BLYTHE JULIANNA (ACE)...
Pagkatapos n'yang magbihis ay agad n'yang kinuha ang susi ng kan'yang sasakyan at lumabas ng silid. Deritso s'yang lumabas ng kan'yang penthouse at tinungo ang elevator. Walang katao-tao sa palapag na iyon dahil exclusive lamang iyon para sa kan'ya at sa pamilya n'ya. At nagtataka s'ya kung paano nakaakyat sa taas si Luke. May special key card ang kan'yang pamilya at kapag wala ang special key card na ito ay walang makakaakyat sa taas dahil hindi gagalaw ang kan'yang private elevator. Kaya palaisipan sa kan'ya kung paano natunton ng lalaki ang kan'yang kinaroroonan. "Fvck! May pagka salinpusa din ang taong iyon ah!" s'ya sa sarili ng mapagtanto ang lahat. Hinalikan lang s'ya ni Luke ay nawala na agad s'ya sa kan'yang sarili at hindi man lang naisip ang mga bagay-bagay. Nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang pagtunog ng elevator hudyat na nasa lobby na s'ya ng naturang building. She owns the whole building at katulad ng kan'yang mga kapatid na lalaki ay nandito sa building na pag-aari n'ya ang kan'yang negosyo. Hindi lamang s'ya isang mason at SIA operative kundi isa din s'yang CEO ng kan'yang sariling metal fabrication company. S'ya ang may pinakamalaking metal fabrication sa bansa ay nangungunang supplier ng mga malalaking construction company at pati na ng mga shipping company na gumagawa ng mga barko at iba pang sasakyan pandagat. Hindi biro ang laki ng kan'yang negosyo at halos isang libo ang kan'yang mga empleyado na umaasa sa kan'yang negosyo at pamamalakad. At ayaw n'yang biguin ang mga ito dahil kung hindi dahil sa mga taohan n'ya ay hindi n'ya mararating ang kan'yang kinaroroonan ngayon. Deritso s'yang naglakad patungo sa receptionist para magtanong sa mga ito. "Good evening ma'am, Ace," magalang na bati ng dalawang babae na naka duty. "Hi! Can I see the guests record for today?" s'ya sa mga ito na agad naman na kumilos. Kinuha ng isa ang kulay asuk na logbook ng mga bisita sa kan'yang building. Agad n'yang sinilip ang mga nakasulat para hanapin ang pangalan ni Luke ngunit wala sa listahan ang lalaki na ipinagtaka n'ya. "May nakita ba kayong lalaki na pumasok dito ngayon lang? Matangkad, well built ang katawan. Tan ang kulay ng balat at may biloy sa magkabilang pisngi," paglalarawan n'ya kay Luke na lihim n'yang ikinakagat ng labi lalo na ng makaramdam ng kilig sa loob-loob n'ya habang sinasabi ang pisikal na anyo ng lalaki. "Yong gwapo na pizza delivery boy lang naman ang pumasok dito ma'am pero saglit lang naman iyon. Hinatid n'ya lang naman ang order na pizza ni Cathaleya at pagkatapos ay umalis na agad," kumikislap ang mga mata na sagot ng isa sa kan'yang mga receptionist na lihim n'yang ikinairap. Ngunit ng maalala ang sinabi nito na pizza delivery boy ay bigla s'yang na curious kaya nanatili muna s'ya sa harapan ng reception at may sinilip sa kan'yang cellphone. She is checking the CCTV of the building at tama nga ang mga babae sa reception. Nagpanggap si Luke na isang pizza delivery boy ngunit ang ipinagtataka n'ya ay kung paano ito nakapasok sa elevator ng walang special access card na hawak. "Fvck! How did he do that?" lihim na tanong n'ya sa sarili ngunit agad ding natigil ng biglang tumunog ang kan'yang cellphone. It was Pickles at sigurado s'ya na