Chasing Athena

Chasing Athena

last updateLast Updated : 2025-01-13
By:  AnakNiIbarraCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
90Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Athena Sandoval, ulila na sa magulang at tanging ang tiyahin na lamang nito ang kasama sa buhay. Maaga siyang nabuntis sa edad na labing-walong taong gulang sa isang lalaking nagngangalang Zachariah Elliott Montero. Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang bar nang makilala niya ang binata. Dahil sa sobrang kalasingan ng lalaki, huli nitong napagtanto na may nangyari sa kanila ng dalagang matagal na niyang sinusundan nang makita niya ito sa tabi niya kinabukasan. Nagbunga ang pangyayaring iyon ng isang munting anghel na nagpabago sa takbo ng buhay ni Athena. Sa paglipas ng mga taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ngunit hindi alam ni Athena na ang ama ng kan'yang anak ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo. Sasabihin ba niya ang tungkol sa kanilang anak o ililihim na lamang niya ito mula sa binata? Mapapatawad kaya niya si Zachariah kapag nalaman niya ang mabuting nagawa nito para sa kan'ya?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Valentine's Day

Parang ayokong bumangon dahil tinatamad akong pumasok sa school. Alas syete na ng umaga pero hindi pa 'ko nag-ayos. Ewan ko, basta tinatamad ako ngayon.

Second year high school pa lang ako pero katamaran na ang pinapairal ko. Hindi naman ako tamad mag-aral, mataas naman lagi ang mga scores ko sa quiz at exam, at lagi ring mataas ang scores ko sa mga recitations at projects. Pero minsan talaga umiiral ang pagiging tamad ko.

"Hays, kapagod," tanging naisambit ko at nagdesisyon ng bumangon mula sa higaan ko. Kinuha ko na rin ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Hays, ang ending papasok pa rin pala ako.

"Nak, Athena."

Boses 'yon ni tiya Rosa, kapatid ni mama na siyang bumuhay at nagpalaki sa'kin simula no'ng namatay ang kapatid niya, ang mama ko.

Maliligo na sana ako pero hindi na natuloy. Hawak ko na ang tabo na may lamang tubig nang marinig ko siyang pumasok sa kwarto ko. Ano kaya ang kailangan niya?

"Po, tiya? Nasa loob po ako ng banyo, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko mula rito sa loob. Narinig ko pa siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"May nagpadala ng bulaklak at tsokolate para sa'yo." Aniya na ikinagulat ko.

Bulaklak? Tsokolate? Kanino naman nanggaling? Eh, wala naman akong manliligaw o 'di kaya boyfriend.

"Ikaw ba ay may boypren na? Naku, Athena, baka biglang bumangon mula sa hukay ang mama mo kapag nalaman niyang may boypren ka na," dugtong pa ni tiya. Nagbiro pa talaga siya, baka magkatotoo 'yong sinabi niya. Huwag naman sana 'tsaka wala pa sa isip ko ang gan'yan.

"Tiya, wala akong boypren, alam mo naman na study first ako, 'di ba? 'Tsaka sigurado po ba kayo na pangalan ko ang nakalagay roon?" Tanong ko sabay baba sa hawak kong tabo.

"Oo, Athena Sandoval ang pangalan na nakalagay roon. Baka nakalimutan mo pa pangalan mo," tugon niya na ikinatawa ko. "Kahit na med'yo malabo na 'tong mata ko, 'e nakakakita pa rin ako ng maliliit na mga letra. Hindi ako nagkamali ng pagkabasa ro'n," dugtong niya.

"Oo na po, salamat tiya. Aalis na po ba kayo?" Pagsuko ko, hindi na 'ko kumontra kasi totoo naman 'yong sinabi niya.

"Oo, papasok na 'ko sa trabaho. Tingnan mo na lang doon sa baba pagkatapos mo riyan. Tapos kumain ka bago umalis. Aalis na 'ko, mag-iingat ka ha?"

"Opo, ikaw rin po tiya." At narinig ko na ang pagsarado ng pinto. Bigla akong napaisip, sino naman kaya ang magkakainteres na bigyan ako ng bulaklak at tsokolate? 'Di kaya, napagtripan na naman ako ng kung sino?

Dahil sa kuryusidad ko, wala pang sampung minuto ay tapos na 'kong maligo. Umaabot ng 20-30 minutes ang pagligo ko araw-araw pero ngayon ang bilis at dahil lang 'ata 'to sa bulaklak at tsokolate na pinadala ng hindi ko kilala.

Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na 'kong bumaba at nagtungo sa may sala. At doon ko nga nakita ang isang bouquet ng tulips at dalawang box ng tsokolate.

Diyos ko, ba't alam niya ang paborito kong bulaklak?

"To: Athena Sandoval, From: Mr. Z. This flowers symbolizes your sweetest and brightest smile the first time I saw you. I hope you like it, my Athena."

Napatulala ako pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa maliit na papel. Ewan ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. At ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko.

Mr. Z? Sino 'to? Kilala ko kaya siya?

***

Tulala ako habang naglalakad papasok ng school. Ganito ang naging epekto sa'kin pagkatapos kong basahin 'yong sulat. Hindi na ito mawala sa isip ko kahit ano pang gawin ko.

"Happy Valentine's Day, miss Rhea."

"Happy Valentine's Day, Zandra."

"Happy Valentine's Day, everyone."

Mga gano'ng kataga ang mga naririnig ko sa paligid. Sa totoo lang, ang sakit sa tenga pero hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

Valentine's Day nga naman, puro in love lahat pero may ilan na bitter at walang partner like me. Pero kahit gano'n, nagpapatuloy pa rin kami sa buhay.

"Hoy! Athena Sandoval."

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggagalingan ng boses. Boses ng kaibigan ko ang narinig ko. Loka talaga ang babaeng 'to, binanggit pa talaga ng buo ang pangalan ko.

Vanessa Agustin, kaibigan ko simula pagkabata hanggang ngayon.

"Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo naman ako pinapansin," aniya na may halong pagkainis ang boses. Umiling ako bilang sagot at napabuntong hininga na ipinagtaka niya.

"May kilala ba 'kong lalaki na nagsisimula sa letrang Z ang pangalan?" Tanong ko, 'di siya nakasagot agad pero napaisip siya dahil sa tanong ko.

"Sa pagkakaalam ko parang wala, bakit mo natanong? May nagpadala ba sa'yo ng sulat o 'di kaya death threat?" Sagot niya pero bigla ko siyang hinampas sa balikat dahil sa sinabi niya. Baliw talaga 'to, ewan ko ba ba't ko 'to naging kaibigan?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Oy, joke lang, 'di ka naman mabiro," habol nito sa'kin sabay akbay sa balikat ko. "Ano ba 'yon? Ba't mo natanong?" Kuryusong tanong niya.

"May nagpadala ng bulaklak at tsokolate sa'kin kanina galing sa isang lalaki na hindi ko naman kilala," tugon ko na ikinatigil niya sa paghakbang.

"Kanino naman galing?" Gulat na tanong niya.

"Ewan ko nga rin eh, Mr. Z lang 'yong nakalagay sa sulat," sagot ko.

"Sigurado ka ba na para sa'yo talaga 'yong bulaklak at tsokolate na natanggap mo?"

"May iba pa bang Athena Sandoval sa lugar natin? 'Di ba, ako lang naman?"

"Oo nga naman, tama ka," sang-ayon niya. Hays, baliw talaga ang babaeng 'to. "Pero sino naman kaya 'yan? Eh, may nagpapakilala naman sa'yong mga lalaki pero sa pagkakatanda ko wala pa 'kong nakilala na nagsisimula sa letrang Z ang pangalan. 'Di kaya, schoolmates natin o galing sa ibang school?" Dugtong pa niya.

"Malabong mangyari 'yon pero hayaan mo na lang, makikilala ko rin siya," sagot ko at pumunta na kaming dalawa sa classroom namin.

