Si Sam, na nasa parehong opisina, ay napansin na may kakaiba kay Beatrice at lumapit upang pakalmahin ang sitwasyon na may ngiti. "O siya, Ghena, ang dami mo nang sinabi ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Beatrice na makapagsalita. Kumain muna tayo nitong cake, tapos hayaan natin si Beatrice na magkwento."Sina Sam, Ghena, at Beatrice ay mga bagong guro na sabay-sabay na pumasok sa paaralan kayat naging maganda ang kaninlang samahan. Tumingin si Beatrice sa kanya nang may pasasalamat. Ngumiti si Sam at hinawakan ang kanyang kamay: "Ikaw talaga, dapat ka pa ring batiin. Pero hindi ‘yun ang pagbating sinabi namin kanina."Naguluhan si Beatrice. Ngumiti si Sam at ipinaliwanag: "Binabati ka namin dahil nanalo ka ng unang pwesto sa nakaraang district open class competition. Ang kailangan mo na lang ay online canvassing at magiging outstanding city teacher ka na sa distrito."Nagulat si Beatrice at tumingin kay Sam. Alam niyang magaling siya, pero hindi niya inaasahang makukuha
"Ito ang email na ipinasa sa akin ng principal."Kinatok ni Ms. Navarro ang mesa, "May nagpadala ng ganitong liham sa principal at sa DepEd. Sinasabi nilang hindi ka nagtuturo ayon sa curicullum, na napaka iresponsable mo, at hindi ka raw nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante, na nakakalito para sa kanila."Nanuyo ang bibig ni Beatrice hindi alam kung anong sasabihin "Principal, hindi po ako madalas magbigay ng takdang-aralin, at may isa o dalawang pagkakataon na hindi ako nagbigay. Pero may dahilan po iyon. Halimbawa, pagkatapos ng exam, wala namang bagong lesson kaya pinapahinga ko muna ang mga bata. Bukod po doon, sinusunod ko po ang guidelines sa pagbawas ng academic burden."Nang marinig ni Ms. Navarro ang paliwanag ni Beatrice, sumeryoso ang kanyang mukha. "Totoo na bahagi ng ating adbokasiya ang pagbabawas ng pasanin sa mga estudyante. Pero, Teacher Bea, baguhan ka pa at kailangan mong matuto mula sa ibang guro. Ang takdang-aralin ay paraan para mapatatag ang kanilang
Pagkatapos magpadala ng mensahe sa messenger, naramdaman ni Marcus na hindi itotama at mabilis nya itong binura, pinalitan ng [Bumoto para kay Beatrice]. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Albert ang epekto at agad bumalik. Sa ngayon, hindi pa ganung katibay ang relasyon nila ni Beatrice. Hindi pa pwedeng bumalik ang batang ito! Kailangan niyang maghintay hanggang maging ayos na silang dalawa! Matapos ipadala sa mga kaibigan at kamag-anak, naramdaman ni Marcus na hindi pa ito sapat. Tumingin siya kay Carlos ng seryoso: "Agad magpadala ng memo, ipinag-uutos na lahat ng empleyado sa kumpanya ay bumoto para sa aking asawa. Tatlong boto bawat isa, bawat araw! Walang dapat makalimut na bomoto! Sa madaling salita, hindi pwedeng matalo ang asawa ko!"Carlos: ... Kaya ba kaya ito nag iisip ng matagal ay dahil dito?? "Dagdag pa, kailangan mong mag-ulat sa akin bawat oras tungkol sa sitwasyon ng boto ng asawa ko. Kung makahabol ang pangalawang pwesto, kailangan nating magplano ulit.""C
Pumasok si Ian sa loob at nang makita niyang nakayuko si Beatrice sa isang estrangherong lalaki, agad siyang nagngitngit sa galit."Beatrice! Anong ginagawa mo diyan? Halika rito at humingi ng tawad kay Mr. Saragoza!"Pagkasabi noon, yumuko si Ian na parang isang alipin at sinalubong si Mr. Saragoza. Kasunod nilang pumasok ang tatlong bodyguard at isinara ang pinto habang nakasandal dito.Nang makita iyon, pinigilan ni Marcus ang sarili at inayos ang salamin sa ilong para paalalahanan ang sarili sa kanyang karakter. Ngunit sa likod ng lente, ang kanyang mga mata ay punong-puno ng bangis at lamig. Nang makita niyang bastos na dinuro ni Ian si Beatrice, gusto niyang tumayo at baliin ang mga daliri nito. Pero hindi niya magawa. Hindi siya pwedeng bumitaw sa karakter niya para sa ganitong klaseng tao.Hindi alam ni Ian na halos patayin na sya sa isipan ni Marcus. Nilapitan niya si Beatrice na nanigas sa galit at hindi makapagsalita."Bilisan mo! Lumapit ka at humingi ng tawad! Ano pang g
"Okay, hindi ako magagalit ngayon. Kasi sobrang sama ng taong ito kaya ka napilitan na kumilos. Pero huwag mo nang ulitin ito sa susunod."Paano magagalit si Beatrice?! Sa totoo lang, naisip pa nga niyang napaka-astig ni Marcus nang hawakan nito ang ulo ni Mr. Saragoza at ibangga ito sa pader! Pero hindi niya pwedeng sabihin ito nang lantaran, iniisip pa rin niyang pagsabihan si Marcus na huwag basta-basta kumilos! Nang marinig ito, bahagyang ngumiti si Marcus at magalang na sumagot ng "Okay."Habang seryosong naglalambingan ang dalawa, halos masuka si Mr. Saragoza sa inis. "Huwag kayong mag usap nga ganito sa harapan ko. Bitawan mo ako. Kung may mangyari sa aking masama, lahat kayo makukulong”Nagulat si Beatrice nang marinig ang salitang "kulong," pero agad din siyang kumalma at sinabi, "Kung gano'n, paalisin mo muna ang mga bodyguard at palayain mo kami, at saka siya bibitaw."Sumigaw si Mr. Saragoza at inutusan si Ian: "Bilis! Paalisin mo na ang mga tao mo!"Medyo naguluhan si Ian
Usapin pampamilya, kami na mismo ang bahala rito. Ako at ang aking asawa ang sasagot sa pagkain natin ngayon bilang pasasalamat sa iyo Mr. Lopez sa pagtulong sa amin na maresolba ang suliranin kanina.Hindi katulad ni Ian, si Beatrice; hindi siya magpapakita ng sobrang pakikisama o pagiging sipsip sa mga makapangyarihang tao. Matapos ang isang saglit, tumayo siya at seryosong nagsabi, "At isa pa, kahit na wala nang kapangyarihan ang aking asawa ngayon, mas matanda pa rin siya sa inyo. Kung ayaw ninyong tawagin siyang kuya, pakiusap na tawagin niyo siyang Mr. Villamor."Nang marinig ito ni Marcus, kumislap ang bahagyang paghanga sa kanyang mga mata. Karapat-dapat nga siyang maging asawa nya. Tunay na naiiba siya sa mga karaniwang kababaihan! At napakasarap pakinggan ng kanyang mga salitang nagtatanggol sa kanya.Si Gilbert ay halos maiyak. Ayaw niyang magmukhang masama sa harap ng asawa ng kanyang kaibigan! Pero hindi maaaring malaman ang tunay na personalidad ni Marcus! Hindi na tinin
Habang nagyayabang si Minda Villamor sa kanyang mga kasama, dumilim ang mukha ni Beatrice at dahan-dahang lumapit."Kung wala palang limitasyon sa gastusin si Madam Lu buwan-buwan, pakibalik na lang ang ₱30,000 na ginastos ko para sa bag mo."Nagulat si Minda nang marinig ang boses ni Beatrice. Gulat ang kanyang ekspresyon. Ang babaeng kasama niya ay napa-tingin na may halong pagtataka at pananabik."Minda, ano'ng nangyayari? Bakit ka may utang ka sa pagbili ng bag?"Napahiya si Minda at matalim na tiningnan si Beatrice. "Paano ako magkakaroon ng utang sa'yo! Nakalimutan ko lang! At dati, itinuring kitang manugang ko... Hindi ba't normal lang na regaluhan ng bag ang magiging biyenan bilang pagpapakita ng paggalang? ₱30,000 lang naman 'yon!"Bahagyang ngumiti si Beatrice. "Iba ang respeto sa pagiging gahaman. Ang pagpapagawa sa iba na pumila para bilhan ka ng bag tapos hindi babayaran ay hindi respeto—kundi kaswapangan at kapal ng mukha! At higit pa sa ₱30,000 ang utang mo sa akin. Yu
"Beatrice, alam mo bang papatayin ako ng pilay mong asawa!""Sino ba siya? Ang lakas ng loob nyang ganunin si Mr. Saragoza?""Talagang hanga ako sa kapalaran mo! Isa kang malas,na laging gulo lamang ang dinadala sa pamilya natin!"Tahimik lang na tumingin sai Beatrice sa kapatid nya na parang nasisiraan ng ulo, at hindi niya napigilang ngumisi. Dahil dito, lalong nagngitngit si Ian. "Anong tinatawatwa mo!""Natatawa ako sa'yo. Lalaki kang tao pero wala kang kakayahan at palpak ang pamamalakad mo sa negosyo, tapos sa babae mo isinisisi ang problema. Nakakatawa ka kasi imbes na maghanap ng maayos na paraan para mapatakbo ang negosyo, naniniwala ka sa pamahiin! Ian, mukhang matuwid kang naglalakad gamit ang mga paa mo, pero sa totoo lang mas mababa ka pa sa ibang taong may kapansanan. Siguro noong nag-evolve ang tao, yung mga binti mo lang ang nag-evolve at nakalimutang isama ang utak mo!""Ikaw—!" Galit na galit na itinaas ni Ian ang kanyang kamay. Pero bago pa ito bumagsak, may malamig
Nakatayo sa likod ni Joseph ang asawa nyang si Mara, at nagbukas ang labi nito, at bago pa siya makapagsalita, iniwasan siya ni Beatrice."Ang ibig mo bang sabihin ay ako ang naging sanhi ng pagkakamiscarriage mo?" Hinaplos ni Beatrice ang kanyang patag na tiyan, "Nung pinutok mo ang mga kasinungalingan at nagpakalat ng tsismis tungkol sa akin, bakit hindi mo naisip kung magkakamiscarriage ako?"Gusto sanang magkunwaring sumakit ang tiyan ni Mara, pero sa pagkakataong ito, hindi na siya makapagkunwari."Pinagsamantalahan at pinatay mo ang mga protektadong hayop ng bansa, niloko mo ang mga netizens para sa kanilang pera sa maling paraan, inabuso ang mga babae, at sinadyang hindi nagbayad ng renta. Joseph, Mara, ang naghihintay sa inyo ay mabigat na parusa mula sa batas."Pagkatapos bumagsak ang boses, nagdagdag si Marcus: "Hindi lang 'yan, ang perang nakuha niyo sa pamamagitan ng live broadcast room ay ibabalik sa mga nag-donate sa pamamagitan ng platform.""Ano?"Nanlaki ang mga mata
Habang bumagsak ang boses, biglang hinila ni Joseph ang mainit na twalya sa kanyang mukha at itinuturo si Beatrice na parang nakita ang isang multo: "Ikaw... kailan ka dumating?""Narinig ko ang lahat ng nararapat kong marinig. Joseph, hindi ba't sinabi ko sa live broadcast kaninang hapon na magkikita tayo mamaya? Ang bilis mong makalimot."Nakita ni Joseph na nagla-live broadcast si Beatrice at agad na inabot ang kamay upang harangan ang kamera: "Walang filming! Privacy 'to! Buntis ang misis ko at sobrang stress, kaya dinala ko siya dito para mag-relax. Ano'ng masama dun? May kasalanan ba ako? Ito ang dapat gawin ng isang lalaki!"Ngumiti si Beatrice ng may pang-iinsulto. Hanggang ngayon, pinapalakas pa rin ni Joseph ang "mabait na asawa" persona niya."Wala namang masama. Ang gastos ng kwarto na 'to ay 1200 bawat oras. Ginagamit mo ang pinaghirapang pera ng mga netizens para mag-enjoy sa personal mong buhay, kinikilala ang iyong ina at pinagkakaitan siya. Mali 'yan!"Sinabi niya, at
Dinala ni Beatrice ang bata sa kanyang tabi at mahinhin na nagsalita: "Ayon sa batas, kung parehong nakakulong ang mga magulang, puwede ngang mag-aplay ang bata para mapunta sa isang orphanage.Ipinapangako ko sa'yo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para matulungan kang mag-aplay, at ang aming foundation ay magbibigay din ng halaga ng pera para matulungan kang tapusin ang iyong pag-aaral.""Talaga?" Kumislap ang mata ng batang babae.Alam na alam niyang hindi siya papayagan ng mag-asawang ito na magpatuloy sa pag-aaral.Mabuti na lang at ang taong nasa harap niya ay tutulong sa kanya na makapagtapos ng kolehiyo at maging independent.Ang mata ng batang babae ay nagpakita ng saya ng makita ang liwanag sa gitna ng dilim. Agad niyang tinawag ang live camera at binuksan ang utility room."Hindi nagdurugo ang aking ina ng araw na iyon. Walang isang patak ng dugo. Ang dugo sa live broadcast room ay mula sa dugo ng manok at pusa.Para magpatuloy na manloko ng mga tao mamaya, pumunta
Bumaba siya nang mahinahon, tinulungan ang batang pitong o walong taon gulang na tumayo, pinatanggal ang alikabok sa kanyang mga tuhod, at malumanay na nagsalita."Sabi nila, ang mga lalaki ay may ginto sa ilalim ng kanilang tuhod at hindi basta-basta pwedeng lumuhod. Sa totoo lang, ganun din sa mga babae. Ang tuhod ay kumakatawan sa dignidad ng isang tao."Sa isang pangungusap na iyon, namula ang mga mata ng batang babae, at mabilis niyang iniwas ang kanyang mukha at hindi na kayang harapin si Beatrice.“Mali ang okupahin ang bahay ng iba at hindi magbayad ng renta. Alam mo ba iyon?”Tumango ang batang babae.“Sa isang tingin lang, makikita ko na ikaw ay isang batang hindi marunong magsinungaling. Sabihin mo nga, tinatakot ba ni Tito Kembert ang nanay mo?”Nang marinig ng ama ni Joseph ang tanong na ito, nag-alala siya at tinapik ang ulo ng batang babae: “Anong alam ng batang ito! Babalaan kita, huwag mong turuan ang mga bata na magsalita ng kalokohan.”“Babalaan ko rin kayo, huwag m
Habang sinasabi ito, ipinakita ni Beatrice ang medical certificate ng facial soft tissue injury ni Kembert."Ito ang tatlong medical records ni Kembert Alfaro. Sa relasyon ng landlord at tenant, hindi ba't si Kembert ay isang miyembro ng vulnerable group?"Nagkaroon ng ideya ang ama ni Joseph: "Ah, sinabi mong tinulungan ni Kembert ang manugang ko, at tinulungan nga niya! Gusto niyang agawin siya. Ang isang masamang tao ay hindi kailanman aamin na siya'y masama.""Okay, dahil ipinipilit mong si Kembert ay may intensyon na agawin si Mara, mangyaring magbigay ka ng ebidensya. Basta't magbigay ka ng ebidensya, tutulungan kita na tawagin ang pulis agad at linisin ang pangalan ni Mara."Ang mukha ng ama ni Joseph ay puno ng hinagpis: "Paano magkakaroon ng ebidensya tungkol sa bagay na 'yan?""Pasensya na, kung hindi mo kayang magbigay ng ebidensya at hindi mo kayang patunayan na si Kembert ay gustong makipag-ayos sa inyo gamit ang renta dahil may intensyon siyang agawin si Mara, mangyaring
Gayunpaman, mas marami ang naawa kay Joseph at sa asawa nito."Pinakasalan ni Beatrice si Marcus Villamor, sobrang yaman na niya, bakit pa niya hinahabol si Joseph na nasa ilalim ng lipunan?""Tama, kahit na nasaktan siya ng hindi tamang mga pahayag ni Joseph, ang mga tao sa klase niya ay dapat may malawak na kaisipan at dapat lang matawa na lang.""Uh, sobrang disgusting, hindi ko na kaya, naghihintay na lang ako na kunin siya ni Lord. Kailangan ba niyang maging ganito katigas ang puso?""Tama, kaya niyang tulungan ang isang rapist na kolektahin ang renta."Hindi pinansin ni Beatrice ang mga sinasabi ng mga netizens, hawak ang kanyang navy blue dress, naglakad siya ng mahinahon patungo sa third floor.Kumatok ang mga kasamahan mula sa pulisya sa pinto ng rental house.Nakita ito, natakot na ama ni Joseph kaya’t napaluhod siya at mabilis na iniling ang kamay: "Teka, teka, wala ang anak ko, hanapin niyo ang anak ko kung may kailangan kayo."Habang nagsasalita, sinubukan niyang isara an
Di nagtagal, natapos ang apat na oras na live broadcast.Si Kembert at si Beatrice ay nagsimulang atakihin ng iba't ibang komentaryo sa Internet.Nag-aalala si Marcus na magagalit ang kanyang asawa, kaya agad siyang umakyat sa taas upang aliwin siya.Sino ang mag-aakalang pag-tulak niya sa pinto, nakita niyang nakaupo si Kembert sa kanyang desk, na parang cute na humihingi ng tulong sa asawa niya."Tulong, tulong, kailangan mo akong iligtas!"Natawa si Beatrice sa maligaya at matambok na ekspresyon ni Kembert.Lumapit si Marcus na may malungkot na mukha at nagtanong, "Anong ginagawa mo dito? Ito ba ay para protektahan ang mga kababaihan?"Tinutok ni Kembert ang kanyang mga mata kay Marcus nang buong seryoso: "Hindi ba't ito ay para protektahan ang mga vulnerable na grupo? Isa akong vulnerable group! Nang itatag ng diyosa ang foundation na ito, hindi naman sinabi na hindi pwedeng lumapit ang mga lalaki."Habang sinasabi ito, humagulhol si Kembert at tumingin kay Beatrice na may matambo
Nang tumigil ang boses ni Abby, agad na nagalit si Joseph."Ano'ng sinabi mo?" Tumayo si Joseph at mahigpit na hinawakan ang pulso ni Abby, "Sinabi mong si Kembert ay ipinadala ng kapatid mo para labanan ako?"Sobrang sakit ng kamay ni Abby dahil sa higpit ng pagkakahawak, kaya tumango siya at sinabi, "Hindi... wala akong sinabi...""Joseph, huwag mo akong pilitin. Bagamat may mga hindi magandang Bagay na nagawa ang kapatid ko at naputol na ang ugnayan namin sa kanya, ayokong magsalita ng masama laban sa kanya sa likod niya.""Pumunta ako dito ngayon para lang magbigay ng tulong at mag-ipon ng ilang magandang karma para sa kanya."Nagngitngit ang mga ngipin ni Joseph at nagsabi sa live broadcast camera, "Sige, ang chairman ng foundation na ito ay kinuha ang pera mula sa mga philanthropists, pero hindi ibinigay sa mga nangangailangan, at sa halip ay ipinamahagi sa mga kamag-anak.Ngayon, nang makita niyang ginagamit ko ang live broadcast para manghingi ng pondo para sa nanay ko, nais n
Nag paused si Joseph at nagpatuloy sa pagsasalita."Opo, sinasabi niyo na ako'y luma na ang pananaw, sinasabing ang mga babae ay magaling at ang mga lalaki ay masama, patay na ang mga ganitong pananaw. Hindi ko ito tinatanggihan.Pati nga ako ay naniniwala na may rason sa sinasabi nila. Ako at ang asawa ko ay maraming beses nang nakipag-usap kay nanay, ngunit hindi mababago ang pananaw ng matanda.Kung may mga magulang na ganito sa bahay, naniniwala akong maiintindihan niyo kami."Pagkatapos ng kanyang sinabi, gumawa ng tunog ang matandang nasa kama ng "ah ah ah".Nagsimulang umiyak muli si Joseph: "Ina, alam ko, alam ko, buntis si Mara ng lalaki. Huwag kang mag-alala."Patuloy pa rin ang tunog ng "Ahhh" mula sa nakahigang tao.Sa puntong ito, may ilang netizens din ang nagsabi na ang mga matitigas na magulang nila ay ganito rin.Hindi naman talaga kasalanan ni Joseph at ng kanyang asawa.May mga magulang na araw-araw ay bine-brainwash kayo, at mahirap talagang baguhin ang mga pananaw