Share

Chapter 6

Author: Ms. Rose
last update Last Updated: 2025-01-15 23:42:56

Carlos, bakit mo sya sinaktan! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Bukod pa riyan, wala na tayong kapangyarihan ngayon, at isa na akong walang silbi. Hindi na tayo puwedeng maging katulad ng dati!"

Galit na wika ni Marcus habang tinatapik ang armrest ng wheelchair, na parang dismayado sa isang tao. Yumuko si Carlos: "Patawad, senyorito, hindi ko lang talaga napigilan. Hindi ko matiis na may mga nagsasabi ng masama tungkol sa inyo."

"Kailangan mong tiisin! Pamilya ito ng aking asawa. At nangako ako sa kanya na hindi na ako mananakit ng iba."

Agad na hinarap ni Carlos si Beatrice at yumukod upang humingi ng tawad: "Senyorita, patawad po. Ako ang dahilan kung bakit nasira ng senyorito ang kanyang pangako sa iyo. Kung may dapat sisihin dito, ako yun at wala ng iba"

Hindi naman naglit si Beatrice, bagkus labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman, ang pinakamagandang naramdaman niya sa buong buhay niya. Ngunit hindi niya ito maaaring ipakita, kaya't bahagya lamang siyang tumango at hindi sinabi kay Carlos na huwag nang maging padalos-dalos sa susunod. Naramdaman ni Beatrice na parang naging masama na rin siya. Lihim na ngumiti si Marcus, at tumingin kay Oscar: "Ama, kasalanan ko ito. Ako Ang nakakatanda at bayaw ni Abby. Mula ngayong araw, bilang bayaw ni Abby, ako na ang gagawa ng hakbang upang matutuan si Abby na respetuhin ang kanyang nakatatandang kapatid."

Nabulunan si Lucy at hindi makapagsalita. Tumingin si Marcus sa mga antigong gamit na nagkalat sa sahig at sinabi: "Dahil ganito na ang nangyari, naibigay na ang mga regalo para sa kasal. Hindi ko na kayo aabalahin pa. Babalik kami sa susunod."

Mas lalo pang nanakit ang dibdib ni Lucy sa kanilang mga narinig. Wala man lang sa kanilang naibigay na dote. Binasag din ng mga ito ang mga antigong naroroon sa kanilang sala. Ang mga antigong iyon ay ang kanyang mga kayamanan! Kung wala ang mga iyon, paano siya makakapag-imbita ng mga kaibigan sa bahay sa hinaharap? Hay naku~ sumakit ang ulo at dibdib ni Oscar. Palihim na napangiti si Beatrice at dali-daling itinulak ang wheelchair ni Marcus papalayo. Sinadya ni Carlos na magpaiwan sandali, tumingin kay Oscar at sa asawa nito, at nagbabala: "Ipinasasabi ng senyorito na ang kanyang asawa ay hindi basta-basta hinahamak. Mas mabuting mag-isip muna kayo bago magsalita."

Matapos sabihin iyon, tumalikod si Carlos at umalis. Sa sala, si Abby ang unang nagreact. Galit na galit siyang nagpapadyak sa sahig. "Mommy! Si Beatrice, ang bruha, paano niya nagawang ganito! Paano niya nagawang magpakasal sa isang baldado at makakuha ng handog na regalo na higit sa 100 milyon, pati bahay at lupa! Mommy, sobrang galit ako! Dapat sa akin napunta ang lahat ng iyon!"

Galit na galit si Abby, habang ang kanilang ina ay kakaiba ang mga ngitii at pinakalma ang bunsong anak. "Baby, huwag kang magalit. Nang dumating ang pera sa account at tumunog ang phone ng bruha kanina, sinilip ko. Wala namang ganoong kalaking halaga, tiyak na hindi milyon-milyon."

Napahinto si Abby at tiningnan ang kanyang ina nang may pagdududa: "Sigurado ka ba?"

"Oo, sigurado ako! Tingin ko, nasa 100,000 lang ang pinakamataas."

Naningkit ang mga mata ni Oscar at tiningnan ang kanyang asawa: "Talaga bang malinaw mong nakita?"

"Oo."

Mariing tumango ang ina ni Beatrice. Hindi siya naniniwala na ang malas na iyon ay magkakaroon ng ganoon kagandang kapalaran. Matatag niyang sinabi, "Nagkakaisa lang sila para lokohin tayo! Isipin mo, nawala kay Marcus ang kapangyarihan matapos ang aksidente sa sasakyan. Paano siya magkakaroon ng ganoon kalaking pera?"

