Hindi malaman ni Mhia kung ano ang susuotin para sa gabing iyon. Inimbitahan siya ni Skyler na mag-dinner— na hindi naman niya tinanggihan.Kung susumahin, parang ang bilis ng mga pangyayari. She got cheated, she got revenged, she got cheated again and now, she ended up with him.She was still contemplating for the past few days if she will accept his offer or not. Pero wala namang masama kung susubukan niya. Ang problema nga lang, may isang bagay pa ring gumugulo sa isipan niya at iyon ang nais niyang alamin sa pagtatagpo nilang iyon.She bit her thumb finger while looking at her dresses. Kung hindi kasi mahahaba ang mga iyon at balot na balot ang katawan niya, para namang wala ng tinakpan iyong iba. Si Tiffany ang mahilig bumili niyon at ibinigay lang sa kaniya— na kahit ayawan niya ay ipinipilit naman nito. Kaya ang ending, sa kaniya pa rin ang bagsak.Napabungtonghininga siya nang maalala ang kaibigan. They haven’t been talking since that incident happened. Alam niyang alam nito k
Ang katanungan niyang iyon ang bumasag sa kanilang katahimikan. Kitang-kita ni Mhia na natigilan si Skyler sa pagbuhay ng gas range. Matagal itong tumitig doon bago siya hinarap.“And what exactly do you mean by your question?” He leaned on the kitchen counter and put his hands on the sides. Nanunuot ang mga titig nito sa kaniya.Parang nais ng magtago ni Mhia sa mga sandaling iyon. His eyes were piercing right through her heart. Para malamig na yelo na tumutusok doon at hindi siya makahinga.Wala sa sariling napainom siya. Nais na niyang pagsisihan na tinatanong niya pa ito tungkol sa bagay na iyon. Para kasing lalamunin siya nito ng buhay.Pero kung hindi siya magtatanong, paano niya malalaman ang totoo? Na baka nakasasakit na pala siya ng ibang tao nang hindi niya nalalaman.“I. . . I was just wondering.” Her eyes landed on his finger. “I saw your ring.” Pagkuwa’y muli niya itong tinitigan sa mga mata.“It’s just a ring. Wala itong kahulugan.” Hinubad nito iyon at inilagay sa bulsa
“F*ck! Can we just stay here forever?” tanong ni Skyler habang inaalis ang damit niya.Napangiti si Mhia. That sounds inviting. At the same time, promising. Kaya kusang gumalaw ang mga kamay niya. Tinumbok niyon ang nasa pagitan ng mga binti nito.She played on it for a while, while he was playing on her rounded mounds. Niyuko nito iyon at tinikman na para bang takam na takam ito sa matamis na lasa niyon.When she finally unbuckled his belt, isinunod niya ang butones at zipper ng pantalon nito. Tinulungan pa siya nitong maibaba iyon, kasama ang boxers nito, gamit ang isang kamay. Dahil ang isang kamay nito ay dumadama sa kabila niyang dibdib.She moaned in pleasure as he carelessly bit her n*pples. Mabilis na napahagod ang mga kamay niya sa pagkalalaki nitong galit na galit. Hindi kasi kayang hawakan iyon ng isang kamay lang. At hindi niya lubos-maisip kung paano iyon nagkasya sa kaniya noon.“F*ck! Got it, mi amor. You’re learning.”She was smiling and excited, as she heard his endea
Tutok na tutok ang atensyon ni Skyler sa tambak na mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang mahabang lamesa. He was busy studying everything. Ngayong nagbalik na siya sa kaniyang kompanya, kailangan niyang mag-double time. Marami kasing natambak na trabaho para sa kaniya.He heard someone knocked on the wooden door. “Come in!” aniya. His eyes were still on the folder he was reading.Bumukas ang pintuan at pumasok ang nasa likod niyon. Marahan ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya. “May problema ba, Thelma?” tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang kaniyang sekretarya.“Hijo, baka naman mabaguhan ka niyan.”Mabilis pa sa alas-kwatrong nag-angat siya ng ulo. Malapad siyang napangiti nang makita kung sino ang naroon. “Uncle Tom!” Tumayo siya at umikot sa kaniyang mesa. Walang sabi-sabing niyakap niya ang may-edad na lalaki.“Long time no see, hijo. How are you? Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.” Tinapik-tapik nito ang kaniyang balikat.Kumawala siya rito. “Very much fine, Uncle. Ayo
