“ Ano iyon sabihin mo. Normal lang naman sa mga ikakasal ang may requirements”
Huminga nang malalim si Marcus. Nagulat si Beatrice. Hindi niya akalain na ang lalaking kinatatakutan ng lahat sa Ka Maynilaan ay napakadaling kausap?! Huminga nang malalim si Beatrice at ipinaliwanag: “Gusto ko ng isang maliit na bahay. Hindi kailangang malaki ang lugar, kahit maliit na apartment lang ay ayos na. Dapat nakasulat ang pangalan ko sa titulo ng ari-arian. Pagkatapos ng kasal, ayaw kong tumira sa lumang bahay; gusto ko lang tumira sa maliit na apartment. Kung maghihiwalay tayo sa hinaharap… ang bahay ay dapat mapasakin.” Gusto niyang tiyakin na magkakaroon siya ng seguridad para sa hinaharap. Nang marinig ni Marcus ang salitang “hiwalay,” parang may tumusok sa puso niya at tinanong: “Ano naman ang pangalawang kundisyon?” “Kapag nagpakasal tayo, gusto kong ilipat ang aking pangalan sa household registration.” Talagang ayaw na niyang magkaroon ng masyadong maraming kaugnayan sa kanyang pamilya, kaya’t lalo niyang kailangan ng bahay upang mailipat ang kanyang pangalan sa rehistro. Ngunit hindi niya sinabi ang mga salitang ito. Matapos maghintay nang ilang sandali, narinig ni Beatrice ang malumanay na boses ni Marcus. “Bea, huwag kang mag-alala. Bagamat may kapansanan ako, may pera pa rin ako para bilhan ka ng bahay.” Habang sinasabi ito, tumingin siya kay Carlos. “Agad na ilipat ang pagmamay ari ng bahay sa Forbes Park sa Makati sa pangalan aking asawa.” “Sige po.” Tumugon si Carlos at tumawag sa telepono upang ayusin ito. Nang marinig iyon, napamulagat si Beatrice sa gulat. Ang Forbes Park , iyon ba ang ari-arian malapit sa kanyang paaralan? Iyon ay isang bahay sa pangunahing lokasyon, at mahirap makahanap ng ganoon. Kahit maliit na bahay ay nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon, at basta na lang iyon ibinigay sa kanya? Nasa ulirat pa siya nang dumating ang kotse sa Civil Registrar Office. Pagkababa ni Beatrice sa kotse, isang maliit na matabang lalaki ang tumakbo papalapit nang habol ang hininga, may hawak na briefcase, at iniabot iyon kay Carlos. “Carlos, bilisan niyo… bilisan niyo ito.” Tinignan iyon ni Carlos at iniabot nang may paggalang kay Beatrice gamit ang dalawang kamay: “Madam, ito ang titulo ng ari-arian na ibinigay sa inyo ng senyorito, pakiusap tanggapin ito. Dagdag pa, ang household registration booklet ay nakuha na rin mula sa inyong bahay, at ito’y aayusin mamaya.” Nanghina si Beatrice sa gulat na hindi siya makapagsalita. Tulala niyang kinuha ang titulo ng ari-arian. Nitong mga nakaraang araw, puno siya ng kaba, parang nasa ere, ngunit sa sandaling ito, naramdaman niya ang kakaibang seguridad. Hindi niya akalaing ang bihirang pakiramdam ng seguridad na ito ay ibibigay ng tiyuhin ni Albert. Nakaramdam si Beatrice ng kaunting hapdi at pait sa kanyang puso. Pinipigil ang emosyon, sinabi niya, “Pangako ko, aalagaan kita nang mabuti sa hinaharap.” “Sige.” Masayang ngumiti si Marcus. Itinulak ni Beatrice ang wheelchair ni Marcus papasok sa Civil Registrar Office. Sa ilalim ng gabay ni Carlos, mabilis nilang nakuha ang kanilang marriage certificate. Pakiramdam ni Beatrice ay parang nananaginip siya sa buong proseso, at hindi niya napansin na ang lalaking may malamig na mga itsura ay magpapakita ng bihirang ngiti habang kinukuhanan sila ng larawan para sa kasal. Matapos makuha ang maliit na pulang libro, hindi pa niya ito natititigan nang maayos nang agawin ito ni Marcus. “Ipapasa natin ito kay Carlos para sa pag-aayos ng household registration. Dadalhin kita pabalik sa pamilya Aragon upang kunin ang mga kinakailangan mong kagamitan.” Si Marcus ay nagpatuloy sa kanyang seryosong paliwanag, ngunit