“Magpahinga ka na muna, ma'am.”
Mas lumakas ang hagulgol ni Leandra nang maramdaman ang paghagod ng kanilang mayordomang si Rosa kaniyang likuran. “Naku, hindi ko matanggap na pinalayas ka lang nila ng gano’n, Ma'am!” anas ng isa pang kasambahay. Nang palabasin si Leandra sa mansion ay mabilis siyang nilapitan ng mga kasambahay at pinagpahinga sa loob ng maid's quarter na nakahiwalay sa mansion. “Huwag kayong magsalita ng ganiyan, amo niyo pa rin iyon,” anas Leandra sa isang mahinang boses. Pasiring lamang ang sinagot ng ibang kasambahay. Sa tagal ng pag-iisa si Leandra, tanging ang mga kasambahay lamang niya ang kaniyang nakakausap at nakakasama. Ilang minuto pa ang lumipas at tanging iyak lamang ang ginagawa ni Leandra. Tila ba hindi pa matanggap ng kaniyang utak ang nangyayari. Pilit na inaalala ng kaniyang isipan ang kaniyang mga ginawa. Tuwing may sakit si Reiwon ay nariyan siya. Nang apuyin ito ng lagnat ay kahit na may ginagawa si Leandra ay itinitigil nito upang kamustahin ang asawa. At hindi lamang ‘yon, tuwing may kailangan ang pamilya ni Reiwon ay isang tawag lamang at nariyan na si Leandra. “Ma’am, nariyan po si Ma'am Kara. Hinahanap po kayo.” Mabilis na nanlaki ang mata ni Leandra, kasabay nito ang panlalaki ng mata ng mga kasambahay. Dali-daling tumayo si Leandra at sinundan naman nila ito. Kahit nakayapak ay mabilis nitong tinakbo ang loob ng mansion at hindi pa man nakakapasok ay rinig na ang tilian at sigawan. Nang buksan ang pintuan ay hindi niya mapigilan ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Kaharap ni Kara ang pamilya ni Reiwon habang si Reiwon ay nakayuko sa harapan at basang basa ng tubig. “Fuck you, Reiwon. Fuck you!” Padabog na binato ni Kara ang babasaging baso sa tabi ni Reiwon dahilan ng pagkabasag nito at ang galit na sigaw ng ina ni Reiwon. “Anong karapatan mong gawin ‘yan?! Umalis ka rito, magsama kayo ng kaibigan mo! Mga walang pinag-aralan!” Tila ba may sariling utak ang katawan ni Leandra at mabilis na lumapit sa kaniyang biyenan at sa isang iglap ay nakadikit na ang mukha nito sa kaniyang mga palad. Rinig na rinig ang tunog ng pagkasampal nito sa kaniyang biyenan. Kasabay noon ang sigaw ng mga tao sa paligid at ang mahigpit na hawak sa kaniyang papulsuhan. “Leandra, stop this shit!” Mabilis ang naging kabog ng dibdib ni Leandra nang harapin niya si Reiwon, na siyang humawak sa kaniya. Tila nahabag ang puso ni Leandra nang makita ang itsura ng asawa ngunit mas nanaig ang galit sa kaniyang puso. “Tumigil, Reiwon? Tigilan ko ‘to?” sarkastikong tawa ang iginawad ni Leandra ngunit tila traydor ang kaniyang mga luha nang sunod-sunod itong tumulo. “Ikaw ang nagsimula nito, Reiwon!” Hindi mapigilan ang pagkabasag ng kaniyang boses. Ang sakit na kaniyang dinala sa loob ng tatlong taon ay tila ba ngayon lamang nailabas. “I did everything, Rei. Ginawa ko lahat, eh . . . tinigil ko lahat para sa‘yo!” Sa kaniyang sigaw ay natahimik si Reiwon. Tahimik nitong tinanggap ang sigaw at hampas ni Leandra. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Leandra nang lingunin niya ang pamilyang itinuring niyang parang kaniya subalit ngayon ay tila hindi na siya kilala. “I did everything for all of you! Nang ayaw niyo akong mag-aral at pakasalanan na lang si Rei, ginawa ko! Puta, ginawa ko lahat!” Sa nanghihinang katawan ay hindi napigilang mapaupo si Leandra sa sahig. Tila ba naninikip ang dibdib sa sakit at halos maubusan ng boses kakahagulgol. Mas lumakas ang kaniyang pag-iyak nang yakapin siya ng kaniyang kaibigang si Kara. “Shh, let's go, Lea. I'll get you out of here.” Tanging tango na lamang ang naisagot ni Leandra at dahan-dahan siyang inalalayan ni Kara patayo. Sa sakit na naramdaman ay hindi na niya nilingon ang pamilya kahit pa ay rinig niyang tinatawag siya ni Reiwon. “Kara, please take care of Lea.” Hindi man lingunin ay rinig na rinig ni Leandra ang pagmumura ng kaibigan at ang mga bulong ng mga kasambahay. Tahimik lamang silang dalawa ni Kara hanggang sa makasakay sila sa sasakyan nito. Marahan niyang nilingon si Kara ngunit nakatutok lamang ang galit nitong mga mata sa kalsada. Isang mariin na pikit ang ginawa ni Leandra at sumandal na lamang sa upuan. Segundo lamang ang lumipas at naramdaman na niya ang pag-andar ng sasakyan. Hinayaan lamang ni Leandra ang kaniyang kaibigan na magmaneho kahit di sigurado kung saan patungo. Si Kara ay matalik na kaibigan ni Leandra. Bago pa man niya makilala si Reiwon ay kaibigan na niya si Kara. Simula noon ay hindi na nito gusto si Reiwon para sa kaniya. Mula nang patigilin nito si Leandra sa pag-aaral para lamang ikasal ay isa sa pinakakagalit ni Kara. “Paano mo nalaman?” Ilang minuto pa ang lumipas nang hindi na mapigilan ni Leandra ang magtanong. Mula sa gilid ng kaniyang mata ay nakita niya ang paglingon ng kaniyang kaibigan. “Nalaman ang ano?” kuryosong tanong nito. Kunot-noo nitong tinignan ang kaibigan. Ilang segundo rin ang nakalipas na nagtititiganan lamang sila habang puno ng kuryosidad ang mga mata. “What do you mean? Did Reiwon did something worse?” Mas lalong kumunot ang noo ni Leandra dahil sa sinabi. Isang buntong hininga ang ginawad ni Kara at itinabi ang sasakyan. Walang sali-salita nitong kinuha ang kaniyang selpon at mayamaya‘y iniharap ito sa mukha ni Leandra. Ang kaninang kaniyang wasak na puso ay tila ba mas nadurog pa. Sa selpon na ito ay isang larawan ng kaniyang asawang si Reiwon na ang suot ay tanging swim trunks habang nakakandong ang babaeng kaniyang kinatatakutan, si Anastasia. “Anastasia posted this last night. May nag-send lamang sa akin ng screenshot na ‘yan kaya ni-check ko agad. I'm sorry, I acted out of rage.” Sarkatasikong napangiti si Leandra at napailing na lamang. Ngayon ay tila pagod na ang kaniyang mga mata na umiyak. Para bang tuyot na at pagod. “Ngayon ko lang nakita ‘yan, Kara . . .” ani Leandra sa maliit na boses. Ang mukha ni Kara ay punong puno ng tanong. Mariin ang kaniyang tingin sa kaibigan at tila ba anumang segundo ay sasabog na. “Then . . . why were you so mad kanina? Did something happened?” Ngumiti lamang si Leandra, “I’m no longer married, Kara.”“What?!”Halos napatakip ng tainga si Leandra nang sumigaw si Kara. Kasalukuyan pa rin silang nasa loob ng sasakyan at halos treinta minuto na ang nakakalipas ay naikwento na ni Leandra ang lahat kay Kara.“Hindi mo sinabi sa akin na umalis siya! Ano, all this past months, mag-isa ka sa inyo?!”Tanging tango na lamang ang naisagot ni Leandra sa tanong ng kaniyang kaibigan. Ang galit sa mukha ni Kara ay sapat na upang tumahimik si Leandra at hindi na dagdagan pa ang kuwento.“You should've told me! Sana pinasundan ko siya!”Napabuntonghininga na lamang si Leandra sa kaniyang kaibiga. Si Kara ay mula sa pamilyang Cruz, isa sa kilalang pamilya sa bansa. Halos lahat ata ng gustuhin ni Kara ay kaya niyang makuha. Mula sa pera, gamit o ari-arian. Ngunit isa sa pinaka nagustuhan ni Leandra dito ay hindi lahat ng tao ay alam ang antas nito sa buhay.“Grabe! Hindi naman ganoon ka-gwapo si Reiwon para gawin ‘yan! ‘Tsaka, ano bang nakita nun kay Anastasia?”Hindi niya mapigilan ang mapaisip. Kun
Chapter 4“Uhm, hello! I'm Anastasia. Can we talk, Lea?”Tila nanlamig si Andrea sa kaniyang kinatatayuan. Sa kaniyang harapan ay ang babaeng nagmamay-ari ng puso ng kaniyang asawa.“Talk? Are you fucking dumb, Anastasia?”Isang malakas na boses ni Kara ang bumalot sa katahimikan nilang dalawa. Ang hawak ni Kara sa kanyang braso ay dahan-dahang dumidiin habang nakatingin kay Anastasia.Ngumiti lamang si Leandra at bahagyang iginilid si Kara. Ang mukha nito ay tila ba puno nang pagtutol sa binabalak ni Leandra ngunit wala itong nagawa kung hindi gumilid at tignan na lamang ng masama ang babaeng kanilang kaharap.“Siguraduhin mong wala kang gagawing katangahan, Leandra. Tila hindi siya napansin ni Anastasia dahil ni isang tingin ay hindi niya ito tinapunan. “I’ll wait for you outside, Lea.” anito at tumalikod na. Bago pa man makalabas si Leandra ay hinarang na ito ni Kara at pinakitaan nang isang determinadong tingin.“Tandaan mo, ang problema ay hindi ikaw, Lea,” bulong niya. “Hindi
O ayun ang akala niya.Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Leandra sa loob ay hindi na niya napigilan pa ang mapahagulgol sa kamay ng kaniyang kaibigan.“Hush, Leandra. I'm so proud of you. You handled it without crying in front of them.” Hindi mapigilan ni Kara ang magalit sa kalunos-lunos na itsura ng kaniyang kaibigan.“Tama ba ang desisyon ko na itigil lahat para sa kaniya?” mahina at basag na tanong ni Leandra habang titig na titig sa magarang paligid ng bahay ni Kara.Kasalukuyan silang nasa back patio at tanging puno at malawak na syudad lamang ang kita.Hindi sumagot ang kaibigan. Sa halip, marahan itong lumapit kay Leandra, iniabot ang isang baso ng mainit na tsaa, at umupo sa tabi niya. Ilang segundo silang walang imikan, tila iniintay ang bawat isa na magsalita. Hanggang sa maramdaman ni Kara ang marahang panginginig ng balikat ni Leandra. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ng kaibigan, bahagyang niyugyog ito at binasag ang katahimikan.“Wala kang kasalanan, Lea. Wala ka
Pigil ang hininga ay nagdadalawang isip si Leandra na bumaba sa sasakyan. Isang buntonghininga ang kaniyang iginawad bago muling tinignan ang sarili.Suot-suot ang itim na bestidang hapit sa kaniyang katawan at umabot lamang hanggang sa kaniyang hita. Labas ang kaniyng balikat dahil sa manipis na strap nito habang ang kaniyang mga buhok ay bahagyang nakakulot at hinayaan lamang ito sa kaniyang balikat.“Bakit ka ba kinakabahan, Lea? Sila Reiwon lang ‘yan! Hindi nga ‘yan kinabahan nung niloko ka niya, eh!”Hindi mapigilan ni Leandra ang matawa dahil sa sinabi ni Kara na kasalukuyang pinag-maneho siya patungo sa bahay nang dating kasintahan.“Iba kasi ngayon, Kara. Alam mo namang sanay silang naka-daster ako at hindi ganito . . . ”Totoo ang sinabi ni Leandra. Dahil sa kagustuhan ni Reiwon, ni hindi na nakapagsuot nang maiikling damit si Leandra na siyang kinasanayan na niya bago pa ikasal sa lalaki.Inis na tinignan lamang siya ni Kara, “And? Ano? Nakipaghiwalay na siya, susundin mo pa
