Share

CHAPTER 3

Author: Marie Orson
last update Huling Na-update: 2023-03-27 20:47:03

CHAPTER 3

CLEMENTINE DESCHAMPS

"Ipakikilala kita sa reyna." Tugon ng hari.

Makailang beses niyang pilit na inililingkis ang braso niya sa baywang ko ngunit makailang beses ko rin itong tinampal. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin o sasabihin sa akin ng ibang nakakakita ng ginagawa ko sa hari, huwag lang akong makulong sa mga kamay niya.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko." Bulong niya.

"Pakialam ko sa pasensya mo. Edi ubusin mo." Sagot ko sa kaniya.

Hindi na niya ko pinansin pa at pwersahang hinatak na lang papunta sa harap ng reyna.

"Ito ang aking reyna. Sofia V. Ang pangalawang anak na babae ng hari ng Spain at ang aking legal na asawa." Pagpapakilala ng hari sa isang babae.

Isang babae na may suot na isang magarbong puting damit na nabuburdahan ng ginto. Marami rin itong alahas at natatabunan ng pampaganda ang mukha.

"Kinagagalak ko ang makilala ka Madame de Bijou." Tugon nito sa akin at ngumiti.

Hindi ako sumagot. Tahimik lamang ako habang nakatingin sa kaniya at nakatingin din siya sa akin. Hindi rin umiimik ang iba. Mukha silang nabwibwisit sa akin na hindi ko maintindihan.

May mali ba kong nagawa? Hindi na nga ako umimik para manahimik sila tapos magagalit pa. Hays.

"Tumungo ka sa kaniya." Tugon ng hari.

"Ayoko." Diretso kong sagot.

"Ikaw!" Duro sa akin ng iba.

"Mga kapatid huminahon kayo." Pagpapakalma sa kanila ng reyna.

Humakbang palapit sa akin ang reyna at tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Alam naman natin na ang isang kriminal ay kriminal pa rin kahit na gaano pa kaganda at kagarbo ang suot niyang damit." Nakangiting tugon ng reyna.

Napatango-tango naman ang iba sa sinabi nito at ang ilan naman ay nagsimula nang pagbulungan ako.

Hindi na nga totoo ang ganda mo ang pangit pa ng ugali mo. Hindi na pala ako dapat magtaka kung naghihirap man kami ngayon.

Isa pa, kriminal din naman kayo. Ang pagkakaiba lang ay hindi kayo nakakulong.

"Sofia, huwag kang magalit. Bago pa lang siya." Pagdepensa sa akin ng hari.

"Sinabi mo e." Tugon ng reyna.

Umalis na siya at nakihalubilo sa iba pang mga tao. Habang ang iba naman ay hindi pa rin tapos na pagtsismisan ako.

"Alam mo ba kung anong mga klaseng tao kayo?" Tanong ko rito.

"Ano?"

"Mga lobo. Mga mababangis na lobong nagkukubli sa mga magagandang kasuotan at mga mahahalagang bato." Sagot ko.

"Walang akong pakialam sa opinyon mo. Sumunod ka sa akin." Sabi nito at naunang maglakad.

Kaysa naman maiwan ako ritong mag-isa kasama ang mga taong mapangmata ay mabuti pang sundan ko na lang siya. Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng mga pagkain, halos lahat ng nakahain ay hindi ko pa nakikita o natitikman.

"Anong gagawin ko rito?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Kumain ka. Lahat 'yan ay sa'yo." Tugon nito sa akin.

"Lahat? Anong akala mo sa akin? Baboy?"

"Kaunti lamang 'yan. Wala pa 'yan sa sangkapat na kinakain ng reyna sa isang hapag." Sagot nito.

Wala pa sa sangkapat? Kung nauubos niya lahat 'yan ay bakit hindi pa siya tumataba?

"Paano ba kumain ang reyna niyo?"

"Isang subo at tapon." Nakangiting tugon nito.

Kumulo ang dugo ko matapos marinig ang sagot niya.

Habang kami ay namamatay sa gutom, ang reyna ay nagagawa lamang sayangin ang mga pagkaing kung tutuusin ay dapat kami ang tumatamasa. Lalo na ang mga gaya naming magsasaka.

"Kumain ka na."

