08.Alas nuwebe nang gabi ng bumalik sa bahay si Louise kasama si Deesse. Bagsak ang balikat nito dahil bigo siyang mahanap si Lucas. Alalang alala siya sa anak lalo na't may hika ito. "It's okay, mommy. I know Lucas will be alright. I know he's safe somewhere." Yakap ni Louven sa ina. "I hope so, baby. Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kakambal mo." Hindi na mapigilan ni Louise ang umiyak. Nabasa na ng luha niya ang balikat ng anak dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya. "Shh, don't cry, mommy, please. I'll cry, too, sige ka." Napangiti nalang si Louise dahil sa pagbabanta sa kaniya ng anak. "Ikaw talaga. Okay, mommy will not cry anymore." "Yehey!" Napatalon si Lucas dahil sa sinabi ng ina. Iginiya rin nito ang ina papunta sa kusina para ipaghanda ng pagkain. Tuwang tuwa naman si Louise habang pinapanood ang anak sa ginagawa nito. "Look mommy oh! Your favorite chicken adobo!" "Thank you, baby." "You're welcome, mommy." Yumakap si
Last Updated : 2024-02-23 Read more