Si Beatrice ay niloko at ipinahamak ni Minda, ang dapat ay kanyang magiging biyenan. Dinala sya nito sa kwarto ni Marcus, ang tiyuhin ng kanyang fiance na noon ay nakawheelchair dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito. Napilitan syang pakasalan si Marcus upang mabawi ang dangal na nawala sa kanya. Ang inaasahan nyang miserableng mangyayari sa buhay nya mataposa maipakasal kay Marcus, ay kabaliktaran pala ng tunay na mangyayari. May tangi lamang syang problema sa kanilang pagsasama, si Marcus ay may sakit at mahina na. Ngunit isang araw matutuklasan nya ang isang sekreto ng kanyang asawa na ito pala ay palihim na nagpapagamot. Ito na kaya ang magiging umpisa ng kanilang perpektong pamilya o ito kaya ang magiging dahilan upang mas gumulo pa ang kanilang buhay.
View MoreSi Sam, na nasa parehong opisina, ay napansin na may kakaiba kay Beatrice at lumapit upang pakalmahin ang sitwasyon na may ngiti. "O siya, Ghena, ang dami mo nang sinabi ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Beatrice na makapagsalita. Kumain muna tayo nitong cake, tapos hayaan natin si Beatrice na magkwento."Sina Sam, Ghena, at Beatrice ay mga bagong guro na sabay-sabay na pumasok sa paaralan kayat naging maganda ang kaninlang samahan. Tumingin si Beatrice sa kanya nang may pasasalamat. Ngumiti si Sam at hinawakan ang kanyang kamay: "Ikaw talaga, dapat ka pa ring batiin. Pero hindi ‘yun ang pagbating sinabi namin kanina."Naguluhan si Beatrice. Ngumiti si Sam at ipinaliwanag: "Binabati ka namin dahil nanalo ka ng unang pwesto sa nakaraang district open class competition. Ang kailangan mo na lang ay online canvassing at magiging outstanding city teacher ka na sa distrito."Nagulat si Beatrice at tumingin kay Sam. Alam niyang magaling siya, pero hindi niya inaasahang makukuha
Namula ang mukha ni Beatrice dahil sa dami ng alak na nainom nya. Naitulak nya papunta sa kama si marcus Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Hindi kasi naging komportable ang karanasan niya kagabi kay Marcus, at medyo natakot at nangamba siya. Kaya noong siya ay naligo, sinadya niyang magsuot ng maluwag at konserbatibong cotton na pajama. Ngunit sa pag-alala niya sa mga sorpresa at pag-aalaga na ibinigay ni Marxus sa kanya ngayong gabi, hindi niya magawang tanggihan ito. Sa mga sandaling iyon, nakahiga si Beatrice sa kama na kinakabahan, iniisip kung gaano siya kamukhang tanga sa suot niyang cartoon print na pajama. Napatitig si Beatrice sa mga binti ni Marcus, sa isip nya parang may mali."Ang mga binti mo."Mali dahil sa sobrang mananabik ni Marcus, nakalimutan nyang ang alam ni Beatrice ay pilay sya. Kaya itinuon nya ang kanyang mga kamay sa kama."Hindi ko lang talaga nararamdaman ang mga binti ko mula sa mga binti pababa. Pero kaya kong umakyat sa kama at umupo sa wheelchair g
Nang makita ni Beatrice si Marcus, naramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi, at halos gusto niyang maghukay ng butas at magtago roon! Tumawa si Marcus, at nang mapansin nyang halos magdugo na ang kanyang labi sa kakakagat dito, hindi niya napigilang sabihang: "Sige na, hindi na kita aasarin, mag-shower ka na. Kakatapos ko lang mag-shower sa shower room."Tumango si Beatrice, mabilis na binuksan ang kabinet para kumuha ng pajama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Nang maisara ang pinto ng banyo, biglang nagdilim ang mukha ni Marcus. Kakatapos niya lang magpunta sa study para ayusin ang trabaho, at nag-shower siya pagkatapos nito, kaya hindi niya napansin ang kalagayan ni Beatrice. Inakala niyang tahimik itong naghahanda para sa klase, ngunit mukhang nakipagtalo siya sa kung sino man. Nang makita niya ang namumulang mga mata ni Beatrice, halos gusto niyang hilahin palabas ang taong nasa kabilang linya ng telepono at pagbuntunan ng galit!Dahan-dahang pinindot ni Marcus ang tele