Pagkapasok namin sa loob, busy ang lahat, may kan'ya-kan'yang ginagawa para sa event mamaya at 'yong iba naman kinikilig dahil sa mga natanggap nilang bulaklak at tsokolate. Napailing na lang ako at naglakad papunta sa table ko.

"Oh? Kanino naman 'to nanggaling?"

Diyos ko, another bulaklak na naman.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Genevieve Missouri
Good job, po! Napakagaling
2025-02-20 11:24:14
0
user avatar
HaveYouSeenThisBoy
ganda .. next po author
2023-12-14 17:13:51
0
90 Chapters
Chapter 1: Valentine's Day
Parang ayokong bumangon dahil tinatamad akong pumasok sa school. Alas syete na ng umaga pero hindi pa 'ko nag-ayos. Ewan ko, basta tinatamad ako ngayon.Second year high school pa lang ako pero katamaran na ang pinapairal ko. Hindi naman ako tamad mag-aral, mataas naman lagi ang mga scores ko sa quiz at exam, at lagi ring mataas ang scores ko sa mga recitations at projects. Pero minsan talaga umiiral ang pagiging tamad ko."Hays, kapagod," tanging naisambit ko at nagdesisyon ng bumangon mula sa higaan ko. Kinuha ko na rin ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo para maligo.Hays, ang ending papasok pa rin pala ako."Nak, Athena."Boses 'yon ni tiya Rosa, kapatid ni mama na siyang bumuhay at nagpalaki sa'kin simula no'ng namatay ang kapatid niya, ang mama ko.Maliligo na sana ako pero hindi na natuloy. Hawak ko na ang tabo na may lamang tubig nang marinig ko siyang pumasok sa kwarto ko. Ano kaya ang kailangan niya?"Po, tiya? Nasa loob po ako ng banyo, may kailangan po ba kayo?" Tanong k
last updateLast Updated : 2023-12-03
Read more
Chapter 2: Secret Admirer
Gulat na napatingin ako sa hawak kong isang puting rosas na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng ganito ngayong araw. Kasi iniisip ko na walang maglalakas loob na magbibigay sa'kin ng ganito pero nagkakamali ako.Iisang tao lang kaya ang nagbigay nito o hindi?"Oh? Kanino na naman 'yan galing?" Gulat na tanong ni Vanessa nang makarating siya sa tabi ko. Walang kasamang sulat kaya hindi ko malalaman kung kanino 'to galing."Ewan ko," maikling sagot ko. Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki, wala naman akong napansing kakaiba mula sa kanila kaya paniguradong wala ni isa sa kanila ang nag-iwan nito rito."Sandra .." Tawag ko sa isa kong classmate. Lumingon naman ito agad at lumapit sa'kin."Bakit Thena? May kailangan ka?" Tanong nito bago ngumiti sa akin."Nakita mo ba kung sino ang naglagay nito rito sa mesa ko?" Napatingin siya sa hawak kong bulaklak at kaagad na napaisip. Sana nakita niya para makilala ko kung sino."Ahh 'yan, may nagpapabigay
last updateLast Updated : 2023-12-03
Read more
Chapter 3: Mr. VIP
"Hoy, Athena!"Nagising ako sa reyalidad dahil sa ginawa ni Vanessa. Loka talaga 'tong kaibigan ko. Sa tuwing may iniisip ako lagi niya na lang sinisira."O bakit? Nag-iisip ako rito 'e, ikaw talaga epal ka minsan," inis na sambit ko pero tinawanan niya lang ako."Sorry bespren, ang layo kasi ng tingin mo. Ano ba kasi 'yan? Iniisip mo na naman ba secret admirer mo? Diyos ko kalimutan mo na 'yon, first year college na tayo pero hindi pa rin nagpapakilala sa'yo," aniya at nilapag ang isang cup ng kape sa harapan ko.Hays, tama nga naman siya, college na kami pero hindi ko pa rin nakikilala 'yong unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung ang lalaking nakilala ko 3 years ago ay siya na 'yong secret admirer ko.After nung nangyari sa pagitan naming dalawa, never ko na siyang nakita ulit at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli sa kan'ya 'yong damit na pinahiram niya sa'kin. Ewan ko nga kung nasa'n na siya ngayon pero sa pagkakaalam ko pumunta raw siya ng
last updateLast Updated : 2023-12-08
Read more
Chapter 4: Room 614
Mabuti na lang nakaalis na 'ko ro'n. Nakakawalan ng hininga doon sa VIP room dahil sa mga kaibigan ni boss Yael lalo na kay Mr. VIP. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Thomas. Ano naman kaya ang ibig sabihin niyon?'Yong titig ni Mr. VIP sa'kin kanina parang may something, hindi naman sa nag-a-assume ako pero gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ang mga titig niya na parang abot hanggang kaluluwa ko. 'Yong parang bawat galaw ng ibang parte ng katawan ko inoobserbahan niya. Hindi nakakabastos tingnan pero nakapagtataka. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa'kin?Hays, napainom tuloy ako ng tatlong baso ng tequila dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon."Athena."Limang minuto pa lang ako na nakaupo sa bar counter pero narinig ko na naman ang boses ni boss Yael. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin? Ayoko nang bumalik doon sa VIP room, baka gisahin ako ulit ng mga kaibigan niya."Po? Boss Yael, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko at napilitan
last updateLast Updated : 2023-12-08
Read more
Chapter 5: One Night Stand
WARNING! SPG SCENES!Wala na rin akong nagawa kundi ang manatili rito. Sa totoo lang gusto ko nang umalis dahil nakakaramdam na ako ng kakaibang enerhiya rito dumagdag pa na nahihilo na 'ko. Pero ayaw niya 'kong paalisin kahit ilang beses na 'kong nagpumilit sa kan'ya.Hindi talaga tama 'tong naging desisyon ko na ihatid siya. Sana talaga iniwan ko na lang siya ro'n sa baba at ang guard na ang bahala sa kan'ya. Pero kakainin ako ng konsensiya kapag may nangyaring masama sa kan'ya.Naglakad siya papunta sa kwarto niya, sinundan ko na lang siya ng tingin habang nakaupo ako rito sa sofa. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na siya sa loob na hindi man lang natutumba.Chance ko na para makaalis.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto pero nakailang hakbang pa lang ako ay bigla akong nakarinig ng lagapok sa loob ng kwarto niya.Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang inis habang naglalakad papunta sa kwarto niya.Kapag minamalas ka nga naman, Athena.Napa-sign of the cross pa
last updateLast Updated : 2023-12-09
Read more
Chapter 6: Painful Regrets
"Agh!" Da*ng ko habang nakahawak sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtanto na nasa isang condo ako.Kaninong condo 'to?Ano ang nangyari? Ba't napunta ako rito?"A-aray!" Muling da*ng ko nang maramdaman ang sakit sa pang ibaba ko. At dahil dito unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi."Diyos ko po," tanging naisambit ko bago napatakip ng bibig.Bigla akong nanlumo nang maalala ko lahat ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipagtalik sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala."Bakit ko nagawa 'yon?" Tanong ko sa sarili at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Napatakip ako ng mukha at humagulgol ng malakas.Hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'yon. Hindi ko lubos akalain na hahantong kami sa gano'ng bagay. Hindi ako gano'ng babae, na papatol na lang agad sa lalaking hindi ko pa kilala ng husto.Bakit k
last updateLast Updated : 2023-12-16
Read more
Chapter 7: Rumors
Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng may nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. At mag-iisang linggo na rin akong pinagtsitsismisan ng mga tao rito sa amin. Mga tsismis na hindi naman totoo pero nakakasira ng pagkatao.Dahil sa pangyayaring 'yon, akala ng lahat nagtatrabaho ako sa bar para ibenta ang katawan ko, sa madaling salita p*okpok. Ewan ko kung bakit humantong sa gano'n. Tanging si tiya Rosa at Vanessa lang ang sinabihan ko pero paanong umabot sa buong barangay namin? Wala namang pinagsabihan si tiya Rosa o maging si Vanessa pero nagkalat ang gano'ng tsismis."Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni tiya Rosa nang makita ako nitong pababa ng hagdan mula sa kwarto ko."Gano'n pa rin po, tiya, pero ayos lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin," tugon koKakagising ko lang dahil sa masama ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung bakit pero sa tingin ko dahil lang 'to sa pagod at puyat."Mabuti naman kung gano'n pero mamaya 'wag ka munang uminom ng gamot,
last updateLast Updated : 2023-12-19
Read more
Chapter 8: Scandal
"Sigurado ka na kaya mo nang pumasok?" Tanong ni tiya Rosa nang makababa na 'ko mula sa kwarto."Opo tiya Rosa, maayos naman na po ang pakiramdam ko kaya huwag na po kayong mag-alala sa'kin," sagot ko."O siya sige basta mag-iingat ka. Kapag sumama ulit ang pakiramdam mo, tawagan mo lang ako," nag-aalala na sambit nito at niyakap ako ng mahigpit."Opo, sige po tiya aalis na po ako." Paalam ko sa kan'ya at umalis na rin ako ng bahay.Papasok na 'ko sa school, ilang araw na kasi akong absent kaya kailangan ko nang pumasok. Madami na rin kasi akong na missed na mga activities at quizzes. Kaya kahit med'yo nahihilo at mabigat pa ang katawan ko pumasok na lang ako para makabawi man lang. Wala na rin naman kasi akong ibang choice kundi ang pumasok kahit na ayoko pa."ATHENAAA!"Nagulat ako kay Vanessa nang salubungin ako nito. Ang lakas ng sigaw niya na halos lahat ng estudyante rito sa may entrance napatingin sa kan'ya. Hindi maipinta ang mukha niya, parang problemado na ano, basta hindi k
last updateLast Updated : 2023-12-20
Read more
Chapter 9: Mistake
"Thank you," naisambit ko habang nakatingin sa malayo.Nahihiya akong tumingin sa kan'ya, ewan ko ba kung bakit pero siguro sa kadahilanang ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng tatlong taon.Nandito kaming dalawa ngayon sa taas ng stage malapit sa field. Nawalan na 'ko nang ganang pumasok sa klase dahil sa mga nangyari kanina. Nasa kalagitnaan na rin naman ng second period at maya-maya uwian na rin. Hihintayin ko na lang na matapos ang klase bago ako umuwi sa bahay."Are you okay?" Tanong niya, kaagad ko siyang nilingon at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.Nag-aalala siya, nakikita ko sa mga mata niya pero .. bakit?"Probably you're not, it's written on your face," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at pinipigilan ang sarili na huwag umiyak."I saw that post circulating in the social media that's why every students here in campus were talking and badmouthing about you."Nakita niya na rin pala 'yon, sabagay nagkalat na 'yon sa social media
last updateLast Updated : 2023-12-23
Read more
Chapter 10: Being Pregnant
Kaagad akong bumaba ng hagdan at napayakap ng mahigpit kay tiya Rosa. Parang bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya.Dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman ko, nakalimutan kong may munting supling na nasa loob ng tiyan ko."P-Patawad tiya .. hi-hindi ko po sinasad'ya," umiiyak na sambit ko.Ang sama ng ginawa ko. Hindi ko man lang naisip na may bata sa loob ng tiyan ko at magiging ina na 'ko. Wala siyang kasalanan dito pero dinamay ko siya sa lungkot at galit ko. Lubos kong pinagsisihan ang ginawa ko ngayon."Heto, uminom ka muna ng tubig." At inabot ni tiya Rosa ang isang basong tubig sa akin. Tinanggap ko naman ito agad at ininom.Bigla akong napahawak sa tiyan ko at napaisip.Kapit ka lang d'yan baby, hindi na gagawa ulit ng isang pagkakamali si mama para saktan ka."Ayos ka lang ba?" Malungkot na tanong ni tiya Rosa at hinawakan nito ang dalawang kamay ko.Maliit akong ngumiti at tumango bilang sagot sa kanya. "Opo, ayos lang ako. Pasensiya po sa ginawa ko, hindi ko na po uu
last updateLast Updated : 2023-12-25
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status