kukulitin na s'ya ng kaibigan na pumunta sa bar. At hindi nga s'ya nagkamali dahil hindi pa s'ya nakakapagsalita ay bumunganga na agad ang babae at inisa-isang alam ang detalye kung nasaan na s'ya. Napailing na lamang s'ya at nagpasyang umalis na muna. Bukas n'ya na lang aalamin kung paano nakaakyat si Luke sa kan'yang penthouse ng walang susi. Pagkalabas n'ya ng building ay agad s'yang sumampa ng sasakyan at nagmaneho patungo sa bar 21 kung saan sila magkikita ng kaibigan. Hindi naman nagtagal at narating n'ya ang naturang bar. Agad s'yang bumaba ng sasakyan matapos itong maiparada at naglakad patungo sa entrance ng bar. Nang makilala s'ya ng mga bouncer ay agad s'yang binati ng mga ito at pinapasok. Bar 21 is owned by Graciella. Isa sa mga kaibigan nila ni Pickles na isang psychologist at therapist ngunit ang negosyo ay isang bar na pinagtatawanan nilang magkakaibigan. Hindi kasi s'ya pinapapasok sa bar na pag-aari ng kapatid na si Tres dahil ito ang utos ng kan'yang mga damuhong kapatid. Ngunit nagagawa n'ya pa rin ang mag bar dahil sa kaibigan na si Graciella. Malakas na musika at naghihiyawan na mga tao ang sumalubong sa kan'ya. Nasilaw s'ya ng mga nagkikislapang ilaw kaya wala sa sarili na ipinikit n'ya ang kan'yang mga mata saglit para masanay ito sa iba't-ibang kulay ng ilaw mula sa dancing light. Nang masiguro na maayos na ang kan'yang pakiramdam ay dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata para lang magulat ng tumambad sa kan'yang harapan ang gwapong mukha ni Luke. Sobrang lapit din ng mukha nito sa kan'yang mukha at amoy na amoy n'ya ang hininga nito na pinaghalong amoy ng alak at natural na amoy ng hininga nito. Lihim s'yang napalunok ng laway at dala na rin ng pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at nakatulala lamang na nakatingin sa gwapong mukha ng lalaki na mataman ding nakatingin sa kan'ya. "What are you doing here?" ang baritonong boses nito ang nagpabalik sa kan'yang diwa. Akmang ibubuka n'ya ang kan'yang labi para sagutin ang lalaki ngunit hindi n'ya naituloy ng biglang may humaklit sa kan'yang braso. "There you are my gorgeous, Acey. Kanina ka pa namin hinihintay girl! Let's go!" si Pickles sa kan'ya ngunit agad ding natigilan at awang ang mga labi ng makita si Luke sa harapan nila. "O-EM-GEE....Who is he, Acey?" madramang tanong ng kaibigan sa kan'ya ngunit ang mga mata ay hindi maalis sa mukha ni Luke. Ni hindi nga s'ya nito nilingon habang kinakausap s'ya nito. Napailing na lamang s'ya dahil umandar na naman ang pagiging manyak nitong kaibigan n'ya. "No one! Let's go!" malamig ang boses na sagot n'ya kay Pickles sabay hatak sa kaibigan na nagpupumiglas pa habang lingon ng lingon kay Luke. S'ya naman ay nakaramdam ng kaunting inis sa loob-loob n'ya at hindi n'ya alam kung para saan iyon. "Fvck! Bakit ako nakaramdam ng inis sa tinginan ni Pickles at Luke?" lihim na tanong n'ya sa sarili habang hila-hila ang kaibigan na panay ang blow ng kiss kay Luke.BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Aray ko naman, Acey! Bakit ka ba nananakit, huh?" Pa singhal na reklamo sa kan'ya ni Pickles ng makaupo silang dalawa sa mahabang sofa. Paano hindi ito magrereklamo kung isinalya n'ya ito paupo sa sofa. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya nakaramdam ng inis ng mga oras na iyon at hindi n'ya din alam kung para kanino ang inis na nararamdaman n'ya."What happened?" nagtatakang tanong ni Graciella sa kanilang dalawa ni Pickles habang nagpalipat-lipat ng tingin. At ngayon n'ya lang napansin na nandito din pala sa bar ang kaibigan. Ang pag-aakala n'ya na dalawa lang sila ni Pickles ang magkikita ngayong gabi. Wala s'ya sa sarili n'ya dahil ang kan'yang atensyon ay nasa inis n'ya ng mga oras na iyon na kahit s'ya ay hindi alam kung para saan at kung para kanino."Aba, malay ko d'yan kay Ace. Hinatak ba naman ako palayo kay pogi at isinalya pa paupo dito," busangot na reklamo ni Pickles kay Graciella."Shut up!" singhal n'ya sa babae ngunit imbes na tumahimik ito ay ma
BLYTHE JULIANNA (ACE)....So..., do you find me charming, huh? hmmmmm!" seryoso na sabi nito ngunit mababanaag sa mga mata nito ang isang emosyon na hindi n'ya kayang pangalan. Hindi n'ya mabilang kung ilang beses s'yang napalunok ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili habang magkasalubong ang kanilang mga mata na dalawa ng lalaki. "Fvck! Get your senses back to your body, Ace!" lihim na kastigo n'ya sa sarili dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan ng mga oras na iyon lalo pa at magkadikit ang kanilang mga balat na dalawa ni Luke."Sweety?" ipinilig n'ya ang kan'yang ulo ng marinig ang malambing na boses ni Luke at ang itinawag nito sa kan'ya."Back off, Muller and stay away from me! Kahit landiin mo pa ako ng landiin ay hindi pa rin ako magbabayad sa isiningil mo sa akin! Scammer ka! Scammer!" nanlilisik ang kan'yang mga mata habang pinagduduro ang lalaki. Mabuti na lang at nakabawi s'ya mula sa kan'yang pagkatulala dahil sa lalaking kaharap.Sumilay ang i
BLYTHE JULIANNA (ACE)...."Let me help you with him," boluntaryo na sabi ng lalaki na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili. Hindi pa s'ya sumasagot ngunit lumuhod na ito sa tabi ni Dos at kinuha ang kamay ng kapatid mula sa kan'ya.Nakasunod lang ang kan'yang tingin kay Luke dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin dito. At kahit hanggang sa itinayo na ng lalaki ang kan'yang kapatid na lasing ay wala pa rin s'yang imik. Lalo pa s'yang namangha ng makita na parang wala lang rito ang bigat ni Dos na kung tutuusin ay halos magkasing built lang ang dalawa ng katawan.Parehong matipuno at alaga sa gym ang katawan ng mga ito ngunit mas gusto n'ya ang katawan ni Luke. Siguro ay dahil kapatid n'ya si Dos at walang epekto sa kan'ya kapag nakikita n'ya itong walang pang-itaas na suot.But Luke is different dahil unang kita n'ya pa lang sa katawan nito ay nagulo na agad ang kan'yang tahimik na mundo. "Sweety, open the door, please," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."At nagpahalik ka naman! Hmmmmm!" dagdag pa nito na mas lalo pang ikinainit ng kan'yang mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahiling n'ya sa taas na sana ay bumuka ang sahig ng kan'yang bahay at lamunin s'ya para hindi na sila magkita pa ni Luke dahil hiyang-hiya s'ya rito at sa kan'yang sarili.Tumikhim s'ya para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago tinapunan ng isang matalim na tingin ang lalaki na nasa kan'ya din pala ang tingin."Lumayas ka sa pamamahay ko, Muller bago pa ako may magawa sayo na hindi mo magugustohan!" mahina ngunit may diin na taboy n'ya sa binata.Kung ibang lalaki pa itong kaharap n'ya ay baka kanina pa ito kumaripas ng takbo dahil sa takot but not Luke dahil sobrang lakas ng loob nito na tumayo at lumapit pa sa kan'ya.At hindi lang ito tumayo sa kan'yang harapan kundi umuklo pa para magpantay ang kanilang mga mukha. At sinadya nitong ilapit ng sobra ang pagmumukha sa kan'ya na halos magdikit na ang kanilang mga labi."Ba