Ilang beses na kinurap ni Leandra ang kaniyang mga mata upang siguraduhin kung tama nga ba ang nababasa niya. Ang papel na hawak niya ang dokumentong naglalaman ng titulo ng lupa, bnahay at iilang ari-arian na nakapangalan sa kaniya. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang paningin at mabilis na nasalubong ang matalim na tingin ng dating kasintahan. Ang tapang na nararamdaman ni Leandra kanina ay tila ba napalitan ng kagulumihanan at hiya. "Ayan ang magsisilbing pahiwatig na nagtapos ang pamilya natin sa maayos na sitwasyon, Leandra. Okay?”Hindi na kailangan pang lumingon ni Leandra. Kahit mahinahon ang boses ng matanda ay alam niyang pagbabanta ito. Palibhasa, malaking kasiraan sa kanila kung malaman ng masa ang kalokohan ng kaniyang apo.Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Leandra at taas noong nilingon ang buong pamilya ni Reiwon. Hindi niya mapigilang mapangisi nang sarkastiko matapos makita ang nanlilisik na mata ng kaniyang biyenan.Nginitian niya ito. “Maraming s
Ilang minuto na ang lumipas ngunit puno ng pagtataka at pagkamangha ang utak ni Leandra. Sa harap niya ay ang nagiisang tagapagmana ng Rolus Inc. Hindi lang iisang kompamya ang nakapangalan dito kun‘di lahat.“I didn’t know you had a visitor, Sir.”Rinig ang impit na tili ni Kara na kasalukuyang nasa tabi Leandra. Naupo sila sa salas, magkatabi si Leandra at Kara habang nasa kanilang harapan ay ang propesor at si Draven Rolus. “Uh . . . we just visited Professor for something— we can leave if you have to do something!”Ambang tatayo na si Leandra nang sumenyas ang propesor na maupo sila. Kataka-takang balot ng ngiti ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.“Maupo kayo, Leandra . . . hayaan ninyong ipakilala ko kayo,” anas ng propesor at ngumiting muli.Dahan-dahang napaupo si Leandra at napatingin na lamang sa lalaking kaharap. Kita sa mata nito ang pagtatanong at pagtataka ngunit mas pinili nitong hindi magsalita. “Draven Iho . . . si Kara at Leandra nga pala, mga dati kong est
Pinanatili ni Leandra ang titig kay Draven. Ang mga mata nito’y malalim, tila ba binabasa ang bawat iniisip niya. Sa bawat segundo ng katahimikan ay parang lalo lamang bumibigat ang hangin sa paligid. Ano kaya ang nais nitong iparating? At bakit tila may kakaiba sa intensyon nito? Kahit sina Kara at ang propesor ay tahimik na naghihintay. Nagtama ang mga mata ni Leandra at ni Draven, at sa mga titig nito ay may halong kabigatan at sinseridad. Tumikhim si Draven, binasag ang katahimikan. “Do you really want to go back to school, Leandra?” tanong niya sa malamig na tinig. Ang paraan ng pagsasalita niya ay parang palaging may nakatagong hamon. “Oo naman,” sagot ni Leandra nang hindi nag-aalinlangan. “Kaya nga kami nandito, hindi ba?” Tumango si Draven, ngunit ang ekspresyon nito’y nanatiling seryoso. “I can help you get into the university despite the semester already starting. I have connections. Pero...” saglit itong tumigil at bahagyang inilapit ang katawan, “… may kondisyon.”
