Napatigil si Beatrice sa isang sulok at tila nanigas na parang isang yelo. Ramdam nyang umakyat ang dugo sa kanyang ulo dahil sa labis na kahihiyan. Ngunit si Minda ay walang balak na sisihin o kagalitan sya. Tuloy tuloy ito ng walang imik at tuluyang humagulgol ng makita si Marcus. “ Marcus sobra ka na, napakahayop mo. Alam mo bang ang babaeng yan ay ang mapapangasawa ng iyong pamangkin? Hindi ka na nahiya sa amin na pamilya mo”
Ng napatigil na si Minda sa pag iyak, agad nitong tiningnan si Beatrice na noon ay sobrang namumutla “ Huwag kang mag alala ako ang bahala seo” wika ng matandang babae kay Beatrice. Hindi tumugon si Beatrice. Tiningnan nya lang ang matandang babae ng maingat, lalo syang nalito sa mga pangyayari. Sa kabilang dako naman, si Marcus na noon ay nakaupo pa sa kanyang wheelchair at napahagikgik ng mahina “Hipag, tila napaaga ata ang iyong pagdating? Parte ba yan ng plano nyo? Baka mamaya may kasunod ka pa dyan” pang aasar naman ni Marcus Napakunot naman ang noo ni Minda. Agad nyang hinablot sa braso si Beatrice at hinila palabas. “ Huwag kang maniwala sa mga pinagsasasabi nyan. Huwag kang matakot ako ang bahala sa iyo” Magulo ang isipan ni Beatrice ng mga oras na ito, at hindi niya matukoy kung sino ang tunay na tao at sino ang multo sa pagitan ni Minda at ni Marcus, kaya't ang tanging magagawa niya ay tumanggi. 'Tita, gusto ko munang umuwi at mag-isa.' Ngunit hindi binigyan ni Minda ng pagkakataon si Beatrice. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at hinila siya patungo sa hall ng may matinding lakas, at nagreklamo kay Mr. Rolando Villamor, ang ama ni Marcus 'Papa, nilapastangan ng bunso nyong anak ang aking manugang.Pinagsamantalahan nya ang inosenteng katawan ng aking manugang” pagsusumbong nito sa matandang Villamor. Matapos marinig ito, tumayo ang matandang Villamor at galit na sumigaw, “Marcus bumaba ka dito” Hindi mapakali si Beatrice, hindi nya alam ang gagawin sa sobrang tense nya, hindi nya namalayang ang kanyang mahahabang kuko ay bumabaon na sa kanyang manipis at malambot na palad. Pakiramdam nyay para syang sinasaksak ng kutislyo sa dibdib ng paulit ulit. Technically kahit hindi pa sila kasal ni Albert, manugang na sya ni Minda. Iniisip nya kung ano pa kayang mukha ang maari nyang iharap sa mga ito sa hinaharap. Naninikip ang dibdib ng matandang Villamor. Tinawag nya ang mga tauhan nila sa bahay at inutusan itong ibaba ang kanyang walang kwenta at hayop na anak. Wala namang ano ano sinunod ng mga tauhan ang matandang Villamor. Pumunta sila sa kwarto ni Marcus at dinala ito sa harapan ng kanyang ama. Galit na galit ang matandang Villamor. Nagpupuyos ang kamao na para bang gusto nitong manakit. “ sabihin mo anong nangyayari dito” pautos na tanong ng matandang Villamor. Hindi pa man nakakapagbuka ng bibig si Marcus, agad nang sumabat si Minda. “ Papa, umuwi si Marcus na lasing na lasing kagabi at parang nakatira din ipinagbabawal na gamot. Nakita nya ang aking manugang sa bahay na noong mga panahong iyon ay nagpapahinga. Inutusan nya ang isa sa mga kasambahay ninyo na kidnapin at dalhin sa kanya si Beatrice.” Maya maya pay dumating ang mga bodyguards dala dala ang isang utusan na maraming pasa sa katawan. Agad itong lumuhod at humingi ng tawad sa matandang Villamor. “ Boss, patawarin nyo po ako. Labis lang po akong nagpadala sa mga sinabi ni Senyorito Marcus” Lahat ng ibedensya, si Marcus lahat ang itinuturo! Ngunit may pakiramdam si Beatrice na may mali. Bigla, nagbago ang kanyang mukha. Hindi, hindi ito si Marcus! Noong nakaraang gabi, nang bumalik si Marcus sa kanyang kwarto, galit siya dahil andun ako sa kanyang kama. Ibig sabihin hindi nya alam na naroroon ako. Ngunit maya maya sa di inaasahan biglang nagbago na naman ang kanyang isip. Bigla syang nahilo nung mga panahong iyon noong ininom nya ang gatas na iniabot sa kanya ni Minda. Kaya si Minda talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito.Sa mga oras na iyon,nakaupo si Marcus sa kanyang wheelchair, maputla ang mukha, at mukhang punong-puno ng pang-iinsulto at walang lakas. Alam ko na walang silbi ang magsabi pa ako ng kahit ano ngayon. Talaga ngang ako ang nakapanakit kay Beatrice, at handa akong tanggapin ang mga palo at parusa.'" Pagkatapos ng mga sinabi ni Marcus, mapapansin na tila napangiti si Minda.. Nagtaka si Beatrice at tumingin kay Marcus. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang aminin ni Marcus ang lahat, eh hindi naman niya kasalanan! Bang. Itinaas ng matangdang Villamor ang kanyang tungkod at tinamaan si Marcus sa balikat: 'Hayop! Hayop ka!' Napaungol si Marcus sa sobrang sakit at tinanggap ang palo. Nagulat si Beatrice sa pangyayari. Sumigaw ang matandang Villamor at tinanong si Marcus. “ Ngayon anong plano mo? “ Pakakasalan ko siya, at tatanggapin ko kung anomang responsibilidad ang kaakibat nito.' Diretsong sagot ni Marcus sa kanyang ama. Napaop op ang matandang Villamor sa kanyang tabacco: 'Pakakasalan mo si Beatrice, tapos responsable ka na? Sa hitsura mong iyan, kailangang habulin ka muna ni Baeatrice bago ka makapagbigay ng responsibilidad!' Habang nagsasalita, tumingin si Mr. Villamor sa mayordomo 'Pumunta ka stock room kuhanin mo ang pang-pamilya na panghampas.' Nag-freeze ang mukha ng mayordomo at hindi maiwasang magmakaawa sa matanda”Senyor, natatakot ako na hindi kayanin ng katawan ni senyorito Marcus. Hindi pa siya nakakarecover mula sa aksidente sa sasakyan, paano niya kakayanin ang inyong panghampas?' 'Pumunta ka na, tigilan mo ang kalokohang iyan!'Pagalit na sigaw ni Mr. Villamor, at hindi na naglakas-loob magsalita ang mayordomo. Makalipas ang ilang sandali, inilabas ng mayordomo ang isang mahabang latigo. Hinawakan ng matandang lalaki ang magaspang na panghampas sa kamay at tumingin kay Beatrice. 'Ako, isang matandang tao, tatanungin kita ngayon, gusto mo bang pakasalan ang bastardo kong ito? Kung ayaw mo, papatayin ko na ang batang ito ngayon para makapag-ayos! Pwede mong itakda ang iba pang mga kondisyon para sa kabayaran.' Nakatutok ang mga mata ni Beatrice kay Marcus, at si Marcus ay tinitigan lamang siya, bahagyang gumalaw ang kanyang mga manipis na labi. 