay lang sila nito ay nagtatrabaho silang dalawa. Since si Luke ang may alam ng pasikot-sikot sa La Car's ay madali para sa kanilang dalawa ang pagplano.At natutuwa s'ya sa ginagawa nilang dalawa ng kasintahan. Kakaiba magtrabaho si Luke at masasabi n'ya na napapahanga s'ya ng lalaki sa mga ideya at katalinuhan nito. Hindi lamang ito gwapo at maganda ang pangangatawan. Puno din ng talino si Luke at kakaiba kung mag plano.Pulido at pinag-aaralan ng mabuti. Matagal na s'ya sa ganitong trabaho ngunit ang ipinakita sa kan'ya ni Luke ay kakaiba."Are you ready?" tanong sa kan'ya ng kasintahan. Pareho silang nag-aayos ng kanilang mga kakailanganin sa paglusob sa La Car's mamayang gabi. May magaganap na transaction mamaya sa La Car's at darating ang big boss ng naturang sindikato at hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito.Nakaplano
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nasa bahay sila ni Luke sa Tagaytay at kasalukuyan s'yang nasa balkonahe at nililinis ang kan'yang mga baril.Nang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Luke ay umuwi na sila at dito sila dumiretso sa bahay nito sa Tagaytay. Alam n'ya na may nakakaalam kung nasaan sila ngayon dahil sa parehong nangyaring ambush sa kanilang dalawa at sigurado s'ya na may nakasunod sa bawat galaw nila ni Luke.Ngunit hindi s'ya takot dahil alam n'ya na kayang-kaya nilang labanan ni Luke ang mga kalaban. At hindi na din s'ya nag protesta ng sinabi ng kasintahan kanina na dito sila uuwi na dalawa.Alam n'ya na may dahilan kung bakit dito sila dumiretso. At may tiwala s'ya sa lalaki at alam n'ya na ginagawa nito ang tama.Nasa mataas na bahagi sila ng lugar at mula sa kan'yang kinaroroonan ay kitang-kita ang baba. May mataas na bakod ang bahay ni Luke at ngayon n'ya lang napansin na kakaibang bakod ang mayroon sa bahay nito.Lihim s'yang napangisi dahil ngayon ay naintindihan n'y
LUKE FRIEDRICH..."Mabuti na lang at hindi ka napurohan, Muller. Masamang damo ay matagal mamatay talaga," kantyaw sa kan'ya ng kaibigan habang ginagamot ang kan'yang sugat."Shut the fvck, Morgan," singhal n'ya sa lalaki. "What? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Masamang damo ay matagal mamatay at ikaw ang patunay sa kasabihan na yan. Look at you at buhay ka pa rin magpahanggang ngayon. C'mon, Muller! Alam natin pareho kung gaano ka ka demonyo na hayop ka!" dagdag pa nito na ikinabato n'ya ng gunting sa kaibigan."Fvck you! Mas demonyo ka sa aking hayop ka!" balik mura n'ya sa kaibigan. Tinawanan lamang s'ya nito ngunit maya-maya lang ay nag seryoso din ang mukha."Who did this to you, Muller? Kailan ka lang dito sa Pilipinas at may kaaway ka na agad? O di kaya ay ang mga kaaway mo pa ito sa Russia?" "I don't know yet, Ashley. Kailangan ko pang mag-imbestiga at alamin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito," igting ang mga panga na sagot n'ya sa kaibigan."I'm here, Muller. At nasa