Share

Chapter 7

Penulis: Ms. Rose
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-15 23:44:24

Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"

Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon."

"Talaga?"

Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?"

"Oo."

Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inilapag sa mesa. Hindi makapaniwala si Gilbert at inabot ang kamay upang kunin ito, ngunit pinalo siya ni Marcus bago niya ito mahawakan.

“Gilbert, Hugasan mo muna ang mga kamay mo. Huwag mong hawakan ang marriage certificate ko gamit ang marurumi mong kamay."

Matalim siyang tiningnan ni Marcus at binalaan, pagkatapos ay maingat na kinuha ang dalawang maliit na pulang libro, binuksan ang isa, at ipinakita ito sa dalawa. Pagkatapos ng ilang segundo, maingat niya itong ibinalik sa bulsa ng kanyang suit.

"Ganito ba ito kahalaga?" ani ni Gilbert

Habang nagrereklamo, siniko ni Gilbert si Bryan sa tagiliran nito, "Uy, Bryan hindi ba sobrang nkakapagtaka ito?"

Humipak muna si Bryan bago nagbuga ng usok at nagwika: "Ano bang nakakagulat? Noon pa man alam na nating Hindi talaga gusto ni Mrs. Minda si Beatrice para sa kanyang anak. Marahil yun Ang dahilan kaya ginawa iyon ng ginang."

"Tama ka."

Napakunot ng kilay si Marcus at ikinwento Ang bubong pangyayari. Nanlaki ang mga mata ni Gilbert sa mga narinig "Ibig mong sabihin, si Gng. Minda na hipag mo ang nanuhol upang lagyan ka ng droga Ang inumin mo?"

Bahagyang napatango si Marcus. "Pero hindi ka ba napipinsala ng mga drogang iyon? Palagi kang nagtiis ng pagbabad sa tubig na may yelo at pagdurugo. Pero nakasama mo pa rin siya ngayon?"

Medyo tumaas ang boses ni Gilbert. Bahagyang ngumiti si Marcus "Kapag siya ang kaharap ko, wala na akong magawa. Hindi ko makontrol ang sarili ko..." Ang mga babaeng nakilala niya noon Hindi nya mga gusto. Nakaramdam siya ng pagkasuklam, kaya natural na naitaguyod niya ang pagpipigil sa sarili. Pero sa harap niya, bumigay agad ang ipinagmamalaki niyang disiplina.

Hindi pa nagkaroon ng relasyon si Gilbert kaya hindi niya lubos na maunawaan ang mga ganitong bagay, pero tinapik niya si Marcus sa balikat nang may emosyon at itinaas ang kanyang baso bilang pagbati. "Bro, masaya talaga ako para sa'yo. Akala ko habangbuhay ka nang magiging single! Hindi ko inaasahan na ikaw pa ang mauuna sa ating tatlo na magpapakasal! Tara, bro, binabati kita ng maligayang kasal!"

Itinaas din ni Bryan ang kanyang baso: "Binabati kita dahil nakamit mo na ang gusto mo."

"Salamat."

Uminom si Marcus ng wine, ngumiti nang may kasiyahan, at seryosong sinabi, ” Ang lagay eh babatiin nyo lang ako, Hindi sapat yung bati lang dapat meron kayong pa ampao dyan"

Nagkatinginan ang dalawa at napawika si Gilbert ng may pagtataka"Hindi, hindi ka naman kinakapos sa pera! Bakit mo masyadong iniintindi ang ambag namin?"

Si Gilbert ay may pag ka kuripot kaya medyo mahirap sa kanya Ang maglabas at magregalo ng pera "Hindi ako kinakapos sa pera, pero masaya akong tumanggap ng mga ampao mula sa inyo."

Tinanggal ni Marcus ang kanyang salamin, na nagpakita ng kanyang mapangahas na mga mata. Sa harap ng kanyang mga kaibigan, tinamad siyang magkunwari. "Magkano ba ang dapat kong ibigay?"

