Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

last updateLast Updated : 2024-05-12
By:   Ms. Morimien  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
9 ratings. 9 reviews
27Chapters
7.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 01

01."Maghiwalay nalang tayo!"Napahinto sa paglalakad si Louise nang marinig ang malakas na sigaw ng kaniyang ina mula sa gate ng kanilang bahay."Sus! Diyos ko po! Sinong lalaki na naman 'yang kaaway ni Lily?" Reklamo ng isang kapitbahay. Nakadungaw ang ulo nito mula sa bakuran habang panay naman sa paglikha ng kung ano anung haka haka ang mga kasamahan nitong chismosa."Ewan," kibit balikat ng isang nanay habang karga nito ang tatlong taong gulang niyang anak. "Bagong lalaki na naman yata.""Ano ba 'yang babaeng 'yan?! Halos iba ibang lalaki ang pumupunta sa bahay, a?""Nasaan kaya 'yung anak? Ang balita ko sa bar din daw nagtatrabaho 'yun.""Talaga, mare?!""Oo, sinabi sa akin ng anak ko. Pareho kasi sila ng pinapasukang university. Palagi nga raw nitong kasama 'yung professor nilang lakaki na matanda na." Nangilabot pa ang babae pagkatapos niyang sabihin 'yun."Sayang, maganda't matalino pa naman ang batang 'yun." Bulong nung isa na nagngangalang Marites. "Grabe talaga ang nagaga...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ronel Maglinte Rosima
Ang bagal..
2024-07-05 11:19:00
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
maganda ang story peru sana tulad sa ibang book/story mabilis din pag update hanggang 11 chapters pa lng,,mas maganda kung tuloy tuloy sana
2024-03-26 19:05:23
3
user avatar
danieyyah
Recommended! ...
2024-03-07 10:18:16
4
user avatar
Ms. Morimien
Hi! Sobrang na-a-appreciate ko po lahat ng mga nagbabasa ng story na 'to. Salamat sa support and sorry sa mabagal na update. Mag-a-update po ako sa Sunday dahil iyon lang talaga ang free day ko. Promise po babawi ako, once again, thank you! Love lots mga bebe! ...🩷
2024-03-01 19:11:00
6
default avatar
laysmael18
sana tuloy2 ang update nito hehe wag mang iwan sa ere
2024-02-21 05:16:02
4
default avatar
laysmael18
mukhang maganda ang story nato sana ituloy ng author .
2024-02-17 07:09:05
1
user avatar
Ms. Morimien
Hi! Sorry kung wala pa akong update. So busy lang for now ang person. But mag-a-update po ako within this week! Thank you sa mga nagbasa ng story na 'to! Love lots...🩷
2024-02-11 11:13:18
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
ganda ng story,waiting sa update author
2024-02-08 23:38:31
1
user avatar
Maal Dayca Nattmipa
nice story. .
2024-02-08 20:13:54
1
27 Chapters
Kabanata 01
01."Maghiwalay nalang tayo!"Napahinto sa paglalakad si Louise nang marinig ang malakas na sigaw ng kaniyang ina mula sa gate ng kanilang bahay."Sus! Diyos ko po! Sinong lalaki na naman 'yang kaaway ni Lily?" Reklamo ng isang kapitbahay. Nakadungaw ang ulo nito mula sa bakuran habang panay naman sa paglikha ng kung ano anung haka haka ang mga kasamahan nitong chismosa."Ewan," kibit balikat ng isang nanay habang karga nito ang tatlong taong gulang niyang anak. "Bagong lalaki na naman yata.""Ano ba 'yang babaeng 'yan?! Halos iba ibang lalaki ang pumupunta sa bahay, a?""Nasaan kaya 'yung anak? Ang balita ko sa bar din daw nagtatrabaho 'yun.""Talaga, mare?!""Oo, sinabi sa akin ng anak ko. Pareho kasi sila ng pinapasukang university. Palagi nga raw nitong kasama 'yung professor nilang lakaki na matanda na." Nangilabot pa ang babae pagkatapos niyang sabihin 'yun."Sayang, maganda't matalino pa naman ang batang 'yun." Bulong nung isa na nagngangalang Marites. "Grabe talaga ang nagaga
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more
Kabanata 02
02."Dad." Lumapit naman si Damian sa ama at magalang na nagmano."Who's this woman?" "Anak ko siya, dad. She's your granddaughter." Napalunok si Louise nang muli siyang balingan ng tingin ng matanda."Hello po." Tanging sabi niya habang nakayuko kaya hindi niya namalayan ang pagyakap sa kaniya ng matanda. Mabilis rin itong kumawala sa pagkakayakap tsaka hinagod ng tingin ang dalaga, mula ulo hanggang paa."Apo?" "Mahabang kwento, dad. Wag na nating pag-usapan.""Nasaan ang ina niya? You're hiding a family from us for a long years?""Her mother's dead."Lingid sa kaalaman ni Louise na tinatago sila ng ama sa publiko. Ayaw kasi nitong madungisan ang mala-gintong imahe kapag lumabas na nakabuntis ng p****k ang kaniyang ama. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung ganun ba talaga nito ikinahihiya ang ina para sabihing patay na ito?Gustong maiyak ni Louise dahil sa sakit na nararamdaman sa sinabing iyon ng ama, ngunit ginawa niya ang lahat para pigilan ang sarili. Ang ina na
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more
Kabanata 03
03.Nagising kinabukasan si Louise dahil sa maingay na hampas ng alon. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay mabilis siyang napabalikwas dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha.Nang mag-unat siya ay bigla naman siyang nanigas dahil sa mukha na nahawakan mula sa kaniyang tabi. Dahan dahan niya iyong nilingon at bumilog ang kaniyang mga mata sa nakita.Isang gwapong mukha ng lalaki ang tumambad sa kaniya. Mahimbing itong natutulog habang nakadapa at kahit kalahating mukha lang nito ang nakikita ay ubod ng gwapo ang lalaki dahil sa matangos nitong ilong, makapal na kilay, pakurba at mahahabang pilikmata at kulay rosas na mga labi. Tipong makalaglag panty ang itsura.Ngunit nang makita niya ang maraming dugo na nakapulupot sa braso nito ay doon na niya naalala ang nangyari kagabi."Shit!" Hinanap niya ang orasan sa kwarto at nang makitang tanghali na ay halos tumalon na siya kama dahil sa kaba. Pihadong hinahanap na siya ng ama at ng lolo niya."Patay ako nito." Ngunit
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more
Kabanata 04
04."Good morning, Mr. Sullivan."Maligayang bati ng isang middle age na lalaki na nakasuot ng itim na suit and a big black rimmed eyeglasses. Malapad ang ngiti nito habang maingat na inalalayan sa pagbaba ng kotse si Gideon.Nahihirapan na kasi talaga itong maglakad dahil sa katandaan. Kailangan nito ng alalay sa tuwing maglalakad o hindi kaya'y kailangan nitong gamitin ang kaniyang mahiwagang tungkod."Nakahanda na ba ang lahat, Roger?" Tanong ni Damian sa lalaki na personal assistant ni Gideon."Opo, sir Damian. Nasa loob na po ang lahat maliban kay Mr. Montavo na mukhang hindi na darating." Balita ni Roger habang naglalakad sila papunta sa conference room."Ang lalaking 'yun," napapalatak na sabi ni Damian. "Hindi pa rin talaga marunong sumunod sa tamang oras ng meeting.""Mukhang ganun na po talaga si Johan Montavo, sir." Nakangiting turan naman ni Roger."Dumating man siya o hindi, magsisimula na tayo." Sabi ni Damian kaya kaagad tumalima si Roger para asikasuhin ang iba pang mga
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more
Kabanata 05
05.Makalipas ang limang taon.Naging masaya ang buhay ni Louise sa Australia. Pagkatapos malaman ng mag-ama na buntis siya ay labis na nadismaya ang mga ito. At dahil bago palang naipakilala si Louise sa mga business partners nila ay nagdesisyon si Damian na ilayo ang anak sa Pilipinas para makaiwas sa issue.Medyo nasaktan naman si Louise sa desisyon ng ama. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya nito kayang ipaglaban sa ibang tao.Ngunit nagbago ang paniniwalang iyon ni Louise nang maranasan niya ang maging magulang. Naunawaan niya ang ama nang lumagay siya sa sapatos nito."Where are we going, mommy?" Bibong tanong ng batang si Louven sa ina. Isang oras na silang nakarating sa airport ng Pilipinas. Ang problema lamang ngayon ay na-stuck sila sa traffic dahil sa kaunting aksidente sa kalsada. Mabuti nalang at hindi nagrereklamo ang kambal sa kabila ng maalinsangang simoy ng hangin. Dagdag mo pa ang maruming usok dahilan kung bakit panay kamot sa leeg ang kambal.Oo, kambal ang naging
last updateLast Updated : 2024-02-18
Read more
Kabanata 06
06.Kring!Napabalikwas ng bangon si Louise dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa kama pero hindi niya mahanap. Awtomatiko siyang nainis dahil kulang na kulang talaga siya sa tulog."Shit!" Mura niya dahil sa ingay ng pag-ring. Nang malaman niya kung nasaan ang cellphone ay pupungas pungas siyang tumayo para damputin iyon sa sahig.She sat on her bed, yawned and stretched a little bit before she answered the call."Sino 'to?" "Ms. Louise. Si Maricel po 'to. Naisturbo ko po ba kayo?" Maligalig na bungad ng babae sa kabilang linya. Sinulyapan niya ang orasan sa bedside table at nakitang alas singko pa lang ng umaga.Parang hindi nauubusan ng energy ang babaeng 'to. Sabi ni Louise sa isip."Hindi. Anong kailangan mo?" Tumayo na sa kama si Louise tsaka nagtungo sa kabilang kwarto para silipin ang kambal. Mahimbing pa namang natutulog ang mga ito at parang hindi namahay. Kumpara sa kaniya na halos magdamag na hindi nakatulog."Confirmed na po ang meeting niyo with Mr. M
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
Kabanata 07
07.Pasado alas otso ng gabi nang makalabas ng kompanya si Johan. Kasama nito ang kaibigan niyang si Arthur at ngayon ay papunta sila sa bar para mag-inuman.Madilim ang mukha ng lalaki sa nangyaring sagutan nila kanina ng kapatid niyang si Rohan. Palagi kasing magkasalungat ang mga opinyon nila pagdating sa mga bagay bagay kaya madalas silang magtalo at madalas sa harapan pa ng kanilang ama.At kanina nga ay muli na namang nabungkal ang issue tungkol sa babaeng nabuntis ni Rohan na ngayon ay naging isang malaking prolema na sa pamilya nila. Hindi kasi tumitigil ang pamilya ng babae hangga't hindi pinapanagutan ni Rohan ang bata. Nagbanta pa ang mga itong magdedemanda kapag wala pa ring ginawa si Rohan para pakasalan o akuin ang pagiging ama sa bata.Pessimistic na tao si Johan. Mas inuuna nitong tingnan ang mali bago ang tama. Kaya iniisip niya na pera lang ang habol ng pamilya sa kapatid niya kaya pinagdudutdutan ng mga ito ang anak na nabuntis, duda rin si Johan kung aksisente lang
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
Kabanata 08
08.Alas nuwebe nang gabi ng bumalik sa bahay si Louise kasama si Deesse. Bagsak ang balikat nito dahil bigo siyang mahanap si Lucas. Alalang alala siya sa anak lalo na't may hika ito. "It's okay, mommy. I know Lucas will be alright. I know he's safe somewhere." Yakap ni Louven sa ina. "I hope so, baby. Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kakambal mo." Hindi na mapigilan ni Louise ang umiyak. Nabasa na ng luha niya ang balikat ng anak dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya. "Shh, don't cry, mommy, please. I'll cry, too, sige ka." Napangiti nalang si Louise dahil sa pagbabanta sa kaniya ng anak. "Ikaw talaga. Okay, mommy will not cry anymore." "Yehey!" Napatalon si Lucas dahil sa sinabi ng ina. Iginiya rin nito ang ina papunta sa kusina para ipaghanda ng pagkain. Tuwang tuwa naman si Louise habang pinapanood ang anak sa ginagawa nito. "Look mommy oh! Your favorite chicken adobo!" "Thank you, baby." "You're welcome, mommy." Yumakap si
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more
Kabanata 09
09."Where are we going, daddy?" Napalatak nalang sa sarili niyang noo si Johan nang yakapin siya ni Lucas sa leeg mula sa backseat ng sasakyan. Si Arthur naman ay kanina pa namimilipit sa kakatatawa simula ng makaalis sila sa villa. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na ganto, usually galit ito sa mga bata, dahil umano mahilig tumitig ang mga ito. Pero sa case ni Lucas? Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang naging maamong tupa na napapasunod nito. "To my office." "Where's your office? Malayo pa ba?" "Relax ka lang d'yan." Sagot niya rito tsaka sinagot ang tawag sa phone niya. "What? Why? Is that all? Alright." "Who's that, daddy?" Muling pangungulit ni Lucas."Ang kulit mo." Saway naman ni Johan sa anak. Sinamaan naman siya ng tingin ni Arthur mula sa rearview mirror, as if saying na, pabayaan nalang ito, total bata naman, tsaka ganun talaga ang mga bata."Parang hindi ka dumaan sa pagiging ganyan, a?" Nang-aasar na sabi ni Arthur sa kaibigan."Shut up, Art.""Daddy
last updateLast Updated : 2024-02-27
Read more
Kabanata 010
010."Hindi mo ba ako natatandaan, pa?" Lumuluhang sabi ni Louise sa ama. Hinawakan niya ito sa pisngi pero wala pa ring reaksiyon ang ama. "Ako po ang anak niyo. Si Louise po ito." Napayakap na sa leeg ng ama si Louise. "Nagbalik na po ako, kasama ko ang mga apo niyo. Gusto ko silang ipakilala sa inyo pero paano ko naman gagawin 'yun kung hindi niyo ako matandaan?" Biglang lumingon sa direksyon niya ang ama tsaka ngumiti ngunit mabilis ring nawala iyon nang makita ang luha mula sa mga mata ng anak. Inabot iyon ng ama tsaka pinahid gamit ang kaniyang daliri. Humihikbing hinawakan ni Louise ang kamay ng ama tsaka hinalikan iyon. "Sorry po kung hindi kaagad ako bumalik. Sorry kung nanganganib ngayon ang kompanya walang akong ginawa para tulungan kayo. Pero promise po gagawin ko ang lahat para maayos ito. Bubuhayin ko po ulit ang kompanyang pinaghirapan niyo ni lolo." "You're so beautiful, why are you crying?" Sambit ng ama. "You make me like home. Why do you feel so familiar?" "Da
last updateLast Updated : 2024-03-02
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status