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Hello?" bungad n'ya rito."Do you miss me?" para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng lalaki na nagpagulo sa kan'yang isipan ngunit ng makabawi ay malakas n'ya itong sinigawan sa cellphone."Go to hell, Muller!" Pabagsak s'yang naupo sa upoan habang busangot ang mukha. Paano ba naman kasi ay parang may recorder ang utak n'ya na paulit-ulit na nagpi- play ang sinabi ni Luke sa kan'ya kagabi ng tawagan s'ya nito.Hindi n'ya alam kung pinagtitripan lang s'ya ng lalaki o ano. Wala naman sana s'yang pakialam ngunit dahil apektado s'ya ay naiinis na s'ya sa mga pinagagawa ng lalaki sa kan'ya."Earth to mareng Ace, bakit parang pasan mo ang mundo, girl?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ni Pickles. At ng ilibot n'ya ang kan'yang tingin ay napabuga ulit s'ya ng hangin dahil hindi n'ya man lang napansin ang kaibigan na nasa loob na rin pala ng meeting room kung saan sila magkakaroon ng meeting sa boss nila."Shut up,
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Dahil sa pag-uusap nila ng kanilang boss ay agad n'yang ginawa ang kan'yang trabaho. Hindi muna s'ya pumasok sa kan'yang kompanya at pinaglaanan ng oras ang kan'yang misyon. Pero ng maisip na paniguradong magkikita na naman sila ni Luke ay agad s'yang nakaramdam ng pagkabahala. Simula ng makilala n'ya ang binata ay nakakaranas na s'ya ng pagiging tanga minsan at madalas ay nakakalimutan ang mga bagay-bagay sa kan'yang paligid. In short ay panira sa katinuan n'ya ang lalaki at panggulo sa isip kaya kailangan n'yang umiwas dito. Mas maaga ay mas mabuti dahil kapag pinatagal n'ya pa ay baka kung ito pa ang dahilan ng ikakapahamak n'ya at ng kan'yang trabaho. Nagbuga s'ya ng hangin habang itinatali pataas ang kan'yang buhok. She has a beautiful and healthy hair. Medyo wavy ito from the tip to the end pero hindi naman iyong tipo na kulot talaga. Bumagay sa kan'yang magandang mukha ang kan'yang buhok at madalas ay natatawag s'yang prinsesa sa mga sinaunang movie
LUKE FRIEDRICH... Maaga pa lang ay pumasok na s'ya sa La Car's dahil may ipinapagawa si Raffish sa kan'ya na agad n'ya namang pinaunlakan. Mas pabor sa kan'ya ang labas-pasok sa La Car's ano mang oras at hindi n'ya sasayangin ang pagkakataong ito na magawa ang kan'yang trabaho. He is from Ireland at lumipad lang papuntang Pilipinas para sa trabahong ito. At hindi n'ya naman pinagsisihan ang kan'yang desisyon dahil nagustohan n'ya ang Pilipinas. His mom is a pure blooded Filipina and his dad is Irish. Kaya s'ya matalas sa salitang Tagalog dahil sa mommy n'ya. Tubong Cebu ang kan'yang ina at marami silang pamilya sa Cebu. Ngunit dahil trabaho ang ipinunta n'ya rito kung kaya ay hindi pa s'ya nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang kan'yang lolo at lola sa Cebu, mga tiyahin na kapatid ng ina at mga pinsan. No one knows in his family na nandito s'ya sa Pilipinas at ayaw n'ya munang ipaalam dahil may kailangan pa s'yang tapusin. Tinapos n'ya ang panghuling papeles na binabasa. Nasa
