CHAPTER 4
CLEMENTINE DESCHAMPS"Aray! Hindi na ko makahinga!" Reklamo ko sa kanila."K-Kaunting hila na lang po, Madame." Tugon naman sa akin ni Fantine."Aray!" D***g ko nang higpitan niya pa lalo ang suot kong corset."Ayos na." Masyang tugon ni Isabelle.Sinuotan naman na ako ng magarbong damit ni Julie. Kulay lilang damit na nabuburdahan ng mga rosas. Habang ang suot ko namang sapatos ay may takong na kulay rosas at napapalamutian ng mga batong amethyst."Huwag niyo ko lalagyan ng ganyan." Tugon ko sa kanila nang aktong lalagyan na nila ako ng pampaganda sa mukha."Pangako po. Kaunti lang." Tugon sa akin ni Fantine."Susuotan pa namin kayo ng alahas." Tugon naman ni Julie habang pinapakita pa sa akin ang mga dala niyang gamit.Pakiramdam ko pinapahirapan nila ako kahit binibihisan lang naman nila ako.Huminga ako ng malalim. "Sige na nga. Basta kaunti lang.""Sige po." Masayang tugon ni Fantine.Umupo na ako sa salamin habang nilalagyan nila ng pampaganda ang mukha at inaayos ang buhok ko."Ano 'yan?" Tanong ko sa kanila matapos lagyan ng kung ano ang buhok ko."Pulbos po, Madame." Sagot naman ni Fantine.Tae? Para saan naman?[Both men and women powdered their hair or wig throughout the 17th and 18th centuries. Powdering was introduced when King Henry IV of France (1589-1610) used dark powder on his greying hair.]"Kukulotin po namin kayo." Tugon naman ni Julie."Ang tawag po rito sa ginagawa namin sa inyong buhok ay tete de mouton." Paliwanag ni Isabelle.[Generally petite and arranged close to the head, the "tete de mouton" or "sheep's head" style was particularly popular at the time and was characterized by soft curls with little or no height. This style can be seen in many of Madame Pompadour's portraits. (Mme. Pompadour is the mistress of Louis XIV.) The tête de mouton received its name during the reign of Louis XIV.]"Mas ayos na 'yan kaysa sa mga nakikita ko sa iba. Ang taas ng buhok nila tapos ang dami pang nakalagay. Ako nabibigatan sa kanila e." Reklamo ko na nakapagpatawa sa kanila."Madame, gusto daw po ng hari na suotin niyo 'to." Sabi ni Fantine at pinakita sa akin ang isang kwintas."Gawa po 'yan sa mga perlas galing ng Asya at purong diyamante po ang dekorasyon sa gitna." Paliwanag niya at isinuot ito sa akin.Hays. Ayoko suotin pero wala naman akong magagawa. Ang arte kasi ng hari. Akala mo naman siya ang magsusuot."Tapos na po." Tugon sa akin ni Fantine.Scratch! Scratch!"Bakit hindi na lang sila kumatok? Ang sakit sa tenga kapag kinakayod nila yung pinto e."[At Versailles, something as basic as knocking on a door was highly regulated and ritualized. Tapping on a door with knuckles was a faux-pas (words or behaviour that are a social mistake or not polite) instead, courtiers had to scratch on door frames with their fingernails. This more discreet system was the only way someone could announce their presence to a room.As a result of this method, courtiers grew out one of their fingernails specifically to scratch on doors.]"Bawal po, Madame." Nakangiting tugon ni Fantine.Si Julie na ang nagkusang magbukas upang papasukin ang doktor at ang mga katulong nito."Magandang umaga, Madame." Bati nila sa akin at nagbigay-galang."Magandang umaga." Bati ko pabalik.Ilang minuto ang lumipas habang sinusuri ng doktor ang kalagayan ko."Mas maayos na ang kalagayan ng kamay mo kaysa kahapon." Tugon nito."Tama po kayo.""Basta