Tanong ni Gilbert nang nag-aalangan. Sa totoo lang, hindi ito pwedeng sobra o kulang. Diyos lang ang nakakaalam ng pamantayan ng kanilang kaibigan. "Pwede na siguro ang tig 1 milyon."

Napapangiti si Marcus habang iniisip Ang magiging reaksyon ni Beatrice “Sige na nga ibibigay ko na ang gusto mo." ani Gilbert.

Mabilis nitong tinawag kanyang assistant upang kunin ang pera. Ganun din Ang ginawa ni Bryan. Pagkaabot nila ng sobreng may lamang pera  "Hmm... alam ba nya Ang tungkol sa iyong mga paa?"

Kinuha ni Marcus ang mga sobre at ngumiti. Ipinaliwanag ni Carlos na sa tamang pagkakataon: "Hindi pa alam ng snyorita. Ang tangi nya lang alam ay mahina at may sakit , nawalan ng lakas, at wala nang pera Ang senyorito. Kung makikita ninyo siya sa labas sa susunod, kailangan ninyong makipagtulungan."

Nanlaki ang mga mata ni Gilbert at napataas Ang tonong nagwika. "Bro, naglalaro ka ng apoy! Hindi ka nag aalala na kapag malaman nya iyay magalit sya sa iyo at makipaghiwalay? Bro pag isipan mo ito"

Naging seryoso ang mukha ni Marcus at seryosong nagwika"Hindi-hindi Ng mangyayari ang araw na iyon!"

Parehas ng prinsipyo sa buhay si Marcus at Bryan. Kapag may gusto, wlang makakahadlang basta kukunin ko ito "Imposible 'yan. Ang sinuman na mabiktima ni Marcus, kailanmay hindi na makakawala."

Nang marinig ito, medyo lumiwanag ang mukha ni Marcus, itinaas nito Ang kanyang baso patungo sa baso ni Bryan "Buti naman naintindihan mo ako."

Kailanmay Hindi nya hahayaang mawala sa buhay nya si Beatrice.

--Samantala, dumating si Beatrice sa Forbes at napansin na maganda nga ang pagkakagawa ng bahay at landscaping sa komunidad. Ang kapaligiran ay kaaya-aya. Bukod dito, may rampa para sa mga may kapansanan sa sahig ng komunidad, at kumpleto ang mga serbisyong pantulong. Tila ito ang dahilan kung bakit pinili ni Marcus ang lugar na ito.

Pagbukas ng pintuan gamit ang susi, makikita ang malaking floor-to-ceiling na bintan. Ang bahay ay 220 square meters, maluwang, ngunit ang disenyo ay malamig at minimalistic.

Sa isang hapon, bumili si Beatrice ng mga bulaklak at ilang pang mga dekorasyon. Nagluto rin siya ng sopas habang hinihintay si Marcus na umuwi. Hindi niya alam kung babalik ba si Marcus. Kakakasal lang nila at wala silang oras na mag-usap, ni wala siyang contact information nito. Mag-isa siyang naupo sa sofa, kinakabahan.

Sa kabutihang-palad, dumating si Marcus na inihatid sya ni Carlos matapos ang maikling paghihintay. Pagpasok niya sa pintuan, natigilan si Marcus saglit. Ang dating kulay-abong disenyo ng bahay ay biglang naging masigla dahil sa presensya ng babae sa sala, ang pink na rosas sa mesa, ilang paso ng halaman, at makukulay na tablecloth.

Nang makita ang gulat na ekspresyon ni Marcus, nagmadaling ipinaliwanag ni Beatrice "Nakita kong medyo malamlam ang awra ng bahay kaya bumili ako ng ilang bagay para i-dekorasyon. Hindi ko nasabi sa'yo nang maaga, hindi ko alam kung magugustuhan mo ito”

Napansin ni Marcuw ang ekspresyon ni Beatrice, itinulak ang wheelchair nang may pag-aalala, at marahang hinawakan ang kanyang kamay: "Mrs. Villamor, sobrang ko itong nagustuhan, salamat."

Medyo nahiya si Beatrice nang tawagin siyang "Mrs. Villamor," ngunit muling narinig niya ang malalim na boses ni Marcus sa kanyang tainga. "Bea, sa'yo ang bahay na ito at Ikaw Ang maybahay ko. Maaari mong gawin ang anumang iyong naisin. Hindi mo na kailangang humingi pa ng opinyon ko; maaari kang magdesisyon para sa sarili mo."

Natigilan si Beatrice "Maybahay?"

"Oo, kapag nakuha na natin ang marriage certificate, kung hindi ikaw ang maybahay ko, sino pa?"

Medyo pabirong sinabi ni Marcus, "Hindi, ikaw pa rin ang ulo ng tahanan."

Agad na nabalot ng mainit na damdamin ang puso ni Beatrice, at matagal bago siya ngumiti nang bahagya at nagsabing, "Salamat."

Pinapasalamatan niya si Marcus sa pagbibigay sa kanya ng tahanan ngunit mas nag mamasalamat sya dto pagbibigay ng respeto na nararapat para  sa kanya. Mga bagay na hindi niya kailanman naranasan sa kanilang bahay noon. Bahagya ring ngumiti si Marcus "Dapat nga akong magpasalamat kay Mrs. Villamor sa pagbibigay ng tahanan sa akin."

Muling nahiya si Beatrice sa tawag na "Mrs. Villamor," at namula ang kanyang mukha. Nang mapansin nilang si Carlos na naroon pa rin, lalo pang namula ang kanyang mukha. "Carlos,  kumain ka na ba? O..."

"Opo! Aalis na ako pagkatapos kong kunin ang dokumento."

Si Carlos, na tahimik na "pinagmamasdan" ang matamis na tagpo, ay natataranta at mabilis na sumagot, halos nakakagat ang sariling dila. Pagkatapos makuha ang pahintulot ni Marcus, agad siyang nagtungo sa study area para kunin ang mga dokumento at mabilis na umalis. Biro lang ba? Mananatili siya rito bilang panira sa eksena? Ilang buhay ba ang meron siya?

Mapapansin ni Beatrice na parang laging nagmamadali si Carlos, parang may humahabol sa kanya. Matapos sulyapan ang mga pagkaing nasa mesa, tumingin siya kay Marcus at nagtanong, "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Kung gano'n, maghahain na mununa ako."

Okay."

Bumalik si Beatrice sa kusina, kinuha ang isang plato steamed fish, at tumingin kay Marcus "Marcus, add kita sa F******k at messenger para madali kitang macontact."

Katatapos pa lang ng kanyang sinabi nang biglang tumunog ang phone ni Beatrice sa mesa ng isang "ding," at nagliwanag ang screen. Parehong napatingin ang dalawa at nakita ang messenger notification mula kay Albert. Biglang nanginig ang kamay ni Beatrice na may hawak ng plato ng isda.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 8

    Natapon ang sabaw mula sa ulam na isda. Nagulat si Marcus at agad na iniabot ang kamay para saluhin ang plato. Inilapag niya ito sa dining table at agad na tiningnan ang kamay ni Beatrice. Sa sobrang pag-aalala ni Marcus, halos tumayo siya at hawakan ang kamay nito upang dalhin sa kusina para hugasan! Mabuti na lang at naisip niya ito bago pa magawa. Mabilis niyang kinuha ang mineral water sa tabi at binuksan ito upang hugasan ang kamay mga ni Beatrice. Habang ginagawa iyon, hindi niya napigilang pagalitan ito."Bakit ka nagiging balisa? Paano kung mapaso ka?"Bagama't may halong paninisi, magaan ang tono nito. Hindi ito nagdulot ng sama ng loob kay Beatrice, bagkus naramdaman niya ang labis nitong pag aalala."Ayos lang ako," sagot ni Beatrice.Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang sabaw na natapon sa mesa. Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim, umupo sa tabi ni Marcus, kinuha ang kanyang telepono, at sinabi, "Magpalitan tayo ng contact information."Tiningnan siya

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-15
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 9

    Nang makita ni Beatrice si Marcus, naramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi, at halos gusto niyang maghukay ng butas at magtago roon! Tumawa si Marcus, at nang mapansin nyang halos magdugo na ang kanyang labi sa kakakagat dito, hindi niya napigilang sabihang: "Sige na, hindi na kita aasarin, mag-shower ka na. Kakatapos ko lang mag-shower sa shower room."Tumango si Beatrice, mabilis na binuksan ang kabinet para kumuha ng pajama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Nang maisara ang pinto ng banyo, biglang nagdilim ang mukha ni Marcus. Kakatapos niya lang magpunta sa study para ayusin ang trabaho, at nag-shower siya pagkatapos nito, kaya hindi niya napansin ang kalagayan ni Beatrice. Inakala niyang tahimik itong naghahanda para sa klase, ngunit mukhang nakipagtalo siya sa kung sino man. Nang makita niya ang namumulang mga mata ni Beatrice, halos gusto niyang hilahin palabas ang taong nasa kabilang linya ng telepono at pagbuntunan ng galit!Dahan-dahang pinindot ni Marcus ang tele

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    chapter 10

    Namula ang mukha ni Beatrice dahil sa dami ng alak na nainom nya. Naitulak nya papunta sa kama si marcus Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Hindi kasi naging komportable ang karanasan niya kagabi kay Marcus, at medyo natakot at nangamba siya. Kaya noong siya ay naligo, sinadya niyang magsuot ng maluwag at konserbatibong cotton na pajama. Ngunit sa pag-alala niya sa mga sorpresa at pag-aalaga na ibinigay ni Marxus sa kanya ngayong gabi, hindi niya magawang tanggihan ito. Sa mga sandaling iyon, nakahiga si Beatrice sa kama na kinakabahan, iniisip kung gaano siya kamukhang tanga sa suot niyang cartoon print na pajama. Napatitig si Beatrice sa mga binti ni Marcus, sa isip nya parang may mali."Ang mga binti mo."Mali dahil sa sobrang mananabik ni Marcus, nakalimutan nyang ang alam ni Beatrice ay pilay sya. Kaya itinuon nya ang kanyang mga kamay sa kama."Hindi ko lang talaga nararamdaman ang mga binti ko mula sa mga binti pababa. Pero kaya kong umakyat sa kama at umupo sa wheelchair g

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 11

    Si Sam, na nasa parehong opisina, ay napansin na may kakaiba kay Beatrice at lumapit upang pakalmahin ang sitwasyon na may ngiti. "O siya, Ghena, ang dami mo nang sinabi ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Beatrice na makapagsalita. Kumain muna tayo nitong cake, tapos hayaan natin si Beatrice na magkwento."Sina Sam, Ghena, at Beatrice ay mga bagong guro na sabay-sabay na pumasok sa paaralan kayat naging maganda ang kaninlang samahan. Tumingin si Beatrice sa kanya nang may pasasalamat. Ngumiti si Sam at hinawakan ang kanyang kamay: "Ikaw talaga, dapat ka pa ring batiin. Pero hindi ‘yun ang pagbating sinabi namin kanina."Naguluhan si Beatrice. Ngumiti si Sam at ipinaliwanag: "Binabati ka namin dahil nanalo ka ng unang pwesto sa nakaraang district open class competition. Ang kailangan mo na lang ay online canvassing at magiging outstanding city teacher ka na sa distrito."Nagulat si Beatrice at tumingin kay Sam. Alam niyang magaling siya, pero hindi niya inaasahang makukuha

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 12

    "Ito ang email na ipinasa sa akin ng principal."Kinatok ni Ms. Navarro ang mesa, "May nagpadala ng ganitong liham sa principal at sa DepEd. Sinasabi nilang hindi ka nagtuturo ayon sa curicullum, na napaka iresponsable mo, at hindi ka raw nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante, na nakakalito para sa kanila."Nanuyo ang bibig ni Beatrice hindi alam kung anong sasabihin "Principal, hindi po ako madalas magbigay ng takdang-aralin, at may isa o dalawang pagkakataon na hindi ako nagbigay. Pero may dahilan po iyon. Halimbawa, pagkatapos ng exam, wala namang bagong lesson kaya pinapahinga ko muna ang mga bata. Bukod po doon, sinusunod ko po ang guidelines sa pagbawas ng academic burden."Nang marinig ni Ms. Navarro ang paliwanag ni Beatrice, sumeryoso ang kanyang mukha. "Totoo na bahagi ng ating adbokasiya ang pagbabawas ng pasanin sa mga estudyante. Pero, Teacher Bea, baguhan ka pa at kailangan mong matuto mula sa ibang guro. Ang takdang-aralin ay paraan para mapatatag ang kanilang

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-23
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 13

    Pagkatapos magpadala ng mensahe sa messenger, naramdaman ni Marcus na hindi itotama at mabilis nya itong binura, pinalitan ng [Bumoto para kay Beatrice]. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Albert ang epekto at agad bumalik. Sa ngayon, hindi pa ganung katibay ang relasyon nila ni Beatrice. Hindi pa pwedeng bumalik ang batang ito! Kailangan niyang maghintay hanggang maging ayos na silang dalawa! Matapos ipadala sa mga kaibigan at kamag-anak, naramdaman ni Marcus na hindi pa ito sapat. Tumingin siya kay Carlos ng seryoso: "Agad magpadala ng memo, ipinag-uutos na lahat ng empleyado sa kumpanya ay bumoto para sa aking asawa. Tatlong boto bawat isa, bawat araw! Walang dapat makalimut na bomoto! Sa madaling salita, hindi pwedeng matalo ang asawa ko!"Carlos: ... Kaya ba kaya ito nag iisip ng matagal ay dahil dito?? "Dagdag pa, kailangan mong mag-ulat sa akin bawat oras tungkol sa sitwasyon ng boto ng asawa ko. Kung makahabol ang pangalawang pwesto, kailangan nating magplano ulit.""C

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-23
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 14

    Pumasok si Ian sa loob at nang makita niyang nakayuko si Beatrice sa isang estrangherong lalaki, agad siyang nagngitngit sa galit."Beatrice! Anong ginagawa mo diyan? Halika rito at humingi ng tawad kay Mr. Saragoza!"Pagkasabi noon, yumuko si Ian na parang isang alipin at sinalubong si Mr. Saragoza. Kasunod nilang pumasok ang tatlong bodyguard at isinara ang pinto habang nakasandal dito.Nang makita iyon, pinigilan ni Marcus ang sarili at inayos ang salamin sa ilong para paalalahanan ang sarili sa kanyang karakter. Ngunit sa likod ng lente, ang kanyang mga mata ay punong-puno ng bangis at lamig. Nang makita niyang bastos na dinuro ni Ian si Beatrice, gusto niyang tumayo at baliin ang mga daliri nito. Pero hindi niya magawa. Hindi siya pwedeng bumitaw sa karakter niya para sa ganitong klaseng tao.Hindi alam ni Ian na halos patayin na sya sa isipan ni Marcus. Nilapitan niya si Beatrice na nanigas sa galit at hindi makapagsalita."Bilisan mo! Lumapit ka at humingi ng tawad! Ano pang g

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-23
  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 15

    "Okay, hindi ako magagalit ngayon. Kasi sobrang sama ng taong ito kaya ka napilitan na kumilos. Pero huwag mo nang ulitin ito sa susunod."Paano magagalit si Beatrice?! Sa totoo lang, naisip pa nga niyang napaka-astig ni Marcus nang hawakan nito ang ulo ni Mr. Saragoza at ibangga ito sa pader! Pero hindi niya pwedeng sabihin ito nang lantaran, iniisip pa rin niyang pagsabihan si Marcus na huwag basta-basta kumilos! Nang marinig ito, bahagyang ngumiti si Marcus at magalang na sumagot ng "Okay."Habang seryosong naglalambingan ang dalawa, halos masuka si Mr. Saragoza sa inis. "Huwag kayong mag usap nga ganito sa harapan ko. Bitawan mo ako. Kung may mangyari sa aking masama, lahat kayo makukulong”Nagulat si Beatrice nang marinig ang salitang "kulong," pero agad din siyang kumalma at sinabi, "Kung gano'n, paalisin mo muna ang mga bodyguard at palayain mo kami, at saka siya bibitaw."Sumigaw si Mr. Saragoza at inutusan si Ian: "Bilis! Paalisin mo na ang mga tao mo!"Medyo naguluhan si Ian

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-24

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 550.2

    Galit na tinamaan siya ng Ina ni Jennifer: "Gemrey, Pamilya Arce, ito lang ang alam mo, wala kang ibang alam, di ba?""Aba, asawa ko, bakit hindi mo maintindihan ang sinasabi ko! Kahit walang Gemrey at walang kasunduan sa Pamilya Arce, hindi ko kayang makita ang anak ko na kasama ang isang delikadong tao tulad niyan.Si Bryan Montenegro, pwede mong i-search yung mga maliliit na post sa Internet para makita mo kung paano nila sinasabing siya ay isang mamamatay-tao at malupit ang mga pamamaraan niya.Ang lolo niya ay isang gang member noong mga nakaraang taon, at ang kasalukuyang kapangyarihan ng pamilya Montenegro ay nakamit ng kanyang lolo noong mga nakaraang taon.Kapag kasama mo ang ganung tao, baka mahuli ka o ma-blackmail ng ibang tao anumang oras. Bukod pa roon, paano mo alam na totoo ang nararamdaman ni Bryan Montenegro sa kanya? Pinaglalaruan lang siya ng isang batang babae na hindi pa pumasok sa lipunan!"Naramdaman ni Jennifer na nag-aaway ang kanyang mga magulang, kaya't hin

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 550.1

    "Naalala mo ba yung sinabi ko sa'yo dati? Noong mga panahong tinanong ng mga kidnappers ang tatay ko kung pipiliin niya ang isa sa dalawang opsyon, pinili niyang isakripisyo ako at hindi makipag-ayos sa kanila.Hindi ko siya kinamuhian noon, kundi iniisip ko, sana hindi ako ang maging tagapagpasya sa ganitong uri ng pagpili, at sana hindi ako mapagpiliin sa pagitan ng taong pinakamamahal ko at ng katarungan."Ngunit ang mga tao sa Black Eagle Hall ay mahilig gawin ito.Sa kasalukuyan, ang mga tao sa Black Eagle Hall ay hindi pa tuluyang nawawala, kaya't ito ang problema na ikinababahala niya.Maaari lamang sabihin na tinamaan lang siya ng master sa kanyang inner demon, kaya't siya ay naging nerbiyoso at nagmamalasakit.Bahagyang inayos ni Marcus ang kanyang posisyon, nagpatuloy na maglakad ng matatag, at bahagyang lumambot ang kanyang boses: "Mrs. Villamor, ang aking inner demon at lahat ng aking mga obsesyon ay palaging ikaw. Lahat ng ito ay ikaw. Iniisip ko... kung paano tayo tatand

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 549.2

    Ang mga batong nasa lupa ay nangangahulugang hindi magiging magaan ang paglalakbay sa kasal at tiyak ay magkakaroon ng mga pagsubok at sugat, ngunit ang asawa ay magdadala ng bigat ng buong pamilya at dapat maging mas matiyaga sa kanyang misis."Siyempre, kapag humangin, ang mga puting Artemisia flowers ay mahuhulog at tatama sa ulo ng magkasintahan, na siyang pinagmulan ng magandang kahulugan ng pagtanda nang magkasama.Hindi naniniwala si Beatrice sa mga ganitong uri ng propaganda ng copywriting, at ngayon ay medyo masama ang loob niya sa host, kaya hindi niya maiwasang itanong: "Paano kung walang hangin ngayon? Paano kung hindi mahulog ang mga Artemisia flowers sa ulo ng magkasintahan?"Carlos:...Ngunit walang nakaka-expect na habang nag-uusap ang dalawa, tinanggal ni Marcus ang kanyang sapatos at medyas at kalahating nakaluhod sa harap ni Beatrice.Tinapik tapik niya ang likod ni Beatrice: "Tara na, Mrs. Villamor, sumakay ka na! Buhatin kita at ang bata at maglakad tayo sa daang

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 549.1

    Ang mga luha ni Beatrice ay dumaloy sa kanyang mga mata: "Ang isang simpleng pangungusap na 'Ako'y nagkasala at kailangan kong magtapat' ba ay makakabawi sa lahat ng pinsala na naranasan ko sa mga nakaraang taon?Pinalaki akong isang malas na tao mula pa noong ipinanganak ako, at hindi man lang ako tinrato ng aking mga magulang kahit kaunti.Noong bata pa ako, ang mga katiwala na ang dumadalo sa mga parent-teacher conference para sa akin! Ang mga katiwala ang pumupunta sa paaralan para sa mga magulang ko!Ang ibang mga bata ay pwedeng magpunta sa playground kasama ang kanilang mga magulang tuwing weekend, ngunit ako hindi.Ang ibang mga bata ay may mga birthday party, pero ako wala.Lahat ng pagkain, inumin, at mga damit sa bahay ay mga tira-tirang gamit ni Abby.Ang ibang mga bata ay mayroong kabataan, pero wala akong kahit isang piraso nito! At lahat ng ito ay dahil sa iyo, dahil sa iyo!Maaari mo bang isakripisyo ako para sa limang daang taon ng templo?Nasaan ang iyong konsensya b

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 548

    Ang petsang ibinigay mo ay nagpapakita na magkakaroon ka ng alitan sa iyong mga kapatid, at magiging palaboy-laboy at maghihirap sa iyong kabataan, na labis na hindi tugma sa iyong mukha."Habang nagsasalita, pinaikot ng master ang kanyang mga daliri: "Maglalakas-loob akong magbigay ng isang bold na hula na ang mukha ng donor ay batay sa oras ng taon at buwan na ito, at ipinasok isang oras na mas maaga. Ang oras na iyon ay tugma sa iyong mukha."Alam ni Marcus na hindi tugma ang dugo ni Beatrice sa pamilya Aragon. Nang marinig ito, namutla siya.Inisip ni Beatrice na ang tinatawag na master na ito ay nagbabalasak ng walang kwentang kasinungalingan, at kasabay ng kanyang nais na magsalita ay may isang tao na huminto sa kanya."At paano naman ang kapalaran ko, master?"Tinutok ng host ang mata niya kay Marcus, pinaghirapan ang kamay, at yumuko ng buong galang."Amitabha, ang temperamento ng donor ay tunay na isang dragon at phoenix sa kalalakihan. Hindi lamang siya magiging mayaman at b

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 547.2

    Puno ng galit at sakit ang mga mata ni Beatrice, hindi niya kayang magpaliwanag ng maayos.Inisip niya palagi na si Lucy ang naghanap ng isang tinatawag na master upang ipasuri ang kapalaran niya.Inisip niya na sinabi ng master na masama ang kanyang kapalaran, kaya't hindi siya pinahahalagahan sa bahay at palaging binibigyan ng hirap.Ngunit hindi pala iyon ang dahilan, may taong nagmamanipula! Isang malaking sabwatan!Paano ba siya hindi magagalit!"Asawa ko, huwag ka nang magalit." Lumapit si Marcus, inabot ang kanyang hinlalaki at dahan-dahang pinunasan ang gilid ng kanyang mata na basang-basa. "Dinala kita dito dahil iginagalang ko ang iyong opinyon at iniisip kong gusto mong ayusin ito mag-isa. Pero kung gusto mo, tutulungan kita, ako na ang bahala."Naantig ang puso ni Beatrice at niyakap ang baywang ni Marcus, inilubog ang mukha sa dibdib nito at kiniskis: "Ang aking asawa, ikaw pa rin ang pinakamabuti sa akin."Hinaplos ni Marcus ang likod ng kanyang ulo: "Natural lang. Kung

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 547.1

    Pagpasok niya, galit na galit si Oscar."Sinikap kong ayusin ang relasyon ko sw ate mo, tapos ikaw pa nag-live broadcast!"Secretong nag-roll ng mata si Abby. Kung sinabi ito ni Oscar, ibig sabihin hindi siya madalas pumunta sa ospital. Maging masunurin siya kung madalas siya doon."Daddy, inaantok ako. Pag-usapan na lang natin bukas. At huwag mo akong sisihin kung hindi kita na-remind, kasi tuwing binabanggit mo si ate, hindi maganda ang tiyan mo. Ang malas ng kapalaran niya sa buong pamilya natin."Pagkatapos nitong sabihin, tiningnan ni Abby si Aling Nora, ang kasambahay, ng may kahulugan, at umakyat sa itaas.Gabi na, dinala si Oscar sa ospital.Kinabukasan, pumunta si Lucy sa Laifu Temple sa tuktok ng bundok upang magdasal para kay Oscar.Habang nag-aalay siya ng insenso sa harapang hall, agad na pumunta si Aling Nora sa likod na hall upang asikasuhin ang lahat kasama ang isang matangkad at payat na monghe.Binilang ni Aling Nora ang dalawampung malaking perang papel at lihim na

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    chapter 546

    Sa kabilang banda, pinag-drive ni Freddie Marquez si Abby pabalik sa villa ng pamilya Aragon.Pagbaba ng kotse, iniabot pa ni Abby ang kamay upang hawakan ang leeg ni Freddie."Honey, hindi mo na kailangang ihatid ako pauwi. Gusto ko pang magtagal kasama ka. Kung gusto mo, pumunta tayo sa villa mo ngayon.""Hindi." Agad na tinanggihan ni Freddie at kinuha ang isang bank card mula sa kanyang bulsa, "Nandiyan ang 200,000 pesos, pwede mong gastusin. Sa mga susunod na araw, may kailangan akong puntahan sa ibang bansa para makipag usap tungkol sa isang malaking proyekto. Huwag muna tayong mag-contact sa ngayon."Napalaki ang mata ni Abby nang makita ang bank card. Paano ba naman siya makakaintindi ng nais iparating ni Freddie?Kinuha niya ang bank card at hinalikan si Freddie sa pisngi na may kasamang excitement: "Honey, ikaw ang pinaka mabait sa akin. Sigurado ka bang ayaw mo akong makasama ngayong gabi?""Hindi, kailangan ko pang pumunta sa ibang bansa para pag-usapan ang isang proyekto

  • The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle    Chapter 545.2

    Nakatayo sa likod ni Joseph ang asawa nyang si Mara, at nagbukas ang labi nito, at bago pa siya makapagsalita, iniwasan siya ni Beatrice."Ang ibig mo bang sabihin ay ako ang naging sanhi ng pagkakamiscarriage mo?" Hinaplos ni Beatrice ang kanyang patag na tiyan, "Nung pinutok mo ang mga kasinungalingan at nagpakalat ng tsismis tungkol sa akin, bakit hindi mo naisip kung magkakamiscarriage ako?"Gusto sanang magkunwaring sumakit ang tiyan ni Mara, pero sa pagkakataong ito, hindi na siya makapagkunwari."Pinagsamantalahan at pinatay mo ang mga protektadong hayop ng bansa, niloko mo ang mga netizens para sa kanilang pera sa maling paraan, inabuso ang mga babae, at sinadyang hindi nagbayad ng renta. Joseph, Mara, ang naghihintay sa inyo ay mabigat na parusa mula sa batas."Pagkatapos bumagsak ang boses, nagdagdag si Marcus: "Hindi lang 'yan, ang perang nakuha niyo sa pamamagitan ng live broadcast room ay ibabalik sa mga nag-donate sa pamamagitan ng platform.""Ano?"Nanlaki ang mga mata

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status