"Kumain?!" Galit kong tugon at humarap sa kaniya. "Alam mo bang nabuhay ako na ang kinakain lamang ay mga tira?! Habang kami ang napapagod sa pagtatrabaho ay kami rin ang lalong naghihirap! Tapos ngayon ay sasabihin mo sa akin na kumain ako?! Kumain ng ano?! Kumain ng mga pagkain na mula sa hirap ng mga kapatid ko habang sila naman ang nagugutom?! Hindi ako gaya niyo!"

"Kahit na ayaw mo ay kailangan mong kumain. Ilang araw ka nang hindi kumakain. Himala na ngang buhay ka pa." Sagot nito sa akin.

"Hindi ko kailangan! Mas nanaisin ko pang mamatay!"

Madali siyang lumapit sa akin at hinatak ang braso ko palapit sa kaniya.

"Gusto mo bang tapatin na kita? Sige. Hindi kita binuhay para lang sa wala. Binuhay kita dahil kailangan kita." Seryoso nitong tugon.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Kailangan kita para sa France. Ikaw ang gusto kong magpabago ng takbo ng bansang ito." Sagot nito sa akin at pinakawalan ako.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Ikaw ang hari."

"Ako nga. Ngunit kung ako lang ang may gusto ng pagbabago, paano ko magagawa?"

"Gusto mo bang sabihin na gusto mo kaming tulungan?"

"Oo." Diretso niyang sagot.

"Kung gusto mo lang pala kaming tulungan gamit ako... Bakit kailangan mo pang gawin sa akin ang mga bagay na 'yon?!"

"Hindi ko rin alam." Umiiling nitong sagot at ngumiti. "Ang alam ko lang ay may iba akong nararamdaman kapag ikaw na ang kaharap ko. Hindi ko alam kung ano. Ngunit hangga't nararamdaman ko 'to ay hinding-hindi kita pakakawalan at mananatili kang akin."

"Duda ako sa intensyon mo." Sagot ko sa kaniya.

Pagkatapos niyang gawin sa akin ang mga kalokohan niya ay bigla niyang sasabihin na gusto niya lang na tulungan ko siya? Niloloko mo ba ko?

"Edi magduda ka. Kung talagang gusto ko lang na paglaruan ka ay hinding-hindi kita bibigyan ng posisyon dito sa palasyo at palalabasin sa kwarto upang ipakilala sa buong mundo. Ngunit ginawa ko pa rin, dahil gusto kitang bigyan ng kapangyarihan."

Oo nga naman. Pero anong malay ko? Baka pakulo niya lang 'yan para di ako magduda sa kaniya. Pasasakayin niya lang pala ako tapos ililigaw.

"Bakit ako? Marami namang iba riyan na maaaring tumulong sa'yo."

"Dahil ikaw ang pinuno ng rebolusyon at isa kang babae."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Totoo naman ang sinabi niya pero bakit kailangan niya pang idiin na babae ako? Masyado naman atang maliit ang tingin nito sa amin.

"Huwag kang magkakamali. Hindi ko minamaliit ang mga babae. May ina ako at mga kapatid na babaeng nirerespeto ko. Ang ibig ko lang sabihin ay dahil babae ka ay ikaw ang dapat sa pwestong hinahanap ko." Paliwanag niya.

"Ipaliwanag mo sa akin ng maayos."

"Ikaw ang magbabalik ng karangalan sa France. Ikaw rin ang nais kong magtayo at magwagayway ng bandila ng kababaihan sa bansang ito. Sa tulong ko, nais kong tulungan mo rin ako upang iahon sa hirap ang lugar na ito."

Nakipagtitigan ako sa kaniya upang malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo, pero di ko siya mabasa. Mapagkakatiwalaan ko ba siya?

"Tutulungan kita, basta ba ay ipapangako mo sa akin na walang ka ng iba pang gagawin." Tugon ko.

Ngumisi siya. "'Yan ang hindi ko maipapangako. Nakalimutan mo na ba kung sino ka ngayon? Ikaw ang babae ko. Kahit na ang nais ko lang mula sa'yo ay ang tulong mo para sa bansang ito, may tungkulin ka pa rin sa akin na hinding-hindi mo matatakasan."

Sabi ko na. Hindi talaga dapat nagtiwala dito kahit kaunti.

"Pero kung yun ang gusto mo. Hindi kita pipilitin." Tugon nito.

Luh? Sinapian ba 'to ng kung ano?