huwag lang magagalaw ay tuloy lang ang paggaling mo." Paalala nito."Maraming salamat po." Sagot ko rito.Nagpaalam na ito sa akin at umalis."Tara na po." Aya sa akin ni Fantine."Saan? Akala ko ba kakain na ko?" Tanong ko."Opo. Kasabay po ng hari at reyna." Sagot nito.Huh? Niloloko niyo ba ko?"Wala ba talagang oras dito para sa sarili ko lang?" Tanong ko sa kanila."Pasensya na po, Madame." Sagot ni Fantine sa akin habang nakangiti pa rin.Napahilot ako sa sintido ko."Tara na nga." Tugon ko sa kanila at padabog na tumayo.Nauna na si Fantine sa paglalakad, dahil siya naman ang susundan ko papunta sa kung saan man yung sinasabi nila na sasabay akong kumain sa hari at reyna.Pagkapasok ko ay nagsitinginan silang lahat sa akin. Mula sa mga naghahain ng pagkain nila hanggang sa mga opisyal ng palasyo. May ibang hindi natutuwa pero may ibang walang pakialam. Isa lang talaga ang demonyong nagagawa pang ngumiti sa ganitong sitwasyon, ang hari."Magandang umaga, mon amour (my love)." Bati nito sa akin at lumapit.Mon amour? Nakakadiri naman. Kilabutan sana siya."Walang maganda sa umaga. Lalo na at ikaw ang nakita ko." Bulong ko rito.Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ko. "Tumabi ka sa kanan ko."Hindi na ko nag-inarte pa at sinunod na lang ang sinabi niya. Binigyan nila ako ng upuan sa tabi niya at doon ako pumwesto."Kadiri naman 'to! Itapon niyo nga 'to!" Maarteng tugon ng reyna.Madali naman siyang sinunod ng iba at talagang tinapon nga nila 'to. Gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya.Anong nakakadiri doon? Bobo ba siya? Ipalunok ko kaya sa kaniya 'yon hanggang sa hindi na siya makahinga?"Clementine." Tugon sa akin ng hari.Hindi ko napansin na bumakat na pala ang kuko ko sa kamay ko sa sobrang pagkakuyom ng kamao ko. Kaunti na lang ay magsusugat na."Kumain ka na." Tugon sa akin ng hari at isinubo sa akin ang isang biscuit.Dahil nabigla ako sa ginawa niya ay muntik na kong mabulunan. Natawa naman siya sa nangyari sa akin.Nakakatawa 'yon? Sakalin kaya kita?"Kumain ka rin. Halatang nagkukulang ka sa nutrisyon sa kitid ng utak mo." Tugon ko sa kaniya at sinubo sa kaniya ang isang buong malaking biscuit"Masarap diba?" Madiin kong tugon sa kaniya.Pinilit niyang ngitian ako habang pilit rin na nginunguya ang biscuit.Doon lang pumasok sa isip ko na ang dami nga palang tao rito at ngayon ay nakatingin sila sa amin. Akala siguro nila ang saya ko, hindi nila alam na kung kumukulo ang dugo nila sa akin ay triple ang nararamdaman ko sa hari nila."Ahem." Pag-ubo naman ng reyna.Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Nakakatawa naman. Nagseselos ba 'to?"Kumain ka rin para naman sumaya ka. Hindi yung lagi kang galit." Tugon naman ng hari sa akin.Talagang hindi niya pinansin ang reyna. Wala talaga 'tong pake."Kahit na ilang pagkain pa ang ubusin ko, hindi mauubos ang inis ko sa'yo." Nakangiting tugon ko.Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na sila pinansin pa, maging ang mga taong nanunuod sa pagkain namin ngayon.Araw-araw laging may nanunuod sa kanila. Hindi ba sila nangingilabot?"Kapag wala kang magawa ay pwede mo namang libutin ang palasyo. Hindi mo kailangang magkulong sa kwarto mo." Sabi ng hari."Kung hindi ba naman laging may nakatingin sa akin edi sana alam ko na ang bawat pasilyo ng palasyo." Sagot ko."Edi tumakas ka. Ang dali lang e.""Edi ikaw na ang magaling. Akala mo naman ang dali lang maligaw dito kapag tumakas ako.""Huwag ka na magreklamo. Hindi mo naman pala kaya mag-isa.""Huwag mo na kong kausapin. Wala ka namang kwenta.""Kumain ka na nga lang.""Kakain talaga ako." Sagot ko at muling binaling ang atensyon ko sa pagkain.Kainis. Lutuin ko siya e."Ang alam ko ay wala ka namang bisita mamaya kaya gamitin mo ang oras mo para maglibot." Tugon niya."Galing. Nagbago agad ang isip?""Gusto mo baguhin ko uli?""Sinabi ko ba?"Bago pa kami mag-away uli, tumayo na ko. Pero pagkatayo ko naman, nagsibulungan ang mga tao dito.Ano ba talaga kayo? Tao o bubuyog?"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin."Gagala." Simpleng sagot ko."Umupo ka muna. Hindi pa kami tapos kumain.""Ano ngayon?"Hinanap ng mga mata ko sila Fantine, Julie, at Isabelle. Tumungo sila sa akin nang mapansin ko sila. Hindi na ko nakipagsagutan pa at umalis na ko roon habang nakasunod sa akin ang tatlo."Madame, hindi po kayo dapat umalis doom habang hindi pa tapos kumain ang hari at reyna." Tugon sa akin ni Fantine."Bawal pong umalis habang di pa tapos ang mga taong mas mataas ang posisyon sa inyo." Paliwanag naman ni Julie."Anong mga pwedeng puntahan dito?" Tanong ko upang mabago ang usapan."Ang hardin po, Madame." Sagot naman sa akin ni Isabelle."Sa Grand Trianon kaya?" Tugon naman ni Julie.Halatang nagliwanag ang mga mukha ng mga kasama ko nang marinig ang sinabi niya."Oo nga!" Sabay na tugon ni Fantine at Isabelle.[The Grand Trianon is a château (palace) situated in the northwestern part of the Domain of Versailles. It was built at the request of King Louis XIV of France (r. 1643–1715), as a retreat for himself and his maîtresse en titre of the time, the Marquise de Montespan (1640–1707), and as a place where he and invited guests could take light meals (collations) away from the strict étiquette of the Court."A little palace of pink marble and porphyry, with marvellous gardens," wrote Jules Hardouin-Mansart.]"Bakit ang saya niyo?" Tanong ko sa kanila."Madame, diba ayaw mo ng striktong pamantayan sa palasyo? Mas gugustuhin mo roon!" Sagot ni Julie."At-saka napakaganda roon! Napakaraming bulaklak at gawa sa kulay rosas na marmol ang palasyo! Kahit sinong babae ay mas gugustuhin na roon manatili!" Tugon naman ni Isabelle."Doon po ba tayo, Madame?" Tanong ni Fantine."Sige na nga." Sumusuko kong tugon.Ilang sandali kaming naglakad papunta roon at ang unang bumungad sa akin ay ang bukod tanging hardin nito at ang kulay mismo ng palasyo na kulay rosas."Pumasok na po tayo." Pag-akay sa akin ni Fantine.Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng limang tagapaglingkod."Magandang umaga, Madame de Bijou." Bati nila sa akin at tumungo."Magandang umaga." Sagot ko.Kahit na hindi naman talaga maganda ang umaga ko."Pinaghanda po kayo ng hari ng silid na maaaring tuluyan niyo." Tugon sa akin ng isang matandang babae."Ihatid mo kami." Sabi ni Fantine sa kaniya.Muli itong tumungo bago kami ihatid kung nasaan ang silid na sinasabi nila."Narito na po tayo." Tugon nito sa akin.Binuksan naman ni Julie at Isabelle ang malaking pinto ng silid. Pumasok kami rito at nakita ang mas simpleng silid kaysa sa tinutuluyan ko roon. Mahal pa rin tignan pero mas simple. Nakaagaw lang talaga ng pansin ko ang malaking larawan sa taas ng fireplace."Ang ganda niyo sa larawan, Madame." Puri sa akin ni Julie."Matanong