"Ang lupa..." Pakiramdam ni Lucy na maliit na bagay lamang ang pera, ngunit malaking usapin ang lupa. Tumawa nang sarkastiko ang ina ni Beatrice: "Baka naman iyon ay kung anu-anong lupa lang, mga lupang hindi ma-develop at walang silbi. At sinasabi nilang ibibigay sa bruha na iyon, at sinasabi nilang ililipat. Sino ang nakakita? Isang palabas lang ito!"

Naisip din ni Oscar na may punto ang kanyang asawa kaya tumango siya. "Si Marcus ay isa nang walang silbing tao ngayon. Siya mismo ang nagsabing nawalan na siya ng kapangyarihan at sinabi sa kanyang  tauhan na magpakumbaba. Narinig mo iyon kanina”

Habang patuloy na minamaliit ng kanyang asawa ang asawa ni Beatrice, mas lalo siyang nakakaramdam ng pagkainis. Hindi na sumagot si Oscar sa pagkakataong ito. Magulo ang kanyang isipan. Sa kanyang pananaw, mas may kakayahan si Marcus kumpara kay Albert, ngunit ang pagiging baldado ay naging dahilan upang isipin na nakakahiya na ito ang kanyang naging manugang. Hinaplos muli ni Lucy ang balikat ng kanyang bunsong anak: "Ngayon na ang ate mo ay napangasawa ang baldadong iyon, kailangan mong mas maging masipag. Kapag bumalik si Albert, pakitunguhan mo siya nang mabuti at subukang makuha ang loob niya."

Nahihiya ngunit nangingiti nman itong tumango.

Sa labas ng bahay, pagkapasok pa lang ni Beatrice sa sasakyan, narinig na niya ang nahihiyang boses ni Marcus. "Pasensya ka na. Hindi ko kayang ibigay ang ganoong kalaking halaga ng handog na pamamanhikan sa ngayon... Magbibigay muna ako ng 100,000 pesos para sa mga gastusin sa bahay. Ang natitira... babawiin ko na lang sa susunod."

Bago pa siya makatapos ng salita, mabilis na umiling si  Beatrice. "Hindi, ayos lang ito. Alam ko na pinagtatanggol mo ako, at ayokong hamakin ako ng pamilya ko sa hinaharap. Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Mula pagkabata hanggang ngayon, wala pang kahit sino ang tumayo para sa akin."

Kahit si Albert ay hindi kailanman ay hindi nito nagawa para sa kanya. Si Albert ay isang tahimik na tao na mahilig sa arkeolohiya. Palagi niyang pinapayuhan si Beatrice na tiisin ang kanyang sitwasyon, sinasabing magiging maayos din ang lahat pagkatapos niyang magpakasal. Hindi kailanman naranasan ni Beatrice ang ganitong kagandang pakiramdam gaya ng naramdaman niya kanina. Parang nawala ang lahat ng lungkot at pakiramdam ng kamalasan na naipon sa kanyang puso sa loob ng maraming taon. Habang nagsasalita, iniabot ni Beatrice ang dokumento ng lupa, "Hindi ko rin ito kailangan, salamat."

Tiningnan ni Marcus ang dokumento at matagal bago ito kinuha: "Kung gusto mo ito balang araw, Kunin mo na Lang ito sa akin."

"Sige."

Dinala ni Carlos si Beatrice sa Forbes bago inihatid si Marcus sa lumang bahay. Pagkapasok pa lang ni Marcus sa study area, narinig na niya ang malalim na boses ng matanda. "Narito ka na?"

"Oo."

Iwinasiwas ng matanda ang kanyang kamay, at kusa namang lumabas sina Carlos at ang matandang tagapamahala ng bahay. Nang sila na lamang dalawa sa study area, seryosong lumapit ang natandang Villamor sa safe, ipinasok ang password, kinuha ang isang dokumento, at ibinato ito kay Marcus. "Para sa'yo. Inihanda ko ito para sa kasal mo."

Binuksan ni Marcus ang dokumento, sinilip ang kasulatan ng paglilipat ng equity, at bahagyang ngumiti: "Sa tingin n'yo ba nagpakasal ako para dito?"

Tiningnan siya ng Matandang Villamor at nagwika "Talaga bang iniisip mong matanda na ako at makakalimutin? Hindi ako makikipagtulungan sa'yo kung hindi ko alam ang ginagawa ko."

Habang sinasabi iyon, hindi naiwasang tumingin ang matanda sa kanyang likuran "Ayos ka lang ba?"

"Hindi naman ako mamamatay."

Walang emosyon na sagot ni Marcuw. Napabuntong-hininga nang matagal ang matanda at may bahagyang seryosong ekspresyon: "Kpag inilabas na ang kasunduan tungkol sa lupa, ipapaalam ko ito Kay Minda at bibigyan ko siya ng babala. Kailangang malinaw sa kanya kung sino ang namumuno sa pamilya Villamor."

Sa kasalukuyan, ang pamilya Villamor ay magkukontrata ng proyekto para sa nuclear power energy development. Isang magandang proyekto ito na makakabuti sa kalikasan, sa bansa, at sa mga tao. Ngunit kulang pa ng isang piraso ng lupa mula sa pamilya nina Minda. Ito rin ang dahilan kung bakit, kahit alam ng matanda ang tunay na ugali ng kanyang manugang, hindi niya ito masyadong pinagalitan. Nauunawaan ni Marcus ang relasyon ng kapangyarihan at kalmadong tumango: "Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko."

"Isa pa, mabuting babae si Beatrice. Huwag mo siyang sasaktan."

Tiningnan ni Marcus ang kanyang "Kailangan mo pa bang sabihin 'yan?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 7

    Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon.""Talaga?"Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?""Oo."Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inila

    Last Updated : 2025-01-15
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 8

    Natapon ang sabaw mula sa ulam na isda. Nagulat si Marcus at agad na iniabot ang kamay para saluhin ang plato. Inilapag niya ito sa dining table at agad na tiningnan ang kamay ni Beatrice. Sa sobrang pag-aalala ni Marcus, halos tumayo siya at hawakan ang kamay nito upang dalhin sa kusina para hugasan! Mabuti na lang at naisip niya ito bago pa magawa. Mabilis niyang kinuha ang mineral water sa tabi at binuksan ito upang hugasan ang kamay mga ni Beatrice. Habang ginagawa iyon, hindi niya napigilang pagalitan ito."Bakit ka nagiging balisa? Paano kung mapaso ka?"Bagama't may halong paninisi, magaan ang tono nito. Hindi ito nagdulot ng sama ng loob kay Beatrice, bagkus naramdaman niya ang labis nitong pag aalala."Ayos lang ako," sagot ni Beatrice.Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang sabaw na natapon sa mesa. Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim, umupo sa tabi ni Marcus, kinuha ang kanyang telepono, at sinabi, "Magpalitan tayo ng contact information."Tiningnan siya

    Last Updated : 2025-01-15
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 9

    Nang makita ni Beatrice si Marcus, naramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi, at halos gusto niyang maghukay ng butas at magtago roon! Tumawa si Marcus, at nang mapansin nyang halos magdugo na ang kanyang labi sa kakakagat dito, hindi niya napigilang sabihang: "Sige na, hindi na kita aasarin, mag-shower ka na. Kakatapos ko lang mag-shower sa shower room."Tumango si Beatrice, mabilis na binuksan ang kabinet para kumuha ng pajama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Nang maisara ang pinto ng banyo, biglang nagdilim ang mukha ni Marcus. Kakatapos niya lang magpunta sa study para ayusin ang trabaho, at nag-shower siya pagkatapos nito, kaya hindi niya napansin ang kalagayan ni Beatrice. Inakala niyang tahimik itong naghahanda para sa klase, ngunit mukhang nakipagtalo siya sa kung sino man. Nang makita niya ang namumulang mga mata ni Beatrice, halos gusto niyang hilahin palabas ang taong nasa kabilang linya ng telepono at pagbuntunan ng galit!Dahan-dahang pinindot ni Marcus ang tele

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    chapter 10

    Namula ang mukha ni Beatrice dahil sa dami ng alak na nainom nya. Naitulak nya papunta sa kama si marcus Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Hindi kasi naging komportable ang karanasan niya kagabi kay Marcus, at medyo natakot at nangamba siya. Kaya noong siya ay naligo, sinadya niyang magsuot ng maluwag at konserbatibong cotton na pajama. Ngunit sa pag-alala niya sa mga sorpresa at pag-aalaga na ibinigay ni Marxus sa kanya ngayong gabi, hindi niya magawang tanggihan ito. Sa mga sandaling iyon, nakahiga si Beatrice sa kama na kinakabahan, iniisip kung gaano siya kamukhang tanga sa suot niyang cartoon print na pajama. Napatitig si Beatrice sa mga binti ni Marcus, sa isip nya parang may mali."Ang mga binti mo."Mali dahil sa sobrang mananabik ni Marcus, nakalimutan nyang ang alam ni Beatrice ay pilay sya. Kaya itinuon nya ang kanyang mga kamay sa kama."Hindi ko lang talaga nararamdaman ang mga binti ko mula sa mga binti pababa. Pero kaya kong umakyat sa kama at umupo sa wheelchair g

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 11

    Si Sam, na nasa parehong opisina, ay napansin na may kakaiba kay Beatrice at lumapit upang pakalmahin ang sitwasyon na may ngiti. "O siya, Ghena, ang dami mo nang sinabi ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Beatrice na makapagsalita. Kumain muna tayo nitong cake, tapos hayaan natin si Beatrice na magkwento."Sina Sam, Ghena, at Beatrice ay mga bagong guro na sabay-sabay na pumasok sa paaralan kayat naging maganda ang kaninlang samahan. Tumingin si Beatrice sa kanya nang may pasasalamat. Ngumiti si Sam at hinawakan ang kanyang kamay: "Ikaw talaga, dapat ka pa ring batiin. Pero hindi ‘yun ang pagbating sinabi namin kanina."Naguluhan si Beatrice. Ngumiti si Sam at ipinaliwanag: "Binabati ka namin dahil nanalo ka ng unang pwesto sa nakaraang district open class competition. Ang kailangan mo na lang ay online canvassing at magiging outstanding city teacher ka na sa distrito."Nagulat si Beatrice at tumingin kay Sam. Alam niyang magaling siya, pero hindi niya inaasahang makukuha

    Last Updated : 2025-01-22
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 12

    "Ito ang email na ipinasa sa akin ng principal."Kinatok ni Ms. Navarro ang mesa, "May nagpadala ng ganitong liham sa principal at sa DepEd. Sinasabi nilang hindi ka nagtuturo ayon sa curicullum, na napaka iresponsable mo, at hindi ka raw nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante, na nakakalito para sa kanila."Nanuyo ang bibig ni Beatrice hindi alam kung anong sasabihin "Principal, hindi po ako madalas magbigay ng takdang-aralin, at may isa o dalawang pagkakataon na hindi ako nagbigay. Pero may dahilan po iyon. Halimbawa, pagkatapos ng exam, wala namang bagong lesson kaya pinapahinga ko muna ang mga bata. Bukod po doon, sinusunod ko po ang guidelines sa pagbawas ng academic burden."Nang marinig ni Ms. Navarro ang paliwanag ni Beatrice, sumeryoso ang kanyang mukha. "Totoo na bahagi ng ating adbokasiya ang pagbabawas ng pasanin sa mga estudyante. Pero, Teacher Bea, baguhan ka pa at kailangan mong matuto mula sa ibang guro. Ang takdang-aralin ay paraan para mapatatag ang kanilang

    Last Updated : 2025-01-23
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 13

    Pagkatapos magpadala ng mensahe sa messenger, naramdaman ni Marcus na hindi itotama at mabilis nya itong binura, pinalitan ng [Bumoto para kay Beatrice]. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Albert ang epekto at agad bumalik. Sa ngayon, hindi pa ganung katibay ang relasyon nila ni Beatrice. Hindi pa pwedeng bumalik ang batang ito! Kailangan niyang maghintay hanggang maging ayos na silang dalawa! Matapos ipadala sa mga kaibigan at kamag-anak, naramdaman ni Marcus na hindi pa ito sapat. Tumingin siya kay Carlos ng seryoso: "Agad magpadala ng memo, ipinag-uutos na lahat ng empleyado sa kumpanya ay bumoto para sa aking asawa. Tatlong boto bawat isa, bawat araw! Walang dapat makalimut na bomoto! Sa madaling salita, hindi pwedeng matalo ang asawa ko!"Carlos: ... Kaya ba kaya ito nag iisip ng matagal ay dahil dito?? "Dagdag pa, kailangan mong mag-ulat sa akin bawat oras tungkol sa sitwasyon ng boto ng asawa ko. Kung makahabol ang pangalawang pwesto, kailangan nating magplano ulit.""C

    Last Updated : 2025-01-23
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 14

    Pumasok si Ian sa loob at nang makita niyang nakayuko si Beatrice sa isang estrangherong lalaki, agad siyang nagngitngit sa galit."Beatrice! Anong ginagawa mo diyan? Halika rito at humingi ng tawad kay Mr. Saragoza!"Pagkasabi noon, yumuko si Ian na parang isang alipin at sinalubong si Mr. Saragoza. Kasunod nilang pumasok ang tatlong bodyguard at isinara ang pinto habang nakasandal dito.Nang makita iyon, pinigilan ni Marcus ang sarili at inayos ang salamin sa ilong para paalalahanan ang sarili sa kanyang karakter. Ngunit sa likod ng lente, ang kanyang mga mata ay punong-puno ng bangis at lamig. Nang makita niyang bastos na dinuro ni Ian si Beatrice, gusto niyang tumayo at baliin ang mga daliri nito. Pero hindi niya magawa. Hindi siya pwedeng bumitaw sa karakter niya para sa ganitong klaseng tao.Hindi alam ni Ian na halos patayin na sya sa isipan ni Marcus. Nilapitan niya si Beatrice na nanigas sa galit at hindi makapagsalita."Bilisan mo! Lumapit ka at humingi ng tawad! Ano pang g

    Last Updated : 2025-01-23

Latest chapter

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 661

    Tapos na.Sigurado siyang mapipilitan siyang mag-knit ng scarf pag-uwi niya.Nakita ni Gilbert na medyo awkward na ang atmospera, kaya’t mabilis niyang sinubukang ayusin ang sitwasyon at tumawa ng konti."Huwag ganyan, lahat naman tayo'y magkakaibigan. Ang kasintahan ni Bryan na ito ay bata pa, at iba ang uso sa school nila kumpara sa atin. Gusto nila ang style ng pagiging mahirap at palaboy. Ito ang tinatawag na fashion. Ang asawa naman ni Marcus ay buntis ng kambal, at pagod na ang katawan. Marami ring kailangang ihanda, kaya’t tiyak na hindi niya kayang mag-knit ng scarf."Nang akala ni Jennifer at Beatrice na maganda ang sinabi ni Gilbert, biglang nagsalita si Marcus."Tama nga. Kung hindi pa sinabi ni Gilbert, makakalimutan ko na bata pa pala ang girlfriend mo."Gilbert:?"Bryan, matanda ka na at kumakain ng batang damo, maganda ang mga ngipin mo." May ngiti si Marcus sa labi.Ang mukha ni Gilbert ay para siyang tinamaan ng kidlat: "Oh Diyos ko, tinatangkang ayusin ko lang ang m

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 660

    Hinaplos ni Brayn ang mga labi ng kanyang kasintahan: "Kung gano'n, paiyakin ko na lang siya."Agad syang itinulak ni Jennifer : "Wag na. Pina-kupkop mo ako ng ganyan, at pumasok na ang kamay mo."Masaya si Bryan at tumawa.Inangat ni Jennifer ang maliit na lunch box at itinaas ito parang isang yaman: "Kumain ka na ba?""Nagpadala ka sa akin ng mensahe, sa tingin mo ba'y maglalakas-loob akong kumain?"Nang marinig ni Jennifer na sinabi ito ng kanyang boss, agad siyang napatawad at kinuha ang orange chicken wings para pakainin siya.Kumain si Bryan ng ilang kagat at tumango nang masarap."Masarap ba?" tanong ni Jennifer. Nang malapit na siyang kumain, hinalikan siya ni Bryan sa mga labi at pumasok ang kanyang malikot na dila.Matapos ang ilang saglit ng halikan, ngumiti siya at nagtanong: "Masarap ba? Amoy asim ng kaunting kahel, lahat para sa iyo."Namula ang mukha ni Jennifer hanggang sa mga tainga, kinuha niya ang chicken wings at kinain.Minsan, yumuyuko si Bryan upang kumagat ng c

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 659

    Kung maaari, tulungan mo akong magbayad ng utang kay Sir Marcus Villamor.Sayang at hindi na madirinig ni Diego ang pangungusap na iyon.Isang ambon ang dumapo mula sa langit.Bumagsak ito sa ama at anak.Ang maputlang batang babae ay may ngiti ng kasiyahan sa kanyang mukha, ganun din si Diego.Isang malaking kamay ang humawak sa isang maliit na kamay.Nang makita ni Jera ang eksenang ito, bumagsak siya at umiiyak sa katawan ni Diego.Ang magagandang alaala ay naglaro sa kanyang isipan.Pinuri sila ng tsuper dahil iniisip silang "pamilya ng tatlo" nang sumakay sila sa taxi.Sumakay sila sa Ferris wheel bilang "pamilya ng tatlo."Nakasakay si Lele sa leeg ni Diego.Inisip ni Jera na kung magkakaroon ng himala, dadalhin niya sina Diego at Lele sa isang maliit na bayan na walang nakakakilala sa kanila at mamumuhay ng malayo sa lahat ng tama at mali.Sa pagkakataong ito, tiyak silang makakaligtas.Sayang nga lang, walang kwento ng fairy tale sa bayan ng mga fairy tale.Nang maisip ito, mu

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 658

    Tumingin si Diego sa itak sa harap niya, at pagkatapos ay tumingin sa mga lalaking nakasuot ng itim na masikip, saka niya ibinaba ang kanyang ulo para kunin ang itak.Sa isang kaluskos, tinusok niya ito sa kanyang tiyan nang maayos."Huwag--" sigaw ni Jera ng may pagka-alala, tinawag ang lider ng mga lalaki, "Ang pamilya Monteverde namin ay nagbigay ng marami para sa Black Eagle Hall na ito sa mga nakaraang taon. Ang aking kapatid na babae ay may dala-dalang pinaka-primitive na virus, at ginagamot niyo ang pamilya Ye namin ng ganito."Hindi pinansin ng lider ng mga lalaki si Jera at nagpatuloy, "Hindi pa sapat, kahit na may lason ang kutsilyo, hindi ito malalim, isang hiwa pa."Pulang-pula ang mga mata ni Diego, hinugot ang kutsilyo, at tinusok muli ang sarili sa tiyan.Mas malalim ang hiwa na ito kaysa sa nakaraang isa: "Paalisin si Jera."Pagkatapos niyang sabihin iyon, nawalan ng balanse si Diego at napaluhod sa lupa.Nagbigay ng hudyat ang lider ng mga lalaking nakasuot ng itim at

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 657

    “Lele!”Nagmamadaling nilapitan nina Diego at Jera si Lele, at agad na niyakap ni Diego si Lele sa kanyang mga braso.Halatang lumala ang itsura ng bata, at naging mabilis ang kanyang paghinga.“Lele! Lele, anong nangyari sa’yo? Dadalhin kita agad sa ospital.” Nag-panic si Diego, natatakot na baka ang bata ay nagkaroon lamang ng huling hininga sa taksi kanina.Nakahiga si Lele sa mga braso ng kanyang ama, inabot ang kanyang puti at malambot na maliit na kamay, at hinaplos ang mukha ni Diego: “Daddy, okay lang ako, medyo pagod lang, sobrang pagod.Daddy, pwede ba tayong maghintay ng kaunti pa? Huwag niyo po akong dalhin sa ospital. Gusto ko pa sanang magtagal ng konti kasama si daddy.Konting panahon pa lang…”Hinaplos ni Lele ang mukha ni Diego at ngumiti: “May daddy na si Lele, sa wakas may daddy na si Lele. Pagbalik ko sa kindergarten, maipagmamalaki ko sa mga bata na may daddy si Lele, at laging nandiyan si daddy ko.”Napaluha na sina Diego at Jera at patuloy na tumango.“Daddy, an

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 656

    Hindi direktang sumagot si Diego: "Dahil nandito ka na rin, pumasok ka at dalawin mo si Lele. Dadalhin ko siya sa amusement park sa loob ng sampung minuto."Nang mabanggit si Lele, namutla ang mukha ni Alana at bahagyang umatras: "Hindi... Hindi ko kayang makita... ang kabiguang iyon.""Kabiguan?" Galit na galit si Diego at mariing hinawakan ang pulso ni Alana, "Nasabi mo pang kabiguan si Lele!""Hindi ba’t totoo naman?Hindi si Marcus Villamor ang ama niya, kundi isang hamak na tulad mo. May sakit pa siya. Hindi ba’t isa siyang malaking kabiguan?"Umiling si Alana habang unti-unting namumula ang pulso niya sa pagkakadiin ni Diego: "Hindi ko kayang marinig na tinatawag niya akong ‘mommy.’ Hindi ko kayang marinig kahit isang salita! Para bang pinagtatawanan ako ng realidad sa katangahan ko.""Wala ka nang pag-asa!" Tinulak ni Diego si Alana palayo. "Tandaan mo, ikaw ang sumira kay Lele. Virus plan mo ‘yan. Kung hindi mo balak makita si Lele, umalis ka na lang."Pagkasabi nito, akm