sa loob-loob niya ay iniisip niya: Nagbibiro ka ba? Itatago mo ang sertipiko para magamit mo sa pag-divorce? Hindi mangyayari ang divorce! Tumango si Beatrice at sinabing, "Sige." Dumating agad ang sasakyan sa bahay ng pamilya Aragon. Pagdating nila sa harap ng pintuan ng bahay, hindi na inaya ni Beatrice si Marcus na sumama pa sa kanya sa loob ng bahay. “ Dito na muna kayo mabilis lang ako kukunin ko lang ang mga kailangan ko” Pagpasok niya sa sala, nakita niya agad ang kanyang ama at ina na nakaupo sa sofa na parang matagal nang naghihintay. "Ma, Pa, mag-iimpake lang ako ng ilang gamit." Habang sinasabi niya iyon, tumalikod siya upang umakyat sa itaas. "Tumigil ka diyan!" Tumayo ang ama ni Beatrice na puno ng galit at hinarang siya. Bago pa man makagalaw si Beatrice, isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi mula sa palad ng kanyang ina. Ang tunog ng sampal ay umalingawngaw sa buong sala, kasabay ng malakas at galit na boses. "Beatrice, anong klaseng kahihiyan ito! Nakipagrelasyon ka sa tiyuhin ni Albert? Wala ka bang kahihiyan? Kung gagawin mo ito, paano na makakapag-asawa ng isang Villamor si Abby?" Napangiti ng malamig si Beatrice. Ang totoo, si Abbu ang hindi pwedeng magpakasal sa pamilya Villamor. Iyon ang tunay na iniintindi nila. Matagal na niyang alam ang plano ng kanyang pamilya na sirain ang kanyang reputasyon upang maipasok si Abby bilang kapalit. Kahit na batid na niya ito, ramdam pa rin niya ang sakit sa puso. Habang iniisip niya ang lahat, lalo siyang nadudurog at napatigil na lamang. Hindi na niya napigilang sumagot nang may galit. "Hindi ako nakipagrelasyon sa tiyuhin ni Albert! Biktima rin dito!" "Biktima? Anong klaseng biktima?" Tumaas pa lalo ang boses ng ina ni Bea, puno ng pang-aakusa. "Kung wala kang ginawang masama, bakit ka napunta sa sitwasyon na iyon? Hindi ka irerespeto ng iba kung hindi mo rerespetuhin ang sarili mo!" Ngunit hindi napigilan ni Beatrice ang kanyang galit. Tinitigan niya ang kanyang ina habang luhaang sinasabi, "At bakit ako napunta sa bahay ng iba? Hindi ba't alam mo ang dahilan?" Mas matigas ang tono niya ngayon. Gusto niyang makita kung may bakas ng pagsisisi sa mukha ng kanyang ina, ngunit wala. Sa sandaling iyon, sumabog ang lahat ng galit at sakit na matagal niyang kinikimkim. "Palagi nyo akong nilalagay sa kahibiyan! Hindi ko na kaya ang ganito!" Ngunit mas lalong nagalit ang kanyang ina sa biglaan niyang pagtutol. "Anong klaseng tingin 'yan? Sa tingin mo ba tama ka? Sinira mo ang kasunduan kay Mr. Zaragosa, kaya kami ang naglilinis ng gulo mo!" Habang nagsasalita, itinaas ng kanyang ina ang kamay upang sampalin muli si Beatrice. Ngunit sa pagkakataong ito, mabilis na hinawakan ni Beatrice ang pulso ng kanyang ina. "Ma, nasa labas si Marcus! Sigurado ka bang gusto mo akong saktan at ipahiya sa kanya?" Natigilan si Lucy ang ina ni Beatrice. Narinig niya na ang pangalan ni Marcus, kaya mabilis niyang binawi ang kanyang kamay. Umakyat si Beatrice upang mag-empake nang hindi lumilingon. Kaunti lang ang kinuha niyang gamit—mga libro, mahalagang dokumento, at teaching materials lamang. Hindi niya kinuha ang mga bagay na hindi naman niya gusto, lalo na ang mga pinaglumaan ng kanyang mga kapatid. Pagbaba niya, narinig niya ang galit na boses ng kanyang ama. "Ang ibang pamilya, kapag nag-aasawa ang mga anak nila, may dote silang natatanggap. Bakit parang palugi ang pagpapakasal ng anak ko? Nasaan ang dote?" Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Marcus, tinutulak ni Carlos ang wheelchair niya. Nang makita niya ang bahagyang namumula at sugatang pisngi ni Beatrice, ang malamig niyang mga mata ay napuno ng galit. Nanigas si Beatrice. Napansin ni Carlos ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo, kaya agad siyang sumugod upang magpaliwanag. "Senyorito, nag-alala po ako na baka masyadong maraming bibitbitin si Madam kaya baka nais niyang magpatulong." Pulang-pula ang mga mata ni Beatrice. Napapaso ang pisngi niya, at pakiramdam niya ay napahiya siya. Hindi niya magawang tumingin kay Marcus. Dinala niya ang kanyang maliit na bag at mabilis na lumapit kay Marcus. Mahigpit niyang hinawakan ang wheelchair at sinabi, "Tapos na po ako. Tayo na." Habang sinasabi ito, sinubukan na sanang itulak ni Beatrice si Marcus. "Sandali lamang." Iniangat ni Marcus ang kanyang kamay upang pigilan siya, at itinulak ang kanyang salamin gamit ang kanyang mahahabang daliri, na iniisip na kailangan niyang panatilihin ang kanyang mahinahon at eleganteng personalidad sa oras na ito. Bahagyang ngumiti siya at tumingin sa mga magulang ni Beatrice. Ngunit ang tingin niyang iyon ay nagbigay ng kilabot sa mga magulang ni Beatrice. Pinipigilan ni Marcus ang kanyang nararamdamang galit, at tinapik ang likod ng kamay ni Beatrice, at nagsalita, "May punto ang iyong ama. Tama lang na humingi ng dote o regalo ang iyong magulan kapag ikinasal ang anak. Kasalanan ko na hindi ko ito naisip." "Marcus." Nag-aalala si Beatrice at ayaw niyang gawin ito ni Marcus upang maging dahilan para abusuhin ng kanyang magulang ang kabaitan nito. Patuloy pa rin niyang tinatapik ang likod ng kamay ni Beatrice at sinabi ng mahinahon, "Alam ko ang aking hangganan." Habang sinasabi ito, tumingin si Marcus kay Oscar, ang ama ni Beatrice: "Ama, magkano ba ang dote na sa tingin mo ay angkop?" Si Oscar ay mahilig magbitiw ng mga salita, ngunit hindi naman talaga niya nais makipag usap ng maayos kay Marcus na nooy kinatatakutan sa buong ka Maynilaan. Bagaman ang lalaki ay kasalukuyang may kapansanan at wala nang pagkakataong maging lider ng Villamor Group, may natitirang kapangyarihan pa rin siya. Hindi ito isang tao na kayang apak apakan ni Oscar. Mahirap na ngumiti siya at nagpaunlak, "Marcus, ibigay mo kung anong sa tingin mo ay naaangkop. Tingnan mo na lang ang presyo sa merkado at ibigay kung kaya." Tumango si Marcus pagkatapos mag-isip. "Pangako ko na kay Bea na bibigyan ko siya ng bahay sa Forbes ngayong umaga. Pag-iisipan ko kung ano pang maaari kong idagdag sa dote." Sa puntong ito, pumasok si Abby sa sala, nag iinat pa ito at narinig ang lahat ng ito. Agad syang napadilat at napaawang ang bibig sa sobrang gulat. "Bahay sa Forbes? Isa ito sa mga luxury houses sa Makati!" Excited nyang kinapitan ang braso ng ina at nagsabi, "Mommy, gusto ko pong tumira duon” Sinabi ni Abby nang buong kasiyahan, "Mommy, alam mo ba, may kaibigan ako, binilhan siya ng bahay ng pamilya niya roon, sobrang garbo!" "Okay, okay." Sumang-ayon si Lucy nang hindi nag-iisip. Masayang hinalikan ni Abby ang pisngi ng kanyang ina, "Ang saya, salamat Mommy. Mommy ang pinakabait sa akin! Pag lumipat na tayo roon, mag-iimbita ako ng mga kaibigan ko at maghahanda kami ng party. Siguradong maiinggit sila sa akin!" Sumimangot si Beatrice, hindi na nagulat, pero naramdaman pa rin niya ang sakit sa kanyang puso. Para sa lahat ng tao sa pamilya na ito, normal lang na ibigay sa kanyang kapatid ang mga bagay na ito. Kung tatanggi siya, ibig sabihin mali siya, hindi siya marunong magpasalamat, at hindi siya marunong maging isang mabuting ate! Napansin ni Marcus si Beatrice na nakayuko at naramdaman niyang para siyang tinusok ng makalawang na kutsilyo sa puso. Gusto niyang hilahin ang lahat ng tao sa harap niya at pagsasampalin sila. Pero hindi niya magawa, hindi pwedeng mabasag ang personalidad niya! Pinipigilan ang galit sa kanyang dibdib, kumuha