"Tutuksuhin lang kita."

Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit gusto ko na siyang ibalibag.

"Kumain ka na. Kailangan kong umalis." Paalam nito at iniwan na ko.

Napakagaling niya talaga. Ang galing niyang mag-asar. Sa sobrang asar ko sa kaniya ay iniisip ko na kung paano ko siya papatayin.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Fantine kasama ang bagong dalawang katulong.

"Binabati kita, Madame." Bati nito sa akin at tumungo.

"Hindi mo kailangang gawin 'yan." Sagot ko sa kaniya.

"Salamat po." Sagot nito at tumayo. "Madame ito nga po pala si Isabelle at Julie." Pagpapakilala niya sa dalawa niyang kasama.

"Anong nangyari sa dalawa?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala na po sila." Sagot nito.

Huh?

"Patay na sila?" Tanong ko uli.

"Ah..." Tugon nito at natawa. "Hindi po. Pinaalis lang po sila ng hari sa palasyo at pinagbawalang bumalik uli kahit kailan."

"Akala ko..."

Malay ko ba? E iba pa naman ang takbo ng utak ng hari.

"Ako nga po pala ang magiging lady-in-waiting niyo." Sabi ni Fantine.

[A lady-in-waiting or court lady is a female personal assistant at a court, royal or feudal, attending on a royal woman or a high-ranking noblewoman.]

Mabuti naman. Mas gusto ko na siya kaysa sa iba.

"Kumain na po kayo." Sabi nito at inalalayan ako paupo sa harap ng lamesa.

"Bon appetit, Madame." Nakangiting tugon nito sa akin.

Salitang nilalagay nila Julie at Isabelle sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko habang si Fantine naman ang nagpapaliwanag ng gagawin.

Jusko! Kakain na nga lang may nalalaman pa sila paano ang tamang pagkain!

Pero aminado ako... Ang sarap ng mga 'to. Hindi ko alam kung masarap lang ba talaga o dahil ngayon lang ako nakakain ng ganito. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi ito natitikman ng iba ngayon, ngunit gagawa ako ng paraan para matikman rin ito ng iba sa hinaharap.

"Madame, bumalik na po tayo. Titignan daw po kayo ng doktor." Sabi ni Fantine pagkatapos ko kumain.

Napatingin ako sa kamay ko kulay lila na dahil sa sobrang lala ng pagkakabali rito. Naaalala ko tuloy na ang hari nga pala ang bumali nito. Napakabayolente niya sa akin tapos sasabihin niya lang na gusto niyang tulungan ko siya! Ang kailangan kong gawin ngayon ay tulungan muna siya dahil alam kong hindi rin naman ako makakatakas. Isa pa, gusto ko rin naman talagang i-angat ang France, kaya nga ako nag-umpisa ng rebolusyon e.

Pagkabalik namin sa kwarto ko ay naghihintay na pala ang doktor kasama pa ang dalawa niyang katulong. Agad niyang sinuri ang kalagayan ko at halata sa kaniyang naaawa siya sa akin.

"Madame, nakakaramdam pa po ba kayo ng sakit sa kamay niyo?" Tanong nito.

"Hindi na. Namanhid na ko." Sagot ko.

"Naiintindihan ko po. Araw-araw po akong babalik upang gamutin kayo. Gamitin niyo rin po sana ang mga ibibigay kong panglunas upang hindi magpeklat ang mga sugat niyo."

"Salamat po, doktor." Sagot ni Fantine.

"Salamat po." Sabay na tugon naman ng dalawa pa.

"Mauuna na po ako, Madame de Bijou." Paalam nito at umalis na kasama ang dalawa niyang tauhan.

Scratch! Scratch!

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Huwag po kayong mag-alala. May tao lang po sa labas." Nakangiting sagot ni Fantine.

Bakit hindi na lang kumatok?

Si Julie na ang nagbukas ng pinto. May isang lalaki sa kaniya ang nagbigay ng isang papel at kinausap siya sandali. Sinarado na niya ang pinto at lumapit sa amin.

"Madame, narito daw po ang listahan ng mga gawain niyo. Sinabi po ng hari na kayo na daw po ang bahalang mag-ayos ng oras." Sabi nito at ibinigay sa akin ang papel.

Napakunot ang noo ko matapos makita ang nakasulat dito.