Sa isang maliit na café malapit sa unibersidad, tahimik na nagkakape sina Leandra at Kara. Malapit na ang enrollment sa prestihiyosong paaralang pinapangarap ni Leandra, pero tila balisa ang babae.“Lea, ano bang iniisip mo? Mukhang malalim na naman ang iniisip mo diyan,” sabi ni Kara habang sinisimsim ang iced latte.Napabuntong-hininga si Leandra, hinawakan ang tasa ng kape at tumingin sa labas ng bintana ng café. “Kara, tungkol kay Draven… Naalala mo yung sinabi niya nung nakaraang linggo?”Tumango si Kara. “Yung alok niya? Oo naman. Pero ang tanong, papayag ka ba talaga?”Tahimik si Leandra saglit bago nagsalita, mabagal at puno ng pag-aalinlangan. “Kailangan niyang tulungan ang kapatid niyang si Mara. May sakit daw ito, at kailangan ng tutor para sa mga advanced lessons niya habang nagpapagaling.”Napatigil si Kara sa pagsipsip ng inumin at tumitig kay Leandra. “Teka, Lea. Ibig mong sabihin, tutulong ka sa kapatid niya kapalit ng tulong niya para makapasok ka sa unibersidad? Hind
Nagising si Leandra sa malambot na kama, ramdam pa rin ang panghihina sa kanyang katawan. Ang liwanag ng umaga ay malumanay na pumapasok sa kwarto, bumabalot sa paligid ng mapayapang ambiance. Unti-unting bumalik ang kanyang diwa, at doon niya napansin na hindi siya nag-iisa. Sa tabi ng kama, nakaupo si Kara, nakasuot ng isang simpleng white blouse at jeans, may bahagyang kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. “Good morning, sleepyhead,” bati ni Kara, may halong pag-aalala sa boses. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Napasinghap si Leandra at dahan-dahang bumangon, ngunit agad niyang naramdaman ang bahagyang pagkahilo. Mabilis namang inalalayan siya ni Kara. “Easy lang,” sabi ni Kara, maingat na inayos ang unan sa likod niya. “Hindi mo ako puwedeng biglain ng ganyan. Buti na lang tinawagan ako ni Draven, kung hindi, baka napabalikwas ako sa kama sa sobrang gulat.” Bahagyang kumunot ang noo ni Leandra. “Tumawag siya sa’yo?” Tumango si Kara. “Kaninang madaling-araw. Sinabi niyang nan
“Why are you dong this?” mahinang tanong ni Leandra, halos bulong, habang pilit na nilalabanan ang sariling kahinaan. Hindi kumurap si Draven. Ang titig niya’y parang binabasa ang kaluluwa ni Leandra, tila gustong sirain ang mga pader na matagal niyang itinayo. Bago pa siya makapagsalita, isang malutong na boses ang sumingit sa tensyon. “Well, isn’t this a cozy little scene?” Sabay silang napalingon sa pinto, kung saan nakatayo si Mara. Suot nito ang isang cream trench coat at mataas na leather heels, na nagbigay-diin sa kanyang kagalang-galang at elegante niyang itsura. Ang kanyang maayos na nakapusod na buhok ay kumikintab pa sa kaunting ulan. Hawak niya ang ilang mamahaling shopping bag sa isang kamay at ang isang payong na basa pa sa kabila. “Mara,” mahinang sabi ni Draven, ang boses niya’y mababa ngunit kontrolado. Tumayo siya nang tuwid, agad na bumalik ang kanyang awtoridad sa eksena. “Maaga kang nakauwi.” “I don’t recall needing permission to return to my own apartment,”