ko nga. Sinong nagpipinta ng mga larawan dito?" Tanong ko."Hindi niyo po alam? Ang hari po mismo ang nagpinta ng mga larawan niyo at siya rin po ang nag-ukit ng inyong iskultura." Sagot sa akin ni Fantine.Napakunot ang noo ko sa sinabi nila.Ibig sabihin magaling pala sa sining ang loko-lokong 'yon?"Hindi lang po mahilig sa pagpinta at pag-ukit ang hari, mahilig rin siya sa mga palabas, sayaw, at pag-awit. Mahilig din siya sa mga bagay na may relasyon sa agham at matematika. Naglalaan rin po siya ng araw para sa pagsasanay ng espada." Pahabol pa ni Fantine.Nagtanong lang ako kung sino nagpinta ang dami na agad sinabi. Edi siya na magaling."Madame, ano nga po palang mga hilig niyo?" Biglang tanong ni Isabelle."Hindi kayo maniniwala.""Ano po?" Pagpilit naman sa akin ni Julie."Mag-alaga ng kabayo at magsanay ng espada. Mag-aral ng mga halaman at magbasa ng mga librong pang-medisina." Sagot ko."Woah." Namamahang tugon nila sa akin."Kung nanalo lang sana kami sa rebelyon ay nais kong maging doktor pagkatapos." Tugon ko."Babaeng doktor..." Mahinang tugon ni Isabelle."Gusto kong malaman nila na ang mga babae ay hindi lang asawa, anak, at ina. Ang mga babae ay isa ring instrumento na pwedeng baguhin ang mundo gaya ng mga kalalakihan. Hindi ko sinasabing ang lahat ng ginagawa ng mga lalaki ay kaya natin, imposible. Ngunit may nagagawa rin tayo na hindi kayang gawin ng mga lalaki. Kung habangbuhay na mababa lang tingin sa mga kababaihan at lalaki ang titingalain sa mundong ito, ang mga lalaki lang ang uunlad at maiiwan tayo." Paliwanag ko."Kaya po siguro kayo nagustuhan ng hari..." Rinig kong tugon ni Julie.Natawa ako sa sinabi niya kasi hindi rin naman imposible. Pero hindi ko naman masasabing gusto niya ko. Siguro gusto niya nga ako, gustong asarin."Nakapunta na po ba kayo sa isang salon, Madame?" Tanong sa akin ni Fantine.[A salon is a gathering of people under the roof of an inspiring host, held partly to amuse one another and partly to refine the taste and increase the knowledge of the participants through conversation.]"Hindi pa." Sagot ko."Madame, pumunta po kayo. Marami po kayong maibibigay sa iba.""Bakit hindi tayo mag-umpisa ng salon ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kanila.Magkakatabing silang umupo sa sofa na nasa harap ng kama ko at ako naman ay umupo sa kama mismo."Mag-umpisa tayo sa madali." Tugon ko. "Mahalaga ba ang edukasyon?"Tumango naman sila.Ngumiti ako. "Bakit?""Dahil ang edukasyon ang sagot sa kamangmangan. Hindi lang ito nakakapagbigay ng kaalaman, pinapataas din nito ang tiwala sa sarili ng isang tao. Dahil kung ang isang tao ay may alam, hinding-hindi siya papayag magpaloko." Sagot ni Fantine."Isa pa, kailangan din natin ng edukasyon sa araw-araw. Hindi rin tayo makakaisip ng mas maganda pa para pagandahin ang isang bagay kung wala tayong edukasyon." Sagot naman ni Julie."Ang sabi sa akin ng aking ina, kapag marunong ang isang tao ay alam niya kung ano ang tama at mali. Kung talagang edukado kang tao, gagawin mo ang tama dahil alam mong walang mabuting maidudulot ang mali. Makakatulong ang edukasyon, hindi lang para sa sarili kundi para sa bayan." Tugon ni Isabelle."Tama kayo. Isa ang edukasyon sa pundasyon ng isang bansa. Ngunit bakit sa ngayon ay mayayaman lamang ang nakakapag-aral? Mga mayayaman lang ba ang pundasyon ng bansa?" Tugon ko."Hindi lang basta