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 655

    Sa kabilang banda, nitong mga araw na ito, ikinulong ni Alana ang sarili sa kanyang kwarto, tumangging kumain o uminom, at paulit-ulit na pinahihirapan ang sarili.Hindi siya makapaniwala na nahawakan siya ng isang lalaking katulad ni Diego, at isinugal pa niya ang sariling buhay upang ipanganak ang anak nila.Nangako rin siya kay Jerome na sa pamamagitan ng batang ito, tiyak na maaayos nilang muli ang relasyon nila ni Marcus.Sumigaw rin siya sa harap ng pamilya Villamor na bihira lang magkaroon ng babae sa kanilang angkan, at siya ang nagbigay nito sa kanila. Gusto pa niyang ilista ang bata sa talaan ng pamilya Villamor.Isa-isang eksena ang bumalik sa isipan niya, at lahat ng iyon ay tila nanlilibak sa kanya nang walang-awa.Nang sinabi niya ang mga salitang iyon, ano kaya ang naramdaman ni Diego sa kanyang puso...Sa pag-iisip niya nito, ipinukpok ni Alana ang kanyang ulo sa pader.Gusto na niyang mamatay.Hindi niya kayang pumunta sa ospital para harapin si Lele.Mahal na mahal n

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 654

    Sa sandaling iyon, kinuha ng pangalawang tiyuhin ni Bryan ang mangkok ng lugaw at tumayo habang nakayuko ang kanyang payat na katawan: "Matanda na ako at hindi ko na kayang makakita ng ganitong eksena, kaya aalis na muna ako. Wala rin naman akong silbi at wala akong masasabi. Ayusin n'yo na lang ang mga sarili n'yong problema."Nagagalit na sumabat ang ikatlong tiyuhin ni Bryan: "‘Ma, tingnan n’yo nga, kasama pa ba natin talaga ‘yan? Pinanganak n’yo pa siya, nasayang lang ang sakit ng tiyan n’yo noon."Tahimik na lumabas ang pangalawang tiyuhin ni Bryan habang hawak ang mangkok ng lugaw, tila ba wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid.Pagkatapos ng maikling eksena, tiningnan ng mga bodyguard na nakaitim ang ikatlong tiyuhin ni Bryan na tila naghihintay ng utos.Nagbigay ng senyas ang ikatlong tiyuhin at sinabi: "Sige! Turuan n’yo ng leksyon ang batang ‘yan na walang modo!"Pagkabigkas pa lang niya, humarang si Uncle Philip sa harapan niya at sinabi: "Ano ‘to... parang di na

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 653

    Sumampa si Jennifer mula sa lamesa at tumayo upang tumingin kay Bryan sa mukha.Tahimik na tinanong ni Bryan: Ayos ka lang ba?Medyo masakit ang mga mata ni Jennifer. Sa totoo lang, ayaw niyang umalis, at ayaw niyang iwan siya. Malungkot din siya nang maghiwalay sila.Alam niyang malungkot siya, at gusto rin niyang makasama siya at yakapin siya.Matapos maghintay ng matagal, sa wakas ay nakita ni Bryan na tumango si Jennifer, at agad na ngumiti siya.Matapos magmamasid ng ilang sandali, umalis siya at bumalik sa hotel para matulog ng maayos.Kinabukasan, pagkatapos maghilamos, nagsuot siya ng purong itim na damit.Itim na kamiseta, itim na kurbata, itim na pantalon, itim na amerikana.Itim mula sa loob hanggang sa labas.Sa harap ng salamin, naglalabas siya ng malamig, mabagsik, at walang awa na liwanag.Walang Jennifer, si Bryan ay isang lobo na walang pagkatao at may kalungkutan.Paglabas niya mula sa kwarto ng hotel, sinalubong siya ni Uncle Philip ."Pumunta ka sa lumang bahay ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status