Pagkatapos ng tensyonadong sandali sa ilalim ng ulan, halos hindi na nag-usap sina Draven at Leandra sa biyahe papunta sa apartment ni Mara. Tahimik ang sasakyan, tanging ang tunog ng wiper na naglilinis ng basang windshield ang maririnig. Paminsan-minsan ay pasimple si Leandra na sumusulyap kay Draven. Basa pa rin ang damit nito, at ang patak ng ulan ay tila nagpapatingkad sa matipunong pangangatawan niya. Ang lalim ng tingin nito habang nagmamaneho ay nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib ni Leandra na pilit niyang nilalabanan. “We’re here. This is Mara’s apartment. Ginagamit niya pag may pasok. Help your self out.” Nang makarating sila sa apartment, agad na binuksan ni Draven ang pinto at tumungo sa banyo. Si Leandra naman ay naiwan sa sala, nagbabantay habang pinupunasan ang sarili ng maliit na tuwalya na nakuha niya sa bag. “May mga damit akong pwedeng mahiram kay Mara,” bulong niya sa sarili, ngunit ang isip niya’y abala pa rin sa nangyari kanina. Paulit-ulit na bumabalik s
Naguguluhan ay halos dalawang beses umiling si Leandra. Mariin ang titig niya sa lalaki na para bang sinisisid kung ano ang nasa utak nito.“What?” Bakas sa boses ni Draven ang inis.Tinapunan nito ng masamang tingin si Leandra ngunit para sa babae ay kakaiba ang tingin nito. Tila ba hinihipnotismo nito ang kaniyang kaluluwa. Sa lalim ng tingin nito ay kada segundo’y pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.“Hey, I said get in.” Ang baritonong boses ni Draven ang nakapagbalik sa kaniyang ulirat. Ang kaniyang mga kilay ay mas lalo pang kumunot at mas sumama ang tingin sa kaniya.Napaayos ng tayo si Leandra at napalunok bago muling umiling. “No Sir, we’ve talked about this. Salitan ang pagpunta ko kay Mara dahil may klase rin ako.”Kita ang pagtutol sa mata ni Draven. Tiim bagang itong tumingin sa kaniya at tila ba pinaglalaruan ang dila sa loob ng kaniyang pisngi.“Uuwi ako kay Kara, Sir. Salamat.”Mabilis na tumalikod si Leandra at walang lingunang sumakay sa isang bus. Ang totoo ay
Habang ang mga tahimik na tunog ng mga estudyante sa loob ng klase ay nagiging kabuntot ng mga pag-uusap, nakaupo si Leandra sa likuran ng silid, tahimik na nakikinig sa lektura ng propesor. Ang paksa ng araw na iyon ay tungkol sa mga teorya ng developmental psychology—isang mahalagang aspeto ng kurso na siyang siyang magiging pundasyon ng kanyang mga susunod na pag-aaral. Pinag-aaralan nila ang mga sikolohikal na pagbabago mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, at paano ito nakakaapekto sa pagbuo ng personalidad.“Sa bawat yugto ng buhay, nagkakaroon tayo ng mga pagbabago,” wika ng propesor, “na humuhubog sa ating pananaw, ugali, at mga reaksyon sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang ating mga relasyon sa iba, lalo na sa ating pamilya at mga kaibigan, ay may malaking papel sa ating pag-unlad.”Habang nag-iisip, napansin niyang may babaeng sumulyap sa kanya mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi na bago ang mga matang iyon na minsan ay nagmamasid o nagmamasid sa mga kasama sa klase. N
Pagkatapos ng mahabang araw sa mansyon ng mga Rolus, umuwi si Leandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan, si Kara. Inabutan niya itong nakaupo sa couch, nakasandal habang iniinom ang paboritong red wine. Kaagad siyang nilapitan ni Kara, bakas ang excitement sa mukha nito. “Hey, you’re home! How was your first day with Mara Rolus?” tanong ni Kara, kasabay ng pagbibigay sa kanya ng isang baso ng tubig. Napaupo si Leandra sa kabilang dulo ng couch at napabuntong-hininga. “It was… a lot,” sagot niya, halatang pagod pero may halong alanganin sa boses. Kumunot ang noo ni Kara. “A lot? I thought you’d be tutoring her. Hindi naman siguro gano’n kahirap magturo, di ba?” Umiling si Leandra, iniwas ang tingin na parang nag-iingat sa mga sasabihin. “It’s not about the lessons. I mean, Mara’s smart. Pero…” Nag-atubili siya, pilit nilalabanan ang pagnanais na magkuwento. “Pero ano?” usisa ni Kara, nakatingin sa kanya nang mabuti. “May something off,” sagot ni Leandra. “Hindi ko maip
Ang tensyon na nararamdaman ni Leandra ay mabilis na napalitan ng bahagyang ginhawa nang may babaeng nagsalita sa kanilang gilid.“Naku, Sir Reiwon! Narito pala kayo, hindi ako nakapaghanda ng kakainin.”Isang matandang naka-daster ang sumalubong sa kanila. Puti na ang taas ng buhok nito at ngiting-ngiti habang nakatingin kay Leandra.“Manang, hindi magtatagal si kuya rito. That's Leandra, my tutor.”Tinapunan ni Leandra ng tingin si Mara, na ngayon ay pabalang na naupo sa isang napakalaking couch. Naka-krus ang mga kamay nito at bored na nakatingin sa kanya.“Mara is right, Manang. Hinatid ko lamang si Leandra. Kayo na po muna ang bahala rito.”Isang tango lamang ang binigay ni Draven sa kanila at tumalikod na ito hanggang sa mawala sa kanilang paningin.Tahimik na naupo si Leandra sa harap ni Mara. Ramdam niya ang bigat ng tingin ng dalaga, ngunit pilit niyang pinanatiling magaan ang kanyang ekspresyon. Sa likod ng pagmamataas ng dalaga ay may halatang tensyon, parang anumang pagkak
Nasa loob ng isang mamahaling sasakyan si Leandra. Tahimik siyang nakaupo sa likuran habang pinipilit pigilan ang kaba na nararamdaman niya. Ang interior ng sasakyan ay hindi katulad ng kahit anong nasakyan niya noon—ito’y isang jet-black Rolls-Royce Phantom. Ang mga leather seats ay kulay cream na malambot at halatang mamahalin, habang ang mga accent ng wood paneling ay parang pinakintab na ginto. Ang ilaw mula sa overhead starlight ceiling ay parang mga kumikislap na bituin sa gabi, nagdadagdag ng kakaibang ambiance.Sa dashboard ay makikita ang touchscreen interface na kumokontrol sa halos lahat ng aspeto ng sasakyan, mula sa temperatura hanggang sa entertainment system. Malinis, moderno, at sobrang elegante—isang sasakyan na nagpapakita ng yaman at kapangyarihan.Tahimik na nagmamaneho si Draven sa harapan, nakasuot pa rin ng kanyang tailored black suit. Wala siyang imik, ngunit ang presensya niya ay napakabigat, halos mapuno ang kabuuan ng sasakyan. Sa gilid niya, naroon ang isan
Sa isang café, nagkaharap sina Leandra at Draven. Ang buong paligid ay tila punong-puno ng katahimikan, pero para kay Leandra, ang bawat segundo sa presensya ni Draven ay nagdadala ng bigat na mahirap ipaliwanag.Si Draven ay nakasuot ng tailored black suit, na lalong nagpapalabas ng kanyang aura ng awtoridad. Nang umupo siya sa tapat ni Leandra, agad niyang ipinako ang kanyang malamig ngunit matalim na tingin sa babae.“Leandra,” bungad ni Draven, ang boses niya’y malalim, kalmado, ngunit puno ng implikasyon na siya ang nasusunod. “I’m glad you came. Let’s not waste time—do you accept the deal?”Saglit na nagdalawang-isip si Leandra, ngunit nagdesisyon siyang huwag ipakita ang kanyang pag-aalinlangan. Tumuwid siya ng upo at sinagot ito nang diretso. “Yes, I think, I can. I’ll start helping Mara.”Tumango si Draven, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nanatiling walang pagbabago. “Good. You’ll start today.” Iniabot niya sa mesa ang isang leather folder. “Inside are all the materials yo