"Madame, may problema po ba? Paumanhin po ngunit nakakabasa po ba kayo?" Tanong ni Fantine.

"Nakakapagbasa ako at nakakapagsulat. Naiirita lang ako sa dami nito." Sagot ko.

Bakit may posisyon pa siyang nalalaman na binigay sa'kin? Akala mo natutuwa ako e.

"Bakit may nakalagay dito na pagtanggap ng tao para sa hari?" Tanong ko sa kanila at pinakita ang papel.

Halata namang nagtaka rin sila at tinignan ito at binasa ng paulit-ulit.

"Madame, mukhang gusto po ng hari na kayo po ang tumanggap ng bisita para sa kaniya. Kayo po ang magdedesisyon kung dapat po siyang humarap sa hari." Sagot naman ni Isabelle.

Ano?

"Talaga pong pinagkakatiwalaan kayo ng hari, Madame." Tugon naman ni Julie.

Pinagkakatiwalaan ba talaga o gusto lang niyang ako ang mahirapan?

"Sabi niya ako ang gagawa. Bakit mayroon dito na may nakalagay nang oras?" Tanong ko.

"Madame, 'yon po ang mga hindi pwedeng mabago." Sagot ni Fantine.

"Bakit kailangan ko pang sumabay sa hari habang kumakain nang ala-una?" Naiirita kong tanong.

"Ano po?!" Gulat nilang tanong.

"Nakalagay dito na sasabay ako sa kaniya kapag ala-una." Sagot ko.

"M-Madame! Mag-isa lamang pong kumakain ang hari kapag tanghalian at walang pwedeng ibang pumasok kahit pa ang reyna! Iba po kayo!" Gulat na tugon ni Isabelle.

Ganoon? Ano ngayon?

Umupo ako sa lamesa at binigyan naman ako ng tinta at panulat ni Fantine. Inayos ko na ang mga gagawin ko.

Araw-araw tuwing ika-walo ako ng umaga gigising at ika-siyam naman ng umaga ako titignan ng mga doktor. Sa ika-sampu naman ay kakain ako ng agahan. Alas-onse, tatanggap ako ng bisita hanggang ala-una. Ala-una ay kakain ako kasama ang hari. Pagkatapos kumain ay bakante na ang oras ko. Pagkarating naman ng alas-kwatro ay tuturuan ako hanggang sa ika-anim ng gabi. Sa ika-anim ng gabi ay kasama akong manunuod ng iba ng pagtatanghal. Sa ika-sampu naman ay kakain ako katabi ng hari at ng iba pa. Pagkatapos ng lahat ay pahinga ko.

Ang dami nilang alam. Hindi ba sila nagsasawa?

Linggo lang talaga ang pinakabakante ko kasi pinayagan ako ng hari na matulog sa simbahan at bumalik ng lunes ng umaga.

"Pwede na po 'to." Sabi ni Fantine.

"Kailan ko ba susundin 'yan?" Tanong ko.

"Bukas na bukas po." Sagot ni Julie.

Ang saya. Bukas agad.

Kaugnay na kabanata

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 4

    CHAPTER 4CLEMENTINE DESCHAMPS"Aray! Hindi na ko makahinga!" Reklamo ko sa kanila."K-Kaunting hila na lang po, Madame." Tugon naman sa akin ni Fantine."Aray!" Daing ko nang higpitan niya pa lalo ang suot kong corset."Ayos na." Masyang tugon ni Isabelle.Sinuotan naman na ako ng magarbong damit ni Julie. Kulay lilang damit na nabuburdahan ng mga rosas. Habang ang suot ko namang sapatos ay may takong na kulay rosas at napapalamutian ng mga batong amethyst."Huwag niyo ko lalagyan ng ganyan." Tugon ko sa kanila nang aktong lalagyan na nila ako ng pampaganda sa mukha."Pangako po. Kaunti lang." Tugon sa akin ni Fantine."Susuotan pa namin kayo ng alahas." Tugon naman ni Julie habang pinapakita pa sa akin ang mga dala niyang gamit.Pakiramdam ko pinapahirapan nila ako kahit binibihisan lang naman nila ako.Huminga ako ng malalim. "Sige na nga. Basta kaunti lang.""Sige po." Masayang tugon ni Fantine.Umupo na ako sa salamin habang nilalagyan nila ng pampaganda ang mukha at inaayos ang