'Kung nais mong pakasalan ako, bibigyan kita ng tahanan. Bagamat isang walang kwentang tao ako ngayon, gagawin ko ang lahat para tratuhin ka ng mabuti. Kung ayaw mo, lumayo ka na lang at wag mong panoorin akong hinahampas.' Bago pa man siya matapos magsalita, inutusan ni Mr. Villamor ang mayordomo na paluhudin si Marcus. Sa isang igalp, isang malakas na hampas ang dumpo sa kanyang likuran. Napabalikwas ang katawan ni Marcus at agad naduguan Ang kanyang puting kasuotan. Naramdaman ni Beatrice ang kirot sa kanyang puso, at ang mga mata niya ay namasa. Bigla niyang naramdaman na si Marcus, na lumuluhod at binabayo, ay walang kaibahan sa kanya nang mali syang akusahan ng kanyang kapatid na magnanakaw. Walang nakikinig sa kanyang paliwanag, at walang naniniwala sa kanya. Pareho silang biktima ng mga kalkulasyon at pang-aabuso. At ang sinabi ni Marcus kanina ay talagang tumama sa kanyang puso, sinabi niyang bibigyan siya ng tahanan. Siguro, sa pagpapakasal sa kanya, makakalabas siya sa tahanan nila na parang isang lobo, magaan Ang pakiramdam. Ngunit si Albert... ang tatlong taon nilang relasyon! Saan siya pupunta?! Isinara ni Beatrice ang kanyang mga mata ng masakit, at muling bumalik ang alaala ng paghihiwalay nila ni Albert. Noong nakaraang gabi, sinabi niya sa pamilya ang kanilang plano at nagmungkahi ng pagpapakasal muna upang tumigil ang mga isipin nila. Ngunit sinabi ni Albert: 'Beatrice, palagi kong nararamdaman na ang isang ina, kahit gaano pa siya kapait sa anak na babae, ay hindi gagawin ang sobra. Mayroon bang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyo?' 'Beatrice, huwag kang mag-alala. Ako ang mag-aalaga sa iyo, at wala ng masama mangyayari. Manirahan ka na lang sa aming bahay nang tahimik.' 'Beatrice, hindi hindi kita pakakasalan. Gusto ko lang na may proposal ceremony muna bago tayo kumuha ng marriage certificate.' 'Beatrice, bihirang pagkakataon ang archaeology na ito. Hindi ko talaga gustong isuko. Maghintay ka, hintayin mo akong makabalik at magpapakasal tayo!' Ang boses ni Albert ay malumanay at puno ng pangarap, na parang naririnig pa rin nh kanyang mga tainga, sumakit ang puso ni Beatrice na parang nababasag. Ngunit ang tunog ng panghampas sa katotohanan, isa-isa, na may kalupitan, ay ginising siya mula sa kanyang mga pangarap at itinulak siya upang harapin ang madugong katotohanan. Wala nang pagbalik. Hindi na siya at si Albert makakabalikan pa. Binuksan ni Beatrice ang kanyang mga mata, at may bagong determinasyon sa kanyang mga mata. 'Lolo, magpapakasal ako! Nais kong pakasalan si Marcus!'"Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng matandang Villamor. Bahagyang nagkaroon ng liwanang ang mukha nito at pagdakay nasambit nito “ Kung pumapayag kang pakasalan ang aking anak, hindi mo na ako dapat pang tawaging lolo, Papa na ang dapat na iyong itawag sa akin sapagkat kung tatawagin mo pa akong lolo baka magkaroon ng pagkalito sa ating pamilya”Ang nakaluhod na si Marcus ay bahagyang napangiti sa mga pangyayari. Ngunit ng bahagya syang gumalaw, naramdaman nya ang matinding sakit ng kanyang katawan dahilan upang bahagyang mamutla ang kanyang mukha. Agad naman itong napansin ng kanilang mayordomo. Agad nitong tinawag ang pansin ni Beatrice. “ Binibining Beatrice, ikaw na po ang bahalang umalalay sa senyorito” Mabilis namang kumilos si Beatrice, kinuha ang wheelchair nito at inalalayan si Marcus paupo dito. Ng nakaupo na ang binata sa kanyang upuang de gulong, bigla itong naubo, ubong tumagal din na tila ilang segundo. Labis itong nakapagpabahala sa kanya, ngunit naalala
“ Ano iyon sabihin mo. Normal lang naman sa mga ikakasal ang may requirements”Huminga nang malalim si Marcus. Nagulat si Beatrice. Hindi niya akalain na ang lalaking kinatatakutan ng lahat sa Ka Maynilaan ay napakadaling kausap?! Huminga nang malalim si Beatrice at ipinaliwanag: “Gusto ko ng isang maliit na bahay. Hindi kailangang malaki ang lugar, kahit maliit na apartment lang ay ayos na. Dapat nakasulat ang pangalan ko sa titulo ng ari-arian. Pagkatapos ng kasal, ayaw kong tumira sa lumang bahay; gusto ko lang tumira sa maliit na apartment. Kung maghihiwalay tayo sa hinaharap… ang bahay ay dapat mapasakin.”Gusto niyang tiyakin na magkakaroon siya ng seguridad para sa hinaharap. Nang marinig ni Marcus ang salitang “hiwalay,” parang may tumusok sa puso niya at tinanong: “Ano naman ang pangalawang kundisyon?”“Kapag nagpakasal tayo, gusto kong ilipat ang aking pangalan sa household registration.”Talagang ayaw na niyang magkaroon ng masyadong maraming kaugnayan sa kanyang pamilya, k
Noon pa man ay sobrang hinahangaan ni Beatrice ang asul at puting porselana na antigong ito. Ito ang pinaka-mahalagang antigong nabili ni Oscar. Noong una, tumingin siya ng dalawang beses dito, at pinagbawalan siya ni Oscar na hawakan ito. Sinabi niyang malas siya, at natatakot siya na kapag hinawakan niya ito, baka mabagsak ang antigong iyon. Tiyak nga, sumunod si Oscar sa titig ni Beatriceat naramdaman niyang parang kumakabog ang puso niya. Nang ibuka nya ang kanyang bibig, narinig niyang tinuturo ni Beatrice ang kanyang pinakamahal na yaman at sinabi, "Sa tingin ko maganda 'yang isa."Bahagyang kumunot ang noo ni Marcus, parang hindi nasisiyahan, pero ipinag-utos pa rin kay Carlos na dalhin ang antigong ito kay Beatrice at tinanong, "May gusto ka pa bang iba?"Tumingin si Beatrice sa mukha ng kanyang ama na puno ng sakit at nagpatuloy na tumuro ng ilan pang mga antigong bagay upang mapagaan ang galit nito. Ipinag-utos ni Marcus, "Hindi maganda ang iyong panlasa. Kailangan mong mat
Carlos, bakit mo sya sinaktan! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro ko sa'yo? Bukod pa riyan, wala na tayong kapangyarihan ngayon, at isa na akong walang silbi. Hindi na tayo puwedeng maging katulad ng dati!"Galit na wika ni Marcus habang tinatapik ang armrest ng wheelchair, na parang dismayado sa isang tao. Yumuko si Carlos: "Patawad, senyorito, hindi ko lang talaga napigilan. Hindi ko matiis na may mga nagsasabi ng masama tungkol sa inyo.""Kailangan mong tiisin! Pamilya ito ng aking asawa. At nangako ako sa kanya na hindi na ako mananakit ng iba."Agad na hinarap ni Carlos si Beatrice at yumukod upang humingi ng tawad: "Senyorita, patawad po. Ako ang dahilan kung bakit nasira ng senyorito ang kanyang pangako sa iyo. Kung may dapat sisihin dito, ako yun at wala ng iba"Hindi naman naglit si Beatrice, bagkus labis na kasiyahan ang kanyang nararamdaman, ang pinakamagandang naramdaman niya sa buong buhay niya. Ngunit hindi niya ito maaaring ipakita, kaya't bahagya lamang siyang tumang
Aliw na aliw si Gilbert na tila medyo mapang asar ang mga gawi. Samantala, si Bryan ay pinaglalaruan ang pulang sobreng wlang laman, at sinulyapan siya habang diretsahang nagtanong "hmmm sinulot mo Ang mapapangasawa ng iyong pamangkin?"Ang dalawang ito ay lumaki kasama ni Marcus, malapit sila sa isat isa. Noon pa man ay alam na nila na may espesyal itong pagtingin kay Beatrice. Kadalasan, masama ang mukha ni Marcus kapag nababanggit ito. Pero ngayong araw, maganda ang kanyang mood at itinama ang mga ito"Asawa ko na siya ngayon.""Talaga?"Sinulyapan ni Bryan si Marcus na halatang nagmamayabang. "Oo."Sagot ni Marcus nang walang pagbabago sa ekspresyon. Halos bumuka nang sobrang laki ang bibig ni Gilbert na parang kasya ang dalawang itlog: ... Muling sumingkit ang mga mata ni Bryan at nagtanong ulit: "Nakuha mo na ba ang kasulatan?""Oo."Nang sinabi iyon, maingat na kinuha ni Marcus ang dalawang marriage certificate mula sa loob ng bulsa ng kanyang suit, binuksan ang mga ito, at inila
Natapon ang sabaw mula sa ulam na isda. Nagulat si Marcus at agad na iniabot ang kamay para saluhin ang plato. Inilapag niya ito sa dining table at agad na tiningnan ang kamay ni Beatrice. Sa sobrang pag-aalala ni Marcus, halos tumayo siya at hawakan ang kamay nito upang dalhin sa kusina para hugasan! Mabuti na lang at naisip niya ito bago pa magawa. Mabilis niyang kinuha ang mineral water sa tabi at binuksan ito upang hugasan ang kamay mga ni Beatrice. Habang ginagawa iyon, hindi niya napigilang pagalitan ito."Bakit ka nagiging balisa? Paano kung mapaso ka?"Bagama't may halong paninisi, magaan ang tono nito. Hindi ito nagdulot ng sama ng loob kay Beatrice, bagkus naramdaman niya ang labis nitong pag aalala."Ayos lang ako," sagot ni Beatrice.Kinuha niya ang basahan at pinunasan ang sabaw na natapon sa mesa. Matapos ang ilang sandali, huminga siya nang malalim, umupo sa tabi ni Marcus, kinuha ang kanyang telepono, at sinabi, "Magpalitan tayo ng contact information."Tiningnan siya
Nang makita ni Beatrice si Marcus, naramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi, at halos gusto niyang maghukay ng butas at magtago roon! Tumawa si Marcus, at nang mapansin nyang halos magdugo na ang kanyang labi sa kakakagat dito, hindi niya napigilang sabihang: "Sige na, hindi na kita aasarin, mag-shower ka na. Kakatapos ko lang mag-shower sa shower room."Tumango si Beatrice, mabilis na binuksan ang kabinet para kumuha ng pajama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Nang maisara ang pinto ng banyo, biglang nagdilim ang mukha ni Marcus. Kakatapos niya lang magpunta sa study para ayusin ang trabaho, at nag-shower siya pagkatapos nito, kaya hindi niya napansin ang kalagayan ni Beatrice. Inakala niyang tahimik itong naghahanda para sa klase, ngunit mukhang nakipagtalo siya sa kung sino man. Nang makita niya ang namumulang mga mata ni Beatrice, halos gusto niyang hilahin palabas ang taong nasa kabilang linya ng telepono at pagbuntunan ng galit!Dahan-dahang pinindot ni Marcus ang tele
Namula ang mukha ni Beatrice dahil sa dami ng alak na nainom nya. Naitulak nya papunta sa kama si marcus Sa totoo lang, gusto niyang tumanggi. Hindi kasi naging komportable ang karanasan niya kagabi kay Marcus, at medyo natakot at nangamba siya. Kaya noong siya ay naligo, sinadya niyang magsuot ng maluwag at konserbatibong cotton na pajama. Ngunit sa pag-alala niya sa mga sorpresa at pag-aalaga na ibinigay ni Marxus sa kanya ngayong gabi, hindi niya magawang tanggihan ito. Sa mga sandaling iyon, nakahiga si Beatrice sa kama na kinakabahan, iniisip kung gaano siya kamukhang tanga sa suot niyang cartoon print na pajama. Napatitig si Beatrice sa mga binti ni Marcus, sa isip nya parang may mali."Ang mga binti mo."Mali dahil sa sobrang mananabik ni Marcus, nakalimutan nyang ang alam ni Beatrice ay pilay sya. Kaya itinuon nya ang kanyang mga kamay sa kama."Hindi ko lang talaga nararamdaman ang mga binti ko mula sa mga binti pababa. Pero kaya kong umakyat sa kama at umupo sa wheelchair g
Namutla ang mukha ni Albert, parang tinusok siya nang direkta sa puso.Hindi napigilan ng bagong intern nurse ang sarili at bumulong sa tenga ni Beatrice: "Ate, ano’ng relasyon mo sa ama ng bata?"Ngumiti si Beatrice at sumagot, "Ex-relationship."Nanlaki ang mata ng nurse sa gulat: "Pucha, parang eksena sa drama!"Habang sinasabi ito, tinitigan niya si Albert na parang isang "walang kwentang lalaki" at napailing nang may pang-aasar.Si Albert, na isang iskolar na may matibay na moralidad, ay biglang namula sa kahihiyan. Napayuko siya at hindi naglakas-loob na tumingin sa nurse at doktor.Hinila ng babaeng doktor pababa ang damit ni Chona upang simulan ang B-ultrasound. Agad na umiwas ng tingin si Albert.Ngumiti nang mapanukso ang nurse at bumulong muli kay Beatrice: "Hmp, Ate, huwag kang paloloko. Nagpapaka-inosente lang ‘yan sa harap mo! Hindi ako naniniwalang hindi pa niya nakita ‘yan. Aba, kung hindi pa niya nakita, paano siya nakabuntis?"Albert: …Napaka-laking pagkaka-inosente
Pagkasara pa lang ng pinto ng elevator, nakatanggap ng tawag si Beatrice mula kay Chona."Ate Bea, tulungan mo ako... Nakikiusap ako, iligtas mo ang anak ko."Nang marinig ang tungkol sa bata, walang malay na nagtanong si Beatrice, "Bakit anong nangyari?""Gusto ni Abert na ipalaglag ang anak ko. Ate Bea, pwede ka bang pumunta sa ospital? Tulungan mo akong makiusap kay Albert ko. Ikaw lang ang pinakikinggan niya..."Pagkarinig sa dahilan, matigas na tumanggi si Beatrice, "Pasensya na, pero ito ay isang bagay sa pagitan ninyo ni Albert. Kung gusto mo talagang ituloy ang pagbubuntis, wala siyang karapatan na pilitin kang salungatin ang nais mo. Kung pinipilit ka niya, pwede kang tumawag sa pulis imbes na tawagan ako."Matapos magsalita, ibinaba ni Beatrice ang telepono at lumabas ng elevator.Ilang hakbang pa lang ang nalalakad niya nang muling tumunog ang telepono.Huminto si Beatrice sa harap ng isang malaking Christmas tree at sinagot ang tawag na may inis na tono."Chona, tapos ka n
"Mrs. Salazar, nais ko po sanang humingi ng pabor mula sa iyo. Gusto kong kunin ang aking application form na itinapon sa basurahan."Pagkatapos ng kanyang sinabi, binuksan ni Beatrice ang isang maikling video sa kanyang cellphone at iniabot ito kay Mrs. Salazar.Tumingin si Misis Salazar ng mabigat ang mukha."Ang dalawang ito ay talagang nagsabi ng ganitong mga bagay at itinapon ang iyong application form sa basurahan! Sobrang wala silang respeto! Hindi kailanman magiging bahagi ng ating foundation ang ganitong klase ng cancer, mga salot!"Tumango si Beatrice: "Ito rin ang dahilan kung bakit sinasabi ko na hindi sila nararapat sa kanilang pwesto.Ang layunin ng samahan ay magbigay pansin sa mga kababaihan, at magbigay Ng pantay-pantay na pag-aalaga, hindi para magdikta batay sa estado ng buhay at pag-ibig sa mga mayayaman.Isa akong babae at naranasan kong mabully noong pumunta ako sa foundation.Tanong ko lang, kung ang ibang mga kababaihan na walang kapangyarihan ay nangangailanga
Sa kabilang banda, habang papalabas si Beatrice mula sa banyo, tumawag ang isang magulang upang makipag-usap tungkol sa mga problema ng estudyante.Ang magulang na ito ay medyo mahaba magsalita, kaya't kinailangan ni Beatrice na sagutin sila ng mahinahon, isa-isa.Nang isara niya ang telepono at bumalik sa kwarto, natutulog na si Marcus sa kama.Habang pinagmamasdan ang pantay-pantay niyang paghinga, nagkaroon ng kaunting kalungkutan sa mga mata ni Beatrice, pero hindi niya kayang gisingin ito.Matapos basahin ang manual, nang mag-on ang instrument at naging madilim na pula ang ilaw nito, ito na ang araw na may pinakamataas na tsansa ng ovulation.May isang ganitong araw lang sa isang buwan!Bagamat mataas ang tsansa ng pagbubuntis bukas, hindi ito kasing taas ng araw na ito.Inangat ni Beatrice ang kumot at humiga. Ayaw niyang matulog, iniisip na hihintayin nya si Marcus na magising.Habang nakahiga, tinignan niya nang pabiro ang impormasyon na ipinadala ni Chona at napansin niyang t
Kinuha ni Beatrice ang regalo at impormasyon mula kay Chona nang maayos: "Salamat sa regalo, pero hindi kita pinapatawad."Pagkatapos nito, itinaas ni Beatrice ang regalo sa kanyang kamay at ipinakita ito kay Albert: "Albert, tinanggap ko! Wala ka sa puso ko. Maghintay ka lang, ako at ang tiyuhin mo ay magbibigay sa'yo ng isang maputi at matabang pinsan."Chona: ...Albert: ...Pagkatapos nito, mabilis na umakyat si Beatrice upang itulak si Marcus. Pagdapo ng kamay niya sa hawakan ng wheelchair, narinig niya ang magaan na "hiss--" ni Marcus at hinawakan ang kanyang dibdib na may sakit."Ano'ng nangyari?" Nagbago ang mukha ni Beatrice sa takot at mabilis na lumuhod at nagtanong."Sakit ang puso ko." Mahinang sinabi ni Marcus, "Sumasakit siya ng pa-bangon."Mabilis na piniga ni Beatrice ang kanyang dibdib: "Kamusta? Masakit pa ba? Kailangan ba nating tumawag ng family doctor?"Habang nagsasalita, may bulong si Beatrice sa sarili: "Kalimutan na, tawagan na lang natin ang family doctor. P
"Regalo? Anong regalo?" Maingat na umatras si Beatrice ng dalawang hakbang.Ibinigay ni Chona ang isang kahon ng regalo nang may misteryosong paraan.Hindi ito tinanggap ni Beatrice : "Hindi. Salamat sa kabutihan mo, pero hindi ko tatanggapin ang regalo ng walang dahilan."Habang sinasabi ito, papunta na sana si Beatrice sa hagdan.Agad na humarap si chona sa kanya: "Ate Bea, alam ko na marami tayong hindi pagkakaintindihan noon..."Bago pa natapos ni Chona ang sinasabi, ngumiti si Beatrice sa kanya: "Oh? Hindi ba't hindi pagkakaintindihan lang?"Nagdilat si Chona, at tumigas ng kaunti ang mukha niya.Sa kanyang isip, lihim niyang sinabi na hindi maganda ang nangyayari.Ang Beatrice na nakatayo sa harapan niya ay talagang iba na mula noon. Hindi na siya basta-basta mauutakan. Para bang siya'y nabuhay muli!Ang mga mata ni Beatrice ay napadako sa isang anino sa pintuan, at sinadyang nagbigay ng seduksiyon."Chona, kung ganyan ka pa rin ka-hypocritical, wala na tayong dapat pag-usapan
Tumingin si Beatrice sa babae sa harapan niya ng may kumpiyansa at determinasyon."Miss, pwede bang pakipaliwanag ng maayos.""Ibinigay ko na ang application form sa tamang proseso bago ang deadline, at wala akong nilabag. Bakit hindi ako pwedeng tumakbo?""Kanina sinabi mong ako'y para lamang makisali, at ngayon naman ay sinabi mong hindi ako mananalo. Kaya't nais kong itanong, may internal na desisyon na ba sa kandidato para sa posisyon ng vice chairman?""Internal na desisyon? Sabi ko nga, ikaw ay inosente! Akala mo ba kaya mong makipagkumpetensya kay Ms. Cristobal?"Tinaas ng staff ang application form ni Beatrice ng may pang-uuyam at tiningnan ito: "Beatrice Aragon? Hindi ko nga yata narinig ang pangalang 'yan. Akala mo ba kaya mong makipagsabayan sa pinakamagandang sosyalita sa Kamaynilaan? Alam mo ba ang kapangyarihan ng pamilya Cristobal? Hindi ito basta-basta para sa isang ordinaryong taong tulad mo na nag asawa ng isang bagong mayaman at biglang naglabas ng limang milyon par
"Pffft——" Direktang sumirit ang tsaa mula sa bibig ni Oscar. "Anong sinabi mo?!"Hinawakan ni Beatrice ang malamig na kamay ng ama at seryosong sinabi:"Papa, kakasabi mo lang na ang pamilya ko ang pinakamalakas kong sandigan, at tutulungan mo ako. Talagang naantig ako.""Plano kong tumakbo bilang Vice Chairman ng Caring for Women’s Association Foundation."Ang daan upang makasali sa eleksyon ay ang mag-donate ng limang milyong piso para sa foundation.""Papa, hindi ba mas makabuluhan ang gumawa ng mabuti at suportahan ang aking kandidatura?"Tumango ang tagapamahala ng Cherry Blossoms Teahuse at sumingit:"Oo nga, mas may kabuluhan ito kaysa sa pag-attend sa isang klase ng mga sosyal."Matapos magsalita, tiningnan niya si Oscar na may bahagyang pagkabalisa sa kanyang mga mata:"Talagang napakapalad ni Mrs. Villamor na magkaroon ng isang ama na patas at walang pinapanigan."Ang mayroon ang nakababatang kapatid, dapat mayroon din ang nakatatanda."Matapos ang insidenteng ito, siguradon
"Sige." Pinagdiinan ni Oscar ang kanyang mga daliri, ramdam na nawala na sa kanya ang kontrol ng pag-uusap—hawak na ito ng kanyang anak."Alam mo namang ang sahod ko sa eskwelahang ito ay 20,000 pesos lang kada buwan."Si mama, hinihiling na magbigay ako ng 10,000 pesos para sa gastusin sa bahay. Wala akong reklamo—sapagkat tungkulin kong maging mabuting anak sa inyo."Tuwing Bagong Taon at iba pang okasyon, binibigyan ko kayo—ikaw, si mama, at si Abby—ng pulang sobre. Hindi ba tama?"Hindi alam ni Oscar kung bakit biglang binanggit ito ng kanyang anak, kaya't tumango na lang siya at sumagot: "Oo.""Si mama rin, laging gusto akong bumili ng kung anu-ano para kay Abby. Isipin mo, natitira na lang sa akin ang 10,000 pesos bawat buwan. Madali ba ito para sa akin?""Hindi madali, hindi madali." Agad na sumang-ayon si Oscar, sumasabay sa daloy ng sinasabi ni Beatrice.Alam niyang ang anak niya ngayon ay may suporta ng Marcus Villamor at hindi basta-basta pwedeng galawin. Mas mabuting suman