“Mhia!” tumitiling salubong ng kaniyang Lola Gloria habang pababa siya ng kaniyang kotse. Halos magkandatisod-tisod ito sa pagmamadaling lumapit sa kaniya.“Lola!” Mahigpit niya itong niyakap. “Na-miss ko kayo!” aniya.Kumawala ito sa pagkakayakap sa kaniya. Hinagod nito ang kaniyang likuran. “Mabuti naman at naisipan mong umuwi. Akala ko ako pa ang susundo sa iyo sa Maynila,” paingos nitong wika.Nakangiting iniangkla niya ang braso rito. “Naku, kayo talaga. Di ba sinabi ko naman na uuwi ako? Hindi pa naman ako sumisira sa pangako ko, hindi ba?”Inirapan siya nito. “Hindi nga, pero halos isang buwan rin ang hinintay ko mula noong sabihin mong uuwi ka. Eh, ’di ba halos apat na buwan ka na ring hindi umuuwi rito? Ang lapit lang naman ng Maynila. May sasakyan ka naman pati.”“Sorry na po. May mga inasikaso ho kasi ako sa flower shop bago umuwi rito.” May lambing na humilig siya sa balikat nito. “Hayaan niyo, ipagluluto ko kayo ng paborito ninyong dinuguan.”Nagniningning ang mga matang
“Bakit parang mas lumawak naman yata ang flower farm natin ngayon?” tanong ni Mhia sa kaniyang Auntie Fe.Nasa mismong farm sila sa mga sandaling iyon. Halos hindi na niya matanaw ang hangganan niyon dahil sa extensions. May mga greenhouse din kung saan inaalagaang mabuti ng mga tauhan nila ang mga seedlings na itinatanim doon.Kung susumahin, sa flower farm pa lang ay buhay na buhay na sila ng kaniyang lola at dalawang tiyahin. Iyon nga lang, ayaw naman niyang umasa sa mga ito. Mas gusto pa rin niyang pinaghihirapan ang mga ibinibili niya sa kaniyang mga luho— na hindi niya rin alam kung mayroon. Isa pa, gusto na talaga niya noon pa man ang magkaroon ng sariling flower shop.“Binili na rin kasi ng lola mo iyong katabing lupa natin. Alam mo na, malakas ang farm ngayon lalo na at isa ka sa regular sinusuplayan nito. We need to expand to meet the orders of our clients. May mga bago ring variety ng roses, tulips, daisies, dahlias at kung ano-ano pa na mas mabenta ngayon sa market. Mabent
“Naku naman, bakit hindi ka nagpasabi na pupunta ka rito?” tanong ng kaniyang Lola Gloria nang kumawala ito sa pagkakayakap kay Skyler.Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. “Er-Er?” tanong niya na sa kaniyang lola nakatingin.“Mhia, hija, nagkakilala na pala kayo nitong si Er-Er. Siya iyong sinasabi ko sa iyo na apo ng aking yumaong kaibigan. Iyong may-ari ng lote sa kabilang bahagi ng farm. Iyong may malaking puno ng acacia. Tanda mo pa ba?” Halata ang excitement sa tinig nito habang sinasabi iyon.Muli niyang nilingon si Skyler na nakatingin din sa kaniya. Hindi niya mabasa kung anong iniisip nito, but there was recognition in his eyes.“Halika nga ritong bata ka,” anang kaniyang Lola Gloria. Hinila pa nito sa kamay si Skyler. “Bakit hindi ka man lang nagpasabi na dadalaw ka rito? Kararating mo lang ba?” sunod-sunod na tanong nito sa nagpapaubuyang lalaki. Naupo ang mga ito sa harap ng dinig table.“I didn’t know. . .” Iyon ang namutawi sa mga labi nito nang lingunin ang kan
“Sandali naman! Para ka namang hinahabol ng kung ano sa bilis ng lakad mo. Dapat ginamit na natin ang kotse mo o sa akin kung ganito din naman kalayo ang lalakarin natin,” reklamo ni Mhia habang nakasunod sa kaniya. Hinahabol na nito ang paghinga dahil sa layo ng nilakad nila.Nilingon niya ito. “You should at least exercise twice a week. Para naman mas tumibay pa ang katawan mo sa kahit na anong laban.” Sinabayan pa niya iyon ng pilyong ngiti at pagkindat.Namilog ang mga mata nito. Mabilis itong napahakbang sa kinaroroonan niya at hinampas siya sa balikat.“Iyan ba ang dahilan kaya isinama mo ako rito?” paangil nitong tanong. Nauna na ito sa kaniya.They were walking beside the road on their area. Nasa San Marcelino pa rin silang dalawa. Nag-extend pa sila roon ng isang araw, ayon na rin sa request ni Lola Glo.“Both,” aniya na may kahalong panunudyo nang maabutan ito.Hindi ito sumagot. Asar-talo naman kasi ito minsan sa kaniya. But he liked to tease her. Ang cute kasi nitong mapik
“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
“Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-
“Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi
Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang
Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar
Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k
Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag