Noon pa man ay sobrang hinahangaan ni Beatrice ang asul at puting porselana na antigong ito. Ito ang pinaka-mahalagang antigong nabili ni Oscar. Noong una, tumingin siya ng dalawang beses dito, at pinagbawalan siya ni Oscar na hawakan ito. Sinabi niyang malas siya, at natatakot siya na kapag hinawakan niya ito, baka mabagsak ang antigong iyon. Tiyak nga, sumunod si Oscar sa titig ni Beatriceat naramdaman niyang parang kumakabog ang puso niya. Nang ibuka nya ang kanyang bibig, narinig niyang tinuturo ni Beatrice ang kanyang pinakamahal na yaman at sinabi, "Sa tingin ko maganda 'yang isa."
Bahagyang kumunot ang noo ni Marcus, parang hindi nasisiyahan, pero ipinag-utos pa rin kay Carlos na dalhin ang antigong ito kay Beatrice at tinanong, "May gusto ka pa bang iba?" Tumingin si Beatrice sa mukha ng kanyang ama na puno ng sakit at nagpatuloy na tumuro ng ilan pang mga antigong bagay upang mapagaan ang galit nito. Ipinag-utos ni Marcus, "Hindi maganda ang iyong panlasa. Kailangan mong matutunan pa ito sa akin. Kung gusto mong matutunan ang matataas na panlasa, kailangan mong basagin ang hawak mong ito." "Basagin?" Nagulat si Beatrice sa inutos si Marcus. Tumango si Marcus, iniabot ang kamay at tinulak ang bagay sa kanyang kamay papuntang sahig. Bumagsak ang asul at puting porselanang vase at agad na nabasag sa mga piraso. Sumimangot si Oscar, iniisip na hindi lang ang kanyang antigong gamit ang nabasag, kundi pati ang puso niya! Tinuro ni Marcus ang antigong tinuro ni Beatrice kanina: "Dahil ito ay dowry na ibinigay sa iyo ng iyong ama, ikaw na lang ang magbasag nito. Basagin mo hangga't gusto mo. Wala akong pake sa mga ganitong bagay sa bahay." Tila nahikayat si Beatrice, at ang matagal nang naipong galit sa kanyang dibdib ay sumabog ng buo. Pumunta siya at binasag lahat ng mga antigong hindi pinapayagan ng kanyang ama at kapatid na hawakan. Ang tunog ng mga antigong bumabagsak sa sahig ay masarap pakinggan! Ang saya! Hinawakan ni Lucy ang kanyang puso, at nagdilim ang mukha sa sakit. Ngunit ang mga mata at kilay ni Marcus ay puno ng pang-unawa. Matapos ang ilang sandali, natapos din si Beatrice sa pagbabasag ng mga bagay. Dahan-dahan siyang lumapit kay Marcus na may kahihiyan at sinabi, "Ang gastadora ko talaga, nagastos ko pa yung dowry na ibinigay sa'yo ng mga magulang ko..." Bago pa siya makapagsalita ng buo, pinutol siya ni Marcus ng malumanay, "Walang problema. Ang pinakamahalaga ay masaya ka." Ngayon ay alam na ni Beatrice na si Marcus ang naglalabas ng galit para sa kanya, at isang mainit na pakiramdam ang sumiksik sa kanyang puso. Habang pinagmamasdan sila, kitang-kita sa mga mata ni Oscar ang sakit na hindi siya makahinga, kaya't kinailangan niyang pigilan sila gamit ang isang pilit na ngiti. "Kailan po... ibibigay ang betrothal gift?" "Bibigay ko na ngayon!" Huminga ng maluwag si Oscar, at nagningning ang mga mata ng ina at kapatid ni Beatrice, parehong puno ng kasiyahan. Tinuro ni Marcus ang mga pira-pirasong labi sa sahig at nagsalita ng malumanay, "Hindi ko talaga pinapansin ang mga maliliit na perang ito." Ang mga tao ay yumuko at nagsabing, "Oo, oo, oo." Habang nagsasalita, sumenyas si Marcus at agad naman itong nilapitan ni Carlos. "Agad na ipadala ang 100,000,000 sa bank account ng aking asawa. Gayundin,ilipat ang titulo ng lupa sa kanya." Pinagmamasdan ni Marcus ang namumutlang mukha ni Oscar na may isang mahinahon at eleganteng hitsura sabay sabing, "Oh, nakalimutan kong sabihin sa iyo ama, ang bahay sa Forbes ay nailipat na sa pangalan ni Beatrice kaninang umaga. Huwag mag-alala tungkol dito, ama." May tunog ng "ding," at tumunog ang cellphone ni Beatrice. Agad siyang tumingin at totoo nga, isang text message mula sa bangko ang pumasok, na nagpapakita na ang 100,000,000 ay na-deposito. Kinausap ni Beatrcie si marcus at sinabing, "Salamat, Marcus, naideposito na ang pera." Maya-maya, binaba ni Carlos ang telepono at nag-ulat, "Senyorito, nailipat na rin po ang lupa sa pangalan ng misis." Lubos na nabigla si Oscar: "Marcus, oh, hindi, aking manugang, ang dote ay para sa amin! Para sa amin bilang mga magulang!" "Oo, tama, pero karaniwan sa mga mayamang pamilya ay hindi nila tinitingnan ang ganitong halaga ng regalo. Iniisip nila na mas gaganda ang buhay ng kanilang mga anak na babae kapag ikinasal sa pamilya ng kanilang asawa, kaya binibigay nila ang betrothal gift sa kanilang mga anak na babae. Hindi ko na lang kayo pinaasa pa at pinadala na lang direkta kay Beatrice, dahil ayokong magka-abala pa kayong maglipat-lipat at kumita pa ang bangko sa handling f*e." "Huwag mo kaming pinaglololoko!" Matallim ang tingin ni Abby, ang nkababatang kapatid ni Beatrice kay Beatrice hindi nito napigilan ang sarili. Dinuro nito si Beatrice, "Siya ba ang humiling na maglaro ng mga kalokohan sa atin?!" Matapos nitong magsalita, isang malakas na sampal Ang dumapo sa pisngi ni Abby, mula ito kay Carlos na isang martial artist, at ang sampal na iyon ay nagdulot ng matinding ugong sa tenga ni Abby. Hindi pa siya natamaan kailanman simula pagkabata, kaya't natulala siya ng matagal, hindi makapagsalita ng buo: "Ikaw... ikaw..." "Ano'ng ibig mong sabihin?" Sagot ni Carlos, "Ang huling taong nangahas gawa ng ganyan kay Senyorito, pinutol ang daliri! Hindi ko nilakasan ng husto dahil ikaw ay kapatid pa rin ni senyorita." Matapos ito, nagalit si Marcus at tinanong si Carlos, "Bakit mo nagawa 'yon?"Carlos, bakit mo sya sinaktan! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Bukod pa riyan, wala na tayong kapangyarihan ngayon, at isa na akong walang silbi. Hindi na tayo puwedeng maging katulad ng dati!"Galit na wika ni Marcus habang tinatapik ang armrest ng wheelchair, na parang dismayado sa isang tao. Yumuko si Carlos: "Patawad, senyorito, hindi ko lang talaga napigilan. Hindi ko matiis na may mga nagsasabi ng masama tungkol sa inyo.""Kailangan mong tiisin! Pamilya ito ng aking asawa. At nangako ako sa kanya na hindi na ako mananakit ng iba."Agad na hinarap ni Carlos si Beatrice at yumukod upang humingi ng tawad: "Senyorita, patawad po. Ako ang dahilan kung bakit nasira ng senyorito ang kanyang pangako sa iyo. Kung may dapat sisihin dito, ako yun at wala ng iba"Hindi naman naglit si Beatrice, bagkus labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman, ang pinakamagandang naramdaman niya sa buong buhay niya. Ngunit hindi niya ito maaaring ipakita, kaya't bahagya lamang siyang tumang
Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon.""Talaga?"Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?""Oo."Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inila
Natapon ang sabaw mula sa ulam na isda. Nagulat si Marcus at agad na iniabot ang kamay para saluhin ang plato. Inilapag niya ito sa dining table at agad na tiningnan ang kamay ni Beatrice. Sa sobrang pag-aalala ni Marcus, halos tumayo siya at hawakan ang kamay nito upang dalhin sa kusina para hugasan! Mabuti na lang at naisip niya ito bago pa magawa. Mabilis niyang kinuha ang mineral water sa tabi at binuksan ito upang hugasan ang kamay mga ni Beatrice. Habang ginagawa iyon, hindi niya napigilang pagalitan ito."Bakit ka nagiging balisa? Paano kung mapaso ka?"Bagama't may halong paninisi, magaan ang tono nito. Hindi ito nagdulot ng sama ng loob kay Beatrice, bagkus naramdaman niya ang labis nitong pag aalala."Ayos lang ako," sagot ni Beatrice.Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang sabaw na natapon sa mesa. Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim, umupo sa tabi ni Marcus, kinuha ang kanyang telepono, at sinabi, "Magpalitan tayo ng contact information."Tiningnan siya
Nang makita ni Beatrice si Marcus, naramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi, at halos gusto niyang maghukay ng butas at magtago roon! Tumawa si Marcus, at nang mapansin nyang halos magdugo na ang kanyang labi sa kakakagat dito, hindi niya napigilang sabihang: "Sige na, hindi na kita aasarin, mag-shower ka na. Kakatapos ko lang mag-shower sa shower room."Tumango si Beatrice, mabilis na binuksan ang kabinet para kumuha ng pajama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Nang maisara ang pinto ng banyo, biglang nagdilim ang mukha ni Marcus. Kakatapos niya lang magpunta sa study para ayusin ang trabaho, at nag-shower siya pagkatapos nito, kaya hindi niya napansin ang kalagayan ni Beatrice. Inakala niyang tahimik itong naghahanda para sa klase, ngunit mukhang nakipagtalo siya sa kung sino man. Nang makita niya ang namumulang mga mata ni Beatrice, halos gusto niyang hilahin palabas ang taong nasa kabilang linya ng telepono at pagbuntunan ng galit!Dahan-dahang pinindot ni Marcus ang tele
Namula ang mukha ni Beatrice dahil sa dami ng alak na nainom nya. Naitulak nya papunta sa kama si marcus Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Hindi kasi naging komportable ang karanasan niya kagabi kay Marcus, at medyo natakot at nangamba siya. Kaya noong siya ay naligo, sinadya niyang magsuot ng maluwag at konserbatibong cotton na pajama. Ngunit sa pag-alala niya sa mga sorpresa at pag-aalaga na ibinigay ni Marxus sa kanya ngayong gabi, hindi niya magawang tanggihan ito. Sa mga sandaling iyon, nakahiga si Beatrice sa kama na kinakabahan, iniisip kung gaano siya kamukhang tanga sa suot niyang cartoon print na pajama. Napatitig si Beatrice sa mga binti ni Marcus, sa isip nya parang may mali."Ang mga binti mo."Mali dahil sa sobrang mananabik ni Marcus, nakalimutan nyang ang alam ni Beatrice ay pilay sya. Kaya itinuon nya ang kanyang mga kamay sa kama."Hindi ko lang talaga nararamdaman ang mga binti ko mula sa mga binti pababa. Pero kaya kong umakyat sa kama at umupo sa wheelchair g
Si Sam, na nasa parehong opisina, ay napansin na may kakaiba kay Beatrice at lumapit upang pakalmahin ang sitwasyon na may ngiti. "O siya, Ghena, ang dami mo nang sinabi ni hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon si Beatrice na makapagsalita. Kumain muna tayo nitong cake, tapos hayaan natin si Beatrice na magkwento."Sina Sam, Ghena, at Beatrice ay mga bagong guro na sabay-sabay na pumasok sa paaralan kayat naging maganda ang kaninlang samahan. Tumingin si Beatrice sa kanya nang may pasasalamat. Ngumiti si Sam at hinawakan ang kanyang kamay: "Ikaw talaga, dapat ka pa ring batiin. Pero hindi ‘yun ang pagbating sinabi namin kanina."Naguluhan si Beatrice. Ngumiti si Sam at ipinaliwanag: "Binabati ka namin dahil nanalo ka ng unang pwesto sa nakaraang district open class competition. Ang kailangan mo na lang ay online canvassing at magiging outstanding city teacher ka na sa distrito."Nagulat si Beatrice at tumingin kay Sam. Alam niyang magaling siya, pero hindi niya inaasahang makukuha