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 5

    CHAPTER 5CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame..." Pagtawag sa akin ni Fantine at pinakilala sa akin ang babaeng nakasunod sa kaniya. "Duchesse Celine. Ang nakatatandang kapatid na babae ng hari at ang asawa ng Duke of Berry, Duc Clovis.""Magandang araw, Madame de Bijou." Tugon niya at kaunting tumungo habang nakangiti."Madame, siya po ang magtuturo sa inyo ng mga dapat niyong malaman." Paliwanag uli ni Fantine."Narinig ko na marunong po kayong magbasa at magsulat. Alam ko pong hindi na kayo mahihirapan pa." Magalang niyang tugon."Madame de Berry." Tugon ko at tumungo sa kaniya upang magbigay-galang.Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngunit pinilit niya itong itago at ngumiti."Ako ang unang maharlikang tinunguan niyo.""Bukod kay Fantine, Isabelle, at Julie, ikaw pa lang ang gumalang sa akin. Binabalik ko lang ang kabutihan mo sa akin." Sagot ko."Naiintindihan ko. Inaani ang respeto at hindi lang basta binibigay." Sagot naman niya."Madame, umupo tayo." Pag-alok ko sa kaniya.Umupo kam

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 6

    CHAPTER 6CLEMENTINE DESCHAMPSNagising ako dahil sa sikat ng araw at nakitang wala na ang hari sa tabi ko."Madame, maaga po siyang umalis upang pumirma ng mga dokumento." Sagot ni Fantine.Tumango na lang ako. Hindi ko naman siya hinahanap e."Maligo na po kayo at mag-ayos." Tugoj ni Fantine.Ibinaba naman sa tabi ng kama ko ni Julie at Isabelle ang isang banyerang puno ng tubig at rosas. Tinulungan naman ako ni Fantine palitan ang pangtulog ko ng manipis na damit pampaligo.Pagka-ahon ko sa tubig ay agad nila akong binalutan ng twalya at tinulungang magbihis.Isang simpleng mahabang pulang damit na may maikling manggas ang pinasuot nila sa akin. May burda ito ng rosas sa gitna ng dibdib at may mga itim na lasong dekorasyon sa may palda. Kapares ng damit ay pinasuot nila sa akin ang itim na guwantes. Suot ko rin ang isang simpleng kulay itim na pangyapak na may tangkong na dalawang pulgada."May binigay po na singsing ang hari. Susuotin niyo po ba?" Tanong sa akin ni Fantine."Sige.

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 7

    CHAPTER 7CLEMENTINE DESCHAMPS"Mag-ingat po kayo." Tugon sa akin ng mga batang maharlika habang binibigyan ako ng mga bulaklak."Salamat." Nakangiting tugon ko sa kanila."Umalis na kayo para pagdating niyo mamayang gabi ay makapagpahinga na kayo." Sabi ng hari."Sige.""Tara na po, Madame." Tugon sa akin ni Fantine at inalalayan akong pumasok sa karwahe.Isinara na niya ang pinto at umupo sa harap ko. Lumingon ako sa bintana at muling nagtama ang mga tingin ng hari."Huwag kang mamamatay."Iba talaga ang diksyunariyo ng taong 'to. Sasabihin lang na mag-ingat, mahirap ba 'yon?Nang umandar na ang karwahe ay inalis ko na ang tingin sa kaniya at ibinaba na ni Fantine ang kurtina."Madame, sa Rouen po tayo, hindi po ba?" Tugon ni Fantine.Tumango na lang ako bilang sagot."Ikukuha ko na lang po kayo ng libro para malibang kayo habang nasa byahe." Tugon niya at binuksan ang kahong nasa tabi niya.Ang tagal na niyang naghahanap pero wala pa siyang binibihay."May problema ba?" Tanong ko s

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 CLEMENTINE DESCHAMPS"Mukhang mas mabuti na po talaga ang lagay ng kamay niyo, Madame." Sabi sa akin ng doktor."Doktor, kayo rin po ang tumingin sa kalagayan ng kapatid ko diba?""Opo. Tama po kayo. May impeksyon siya sa baga.""Alagaan niyo siya.""Madame, sa tingin ko po ay may nalalaman kayo sa medisina. Siguro po ay hindi rin lingid sa kaalaman niyo na kailangan niyang magpagaling sa isang malinis na lugar na may sariwang hangin, mahihirapan siya sa inyong tahanan." Paliwanag nito."Alam ko, doktor. Titignan ko kung anong magagawa ko." Sagot ko sa kaniya."Mauuna na po ako, Madame." Sagot niya at yumuko bago umalis kasama ang alalay niya."Mukhang kailangan niyo na pong ilipat ang kapatid niyo." Tugon ni Fantine habang nilalagyan ng gamot ang kamay ko."Paano po kaya kung ilipat niyo siya sa Versailles?" Suhestiyon naman ni Julie."At pagka-isahan din siya ng ibang maharlika? Huwag na lang." Sagot ko."Ano po ang plano niyo?" Tanong ni Isabelle."Hindi ko pa alam."Ina

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 9

    CHAPTER 9CLEMENTINE DESCHAMPS"Gising ka na pala." Rinig kong sabi sa akin ni Francis.Teka? Francis?Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at nakita si Francis na katabi kong nakahiga sa kama.Binabangungot ba ko o ano?"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.Kung nakakunot ang noo niya ay napakunot din ang noo ko."Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Versailles ka?" Gulat kong tanong sa kaniya."Wala akong ginagawa." Dahilan niya."Wala kang ginagawa? Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo bilang hari?""Kaya kong gawin dito 'yon.""Sinundan mo ba ko dito?" Tanong ko sa kaniya."Sinundan? Sino ka para sundan ko?" Pagtanggi niya."Kung gan'on... BAKIT KA NANDITO?" Madiin kong tanong."Ayaw mo bang nandito ako o ano? Alam mo bang wala pa kong tulog dahil ginugol namin ang buong gabi na bumabyahe papunta lamang rito?""Wala naman akong sinabi na ayaw kong nandito ka. Nagtatanong lang ako kung bakit ka nandito. Isa pa, kasalanan ko ba

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 10

    CHAPTER 10FRANCIS OF FRANCECrack!"MGA WALA SILANG KWENTA! SINONG NAGBIGAY SA KANILA NG KARAPATANG KWESTYUNIN AKO?!""Mahal na hari, huminahon po kayo." Pagpapakalma sa akin ni Alphonse.Napasabunot na lang ako sa sarili ko at pabagsak na umupo.Si Alphonse naman ay tumawag ng mga tagapaglingkod na maglilinis ng kalat mula sa tasang binasag ko."Huminahon ka tapos pag-usapan natin." Muli niyang tugon."HUMINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON SA MGA GAGONG 'YON?! SINUSUBUKAN TALAGA NILA AKO!""Kahit na ayaw mong makialam sila sa buhay mo, wala kang magagawa." Sagot niya.Matalim akong tumingin sa kaniya."Kung sa tingin nila matatakot nila ako, nagkakamali sila!" Tugon ko habang nagpipigil ng galit."Kamahalan, bakit galit na galit ka? Diba dapat mas maganda ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa inyo ni Clementine?"Mas lalo napakunot ang noo at mas lalong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.Nagulat na lang siya nang sipain ko ang lamesang nasa harap ko papunta sa kaniya."T-Teka... Ibig s

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 11

    CHAPTER 11CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na ang huling araw mo dito, tama?" Pagkumpirma ni Padre Amadeo."Ito na nga po at babalik na kami sa Versailles bukas ng umaga." Sagot ko."Buti at hindi ka niya sinundan ngayon." Natatawang biro ni Padre Amadeo.Alam kong biro lang pero hindi ako natutuwa."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Ang paghanap mo sa salarin?""Hinahanap na siya." Sagot ko."Mabuti naman at maayos mong kausap si Bern tungkol sa bagay na ito.""Maayos namang kausap si Bern. Iniintindi niya ko.""Mukhang malungkot ka pa rin." Tugon ni Padre.Nilingon ko siya at sandaling ngumiti."Hindi lang ako basta malungkot..." Mahina kong tugon.I'm broken."Kamusta na nga pala si Clemance?" Pagkamusta niya sa kapatid ko."Ginagamot siya pe

    Huling Na-update : 2023-04-06

Pinakabagong kabanata

  • Clementine: The Mistress   EPILOGUE

    CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 56

    CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 55

    CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 54

    CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 53

    CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 52

    CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 51

    CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 50

    CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 49

    CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na

DMCA.com Protection Status