mayaman, mga lalaki lang din ang nakakapasok sa eskwela at nakakapagpalitan ng kaalaman." Pagsang-ayon sa akin ni Isabelle."Sa aming lugar, mabibilang lamang sa daliri ang makikita mong babaeng nakakapagsulat at nakakapagbasa. Hindi na pinaghihirapan pang turuan dahil para sa kanila ay pangbahay lamang ang mga babae. Ikakasal at mananatili lamang sa bahay ang mga ito kaya hindi nila kailangang mag-aral." Muli kong tugon."Kung mga lalaki lang ang mabibigyan ng edukasyon, mga lalaki lang rin ang makakaalam ng tama at mali. Malay ba natin kung ilang babae sa kasalukuyan ang niloloko dahil sa kamangmangan." Sagot ni Fantine."Madaling sabihin ng mga lalaki na may ginagawa rin sila para sa atin dahil hindi natin kayang gawin. Ngunit mas alam natin kung ano ang para dapat sa atin dahil tayo ang mga babae at hindi sila." Sagot naman ni Julie."Isa pa, nabanggit niyo kanina na ang edukasyon ay isa sa mga pundasyon ng isang bansa. Kung mas maraming edukado, mas tataas at titibay ang pundasyon ng isang bansa." Sagot ko."Kung mabibigyan tayong lahat ng sapat na edukasyon, lalo na ang mga kababaihan at mahihirap, ay hindi malayong umunlad ang ating mga sarili maging ang ating bayan." Tugon ni Isabelle."Pero paano makakapag-aral ang lahat?" Tanong ni Julie."Simple. Pampublikong paaralan." Sagot ko."Pampubliko? Paano tatakbo ang paaralang 'yan?" Tanong ni Fantine."Noong bago pa mag-umpisa ang rebolusyon, nagtuturo ako sa mga batang kalye paano magsulat at magbasa. May bayad ba ko? Wala.""Ngunit paano kung napakadaming estudyante? Hindi rin naman ganoon kadaling papayag ang guro na magturo na walang kapalit. Hindi nila ipagpapalit ang buhay at kinabukasan nila para lamang sa kinabukasan ng iba." Tugon naman ni Isabelle."Hindi ba't nagbabayad sila ng buwis? Ibalik natin sa kanila." Sagot ko."Sa tingin ko rin ay hindi lang mga buwis ang magagamit natin upang pag-aralin ang mga bata. Maaaring may mga magbigay rin ng tulong sa paaralan gaya ng mga gamit at pandagdag na salapi." Sabi naman ni Fantine."May isa ring solusyon. Maaari rin tayong magtayo ng pribadong paaralan para sa mga mayayaman, at ang mga sobrang salapi na malilikom mula roon ay maaaring maitulong sa pampubliko." Sagot ko naman."Teka. Bakit parang nagpaplano naman tayong magtayo ng paaralan? Paalala lang, nag-uusap lang tayo." Sabi naman ni Julie.Magandang ideya."Salamat, Julie." Tugon ko sa kaniya."M-Madame, seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Isabelle."Oo naman. Kakausapin ko ang hari mamaya." Sagot ko."Maraming salamat po, Madame." Tugon naman sa akin ni Fantine at tumungo.Halatang naguguluhan pa rin ang dalawa pero ginaya na lang nila sa pagtungo si Fantine.---Mag-isa akong pumasok sa silid kung saan nagtatanghalian ang hari ngayon at umupo ako sa kabilang dulo ng lamesa."Anong sasabihin mo?" Tanong nito sa akin."Halata ba talaga sa mukha ko?" Tanong ko pabalik."Oo. Ang pangit mo e." Sagot nito.Pinilit kong ngumiti. "Oo at hindi lang naman ang isasagot mo. Ang hilig mong magdagdag ng kung ano.""Anong ngang sasabihin mo?""Magtatayo ako ng paaralan." Sagot ko na nakapagpatigil sa kaniya."Anong klase?" Tanong niya."Pampubliko, para sa mga mahihirap na mamamayan." Sagot ko."Mamamayan? Babae at lalaki?" Tanong niyang muli."Oo." Diretsong sagot ko.Napapalakpak naman siya dahil sa naging desisyon ko."Magaling, Madame. Magaling." Puri niya sa akin."Ibig sabihin ba ay pumapayag ka?" Tanong ko."Kahit anong sabihin mo ay papayag ako." Tugon niya. "Pero hindi ako sigurado kung papayag ang iba.""Anong plano mo?" Tanong ko rito."Wala naman akong ibang magagawa kundi mag-umpisa ng pagpupulong. Pumunta ka bukas." Sagot niya.Huh? Bakit kailangan nandoon pa ako?"Syempre, ideya mo 'yan. Kaya dapat naroon ka." Sagot niya."Ideya ko o gusto mo lang na ipakita ako sa mga tao mo?""Pareho." Diretso niyang sagot.Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin."Planuhin mo ng maayos ang mga sasabihin mo." Tugon niya at hinawakan ang leeg ko. "Ayokong ipahiya mo ko.""Kung ayaw mo edi tulungan mo ko. Gusto mo kasi laging nasa iba ang sisi." Sagot ko sa kaniya.Napataas ang kilay niya sa sinabi ko."Ah!" Sigaw ko nang bigla niya kong itayo at hilahin palapit sa kaniya."Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang nakasagot sa akin ng ganiyan." Bulong niya sa akin."Bitawan mo nga ko." Tugon ko sa kaniya habang pilit na umaalis ako sa kaniyang mga bisig."Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon lang ako pumwersa ng babae sa buong buhay ko. Habang mas lalo mong nilalayo ang sarili mo sa akin, mas gusto kong nilalapit ang sarili ko sa'yo."Napapikit ako nang maramdaman ang kamay niyang naglalakbay sa likod ko pababa sa balakang ko."Pero alam mo din ba? Hindi kita kayang pilitin. Lumaki akong natutuwa sa pagdurusa ng iba pero ikaw... May kung ano sa puso ko na kumikirot kapag nakikita kitang nahihirapan." Tugon niya at binitawan ako.Hindi na niya ko hinayaang magsalita at nauna na siyang umalis sa kwartong ito.Ano 'yon? Seryoso ba 'yon?Kung sa ibang pagkakataon ko lang siya nakilala ay iisipin kong may gusto siya sa'kin pero sa ganitong paraan kami nagkakilala. Hindi ako pwedeng mahulog sa mga salita niyang wala namang kabuluhan.Ang sabi ng iba, France ang bansa ng pag-ibig. Hindi nila alam, walang puwang ang pag-ibig sa lugar na ito.CHAPTER 5CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame..." Pagtawag sa akin ni Fantine at pinakilala sa akin ang babaeng nakasunod sa kaniya. "Duchesse Celine. Ang nakatatandang kapatid na babae ng hari at ang asawa ng Duke of Berry, Duc Clovis.""Magandang araw, Madame de Bijou." Tugon niya at kaunting tumungo habang nakangiti."Madame, siya po ang magtuturo sa inyo ng mga dapat niyong malaman." Paliwanag uli ni Fantine."Narinig ko na marunong po kayong magbasa at magsulat. Alam ko pong hindi na kayo mahihirapan pa." Magalang niyang tugon."Madame de Berry." Tugon ko at tumungo sa kaniya upang magbigay-galang.Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngunit pinilit niya itong itago at ngumiti."Ako ang unang maharlikang tinunguan niyo.""Bukod kay Fantine, Isabelle, at Julie, ikaw pa lang ang gumalang sa akin. Binabalik ko lang ang kabutihan mo sa akin." Sagot ko."Naiintindihan ko. Inaani ang respeto at hindi lang basta binibigay." Sagot naman niya."Madame, umupo tayo." Pag-alok ko sa kaniya.Umupo kam
