BLURB: “TRUE LOVE DOESN’T COME AT THE PERFECT TIME. IT COMES WHEN YOU LEAST EXPECTING IT.” Mhia got betrayed by her boyfriend many times. Pero paulit-ulit pa rin niya itong pinatawad dahil naniniwala siyang magbabago pa ito. Ngunit, nang masagad nito ang pasensya niya, siya na rin mismo ang pumutol sa sariling kat*ngahan. She ended up in the arms of a stranger. Si Skyler dela Merced; ang taong napakaraming lihim. Paano nga ba niya ito makikilala nang lubusan kung sa bawat subok niya, palagi na'y nagsasara ito ng pintuan? At paano niya mapaniniwala ang lalaki na may pag-ibig, kung siya mismo ay nagdududa na sa totoong kahulugan niyon?
View More“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
“Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-
“Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi
Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang
Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar
Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k
Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag
“Why?” malambing na tanong ng kaniyang asawa mula sa kabilang linya.“Wala naman,” nakangiting tugon ni Skyler na para bang kaharap niya lang ito. “Na-m-miss lang kita.” Nakangiti siyang lumingon sa bubog na bintana ng kaniyang opisina. Kitang-kita roon ang nagtatayugang mga gusali na para bang nagpapaligsahan ng pagtaasan sa isa’t isa, kabilang na ang gusaling pag-aari niya.He owned that twenty-floor building he was in. He’s a landscape architect and the owner of dela Merced Landscaping Company. Ang kompanyang nangunguna sa pagdidisenyo ng malalaki at kilalang subdivisons sa loob at labas ng Metro; pati na sa mga hotels, resorts at mga malalaking kompanya sa bansa. At thirty-three, he already established his name in the business world.“Gosh, Skyler! Kahihiwalay lang natin kani-kanina,” palatak ng asawa niya sa kabilang linya. Natawa siya. Totoong kahahatid niya lang dito sa mall na pagkikitaan nito at ng mga kaibigan nito. Hindi pa alam ng mga kaibigan nito na ikinasal sila. It wa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments