09."Where are we going, daddy?" Napalatak nalang sa sarili niyang noo si Johan nang yakapin siya ni Lucas sa leeg mula sa backseat ng sasakyan. Si Arthur naman ay kanina pa namimilipit sa kakatatawa simula ng makaalis sila sa villa. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na ganto, usually galit ito sa mga bata, dahil umano mahilig tumitig ang mga ito. Pero sa case ni Lucas? Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang naging maamong tupa na napapasunod nito. "To my office." "Where's your office? Malayo pa ba?" "Relax ka lang d'yan." Sagot niya rito tsaka sinagot ang tawag sa phone niya. "What? Why? Is that all? Alright." "Who's that, daddy?" Muling pangungulit ni Lucas."Ang kulit mo." Saway naman ni Johan sa anak. Sinamaan naman siya ng tingin ni Arthur mula sa rearview mirror, as if saying na, pabayaan nalang ito, total bata naman, tsaka ganun talaga ang mga bata."Parang hindi ka dumaan sa pagiging ganyan, a?" Nang-aasar na sabi ni Arthur sa kaibigan."Shut up, Art.""Daddy
010."Hindi mo ba ako natatandaan, pa?" Lumuluhang sabi ni Louise sa ama. Hinawakan niya ito sa pisngi pero wala pa ring reaksiyon ang ama. "Ako po ang anak niyo. Si Louise po ito." Napayakap na sa leeg ng ama si Louise. "Nagbalik na po ako, kasama ko ang mga apo niyo. Gusto ko silang ipakilala sa inyo pero paano ko naman gagawin 'yun kung hindi niyo ako matandaan?" Biglang lumingon sa direksyon niya ang ama tsaka ngumiti ngunit mabilis ring nawala iyon nang makita ang luha mula sa mga mata ng anak. Inabot iyon ng ama tsaka pinahid gamit ang kaniyang daliri. Humihikbing hinawakan ni Louise ang kamay ng ama tsaka hinalikan iyon. "Sorry po kung hindi kaagad ako bumalik. Sorry kung nanganganib ngayon ang kompanya walang akong ginawa para tulungan kayo. Pero promise po gagawin ko ang lahat para maayos ito. Bubuhayin ko po ulit ang kompanyang pinaghirapan niyo ni lolo." "You're so beautiful, why are you crying?" Sambit ng ama. "You make me like home. Why do you feel so familiar?" "Da
011.Nagising si Louise at ang una niyang nakita ay ang kaibigan niyang si Deesse. Nakadungaw sa harapan niya ang babae habang alalang-alala ito sa kaniya. "Louise! Mabuti nama't gising kana!" Bulalas ng babae. Kukurap kurap si Louise dahil hindi niya matandaan kung anong nangyari sa kaniya kanina."Anong nangyari? Bakit ako nandito?" Tanong niya nang mapagtantong nakahiga siya sa kama ng ospital. "Hinimatay ka kanina. Mabuti nalang ay may lalaking tumulong sayo." Sumbong ng kaibigan sabay nguso sa labas ng pinto. "Andyan siya sa labas." "Lalaki?" Bumangon si Louise pero napapitlag naman siya dahil sa biglang pagsakit ng ulo niya. Inanalayan naman siya ni Deesse tsaka pinainom ng tubig. "Sinong lalaki?" Nagkibit balikat si Deesse. "Hindi ko kilala. Pero gwapo at mayaman ang itsura. Maskulado, matangkad, moreno at mukhang kilala ka kasi naghihintay siya dyan sa labas." Nangunot ang noo ni Louise. Hindi niya alam kung sinong lalaki ang tinutukoy nito. Imposible namang ang dati n
012.Galit na galit si Johan dahil sa biglang pagkawala ni Arthur. Magkasama sila kahapon na lumabas ng ospital, nang bigla siyang pababain ng lalaki sa kotse dahil may biglaang bagay daw na kailangang gawin.Hindi naman siya nakapalag dahil hindi niya kotse 'yun kundi kay Arthur. Kaya ang nangyari ay kalahating oras siyang naghintay sa kalsada dahil hindi sumasagot sa tawag niya ang lintek niyang driver.At ngayon naman ay hindi niya mahagilap ang lalaki, hindi rin sumasagot sa mga tawag niya kaya masama ang mood niyang pumasok sa opisina."What the fuck! Ano 'to?! Basura ba 'to?!" Sa galit sa kaibigan ay basta niya nalang tinapon sa kung saan ang mga papeles sa table niya dahilan para magliparan ang iyon sa ere."Shit! That fool! Mr. L!" Tawag niya sa personal assistant na si Mr. L kaya mabilis lumapit sa kaniya ang lalaki. "Trace that fool! Remind him about the project na kailangan niyang asikasuhin with Rohan!" Biglang bumukas ang pinto ay pumasok ang secretary na si Georgette. N
013.Napabalikwas ng bangon si Arthur nang may kumalampag sa pinto ng condo niya. Sa antok ay galit siyang tumayo sa kama at pinagbuksan ang bwiset na bisita.Pagkabukas ng pinto ay isang malakas na suntok ang tumama sa kaniyang sikmura. Bumagsak siya sa sahig at walang pakialam siyang dinaanan ni Rohan."Sira ulo ka." Usal nito tsaka umupo sa pang-isahang couch."Shit! Anong problema mo?!""Tsk," ngumisi ang lalaki tsaka nilapit ang mukha sa kaniya. "I heard what you did with Elaine. Kinausap mo siya para kumbinsehing na wag i-pursue ang kasal." Biglang napahalakhak si Arthur sa sinabi ng kaibigan. Magkapatid nga sila ni Johan, nagiging irrational mag-isip kapag napapangunahan ng emosiyon.Naglakad papunta sa kwarto si Arthur at nagsuot ng pants. Nakaboxer lang kasi siya. Pagbalik niya ay umiinom na ng wine si Rohan habang komportableng naka-de quatro sa couch."So, nagsumbong sayo ang babaeng 'yun? Papakasalan mo ba talaga 'yun?""The hell you care, stay away with her." Tiim bagang
014."Waiter!" Masayang tawag ni Louise. Ngiting ngiti siya sa hindi malamang dahilan.Pagkalapit sa kaniya ng waiter ay siya ring pagpasok ni Johan sa restaurant at mabilis itong naglakad palapit sa kaniya matapos siyang pukulan ng masamang tingin."May I take your order, ma'am?"Hindi niya muna pinansin ang waiter. She waited for Johan to arrived. Nang makalapit ito ay bigla na lamang siyang natawa dahil sa ginawa nitong pagtakip sa kaniyang pagkalalaki nang dumako roon ang kaniyang mata. Nag-aalala marahil si Johan dahil baka masegundahan o baka talagang napuruhan?"Tumabingi ba?" Nang-aasar na tanong ni Louise habang nakatitig sa bagay na tinutukoy niya. Nanlaki naman ang mata ng waiter at napalunok ng laway dahil sa iniisip."I won't let you off for this." Sagot ni Johan tsaka tiningnan ng masama ang waiter na kaagad namang humingi ng paumanhin. Pagkaupo ay um-order siya ng white champagne na kaagad namang sumunod ng waiter."So, can we start our meeting?" Tanong ni Louise na iki
015."Where's your brother, Rohan? Bakit hindi mo na naman kasamang umuwi sa bahay si Johan?" Galit na tanong ni Victoria sa anak. Nakasuot ito ng kulay emerald na roba at nakaupo sa kulay gintong couch habang hawak sa isang kamay ang glass of wine.Napayuko si Rohan sa tanong ng ina. Habang ang ama naman nitong si Franco ay walang imik na nakaharap lang sa piano. Wala sa ayos ang suot nitong necktie at magulo rin ang buhok. Kahit may katandaan na dahil sa edad na kwarenta y dos anyos ay sobrang gwapo pa rin nito. Tila hindi nalipasan ng panahon ang taglay nitong alindog at kagwapuhan noong kabataan niya.Bumuntong hininga si Franco tsaka tumingala na tila hindi mapakali ang isip. Maya maya ay biglang kumunot ang noo nito at lumapit sa anak. He motioned his right hand at nang makita iyon ng isang bodyguard na nakatayo sa may pinto ay kaagad itong tumalima. Isang minuto lang pumasok na sa opisina si Richard, ang personal assistant ni Franco. "Find Johan. Bring him here no matter what
016."Saan ka galing?" Mahinahon ngunit mapanganib ang tono ng pananalita ni Victoria pagpasok ni Johan.Lumapit naman si Johan ina para gawaran ito ng halik sa pisngi ngunit isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa ina."Whatever you've been doing, Johan?! Alam mo ba kung gaano kalaking investment ang nawala sa kompanya dahil sa hindi mo pagsipot kay Alejandro at Rosario?!" "I make up for it, I promise." Nakayukong sagot ni Johan habang nakakuyom naman ang mga kamao niya.Napahawak sa noo niya si Victoria dahil sa pagsakit nyon.Imbes na mag-initiate ng panibagong usapan ay mas pinili nalang niyang pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang marinig sila ni Franco dahil tiyak niyang mas magkakagulo ang mag-aama kapag nagising ito."Get dressed. Pupunta tayo sa party.""Ayokong pumunta." "What?! Nasisiraan kana ba?! Alam mo ba kung gaano kagalit ang ama mo ngayon dahil sa ginawa mo?!" "Wala akong pakialam. Buhay ko 'to at ako ang magdedesisyon kung sinong babae ang pakakasalan ko.