si Marcus ng dokumento mula kay Carlos at iniabot ito kay Lucy. "Paano kung magbigay tayo ng ibang lupa bilang regalo? Tungkol naman sa halaga ng dote, hindi ko alam kung magkano ang nararapat. Paano kung 100,000,000.00?" Pagkasabi ni Marcus, napatitig si Lucy sa kanya ng gulat. Ang ina at kapatid ni Beatrice ay parehas ang ekspresyon ng "yaman." Hindi nila inisip na makakakuha sila ng ganitong kalaking halaga ng regalo mula sa malas na ito! Napayuko si Beatrice tinapik ng kanyang mga kamay sa balikat si Marcus sa gulat. Bago pa siya makapagsalita, inabot ni Marcus ang kanyang kamay at pinisil ito ng dalawang beses. "Huwag ka nang magsalita. Tama ang tatay mo. Paano ka mag-aasawa kung walang dote? Kung kumalat ito, mawawala ang reputasyon ko sa ka Maynilaan!" Nang marinig ito, tinignan ni Oscar si Beatrice ng masama at sinabi, "Tama! Hindi ka pwedeng maging ganun kabastos! Sino ba si Marcus? Kung kumalat na hindi siya nagbigay ng betrothal gift, papaano iyon?" Tumango si Marcus, "Kung ganun, ama, magkano naman ang ibibigay mong dowry? Sa akin naman, hindi ko pinagtitiwalaan ang pamilya ng asawa ko para magkamal ng yaman. Sa totoo lang, basta't may token of appreciation lang kayo, okay na." "Tama!" Sumang-ayon si Oscar at tiningnan ang buong living room, "O kaya, magbigay na lang kayo ng ilang antigong gamit bilang dowry. Ang senyorito ay nagbigay ng higit sa 100 milyon peso, kaya't hindi naman tama na wala akong ibabalik, 'di ba?" Sa huli, ayaw nila talagang maglabas ng pera na naipon na nila, ngunit wala naman talagang may maipagmamalaki ang pamilya Aragon. Ang mga antigong gamit na binili niya sa mataas na presyo ang tanging ginagamit nilang pang-show off sa living room. Tumingin si Marcus kay Beatrice at tinanong, "Gusto mo ba ng mga antigong ito?"Noon pa man ay sobrang hinahangaan ni Beatrice ang asul at puting porselana na antigong ito. Ito ang pinaka-mahalagang antigong nabili ni Oscar. Noong una, tumingin siya ng dalawang beses dito, at pinagbawalan siya ni Oscar na hawakan ito. Sinabi niyang malas siya, at natatakot siya na kapag hinawakan niya ito, baka mabagsak ang antigong iyon. Tiyak nga, sumunod si Oscar sa titig ni Beatriceat naramdaman niyang parang kumakabog ang puso niya. Nang ibuka nya ang kanyang bibig, narinig niyang tinuturo ni Beatrice ang kanyang pinakamahal na yaman at sinabi, "Sa tingin ko maganda 'yang isa."Bahagyang kumunot ang noo ni Marcus, parang hindi nasisiyahan, pero ipinag-utos pa rin kay Carlos na dalhin ang antigong ito kay Beatrice at tinanong, "May gusto ka pa bang iba?"Tumingin si Beatrice sa mukha ng kanyang ama na puno ng sakit at nagpatuloy na tumuro ng ilan pang mga antigong bagay upang mapagaan ang galit nito. Ipinag-utos ni Marcus, "Hindi maganda ang iyong panlasa. Kailangan mong mat
Carlos, bakit mo sya sinaktan! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Bukod pa riyan, wala na tayong kapangyarihan ngayon, at isa na akong walang silbi. Hindi na tayo puwedeng maging katulad ng dati!"Galit na wika ni Marcus habang tinatapik ang armrest ng wheelchair, na parang dismayado sa isang tao. Yumuko si Carlos: "Patawad, senyorito, hindi ko lang talaga napigilan. Hindi ko matiis na may mga nagsasabi ng masama tungkol sa inyo.""Kailangan mong tiisin! Pamilya ito ng aking asawa. At nangako ako sa kanya na hindi na ako mananakit ng iba."Agad na hinarap ni Carlos si Beatrice at yumukod upang humingi ng tawad: "Senyorita, patawad po. Ako ang dahilan kung bakit nasira ng senyorito ang kanyang pangako sa iyo. Kung may dapat sisihin dito, ako yun at wala ng iba"Hindi naman naglit si Beatrice, bagkus labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman, ang pinakamagandang naramdaman niya sa buong buhay niya. Ngunit hindi niya ito maaaring ipakita, kaya't bahagya lamang siyang tumang
Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon.""Talaga?"Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?""Oo."Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inila
Natapon ang sabaw mula sa ulam na isda. Nagulat si Marcus at agad na iniabot ang kamay para saluhin ang plato. Inilapag niya ito sa dining table at agad na tiningnan ang kamay ni Beatrice. Sa sobrang pag-aalala ni Marcus, halos tumayo siya at hawakan ang kamay nito upang dalhin sa kusina para hugasan! Mabuti na lang at naisip niya ito bago pa magawa. Mabilis niyang kinuha ang mineral water sa tabi at binuksan ito upang hugasan ang kamay mga ni Beatrice. Habang ginagawa iyon, hindi niya napigilang pagalitan ito."Bakit ka nagiging balisa? Paano kung mapaso ka?"Bagama't may halong paninisi, magaan ang tono nito. Hindi ito nagdulot ng sama ng loob kay Beatrice, bagkus naramdaman niya ang labis nitong pag aalala."Ayos lang ako," sagot ni Beatrice.Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang sabaw na natapon sa mesa. Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim, umupo sa tabi ni Marcus, kinuha ang kanyang telepono, at sinabi, "Magpalitan tayo ng contact information."Tiningnan siya
Nang makita ni Beatrice si Marcus, naramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi, at halos gusto niyang maghukay ng butas at magtago roon! Tumawa si Marcus, at nang mapansin nyang halos magdugo na ang kanyang labi sa kakakagat dito, hindi niya napigilang sabihang: "Sige na, hindi na kita aasarin, mag-shower ka na. Kakatapos ko lang mag-shower sa shower room."Tumango si Beatrice, mabilis na binuksan ang kabinet para kumuha ng pajama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Nang maisara ang pinto ng banyo, biglang nagdilim ang mukha ni Marcus. Kakatapos niya lang magpunta sa study para ayusin ang trabaho, at nag-shower siya pagkatapos nito, kaya hindi niya napansin ang kalagayan ni Beatrice. Inakala niyang tahimik itong naghahanda para sa klase, ngunit mukhang nakipagtalo siya sa kung sino man. Nang makita niya ang namumulang mga mata ni Beatrice, halos gusto niyang hilahin palabas ang taong nasa kabilang linya ng telepono at pagbuntunan ng galit!Dahan-dahang pinindot ni Marcus ang tele
Namula ang mukha ni Beatrice dahil sa dami ng alak na nainom nya. Naitulak nya papunta sa kama si marcus Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Hindi kasi naging komportable ang karanasan niya kagabi kay Marcus, at medyo natakot at nangamba siya. Kaya noong siya ay naligo, sinadya niyang magsuot ng maluwag at konserbatibong cotton na pajama. Ngunit sa pag-alala niya sa mga sorpresa at pag-aalaga na ibinigay ni Marxus sa kanya ngayong gabi, hindi niya magawang tanggihan ito. Sa mga sandaling iyon, nakahiga si Beatrice sa kama na kinakabahan, iniisip kung gaano siya kamukhang tanga sa suot niyang cartoon print na pajama. Napatitig si Beatrice sa mga binti ni Marcus, sa isip nya parang may mali."Ang mga binti mo."Mali dahil sa sobrang mananabik ni Marcus, nakalimutan nyang ang alam ni Beatrice ay pilay sya. Kaya itinuon nya ang kanyang mga kamay sa kama."Hindi ko lang talaga nararamdaman ang mga binti ko mula sa mga binti pababa. Pero kaya kong umakyat sa kama at umupo sa wheelchair g