"Ito ang email na ipinasa sa akin ng principal."Kinatok ni Ms. Navarro ang mesa, "May nagpadala ng ganitong liham sa principal at sa DepEd. Sinasabi nilang hindi ka nagtuturo ayon sa curicullum, na napaka iresponsable mo, at hindi ka raw nagbibigay ng takdang-aralin sa mga estudyante, na nakakalito para sa kanila."Nanuyo ang bibig ni Beatrice hindi alam kung anong sasabihin "Principal, hindi po ako madalas magbigay ng takdang-aralin, at may isa o dalawang pagkakataon na hindi ako nagbigay. Pero may dahilan po iyon. Halimbawa, pagkatapos ng exam, wala namang bagong lesson kaya pinapahinga ko muna ang mga bata. Bukod po doon, sinusunod ko po ang guidelines sa pagbawas ng academic burden."Nang marinig ni Ms. Navarro ang paliwanag ni Beatrice, sumeryoso ang kanyang mukha. "Totoo na bahagi ng ating adbokasiya ang pagbabawas ng pasanin sa mga estudyante. Pero, Teacher Bea, baguhan ka pa at kailangan mong matuto mula sa ibang guro. Ang takdang-aralin ay paraan para mapatatag ang kanilang
Pagkatapos magpadala ng mensahe sa messenger, naramdaman ni Marcus na hindi itotama at mabilis nya itong binura, pinalitan ng [Bumoto para kay Beatrice]. Nag-aalala siya na baka hindi kayanin ni Albert ang epekto at agad bumalik. Sa ngayon, hindi pa ganung katibay ang relasyon nila ni Beatrice. Hindi pa pwedeng bumalik ang batang ito! Kailangan niyang maghintay hanggang maging ayos na silang dalawa! Matapos ipadala sa mga kaibigan at kamag-anak, naramdaman ni Marcus na hindi pa ito sapat. Tumingin siya kay Carlos ng seryoso: "Agad magpadala ng memo, ipinag-uutos na lahat ng empleyado sa kumpanya ay bumoto para sa aking asawa. Tatlong boto bawat isa, bawat araw! Walang dapat makalimut na bomoto! Sa madaling salita, hindi pwedeng matalo ang asawa ko!"Carlos: ... Kaya ba kaya ito nag iisip ng matagal ay dahil dito?? "Dagdag pa, kailangan mong mag-ulat sa akin bawat oras tungkol sa sitwasyon ng boto ng asawa ko. Kung makahabol ang pangalawang pwesto, kailangan nating magplano ulit.""C
"Oo, kasal kami." Tahimik ang ekspresyon ni Marcus, ngunit bahagyang tumaas ang kanyang mga kilay, nagpapakita ng konting pagmamalaki.Ang curious na supervisor ay lumaki ang mga mata sa gulat: "Kasal na talaga kayo! Narinig ko na ang tsismis dati, pero akala ko peke lang yun. Mr. Villamor, wala ka pang wedding ring!"Medyo naguluhan su Marcus at saka niya naalala nyang nabilhan nya ng singsing si Beatrice ngunit nakalimutan nyang bumili para sa sarili niya.Binigyan siya ng manufacturer ng ka match na singsing noon, pero hindi niya ito sinuot dahil hindi sakto ang sukat sa kanya, kaya tinanggal niya ito."Carlos, maghanap ka ng mga sample book ng men's wedding ring at ipadala mo sa asawa ko, hayaan mo siyang pumili, tapos ipadala para maipagawa.""Opo masusunod po boss," sagot ni Carlos.Ang ilang mga supervisor ay nagsimula siyang purihin."Congrats, Boss""Congrats, Mr. Villamor.""Siguradong maasikaso at mabait ang asawa mo Mr. Villamor!""Malaking suwerte ang makasunod kay Mr. Vi
"Imposible... hindi..." Napayuko si Beatrice , sinusubukang magtago ng pag-aalala. "Okay naman siya dati."Sinabi ni Mrs. Salazar, gamit ang boses ng isang tao na nakaranas na ng ganito: "Dati na yun.Sabihin ko sa'yo, ang mga lalaki parang mga pusa, at ang mga babae ay parang mga isda. Wala namang pusa na ayaw kumain ng isda, maliban na lang kung gusto, pero hindi kayang gawin."Sinang-ayunan naman ito ni Genna, halos hindi makapaniwala: "Tama, paano niya hindi ginawa 'yun hanggang sa huli matapos makita ang maid costume!"Tumango si Mrs. Salazar, at tila eksperto sa bagay na ito: "Minsan kasi, may malaki siyang pressure sa trabaho at bigla na lang hindi kaya.Meron din namang ibang klase, tulad ng kay Marcus, na may malubhang aksidente sa sasakyan dati at naapektuhan na talaga.Bukod pa diyan, hindi siya kumain ng karne dati, tapos nang natikman niya, hindi na niya nakontrol ang sarili, kaya ubos na siya agad!""At saka si ba nalason nga siya dati!"Parang hindi pa rin kumbinsido si
Nangingilid ang luha sa mga mata ni Mrs. Salazar habang tinatanaw si Beatrice, at unti-unti siyang nakakaramdam ng higit pang awa para sa kanya.Paano ba naman, paano naging ganito ang isang ina—ganito kabagsik at kasuklam-suklam?Si Beatrice ay hindi nagulat, at bahagyang umangat ang mga labi niya habang muling binanggit ang pangalan ng isang lalaki."Kevin Baltazar."Nang marinig ito, nanginginig si Lucy at labis na nagulat: "Wala akong kinalaman sa kanya! Huwag mo akong gawing salarin! Walang anumang namamagitan sa amin ni Kevin Baltazar! Huwag mong gawing gamit ang bagay na ito para takutin ako!""Oo, siguro nga wala kayong ginagawang masama ni Kevin Baltazar sa katawan, pero paano naman ang isipan?"Lumingon si Lucy, at nag-iba ang kulay ng kanyang mukha, naging maputla. "Anong ibig mong sabihin?""Oh Kevin, ikaw ang nagbigay liwanag sa aking buhay.""Kevin, mas masaya akong kasama ka kaysa sa asawa ko.""Kevin, sana nakilala kita noon pa..."Binasa ni Beatrice ang ilang messages
"Mama——"Itinaas ni Beatrice ang kanyang palda, itinulak ang pinto ng sasakyan at lumabas.Pinili niya ang isang mahabang damit na may burdang disenyo, tinerno ng isang maikling jacket na may balahibo ng tupa, na nagbigay sa kanya ng isang eleganteng at magarbong hitsura.Nang makita siya ng mga reporter, napatigil ang lahat dahil sa kakaibang karisma at aura na taglay niya.Matapos lumabas si Beatrice mula sa sasakyan, sumunod din sina Mrs. Salazar at Genna na parehong lumabas ng sasakyan.Lumalapit si Beatrice at niyakap si Lucy sa harap ng mga reporter: "Mama! Nandiyan ka na! Kumusta ka? May nararamdaman ka bang hindi maganda? Nakakatakot naman."Habang nagsasalita, kumaway siya sa abogado: "Ito po ang abogado ng pamilya Villamor. Pinili ko po siyang tawagin para matulungan kayo, kung maaari po ba niyang mapababaan ang inyong parusa, pero hindi ko po inaaasahan na makakalabas na kayo."Sa oras na iyon, iniabot ni Genna ang isang bouquet, kinuha ito ni beatrice at ipinasok sa mga ka
Hinawakan ni Beatrice ang batok ni Marcus at hinila ito pabalik. "Asawa ko, huwag mo siyang pansinin!"Gusto ni Marcus ang pagiging masigasig ni Beatrice, ngunit mas mahalaga ang sitwasyon sa ngayon, kaya't ngumiti siya nang may paghingi ng paumanhin. "Mahal ko, hindi pwede."Habang sinasabi iyon, tumingin siya sa screen ng kanyang telepono at agad na nag-alerto ang kanyang katawan. "Si Carlos!"Walang pag-aalinlangan, sinagot ni Marcus ang tawag.Makalipas ang ilang segundo, muling dumilim ang kanyang mukha. "Pupunta na ako agad. Manatili ka lang kalmado."Sa sandaling natapos ang usapan, mabilis na tumayo si Marcus at nagbihis. Habang isinusuot ang kanyang damit, hindi niya nakalimutang ipaliwanag kay Beatrice. "Mahal ko, matulog ka na muna. Kailangan kong mag-overtime ngayong gabi."Bahagyang tumayo si Beatrice, tinakpan ang sarili ng kumot, at nagtanong. "Malala ba?"Narinig niya ang seryosong tono ni Marcus kanina, kaya hindi maiwasang makaramdam ng kaba.Hinaplos ni Marcus ang k
Napatalon si Chona sa takot, nanginginig ang kanyang katawan. "Hi-hindi... wala akong ginawa...""Wala? Kung wala kang ginawa, anong ginagawa mo sa silid-aklatan ng asawa ko?" Lumapit si Beatrice, ang tingin niya ay matalim at nanunuot.Halos lumabas ang puso ni Chona sa kaba.Alam niya kung gaano kabigat ang salita ni Marcus sa pamilyang ito."Shh, ate Bea, hinaan mo ang boses mo. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo." Hinila ni Chona si Beatrice palabas ng koridor upang magkausap sila nang pribado.Napangisi si Beatrice. "Ikabubuti ko? Talaga?""Oo! Ate Bea, iniligtas mo ang buhay ng dalawa kong anak ngayon, kaya gusto kitang suklian." Sambit ni Chona nang may buong sinseridad.Tiningnan siya ni Beatrice na tila inaaral ang kanyang bawat kilos. "Pero hindi mo pa sinasabi kung ano ang ginawa mo sa silid-aklatan?"Bahagyang bumuka ang labi ni Chona.Sa totoo lang, ang pakay niya ay palitan ang kontraseptibong gamot ni Marcus.Inutusan sya ni Albert upang alamin kung ano ang ginagawa
Dagliang lumapit si Monica kay Beatrice, pilit na hinablot ang bag mula sa kamay ni Beatrice, at binuksan ito. Nang makita ang laman, nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat!"Ano ‘to?!""Damit?" sagot ni Beatrice na may ngiti."Alam kong damit ‘yan! Ang tinatanong ko, anong klaseng damit ‘yan?!" sigaw ni Monica habang halos mapatalon sa inis.Nananatili pa ring kalmado si Beatrice, nakatingin kay Monica na parang sinasadyang asarin ito."Anong klaseng damit? Hindi mo ba nakita? Miss Cristobal, kung hindi mo yan ibabalik, maari akong tumawag ng pulis at kasuhan ka sa salang pagnanakaw."Hindi pinansin ni Monica ang sinabi ni Beatrice at patuloy siyang tinanong nang may matinding emosyon:"Itatanong ko ulit, para saan ito, at bakit mo ito binili? Maid outfit?! Ang kapal ng mukha mo!""Paano naman naging makapal ang mukha ko ro’n? Konting pampasaya lang sa pagitan naming mag asawa. Miss Cristobal, single ka pa rin yata, kaya mukhang hindi mo naiintindihan ‘to." Ngumiti si Beatrice at
Namutla ang mukha ni Albert, parang tinusok siya nang direkta sa puso.Hindi napigilan ng bagong intern nurse ang sarili at bumulong sa tenga ni Beatrice: "Ate, ano’ng relasyon mo sa ama ng bata?"Ngumiti si Beatrice at sumagot, "Ex-relationship."Nanlaki ang mata ng nurse sa gulat: "Pucha, parang eksena sa drama!"Habang sinasabi ito, tinitigan niya si Albert na parang isang "walang kwentang lalaki" at napailing nang may pang-aasar.Si Albert, na isang iskolar na may matibay na moralidad, ay biglang namula sa kahihiyan. Napayuko siya at hindi naglakas-loob na tumingin sa nurse at doktor.Hinila ng babaeng doktor pababa ang damit ni Chona upang simulan ang B-ultrasound. Agad na umiwas ng tingin si Albert.Ngumiti nang mapanukso ang nurse at bumulong muli kay Beatrice: "Hmp, Ate, huwag kang paloloko. Nagpapaka-inosente lang ‘yan sa harap mo! Hindi ako naniniwalang hindi pa niya nakita ‘yan. Aba, kung hindi pa niya nakita, paano siya nakabuntis?"Albert: …Napaka-laking pagkaka-inosente
Pagkasara pa lang ng pinto ng elevator, nakatanggap ng tawag si Beatrice mula kay Chona."Ate Bea, tulungan mo ako... Nakikiusap ako, iligtas mo ang anak ko."Nang marinig ang tungkol sa bata, walang malay na nagtanong si Beatrice, "Bakit anong nangyari?""Gusto ni Abert na ipalaglag ang anak ko. Ate Bea, pwede ka bang pumunta sa ospital? Tulungan mo akong makiusap kay Albert ko. Ikaw lang ang pinakikinggan niya..."Pagkarinig sa dahilan, matigas na tumanggi si Beatrice, "Pasensya na, pero ito ay isang bagay sa pagitan ninyo ni Albert. Kung gusto mo talagang ituloy ang pagbubuntis, wala siyang karapatan na pilitin kang salungatin ang nais mo. Kung pinipilit ka niya, pwede kang tumawag sa pulis imbes na tawagan ako."Matapos magsalita, ibinaba ni Beatrice ang telepono at lumabas ng elevator.Ilang hakbang pa lang ang nalalakad niya nang muling tumunog ang telepono.Huminto si Beatrice sa harap ng isang malaking Christmas tree at sinagot ang tawag na may inis na tono."Chona, tapos ka n