Natapon ang sabaw mula sa ulam na isda. Nagulat si Marcus at agad na iniabot ang kamay para saluhin ang plato. Inilapag niya ito sa dining table at agad na tiningnan ang kamay ni Beatrice. Sa sobrang pag-aalala ni Marcus, halos tumayo siya at hawakan ang kamay nito upang dalhin sa kusina para hugasan! Mabuti na lang at naisip niya ito bago pa magawa. Mabilis niyang kinuha ang mineral water sa tabi at binuksan ito upang hugasan ang kamay mga ni Beatrice. Habang ginagawa iyon, hindi niya napigilang pagalitan ito."Bakit ka nagiging balisa? Paano kung mapaso ka?"Bagama't may halong paninisi, magaan ang tono nito. Hindi ito nagdulot ng sama ng loob kay Beatrice, bagkus naramdaman niya ang labis nitong pag aalala."Ayos lang ako," sagot ni Beatrice.Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang sabaw na natapon sa mesa. Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim, umupo sa tabi ni Marcus, kinuha ang kanyang telepono, at sinabi, "Magpalitan tayo ng contact information."Tiningnan siya
Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon.""Talaga?"Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?""Oo."Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inila
Carlos, bakit mo sya sinaktan! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Bukod pa riyan, wala na tayong kapangyarihan ngayon, at isa na akong walang silbi. Hindi na tayo puwedeng maging katulad ng dati!"Galit na wika ni Marcus habang tinatapik ang armrest ng wheelchair, na parang dismayado sa isang tao. Yumuko si Carlos: "Patawad, senyorito, hindi ko lang talaga napigilan. Hindi ko matiis na may mga nagsasabi ng masama tungkol sa inyo.""Kailangan mong tiisin! Pamilya ito ng aking asawa. At nangako ako sa kanya na hindi na ako mananakit ng iba."Agad na hinarap ni Carlos si Beatrice at yumukod upang humingi ng tawad: "Senyorita, patawad po. Ako ang dahilan kung bakit nasira ng senyorito ang kanyang pangako sa iyo. Kung may dapat sisihin dito, ako yun at wala ng iba"Hindi naman naglit si Beatrice, bagkus labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman, ang pinakamagandang naramdaman niya sa buong buhay niya. Ngunit hindi niya ito maaaring ipakita, kaya't bahagya lamang siyang tumang
Noon pa man ay sobrang hinahangaan ni Beatrice ang asul at puting porselana na antigong ito. Ito ang pinaka-mahalagang antigong nabili ni Oscar. Noong una, tumingin siya ng dalawang beses dito, at pinagbawalan siya ni Oscar na hawakan ito. Sinabi niyang malas siya, at natatakot siya na kapag hinawakan niya ito, baka mabagsak ang antigong iyon. Tiyak nga, sumunod si Oscar sa titig ni Beatriceat naramdaman niyang parang kumakabog ang puso niya. Nang ibuka nya ang kanyang bibig, narinig niyang tinuturo ni Beatrice ang kanyang pinakamahal na yaman at sinabi, "Sa tingin ko maganda 'yang isa."Bahagyang kumunot ang noo ni Marcus, parang hindi nasisiyahan, pero ipinag-utos pa rin kay Carlos na dalhin ang antigong ito kay Beatrice at tinanong, "May gusto ka pa bang iba?"Tumingin si Beatrice sa mukha ng kanyang ama na puno ng sakit at nagpatuloy na tumuro ng ilan pang mga antigong bagay upang mapagaan ang galit nito. Ipinag-utos ni Marcus, "Hindi maganda ang iyong panlasa. Kailangan mong mat