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari at natagpuan n'ya na lang ang kan'yang sarili na mapusok ng nakikipaghalikan kay Luke.Sobrang bilis ng pangyayari na hindi n'ya na napansin kung paano s'ya napunta sa mga bisig nito. Nasa sofa s'ya habang ang binata ay nasa ibabaw n'ya at hindi inaalis ang labi sa kan'yang labi.Nabuwag ni Luke ang pader na iniharang n'ya sa pagitan nila at kung kailan pa na nagpaubaya na s'ya sa mga halik nito ay s'ya namang pagputol ng lalaki sa kanilang ginagawa ngunit hindi ito umalis sa pwesto at idinikit ang noo sa kan'yang nooWalang salita na nagtitigan lamang sila at s'ya ang unang sumuko at nagbawi ng tingin. Gamit ang natitira pang lakas ay hinawi n'ya si Luke para umalis ito sa ibabaw n'ya. Hindi naman tumutol ang binata at pabagsak na naupo sa kan'yang tabi.Akmang tatayo s'ya para sana umalis na at lumayo sa lalaki ngunit hindi s'ya nito hinayaan at mabilis na pinaikot ang braso sa kan'yang bewang."Not that fast, sweety," p
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi n'ya na kaya pa ang panunukso at pambibitin na ginagawa ni Luke sa kan'ya kaya s'ya na mismo ang kumilos at humarap sa kasintahan.At nang makaharap n'ya na ito ay s'ya na mismo ang pumalibot ng kan'yang braso sa batok ng kasintahan at siniil ito ng halik sa labi.Isang linggo na mahigpit ng may nangyari sa kanilang dalawa at pagkatapos ng unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi na ulit ito naulit dahil hindi pa s'ya pwede.Kaya ngayon ay para na naman s'yang baliw na sabik na sabik kay Luke. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya na ang bagay na ito at hinahanap-hanap na din ng kan'yang katawan.Mapusok na ginantihan ni Luke ang kan'yang mga halik hanggang sa mag espadahan ang kanilang mga dila. Puno ng panggigil at kasabikan ang kanilang mga galaw na dalawa ni Luke.Ang dalawang palad nito ay nalipat sa pisngi ng kan'yang puwet at mukhang alam n'ya na ang gagawin nito kaya naman ay inihanda n'ya na ang kan'yang sarili.At ng maramdaman ang galaw ni L
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatanaw sa malawak na tanawin sa kan'yang harapan. Hindi pa rin maalis sa isip n'ya ang kan'yang natuklasan tungkol sa dalawa.Ang inaalala n'ya lang ay kung ang kuya Uno n'ya ang makatuklas sa lihim ng kanilang kapatid na si Dos. Kung s'ya lang ay wala namang problema at nirerespeto n'ya ang desisyon nito.At lihim n'yang hiniling na sana ay maintindihan din ng kuya Uno n'ya kapag nalaman nito ang tungkol sa kambal nila. Ayaw n'yang mag-away ang dalawa dahil magkagalit na si Tres at Dos dahil din sa ginawa nito na ikinasira ng pamilya ng kapatid nilang si Tres."What are you thinking, sweetheart?" ang malambing na boses ni Luke ang pumukaw sa kan'ya. Agad nitong ipinalibot ang dalawang braso sa kan'yang bewang at niyakap s'ya mula sa likod."You're up," s'ya rito at inihilig ang ulo sa didbib ng kasintahan. Maaga s'yang nagising at agad na dumiretso sa balkonahe habang naiwan si Luke na mahimbing na natutulog sa kanilang silid.
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Narating nila ang bahay ni Luke ng hindi ito umiimik. Hindi na din s'ya nagsalita dahil napuno ng mga tanong ang isip n'ya. Hindi sinagot ni Luke ang mga tanong n'ya kanina ngunit nangako naman ito na sasagutin ang lahat pagdating nila sa bahay nito. Lumapag sa helipad ang helicopter na sinasakyan nila at agad s'yang bumaba. Si Luke naman ay kinuha ang kanilang mga gamit bago sumunod sa kan'ya. Tahimik nilang binabagtas ang hagdan pababa sa bahay nito at nagulat s'ya ng mabungaran ang kapatid na si Dos sa sala ng bahay ni Luke. Ngayon ay nasagot ang isang tanong n'ya kanina, na magkakilala ang dalawang lalaki. Patunay lang ang biglang pagsugod ni Dos sa bahay ni Luke at alam nito kung saan nakatirik ang bahay na ito ng kan'yang kasintahan. Malamig at blangko ang kan'yang reaction ng makita ang kapatid. Kung gaano ka blangko ang reaction sa mukha nito ay ganon din ang ipinakita n'ya sa kapatid. "Ace! Let's talk!" may diin na sabi ng kapatid sa kan'ya. "Ye
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Ace!""Julianna!" magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki sa kan'yang pangalan ng makita s'ya na bumulagta sa sahig dahil sa pagbaril sa kan'ya ni Raffish.At kasunod sa pagsigaw ng dalawang lalaki na kasama n'ya ay ang pagbulagta ng katawan ni Raffish sa sahig habang naliligo sa sariling dugo."Sweetheart," nababahala at puno ng pag-alala na tawag sa kan'ya ni Luke ng lapitan s'ya nito. Nginitian n'ya ang kasintahan at itinaas ang kan'yang kamay para haplusin ang pisngi nito."Thank you! Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaril ni Raffish sa akin at kung hindi mo ako pinilit na magsuot ng bullet proof vest ay baka napurohan na ako," s'ya kay Luke. Nakita n'ya ang pagkawala ng pag-alala sa mukha nito ng marinig ang kan'yang sinabi.Nakalimutan din yata nito na pinilit s'ya nito kanina na isuot ang vest para extra protection. Ngayon n'ya napatunayan na tama ang lalaki sa pagpilit sa kan'ya kanina na magsuot."Fvck! You scared me, sweetheart. Akala ko ay—,""Ge
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Kuya Dos," matigas na sambit n'ya sa pangalan ng kapatid na s'yang kausap ng mga taga La Car's."Fvck! It's him!" dagdag n'ya pa habang nakatingin sa kapatid na walang ka emo-emosyon ang mukha. Nagharap na ang mga ito at ganon na lang ang kan'yang mura ng magsibunot ng mga baril ang mga kaharap ni Luke."Luke, that's my brother! Let me handle him!" pagbibigay alam n'ya sa kasintahan. Alam n'ya na kailangan n'yang hulihin ang mga tao na nasa likod ng malaking sindikato ngunit kapatid n'ya pa rin si Dos at pareho ang dugo na nasa katawan nila.Ilang beses n'yang inulit ang kan'yang sinabi kay Luke ngunit wala s'yang tugon na narinig mula sa kasintahan na ikinataranta n'ya lalo na ng magsimula ng magpalitan ng putok ang grupo."Damn it!" Mabilis n'yang inayos ang kan'yang position at nagsimula ng isa-isahin ang mga kalaban na nakikita mula sa kan'yang kinaroroonan. Hinanap n'ya si Dos ngunit hindi n'ya na ito namataan sa grupo ng mga kalalakihan, ganon din si L
BLYTHE JULIANNA (ACE)...The time has come at iniwan na s'ya ni Luke sa kan'yang kinaroroonan para pumunta sa kabilang building. Nakasunod ang kan'yang sniper gun kung saan ay may nakakabit na scoop at nakikita n'ya mula rito ang lalaki.Ayaw n'yang maalis sa kan'yang paningin si Luke kaya hangga't maaari ay susundan n'ya ito ng kan'yang paningin. Hindi muna ito dumiretso sa La Car's. Tumigil ito sa tagong bahagi sa baba at nagmatyag sa paligid."Did you see something, sweetheart?" narinig n'yang tanong nito mula sa suot na earpiece."Yeah!" wala sa sarili na sagot n'ya rito."What is it?" tanong nito pabalik sa kan'ya."A handsome man!""Handsome man? What the fvck! Who is the handsome man na tinitingnan mo ngayon, Ace?" may diin na tanong nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa dahil kita mula sa kan'yang kinaroroonan ang paglabas ng mga ugat sa leeg ni Luke tanda na galit ito."The man I love the most. Hmmmmm," pilyang sagot n'ya rito. Tumingala sa kan'yang kinaroroonan ang binata at
BLYTHE JULIANNA (ACE)...She agreed to work with Luke and after a week of resting for Luke to fully recover they started their plan.Ngunit kahit nasa bahay lang sila nito ay nagtatrabaho silang dalawa. Since si Luke ang may alam ng pasikot-sikot sa La Car's ay madali para sa kanilang dalawa ang pagplano.At natutuwa s'ya sa ginagawa nilang dalawa ng kasintahan. Kakaiba magtrabaho si Luke at masasabi n'ya na napapahanga s'ya ng lalaki sa mga ideya at katalinuhan nito. Hindi lamang ito gwapo at maganda ang pangangatawan. Puno din ng talino si Luke at kakaiba kung mag plano.Pulido at pinag-aaralan ng mabuti. Matagal na s'ya sa ganitong trabaho ngunit ang ipinakita sa kan'ya ni Luke ay kakaiba."Are you ready?" tanong sa kan'ya ng kasintahan. Pareho silang nag-aayos ng kanilang mga kakailanganin sa paglusob sa La Car's mamayang gabi. May magaganap na transaction mamaya sa La Car's at darating ang big boss ng naturang sindikato at hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito.Nakaplano
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nasa bahay sila ni Luke sa Tagaytay at kasalukuyan s'yang nasa balkonahe at nililinis ang kan'yang mga baril.Nang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Luke ay umuwi na sila at dito sila dumiretso sa bahay nito sa Tagaytay. Alam n'ya na may nakakaalam kung nasaan sila ngayon dahil sa parehong nangyaring ambush sa kanilang dalawa at sigurado s'ya na may nakasunod sa bawat galaw nila ni Luke.Ngunit hindi s'ya takot dahil alam n'ya na kayang-kaya nilang labanan ni Luke ang mga kalaban. At hindi na din s'ya nag protesta ng sinabi ng kasintahan kanina na dito sila uuwi na dalawa.Alam n'ya na may dahilan kung bakit dito sila dumiretso. At may tiwala s'ya sa lalaki at alam n'ya na ginagawa nito ang tama.Nasa mataas na bahagi sila ng lugar at mula sa kan'yang kinaroroonan ay kitang-kita ang baba. May mataas na bakod ang bahay ni Luke at ngayon n'ya lang napansin na kakaibang bakod ang mayroon sa bahay nito.Lihim s'yang napangisi dahil ngayon ay naintindihan n'y
LUKE FRIEDRICH..."Mabuti na lang at hindi ka napurohan, Muller. Masamang damo ay matagal mamatay talaga," kantyaw sa kan'ya ng kaibigan habang ginagamot ang kan'yang sugat."Shut the fvck, Morgan," singhal n'ya sa lalaki. "What? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Masamang damo ay matagal mamatay at ikaw ang patunay sa kasabihan na yan. Look at you at buhay ka pa rin magpahanggang ngayon. C'mon, Muller! Alam natin pareho kung gaano ka ka demonyo na hayop ka!" dagdag pa nito na ikinabato n'ya ng gunting sa kaibigan."Fvck you! Mas demonyo ka sa aking hayop ka!" balik mura n'ya sa kaibigan. Tinawanan lamang s'ya nito ngunit maya-maya lang ay nag seryoso din ang mukha."Who did this to you, Muller? Kailan ka lang dito sa Pilipinas at may kaaway ka na agad? O di kaya ay ang mga kaaway mo pa ito sa Russia?" "I don't know yet, Ashley. Kailangan ko pang mag-imbestiga at alamin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito," igting ang mga panga na sagot n'ya sa kaibigan."I'm here, Muller. At nasa