Si Sam, na nasa parehong opisina, ay napansin na may kakaiba kay Beatrice at lumapit upang pakalmahin ang sitwasyon na may ngiti. "O siya, Ghena, ang dami mo nang sinabi ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Beatrice na makapagsalita. Kumain muna tayo nitong cake, tapos hayaan natin si Beatrice na magkwento."Sina Sam, Ghena, at Beatrice ay mga bagong guro na sabay-sabay na pumasok sa paaralan kayat naging maganda ang kaninlang samahan. Tumingin si Beatrice sa kanya nang may pasasalamat. Ngumiti si Sam at hinawakan ang kanyang kamay: "Ikaw talaga, dapat ka pa ring batiin. Pero hindi ‘yun ang pagbating sinabi namin kanina."Naguluhan si Beatrice. Ngumiti si Sam at ipinaliwanag: "Binabati ka namin dahil nanalo ka ng unang pwesto sa nakaraang district open class competition. Ang kailangan mo na lang ay online canvassing at magiging outstanding city teacher ka na sa distrito."Nagulat si Beatrice at tumingin kay Sam. Alam niyang magaling siya, pero hindi niya inaasahang makukuha
"Ito ang email na ipinasa sa akin ng principal."Kinatok ni Ms. Navarro ang mesa, "May nagpadala ng ganitong liham sa principal at sa DepEd. Sinasabi nilang hindi ka nagtuturo ayon sa curicullum, na napaka iresponsable mo, at hindi ka raw nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante, na nakakalito para sa kanila."Nanuyo ang bibig ni Beatrice hindi alam kung anong sasabihin "Principal, hindi po ako madalas magbigay ng takdang-aralin, at may isa o dalawang pagkakataon na hindi ako nagbigay. Pero may dahilan po iyon. Halimbawa, pagkatapos ng exam, wala namang bagong lesson kaya pinapahinga ko muna ang mga bata. Bukod po doon, sinusunod ko po ang guidelines sa pagbawas ng academic burden."Nang marinig ni Ms. Navarro ang paliwanag ni Beatrice, sumeryoso ang kanyang mukha. "Totoo na bahagi ng ating adbokasiya ang pagbabawas ng pasanin sa mga estudyante. Pero, Teacher Bea, baguhan ka pa at kailangan mong matuto mula sa ibang guro. Ang takdang-aralin ay paraan para mapatatag ang kanilang
Pumasok si Ian sa loob at nang makita niyang nakayuko si Beatrice sa isang estrangherong lalaki, agad siyang nagngitngit sa galit."Beatrice! Anong ginagawa mo diyan? Halika rito at humingi ng tawad kay Mr. Saragoza!"Pagkasabi noon, yumuko si Ian na parang isang alipin at sinalubong si Mr. Saragoza. Kasunod nilang pumasok ang tatlong bodyguard at isinara ang pinto habang nakasandal dito.Nang makita iyon, pinigilan ni Marcus ang sarili at inayos ang salamin sa ilong para paalalahanan ang sarili sa kanyang karakter. Ngunit sa likod ng lente, ang kanyang mga mata ay punong-puno ng bangis at lamig. Nang makita niyang bastos na dinuro ni Ian si Beatrice, gusto niyang tumayo at baliin ang mga daliri nito. Pero hindi niya magawa. Hindi siya pwedeng bumitaw sa karakter niya para sa ganitong klaseng tao.Hindi alam ni Ian na halos patayin na sya sa isipan ni Marcus. Nilapitan niya si Beatrice na nanigas sa galit at hindi makapagsalita."Bilisan mo! Lumapit ka at humingi ng tawad! Ano pang g
Pagkatapos magpadala ng mensahe sa messenger, naramdaman ni Marcus na hindi itotama at mabilis nya itong binura, pinalitan ng [Bumoto para kay Beatrice]. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Albert ang epekto at agad bumalik. Sa ngayon, hindi pa ganung katibay ang relasyon nila ni Beatrice. Hindi pa pwedeng bumalik ang batang ito! Kailangan niyang maghintay hanggang maging ayos na silang dalawa! Matapos ipadala sa mga kaibigan at kamag-anak, naramdaman ni Marcus na hindi pa ito sapat. Tumingin siya kay Carlos ng seryoso: "Agad magpadala ng memo, ipinag-uutos na lahat ng empleyado sa kumpanya ay bumoto para sa aking asawa. Tatlong boto bawat isa, bawat araw! Walang dapat makalimut na bomoto! Sa madaling salita, hindi pwedeng matalo ang asawa ko!"Carlos: ... Kaya ba kaya ito nag iisip ng matagal ay dahil dito?? "Dagdag pa, kailangan mong mag-ulat sa akin bawat oras tungkol sa sitwasyon ng boto ng asawa ko. Kung makahabol ang pangalawang pwesto, kailangan nating magplano ulit.""C