“ Ano iyon sabihin mo. Normal lang naman sa mga ikakasal ang may requirements”Huminga nang malalim si Marcus. Nagulat si Beatrice. Hindi niya akalain na ang lalaking kinatatakutan ng lahat sa Ka Maynilaan ay napakadaling kausap?! Huminga nang malalim si Beatrice at ipinaliwanag: “Gusto ko ng isang maliit na bahay. Hindi kailangang malaki ang lugar, kahit maliit na apartment lang ay ayos na. Dapat nakasulat ang pangalan ko sa titulo ng ari-arian. Pagkatapos ng kasal, ayaw kong tumira sa lumang bahay; gusto ko lang tumira sa maliit na apartment. Kung maghihiwalay tayo sa hinaharap… ang bahay ay dapat mapasakin.”Gusto niyang tiyakin na magkakaroon siya ng seguridad para sa hinaharap. Nang marinig ni Marcus ang salitang “hiwalay,” parang may tumusok sa puso niya at tinanong: “Ano naman ang pangalawang kundisyon?”“Kapag nagpakasal tayo, gusto kong ilipat ang aking pangalan sa household registration.”Talagang ayaw na niyang magkaroon ng masyadong maraming kaugnayan sa kanyang pamilya, k
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng matandang Villamor. Bahagyang nagkaroon ng liwanang ang mukha nito at pagdakay nasambit nito “ Kung pumapayag kang pakasalan ang aking anak, hindi mo na ako dapat pang tawaging lolo, Papa na ang dapat na iyong itawag sa akin sapagkat kung tatawagin mo pa akong lolo baka magkaroon ng pagkalito sa ating pamilya”Ang nakaluhod na si Marcus ay bahagyang napangiti sa mga pangyayari. Ngunit ng bahagya syang gumalaw, naramdaman nya ang matinding sakit ng kanyang katawan dahilan upang bahagyang mamutla ang kanyang mukha. Agad naman itong napansin ng kanilang mayordomo. Agad nitong tinawag ang pansin ni Beatrice. “ Binibining Beatrice, ikaw na po ang bahalang umalalay sa senyorito” Mabilis namang kumilos si Beatrice, kinuha ang wheelchair nito at inalalayan si Marcus paupo dito. Ng nakaupo na ang binata sa kanyang upuang de gulong, bigla itong naubo, ubong tumagal din na tila ilang segundo. Labis itong nakapagpabahala sa kanya, ngunit naalala
Hindi kailanman naisip ni Beatrice na ang kanyang fiancé na si Albert ay aalis para sa isang business trip, at ang kanyang magiging biyenan na si Minda ay ipapahamak sya at ipagkakanulo upang magamit ng ibang lalaki Hindi! Hinding-hindi nya hahayaan na magtagumpay ang kasamaan ng babaeng iyon! Nagpupuyos ang mga kamao at nanggigil habang itinatayo ang kanyang mahina at pagod na katawan sa malambot at hindi pamilyar na kama na kanyang kinalalagyan, pilit na pinipigilan ang kanyang galit na kanina pa gusto kumawala. Ngunit bago pa man siya makatayo, narinig niya ang galit na boses ng isang lalaki sa madilim na silid."Sino ang nagsabi sa'yo na pumunta rito?"Bahagyang umawang ang kanyang mga labi, hindi maisip kung ano ang nais nitong sabihin, ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag, mahigpit na hinawakan ng galit na lalaki ang kanyang pulso at marahas siyang hinila pababa mula sa kama. Sa isang malakas nitong hila ay agad na bumagsak si Beatrice sa carpet. Isang malamig at malakas ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments