Share

WHITE ROSE

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2024-02-04 08:11:42

Nagulantang si Mhia nang tumunog ang telepono sa kaniyang tabi. Matagal niya muna iyong pinagmasdan bago patamad na sinagot. 

“Hello?”

“Why aren’t you answering my calls?” bungad ng kaniyang kasintahan si Cendrick.

Napakagat-labi siya. All of a sudden, she felt guilty kahit hindi naman dapat. Dahil patas na sila ngayon nito.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit nga ba niya nagawa ang bagay na iyon? At hindi lang isang beses nilang ginawa iyon ng estranghero, paulit-ulit pa hanggang sa pareho silang igupo ng antok.

“Mhia. . . ?” untag ni Cendrick sa kabilang linya. “May problema ka ba?”

Napahigpit ang hawak niya sa telepono. Kasalukuyan siyang nasa flower shop, sa maliit niyang opisina roon. Gaya nang nakaraan, nakatulala na naman siya kanina pa.

“Mayroon ba dapat?” balik-tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali.

“Oh, bakit parang ang init naman ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako,” depensa nito.

Napabuntonghininga siya, pagkuwa’y umiling. “Pwede bang saka na lang tayo mag-usap? May ginagawa pa ako,” aniya makaraan ang ilang sandali.

“Alright. Daanan na lang kita paglabas ko rito sa office.” Isa itong engineer sa isang malaking kompanya. Halos hindi rin nalalayo ang opisina nito sa flower shop niya.

“No, Cendrick. Saka na lang tayo magkita,” pigil niya rito. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang magkasalubong na ang mga kilay nito.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, may problema ba tayo? Because I feel that there is.”

Napailing siya sa kawalan. “Alam mo kung bakit ako nagkakaganito,” makahulugang tugon niya.

“No. I don’t know why you act like that. Hindi ako manghuhula, Mhia.”

“Really? Hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito? Gusto mo bang sabihin ko na sa iyo ngayon?”

Hindi naman agad ito nakaimik. 

Pagak siyang natawa. “See? Alam mo kung bakit, kaya huwag mo na munang ipilit ang gusto mong mangyari. Marami akong gagawin ngayon. Saka na lang tayo magkita. Bye!” Sa inis ay ibinagsak niya ang telepono. Sigurado siyang nagulat ang lalaki sa kabilang linya. Iyon ang kauna-unahang beses na ginawa niya iyon.

He deserved it anyway, sa loob-loob niya bago muling tumunganga sa kawalan.

Naglalaro pa rin sa isip niya ang nangyari nang nakaraang gabi. Paulit-ulit iyon na nagpapainit sa kaniyang pakiramdam. Tuloy, wala sa loob siyang napahagod sa kaniyang mga labi. Para kasing nararamdaman pa niya roon ang ginawang pananalasa ng lalaking iyon sa kaniya. Ang malambot at mainit nitong mga labi, pati na ang mabango nitong hininga.

Wala sa sariling napapikit siya. There was something inside her na bigla na lang nabuhay. Ang kakaibang init na nanunulay sa buo niyang katawan, maisip pa lamang ang ginawa ng lalaki sa kaniya, ay nagpapawala na sa kaniyang sarili. 

She got wet just by thinking about that stranger kissing her. Something never happened to her before. Kahit sa kasintahan niyang si Cendrick ay hindi nangyari ang ganoong pakiramdam. Iyong parang darang na darang siya at parang uhaw na uhaw. 

Napatingin siya sa pagitan ng mga binti niya. Bukod sa masakit niyang mga hita at binti, masakit rin ang nasa pagitan niyang iyon. 

Hindi ba naman kayo nagpahinga, malamang sasakit nga iyan, sermon ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

Namula siya. Bakit ba parang naging mahalay naman ngayon ang isipan niya? Hindi ba dapat problemado siya ngayon? Dahil kahit saang anggulo tingnan, mali pa rin ang ginawa niya. Kahit paghihiganti lang iyon, sila pa rin ni Cendrick! At lumalabas na taksil siya!

Hindi mo kailangang makonsensya sa ginawa mo, dahil ganoon din siya. Amanos lang kayo, Mhia.

No! Maling-mali ka talaga. Hindi mo dapat ginaya ang kaniyang ginawa. Para mo na ring sinabi na kagaya ka niya. You’re a two timer!

Hindi!

Oo!

“Tama na!” Mabilis siyang napatayo dahil sa pagtatalong iyon ng isipan niya. Ngunit mabilis ding napaupo nang kumirot ang balakang niya.

Kung may makakikita sa kaniya sa mga sandaling iyon, iisipin niyon na nasisiraan na siya ng bait. Kaya bago pa mangyari iyon, lumabas siya sa kaniyang maliit na opisina. Maigi pa na aliwin niya ang sarili sa magagandang bulaklak na nakapalibot sa kaniya. Kahit nananakit ang kaniyang katawan, mas mainam naman na may ginagawa siya. At least, hindi puro kamunduhan ang tumatakbo sa isipan niya.

“Rexie, tapos na ba ang order ni Mrs. Del Mundo?” tanong niya sa assistant niya at nag-iisang kasama roon. 

Kapag may mga event lang na malalaki siya nag-h-hire ng mga tao. Nanghihinayang kasi siya sa resources, bukod sa ipasasahod sa mga ito. Hindi naman kasi kalakihan ang flower shop niya. Itinayo niya iyon sa sarili niyang sikap. Iyon talaga ang pangarap niya noon pa man. Kahit papaano naman ay kumikita siya. Nasa sentro kasi ang puwesto niya ng naglalakihang establisyemiento sa Metro. Kaya marami-rami ring pumupunta roon. May mga suki na rin siyang matatawag sa dalawang taon niyang pagkakatayo niyon.

“Yes, Ma’am. Hinihintay ko na lang ang courier,” sagot ni Rexie.

“Ay iyong para kay Mr. Salcedo? Gusto niya on time ang delivery. Alam mo naman na kapag anniversary nila ng kaniyang asawa, hindi nawawala ang bulaklak,” aniya.

“Tapos na rin po. Naipadala ko na iyon kanina pa.”

Tumango-tango siya. “Okay. Ano pa ba ang kailangang asikasuhin? May mga orders ba tayo para sa linggong ito?” 

“May tumawag po pala kanina. Ito po ang order niya.” Lumapit ito sa kaniya at ibinigay ang isang sticky notes kung saan nakasulat ang order ng customer.

Binasa niya iyon. “Sige. Ako na ang bahala sa mga ito,” aniya.

Nagsuot siya ng apron para hindi madumihan ang kaniyang damit. Mga in-house plants ang order na iyon ng isang customer. Lima rin iyon kaya matagal-tagal din ang bubunuin niyang oras.

She put her earphones on her ear, then opened her Spotify. Pinatugtog niya roon ang paborito niyang banda na Eraserheads, bago sinimulan ang trabaho sa kanilang working table. She’s too engrossed on what she was doing kaya hindi na niya napuna ang bagong pasok na customer. 

Iniikot muna nito ang mga mata sa paligid bago lumapit sa counter. Agad naman itong inistima ni Rexie.

She was facing the glass wall with vinyl blinds, kaya hindi niya napansin ang customer na titig na titig sa kaniya. Napakunot ang noo nito, bago muling iginala ang mga mata sa kabuuan ng kaniyang flower shop.

“Ma’am Mhia,” untag sa kaniya ni Rexie. Tinapik pa siya nito sa balikat.

“Ha?” Bahagya pa siyang nagulat nang lingunin ito. Mukhang kanina pa siya tinatawag ng kaniyang assistant.

Inalis niya ang earphone sa tenga at hinarap ito. “May kailangan ka ba?” tanong niya.

Tumango ang kaniyang assistant. Iniabot nito sa kaniya ang isa pang sticky notes. 

Inalis niya muna ang suot na gloves bago iyon kinuha at tumayo, habang nanatili pa rin ang mga mata sa notes na nasa kamay. “Hundred pieces of white roses. . .” malakas niyang basa, bago tinungo ang malaking cooler. Hindi pa rin niya napapansin ang customer nilang nasa isang tabi at nakamasid pa rin sa kaniya.

“Ang dami nito, ha. Swerte naman ng pagbibigyan,” patuloy niya habang inilalabas ang pumpon ng rosas na kulay puti. Ang cooler ang nagpapanatili ng freshness sa mga tinda nilang bulaklak doon. 

“Kaya lang bakit puti? Hindi ba at para lang sa pa—” Nabitiwan niya ang mga dala— na mabuti na lang at nasalo ng customer, kun’di, baka marami siyang nasayang na bulaklak.

“Ops!” anito.

Tulalang napatitig na lang siya sa gwapong mukha ng kaharap. Hindi man ito nagpagupit ng buhok o nag-ahit ng balbas at bigote, ang gwapo pa rin nitong tingnan. Neat. Iyon ang tamang description sa itsura nito sa mga sandaling iyon. Hindi kagaya kagabi na para itong basagulerong ermitanyo.

Ipinuyod ng lalaki sa likod ang buhok nito ng rubberband. Halata ring bagong ligo at maayos na sinuklay ang balbas at bigote. Hindi na rin matatakot ang plantsa sa suot nito. Maayos na polo shirt iyon na kulay brown na may katernong itim na pantalong maong. Boots na itim naman ang nasa paa nito.

“Miss. . . ?” untag nito sa kaniya.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Amusement was written on his face. Hindi tuloy niya mapigilang hindi pamulahan ng mukha, lalo na nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi.

Kaagad niyang inagaw sa mga kamay nito ang mga bulaklak at walang imik na bumalik sa working table niya. Inayos niya ang mga iyon ayon sa kagustuhan ng lalaki.

Hiyang-hiya siya sa sarili sa mga sandaling iyon. Noon niya lang naalala ang singsing na nakita niyang suot nito kagabi. Akala niya, wala lang iyon. Wala naman kasi siyang nakita na kahit isang litrato sa penthouse ng lalaki. Mag-isa lang ito roon. 

Pero paano kung nagkagalit lang ito at ang asawa nito? At kaya ito bumibili ng bulaklak ay para suyuin ang babae?

Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Ano ba talagang pumasok sa isip niya kagabi at nagawa niya ang bagay na iyon? Kung hindi na siya masyadong apektado sa nangyayari sa relasyon nila ni Cendrick, ngayon naman, bigla ay kinakain siya ng kaniyang konsensya.

Nakakahiya!

Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang makasasakit ng damdamin ng iba, lalo na sa mga babaeng kagaya niya. Dahil ayaw niyang maranasan ng mga ito ang pinagdaraanan niya. 

Kinakarma na ba agad siya?

“Miss. . . ?” anang lalaki na nagpaigtad sa kaniya at nagpabalik sa kaniyang isipan sa kasalukuyan. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito.

“Y-yes?” hindi lumilingong tanong niya rito.

“Matagal pa ba iyan?” tanong nito sa buong-buong tinig. Muntikan pa siyang mapapikit kung hindi niya lang napigilan ang sarili.

“H-hindi. Sandali na lang.” Ngunit sa pagmamadali ay dumaplis ang gunting na kaniyang hawak. Nahagip niyon ang daliri niya. “Aw!”

Napalapit sa kaniya ang lalaki. At sa pagkagulat niya, maging ni Rexie na kanina pa nakatitig dito, ay isinubo nito ang daliri niya.

Naghalo ang kilabot at hapdi sa ginawa nitong iyon. Hindi rin niya napigilan ang mapasinghap nang malakas, pati na si Rexie.

Bigla tuloy bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Para siyang napaso kaya mabilis niyang binawi ang kamay rito.

“T-that’s unhygienic,” dahilan na lamang niya bago hinarap si Rexie. “Ikaw na ang magtuloy nito. Excuse me,” aniya nang muling lingunin ang lalaki.

Walang lingong-likod na nagtungo siya sa kaniyang maliit na opisina. Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay napasandal siya roon habang sapo-sapo ang dibdib. Para siyang sumakay sa roller coaster sa bilis ng tibok niyon. 

She inhaled, then exhaled. Hindi pa siya nakontento at sunod-sunod niyang ginawa iyon hanggang sa kumalma ang sarili.

God! Sa dinami-rami ba naman ng pagkatataon, bakit sa araw na iyon pa talaga sila pinagtagpong muli ng lalaki? Puwede namang sa susunod na linggo o buwan, o next year. Makalipas talaga ang isang araw?! 

Gosh! Wala pa ngang isang araw iyon dahil kanina lang siya umuwing madaling-araw sa bahay niya!

Napasabunot siya sa sarili. Natigil din nang may maaalala.

“Humanda ka sa akin, Tiffany,” gigil na wika niya.

Related chapters

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    FORGIVE & FORGET

    “What?! No! Ayoko. Hindi ako pumapayag sa gusto mo,” mariing saad ni Cendrick sa kaniya. Dalawang araw matapos ang gabing iyon ay nakipagkita siya rito. Pero hindi niya inaasahan ang naging sagot nito.She was breaking up with him for the very first time.“And may I know why? Dahil ba sa alam mong palagi lang kitang patatawarin sa tuwing magkakamali ka ganoon ba?” Pinatigas niya ang mukha. Hindi pa siya nakita sa ganoong anyo ng kasintahan. She just always forgive him. Kaya tama nga si Tiffany, siya rin ang dahilan kung bakit nasasaktan siya. Dahil kinunsinti niya ito sa mga kalokohan nito.“No! That’s not it. Mahal kita. At ayo—”“Mahal?” Pagak siyang natawa kasabay ng pangingilid ng kaniyang mga luha. “Mahal ba ang tawag sa paulit-ulit mo akong sinasaktan? Ganoon ba, ha, Cendrick?”Natigilan ito at hindi agad nakaimik. Titig na titig lang ito sa kaniya na para bang ibang tao ang kaharap nito.“Hindi ka makasagot dahil totoo,” aniya sabay hikbi. Mabilis niyang pinahid ang dalawang b

    Last Updated : 2024-02-04
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    CHEATER

    Pangiti-ngiting sumakay ng elevator si Mhia. She wanted to surprise Cendrick. Sixteenth monthsary nila at iyon ang naisip niyang pakulo sa araw na iyon.Bihis na bihis siya. She’s wearing her halter seductive red dress that was above her knees. Sinadya niya talagang isuot iyon sa araw na iyon, to mark their anniversary at para maiba na rin. She paired it with white stilleto. Wala siyang kahit anong alahas na isinuot maliban sa gold hoop earrings, na mas lalong dumagdag sa angkin niyang ganda. Her makeup was light, but her red lipstick was visible.Simple, yet seductively elegant. Iyon ang impresyon niya para sa sarili.Dumaan siya sa isang sikat na bakery. Bumili siya ng vanilla cake na paborito ni Cendrick. Nagdala na rin siya ng bulaklak. Sa loob-loob niya, hindi lang naman ang mga lalaki ang nagbibigay ng bulaklak. Kahit babae ay puwede rin.Nang tumunog ang elevator sa palapag na kinaroroonan ng unit ni Cendrick, may ngiti sa mga labing lumabas siya roon. Looking back, pinanindiga

    Last Updated : 2024-02-05
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    KNIGHT

    “Can’t you just make time? Ikaw na nga lang ang nag-iisa kong apo hindi mo pa ako dalawin dito.” May hinampo ang tinig na iyon ng kaniyang Lola Gloria.Nasa probinsya nila ito sa San Marcelino. Mayroon itong flower farm doon kung saan nanggagaling ang supply niya ng mga bulaklak, kaya naman kahit papaano ay may nagiging kita siya. Malaki kasi ang discount na ibinibigay ng lola niya.Mag-isa siyang itinaguyod ng Lola Gloria niya. Bata pa lang ay namatay na ang kaniyang mga magulang. Parehong may sakit ang mga ito, na halos dalawang taon lang ang naging pagitan ng kamatayan. May sakit sa puso ang kaniyang ina, habang sa atay naman ang ama. Naunang namatay ang kaniyang ina. Hindi siguro iyon kinaya ng kaniyang ama, kaya mabilis din itong sumunod.Tatlo ang anak ni Lola Gloria, pero ang kaniya lang ina ang nagkaroon ng asawa. Ang dalawa niyang tiyahin ay pareho ng soltera. Parehas na piniling huwag ng mag-asawa pa. Hindi niya alam ang rason, pero nakikita naman niyang masaya ang mga ito s

    Last Updated : 2024-02-05
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    LOVERS

    Tahimik na hinagod ni Skyler ang likuran ng babae. Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya. Kung nahuli-huli pa siya, baka kung ano na ang nangyari dito. At hindi niya mapapatawad ang sarili.Ewan ba niya. Mula noong makita niya ang itsura nito sa elevator, alam na agad niya ang nangyari. The woman was very easy to read. Mga mata pa lang nito, alam na agad niya kung anong damdamin ang pumapaloob dito. And he wanted to erase it. He wanted to erase the sadness in her eyes. Para kasing ang sakit-sakit sa dibdib niya. Kaya roon niya natagpuan ang sarili.After a few days of thinking, nagdesisyon siyang puntahan ito sa flower shop. Napag-alaman niyang pag-aari nito iyon base na rin sa flyer na ibinigay sa kaniya ng assistant nito noong bumili siya roon ng bulaklak.Her name is Mhia Lucerio, twenty-four years old at siyang may-ari ng Mhia’s Garden. May isa itong assistant, iyon nga ang kasama nito roon noong nakaraan.Wala itong ibang routine kun’di bahay at trabaho. Simple lang ang buhay n

    Last Updated : 2024-02-05
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    DINNER DATE

    Hindi malaman ni Mhia kung ano ang susuotin para sa gabing iyon. Inimbitahan siya ni Skyler na mag-dinner— na hindi naman niya tinanggihan.Kung susumahin, parang ang bilis ng mga pangyayari. She got cheated, she got revenged, she got cheated again and now, she ended up with him.She was still contemplating for the past few days if she will accept his offer or not. Pero wala namang masama kung susubukan niya. Ang problema nga lang, may isang bagay pa ring gumugulo sa isipan niya at iyon ang nais niyang alamin sa pagtatagpo nilang iyon.She bit her thumb finger while looking at her dresses. Kung hindi kasi mahahaba ang mga iyon at balot na balot ang katawan niya, para namang wala ng tinakpan iyong iba. Si Tiffany ang mahilig bumili niyon at ibinigay lang sa kaniya— na kahit ayawan niya ay ipinipilit naman nito. Kaya ang ending, sa kaniya pa rin ang bagsak.Napabungtonghininga siya nang maalala ang kaibigan. They haven’t been talking since that incident happened. Alam niyang alam nito k

    Last Updated : 2024-02-05
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PERFECTION

    Ang katanungan niyang iyon ang bumasag sa kanilang katahimikan. Kitang-kita ni Mhia na natigilan si Skyler sa pagbuhay ng gas range. Matagal itong tumitig doon bago siya hinarap.“And what exactly do you mean by your question?” He leaned on the kitchen counter and put his hands on the sides. Nanunuot ang mga titig nito sa kaniya.Parang nais ng magtago ni Mhia sa mga sandaling iyon. His eyes were piercing right through her heart. Para malamig na yelo na tumutusok doon at hindi siya makahinga.Wala sa sariling napainom siya. Nais na niyang pagsisihan na tinatanong niya pa ito tungkol sa bagay na iyon. Para kasing lalamunin siya nito ng buhay.Pero kung hindi siya magtatanong, paano niya malalaman ang totoo? Na baka nakasasakit na pala siya ng ibang tao nang hindi niya nalalaman.“I. . . I was just wondering.” Her eyes landed on his finger. “I saw your ring.” Pagkuwa’y muli niya itong tinitigan sa mga mata.“It’s just a ring. Wala itong kahulugan.” Hinubad nito iyon at inilagay sa bulsa

    Last Updated : 2024-02-05
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    THRILLED (SPG)

    “F*ck! Can we just stay here forever?” tanong ni Skyler habang inaalis ang damit niya.Napangiti si Mhia. That sounds inviting. At the same time, promising. Kaya kusang gumalaw ang mga kamay niya. Tinumbok niyon ang nasa pagitan ng mga binti nito.She played on it for a while, while he was playing on her rounded mounds. Niyuko nito iyon at tinikman na para bang takam na takam ito sa matamis na lasa niyon.When she finally unbuckled his belt, isinunod niya ang butones at zipper ng pantalon nito. Tinulungan pa siya nitong maibaba iyon, kasama ang boxers nito, gamit ang isang kamay. Dahil ang isang kamay nito ay dumadama sa kabila niyang dibdib.She moaned in pleasure as he carelessly bit her n*pples. Mabilis na napahagod ang mga kamay niya sa pagkalalaki nitong galit na galit. Hindi kasi kayang hawakan iyon ng isang kamay lang. At hindi niya lubos-maisip kung paano iyon nagkasya sa kaniya noon.“F*ck! Got it, mi amor. You’re learning.”She was smiling and excited, as she heard his endea

    Last Updated : 2024-02-05
  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    DAHLIA

    Tutok na tutok ang atensyon ni Skyler sa tambak na mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang mahabang lamesa. He was busy studying everything. Ngayong nagbalik na siya sa kaniyang kompanya, kailangan niyang mag-double time. Marami kasing natambak na trabaho para sa kaniya.He heard someone knocked on the wooden door. “Come in!” aniya. His eyes were still on the folder he was reading.Bumukas ang pintuan at pumasok ang nasa likod niyon. Marahan ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya. “May problema ba, Thelma?” tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang kaniyang sekretarya.“Hijo, baka naman mabaguhan ka niyan.”Mabilis pa sa alas-kwatrong nag-angat siya ng ulo. Malapad siyang napangiti nang makita kung sino ang naroon. “Uncle Tom!” Tumayo siya at umikot sa kaniyang mesa. Walang sabi-sabing niyakap niya ang may-edad na lalaki.“Long time no see, hijo. How are you? Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.” Tinapik-tapik nito ang kaniyang balikat.Kumawala siya rito. “Very much fine, Uncle. Ayo

    Last Updated : 2024-02-06

Latest chapter

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    WAKAS

    “Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    GOODBYE

    Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PLANS

    “Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    SECRETS & LIES

    “Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    A CALL

    “Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    PROTECTOR

    Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    TWINS & BROTHERHOOD

    Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    NOAH

    Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k

  • HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVE    THE LIAR

    Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status