CHAPTER 6CLEMENTINE DESCHAMPSNagising ako dahil sa sikat ng araw at nakitang wala na ang hari sa tabi ko."Madame, maaga po siyang umalis upang pumirma ng mga dokumento." Sagot ni Fantine.Tumango na lang ako. Hindi ko naman siya hinahanap e."Maligo na po kayo at mag-ayos." Tugoj ni Fantine.Ibinaba naman sa tabi ng kama ko ni Julie at Isabelle ang isang banyerang puno ng tubig at rosas. Tinulungan naman ako ni Fantine palitan ang pangtulog ko ng manipis na damit pampaligo.Pagka-ahon ko sa tubig ay agad nila akong binalutan ng twalya at tinulungang magbihis.Isang simpleng mahabang pulang damit na may maikling manggas ang pinasuot nila sa akin. May burda ito ng rosas sa gitna ng dibdib at may mga itim na lasong dekorasyon sa may palda. Kapares ng damit ay pinasuot nila sa akin ang itim na guwantes. Suot ko rin ang isang simpleng kulay itim na pangyapak na may tangkong na dalawang pulgada."May binigay po na singsing ang hari. Susuotin niyo po ba?" Tanong sa akin ni Fantine."Sige.
CHAPTER 7CLEMENTINE DESCHAMPS"Mag-ingat po kayo." Tugon sa akin ng mga batang maharlika habang binibigyan ako ng mga bulaklak."Salamat." Nakangiting tugon ko sa kanila."Umalis na kayo para pagdating niyo mamayang gabi ay makapagpahinga na kayo." Sabi ng hari."Sige.""Tara na po, Madame." Tugon sa akin ni Fantine at inalalayan akong pumasok sa karwahe.Isinara na niya ang pinto at umupo sa harap ko. Lumingon ako sa bintana at muling nagtama ang mga tingin ng hari."Huwag kang mamamatay."Iba talaga ang diksyunariyo ng taong 'to. Sasabihin lang na mag-ingat, mahirap ba 'yon?Nang umandar na ang karwahe ay inalis ko na ang tingin sa kaniya at ibinaba na ni Fantine ang kurtina."Madame, sa Rouen po tayo, hindi po ba?" Tugon ni Fantine.Tumango na lang ako bilang sagot."Ikukuha ko na lang po kayo ng libro para malibang kayo habang nasa byahe." Tugon niya at binuksan ang kahong nasa tabi niya.Ang tagal na niyang naghahanap pero wala pa siyang binibihay."May problema ba?" Tanong ko s
CHAPTER 8 CLEMENTINE DESCHAMPS"Mukhang mas mabuti na po talaga ang lagay ng kamay niyo, Madame." Sabi sa akin ng doktor."Doktor, kayo rin po ang tumingin sa kalagayan ng kapatid ko diba?""Opo. Tama po kayo. May impeksyon siya sa baga.""Alagaan niyo siya.""Madame, sa tingin ko po ay may nalalaman kayo sa medisina. Siguro po ay hindi rin lingid sa kaalaman niyo na kailangan niyang magpagaling sa isang malinis na lugar na may sariwang hangin, mahihirapan siya sa inyong tahanan." Paliwanag nito."Alam ko, doktor. Titignan ko kung anong magagawa ko." Sagot ko sa kaniya."Mauuna na po ako, Madame." Sagot niya at yumuko bago umalis kasama ang alalay niya."Mukhang kailangan niyo na pong ilipat ang kapatid niyo." Tugon ni Fantine habang nilalagyan ng gamot ang kamay ko."Paano po kaya kung ilipat niyo siya sa Versailles?" Suhestiyon naman ni Julie."At pagka-isahan din siya ng ibang maharlika? Huwag na lang." Sagot ko."Ano po ang plano niyo?" Tanong ni Isabelle."Hindi ko pa alam."Ina
CHAPTER 9CLEMENTINE DESCHAMPS"Gising ka na pala." Rinig kong sabi sa akin ni Francis.Teka? Francis?Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at nakita si Francis na katabi kong nakahiga sa kama.Binabangungot ba ko o ano?"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.Kung nakakunot ang noo niya ay napakunot din ang noo ko."Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Versailles ka?" Gulat kong tanong sa kaniya."Wala akong ginagawa." Dahilan niya."Wala kang ginagawa? Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo bilang hari?""Kaya kong gawin dito 'yon.""Sinundan mo ba ko dito?" Tanong ko sa kaniya."Sinundan? Sino ka para sundan ko?" Pagtanggi niya."Kung gan'on... BAKIT KA NANDITO?" Madiin kong tanong."Ayaw mo bang nandito ako o ano? Alam mo bang wala pa kong tulog dahil ginugol namin ang buong gabi na bumabyahe papunta lamang rito?""Wala naman akong sinabi na ayaw kong nandito ka. Nagtatanong lang ako kung bakit ka nandito. Isa pa, kasalanan ko ba
CHAPTER 10FRANCIS OF FRANCECrack!"MGA WALA SILANG KWENTA! SINONG NAGBIGAY SA KANILA NG KARAPATANG KWESTYUNIN AKO?!""Mahal na hari, huminahon po kayo." Pagpapakalma sa akin ni Alphonse.Napasabunot na lang ako sa sarili ko at pabagsak na umupo.Si Alphonse naman ay tumawag ng mga tagapaglingkod na maglilinis ng kalat mula sa tasang binasag ko."Huminahon ka tapos pag-usapan natin." Muli niyang tugon."HUMINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON SA MGA GAGONG 'YON?! SINUSUBUKAN TALAGA NILA AKO!""Kahit na ayaw mong makialam sila sa buhay mo, wala kang magagawa." Sagot niya.Matalim akong tumingin sa kaniya."Kung sa tingin nila matatakot nila ako, nagkakamali sila!" Tugon ko habang nagpipigil ng galit."Kamahalan, bakit galit na galit ka? Diba dapat mas maganda ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa inyo ni Clementine?"Mas lalo napakunot ang noo at mas lalong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.Nagulat na lang siya nang sipain ko ang lamesang nasa harap ko papunta sa kaniya."T-Teka... Ibig s
CHAPTER 11CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na ang huling araw mo dito, tama?" Pagkumpirma ni Padre Amadeo."Ito na nga po at babalik na kami sa Versailles bukas ng umaga." Sagot ko."Buti at hindi ka niya sinundan ngayon." Natatawang biro ni Padre Amadeo.Alam kong biro lang pero hindi ako natutuwa."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Ang paghanap mo sa salarin?""Hinahanap na siya." Sagot ko."Mabuti naman at maayos mong kausap si Bern tungkol sa bagay na ito.""Maayos namang kausap si Bern. Iniintindi niya ko.""Mukhang malungkot ka pa rin." Tugon ni Padre.Nilingon ko siya at sandaling ngumiti."Hindi lang ako basta malungkot..." Mahina kong tugon.I'm broken."Kamusta na nga pala si Clemance?" Pagkamusta niya sa kapatid ko."Ginagamot siya pe
CHAPTER 12CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, sumuko na daw po ang England laban sa France." Balita sa akin ni Fantine.Napatango na lang ako. Alam ko naman kasi na talagang matatalo na ang England, hindi na nakakagulat."Pwede ko bang malaman kung ano ang naging kasunduan nila?" Tanong ko."Opo." Sagot niya at may kinuha sandali. "Ito po." Tugon niya at binigay sa akin ang isang dokumento.Ang dokumento ay sinulat sa dalawang lenggwahe. Ang unang mga kataga ay nakasulat sa wika namin at ingles naman ang nasa baba.Unang kasunduan pa lang ang nababasa ko pero nanlaki na ang mga mata ko."Totoo ba 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong."Opo." Masaya niyang sagot.Napangiti ako nang muling basahin ang unang kasunduan.'Hindi na kailangan pang magbayad ng utang ang France sa England. Ang utan
CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat
CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k
CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak
CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda
CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n
CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a
CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak
CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s
CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na