Home / Romance / Chasing Athena / Chapter 2: Secret Admirer

Share

Chapter 2: Secret Admirer

Author: AnakNiIbarra
last update Huling Na-update: 2023-12-03 22:49:56

Gulat na napatingin ako sa hawak kong isang puting rosas na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng ganito ngayong araw. Kasi iniisip ko na walang maglalakas loob na magbibigay sa'kin ng ganito pero nagkakamali ako.

Iisang tao lang kaya ang nagbigay nito o hindi?

"Oh? Kanino na naman 'yan galing?" Gulat na tanong ni Vanessa nang makarating siya sa tabi ko. Walang kasamang sulat kaya hindi ko malalaman kung kanino 'to galing.

"Ewan ko," maikling sagot ko. Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki, wala naman akong napansing kakaiba mula sa kanila kaya paniguradong wala ni isa sa kanila ang nag-iwan nito rito.

"Sandra .." Tawag ko sa isa kong classmate. Lumingon naman ito agad at lumapit sa'kin.

"Bakit Thena? May kailangan ka?" Tanong nito bago ngumiti sa akin.

"Nakita mo ba kung sino ang naglagay nito rito sa mesa ko?" Napatingin siya sa hawak kong bulaklak at kaagad na napaisip. Sana nakita niya para makilala ko kung sino.

"Ahh 'yan, may nagpapabigay sa'yo niyan kanina kaso hindi ka pa naman nakarating dito kaya iniwan niya na lang d'yan after n'on umalis na siya," tugon niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Vanessa, hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya. Sino naman kaya 'yon?

"Nakilala mo ba kung sino?" Tanong ni Vanessa pero umiling bilang sagot si Sandra. Parang bigla akong nanlumo dahil sa sagot niya. Akala ko pa naman malalaman ko na kung sino.

"Pero kasama niyang pumunta rito 'yong varsity player na si Adrian. Sa tingin ko nga magkaibigan sila."

Adrian Chua, ang varsity player for 2 consecutive years at team captain ng Red Eagle, at long time crush nitong kaibigan ko. Biglang nagningning ang mga mata niya nung narinig niya ang pangalan ni Adrian. Hays, in love na siguro 'to.

Pero hindi ko kilala ang mga kaibigan ni Adrian at sa pagkakaalam ko lang nasa 3rd year high school na sila. Parang bigla akong naguluhan na hindi naman dapat.

"Ang pogi n'on, Thena, mas pogi pa kay Adrian," wika ni Sandra na ikinabusangot ng pagmumukha ni Vanessa.

"Sige, salamat Sandra," sagot ko at umalis na rin siya.

"Mas pogi pa raw kay Adrian, 'e siya lang naman ang pogi rito sa school," masungit na sambit ng kaibigan ko. Natawa na lang ako dahil sa reaksiyon niya. Si Adrian lang talaga ang pogi sa mga mata niya kahit na madami pang mas gwapo rito sa school bukod sa crush niya.

"Pero sino naman kaya sa mga kaibigan ni Adrian? Crush ko nga siya pero hindi ko alam ang pangalan ng mga kaibigan niya. Kasi 'di ba minsan lang din natin sila nakikita rito sa school? Ang lawak ba naman ng school natin."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nalaman ko. Hays, dumagdag pa 'yan sa mga iniisip ko. Bakit kasi nauso 'yang Valentine's Day na 'yan? Nananahimik ako rito 'e tapos may nanggugulo pa. Ang pangit na nga ng gising ko mas lalo pang pumangit dahil sa mga nangyari ngayong araw.

Lord, 'wag naman sana na buong araw mag-iisip ako dahil lang sa mga natanggap ko. Na appreciate ko naman pero bakit pinapahirapan pa niya 'ko na kilalanin siya? Hindi naman ako manghuhula, 'e.

"Anong plano mo? Kilalanin ba natin sila isa-isa o magpapa-search for Mr. Z na 'ko?" Aniya, med'yo natawa ako at kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko.

"Hayaan na lang natin, magpapakilala rin 'yon. Tara sa canteen, nagugutom ako."

Bahala na, kung ayaw niyang magpakilala ng maayos, edi 'wag, hindi ko pipilitin tutal 'yan naman ang gusto niya. Pero kahit papa'no napasaya niya naman ako ngayong Valentine's Day.

***

"Nagutom ka naman 'ata sa kakaisip kung sino si Secret admirer mo? Nakadalawang siopao ka na at isang box ng cookies," wika ni Vanessa. Naitapon ko tuloy sa kan'ya ang tissue na hawak ko pero tinawanan niya lang ako.

"Hayaan mo na lang ako, 'e sa nagutom ako, alangan naman pigilan ko ang sarili ko na kumain," tugon ko bago uminom ng tubig. Hays, naiistress ako, ewan ko ba kung bakit?

"Tama ba ang pagkakarinig ko? Secret admirer? You? Magkakaroon nun, imposible."

Hindi na 'ko lumingon, sa boses pa lang alam ko na kung sino siya. Ang isa sa pinakakontrabida at mald*ta rito sa school. Lauren Estrella, ang isa sa mga nagpapahiya at sumisira ng buhay at pagkatao ko.

"Hoy! Tumigil ka nga, Lauren. Ikaw talaga nakikisali ka sa usapan ng may usapan. Maghanap ka nga ng kausap mo. Napaghahalataan talaga na tsismosa ka," galit na sambit ng kaibigan ko. Bigla siyang tumayo kaya tumayo na rin ako para pigilan siya.

"Why? Is it true naman, ah. Sino ang magkakagusto sa kan'ya? Huwag ka ngang assuming, Athena, hindi bagay sa'yo," nandidiri ngunit masungit na wika ni Lauren.

Hindi ako nakasagot kasi tama naman siya. Sino ang magkakagusto sa isang mahirap at panget na kagaya ko? Wala, kaya nga nakapagtataka kung bakit may nagpapadala at nagbibigay sa'kin ng bulaklak.

"FYI, mas maganda pa sa'yo ang kaibigan ko. While ikaw, sa ugali ka na nga lang babawi, kinulang ka pa," masungit na sambit ni Vanessa na ikinagalit ni Lauren. At bigla na lang siyang sumugod pero napigilan siya ng mga kaibigan niya.

Napatingin na sa amin ang lahat at naging maingay na rin ang paligid. Sa totoo lang nahihiya na 'ko at gusto ko nang lumabas para umiyak pero ayokong iwan ng mag-isa rito ang kaibigan ko.

"Oh ano? Magsasalita ka pa?!" Galit na sigaw ng kaibigan ko. Hindi sumagot si Lauren sa halip ay dinampot niya ang isang baso ng juice sa mesa at tinapon sa amin. Pero bago pa man matapunan ang kaibigan ko ay kaagad akong pumunta sa harapan niya.

Nagulat ang lahat at biglang naging tahimik ang paligid dahil sa ginawa ko lalo na ang kaibigan ko. Hindi ako nagsisi, ayoko lang talaga na madamay si Vanessa sa galit ni Lauren.

"Ikaw, bruha ka talaga!" Galit na sigaw ni Vanessa pero bago pa man siya sumugod kay Lauren ay napigilan ko siya sa braso.

"Van, tama na! Hayaan mo na lang, tara na." At kaagad na 'kong lumabas ng canteen bago pa tumulo ang mga luha ko.

Para akong basang sisiw at wala na 'kong pakialam kung ano man ang isipin ng mga nakakita sa'kin.

"Tsk! Ba't nagsuot pa 'ko ng kulay puti na damit? Hays, namantyahan pa tuloy," reklamo ko habang pinupunasan ng towel ang damit ko.

Nandito ako ngayon malapit sa garden ng school. Dito ko naisipang pumunta pagkatapos ng nangyari do'n sa canteen. Ewan ko kung nasaan si Vanessa pero sa tingin ko hinahanap niya na 'ko ngayon.

"Mas importante pa pala sa'yo ang suot mong damit kaysa sa kalusugan mo?"

Napatingin ako sa kung sino man ang nagsalita. Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko na siya.

Lord, ang gwapo niya.

"Here, magpalit ka nang damit bago ka pa magkasipon," aniya sabay abot ng black na t-shirt. Napatingin lang ako sa hawak niya lalo na sa kan'ya.

"Tanggapin mo na, hindi ko pa 'yan nagagamit," wika niya bago ngumiti sa akin.

Diyos ko mas lalo siyang pumogi nang ngumiti na siya.

"Salamat dito sa damit," sagot ko matapos kong tanggapin ang inabot niya.

"You're welcome, by the way I'm Zander."

Bigla akong natameme sa kan'ya.

Zander? Letter Z?

Siya na kaya ang secret admirer ko?

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Athena   Chapter 3: Mr. VIP

    "Hoy, Athena!"Nagising ako sa reyalidad dahil sa ginawa ni Vanessa. Loka talaga 'tong kaibigan ko. Sa tuwing may iniisip ako lagi niya na lang sinisira."O bakit? Nag-iisip ako rito 'e, ikaw talaga epal ka minsan," inis na sambit ko pero tinawanan niya lang ako."Sorry bespren, ang layo kasi ng tingin mo. Ano ba kasi 'yan? Iniisip mo na naman ba secret admirer mo? Diyos ko kalimutan mo na 'yon, first year college na tayo pero hindi pa rin nagpapakilala sa'yo," aniya at nilapag ang isang cup ng kape sa harapan ko.Hays, tama nga naman siya, college na kami pero hindi ko pa rin nakikilala 'yong unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung ang lalaking nakilala ko 3 years ago ay siya na 'yong secret admirer ko.After nung nangyari sa pagitan naming dalawa, never ko na siyang nakita ulit at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli sa kan'ya 'yong damit na pinahiram niya sa'kin. Ewan ko nga kung nasa'n na siya ngayon pero sa pagkakaalam ko pumunta raw siya ng

    Huling Na-update : 2023-12-08
  • Chasing Athena   Chapter 4: Room 614

    Mabuti na lang nakaalis na 'ko ro'n. Nakakawalan ng hininga doon sa VIP room dahil sa mga kaibigan ni boss Yael lalo na kay Mr. VIP. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Thomas. Ano naman kaya ang ibig sabihin niyon?'Yong titig ni Mr. VIP sa'kin kanina parang may something, hindi naman sa nag-a-assume ako pero gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ang mga titig niya na parang abot hanggang kaluluwa ko. 'Yong parang bawat galaw ng ibang parte ng katawan ko inoobserbahan niya. Hindi nakakabastos tingnan pero nakapagtataka. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa'kin?Hays, napainom tuloy ako ng tatlong baso ng tequila dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon."Athena."Limang minuto pa lang ako na nakaupo sa bar counter pero narinig ko na naman ang boses ni boss Yael. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin? Ayoko nang bumalik doon sa VIP room, baka gisahin ako ulit ng mga kaibigan niya."Po? Boss Yael, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko at napilitan

    Huling Na-update : 2023-12-08
  • Chasing Athena   Chapter 5: One Night Stand

    WARNING! SPG SCENES!Wala na rin akong nagawa kundi ang manatili rito. Sa totoo lang gusto ko nang umalis dahil nakakaramdam na ako ng kakaibang enerhiya rito dumagdag pa na nahihilo na 'ko. Pero ayaw niya 'kong paalisin kahit ilang beses na 'kong nagpumilit sa kan'ya.Hindi talaga tama 'tong naging desisyon ko na ihatid siya. Sana talaga iniwan ko na lang siya ro'n sa baba at ang guard na ang bahala sa kan'ya. Pero kakainin ako ng konsensiya kapag may nangyaring masama sa kan'ya.Naglakad siya papunta sa kwarto niya, sinundan ko na lang siya ng tingin habang nakaupo ako rito sa sofa. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na siya sa loob na hindi man lang natutumba.Chance ko na para makaalis.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto pero nakailang hakbang pa lang ako ay bigla akong nakarinig ng lagapok sa loob ng kwarto niya.Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang inis habang naglalakad papunta sa kwarto niya.Kapag minamalas ka nga naman, Athena.Napa-sign of the cross pa

    Huling Na-update : 2023-12-09
  • Chasing Athena   Chapter 6: Painful Regrets

    "Agh!" Da*ng ko habang nakahawak sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtanto na nasa isang condo ako.Kaninong condo 'to?Ano ang nangyari? Ba't napunta ako rito?"A-aray!" Muling da*ng ko nang maramdaman ang sakit sa pang ibaba ko. At dahil dito unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi."Diyos ko po," tanging naisambit ko bago napatakip ng bibig.Bigla akong nanlumo nang maalala ko lahat ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipagtalik sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala."Bakit ko nagawa 'yon?" Tanong ko sa sarili at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Napatakip ako ng mukha at humagulgol ng malakas.Hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'yon. Hindi ko lubos akalain na hahantong kami sa gano'ng bagay. Hindi ako gano'ng babae, na papatol na lang agad sa lalaking hindi ko pa kilala ng husto.Bakit k

    Huling Na-update : 2023-12-16
  • Chasing Athena   Chapter 7: Rumors

    Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng may nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. At mag-iisang linggo na rin akong pinagtsitsismisan ng mga tao rito sa amin. Mga tsismis na hindi naman totoo pero nakakasira ng pagkatao.Dahil sa pangyayaring 'yon, akala ng lahat nagtatrabaho ako sa bar para ibenta ang katawan ko, sa madaling salita p*okpok. Ewan ko kung bakit humantong sa gano'n. Tanging si tiya Rosa at Vanessa lang ang sinabihan ko pero paanong umabot sa buong barangay namin? Wala namang pinagsabihan si tiya Rosa o maging si Vanessa pero nagkalat ang gano'ng tsismis."Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni tiya Rosa nang makita ako nitong pababa ng hagdan mula sa kwarto ko."Gano'n pa rin po, tiya, pero ayos lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin," tugon koKakagising ko lang dahil sa masama ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung bakit pero sa tingin ko dahil lang 'to sa pagod at puyat."Mabuti naman kung gano'n pero mamaya 'wag ka munang uminom ng gamot,

    Huling Na-update : 2023-12-19
  • Chasing Athena   Chapter 8: Scandal

    "Sigurado ka na kaya mo nang pumasok?" Tanong ni tiya Rosa nang makababa na 'ko mula sa kwarto."Opo tiya Rosa, maayos naman na po ang pakiramdam ko kaya huwag na po kayong mag-alala sa'kin," sagot ko."O siya sige basta mag-iingat ka. Kapag sumama ulit ang pakiramdam mo, tawagan mo lang ako," nag-aalala na sambit nito at niyakap ako ng mahigpit."Opo, sige po tiya aalis na po ako." Paalam ko sa kan'ya at umalis na rin ako ng bahay.Papasok na 'ko sa school, ilang araw na kasi akong absent kaya kailangan ko nang pumasok. Madami na rin kasi akong na missed na mga activities at quizzes. Kaya kahit med'yo nahihilo at mabigat pa ang katawan ko pumasok na lang ako para makabawi man lang. Wala na rin naman kasi akong ibang choice kundi ang pumasok kahit na ayoko pa."ATHENAAA!"Nagulat ako kay Vanessa nang salubungin ako nito. Ang lakas ng sigaw niya na halos lahat ng estudyante rito sa may entrance napatingin sa kan'ya. Hindi maipinta ang mukha niya, parang problemado na ano, basta hindi k

    Huling Na-update : 2023-12-20
  • Chasing Athena   Chapter 9: Mistake

    "Thank you," naisambit ko habang nakatingin sa malayo.Nahihiya akong tumingin sa kan'ya, ewan ko ba kung bakit pero siguro sa kadahilanang ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng tatlong taon.Nandito kaming dalawa ngayon sa taas ng stage malapit sa field. Nawalan na 'ko nang ganang pumasok sa klase dahil sa mga nangyari kanina. Nasa kalagitnaan na rin naman ng second period at maya-maya uwian na rin. Hihintayin ko na lang na matapos ang klase bago ako umuwi sa bahay."Are you okay?" Tanong niya, kaagad ko siyang nilingon at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.Nag-aalala siya, nakikita ko sa mga mata niya pero .. bakit?"Probably you're not, it's written on your face," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at pinipigilan ang sarili na huwag umiyak."I saw that post circulating in the social media that's why every students here in campus were talking and badmouthing about you."Nakita niya na rin pala 'yon, sabagay nagkalat na 'yon sa social media

    Huling Na-update : 2023-12-23
  • Chasing Athena   Chapter 10: Being Pregnant

    Kaagad akong bumaba ng hagdan at napayakap ng mahigpit kay tiya Rosa. Parang bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya.Dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman ko, nakalimutan kong may munting supling na nasa loob ng tiyan ko."P-Patawad tiya .. hi-hindi ko po sinasad'ya," umiiyak na sambit ko.Ang sama ng ginawa ko. Hindi ko man lang naisip na may bata sa loob ng tiyan ko at magiging ina na 'ko. Wala siyang kasalanan dito pero dinamay ko siya sa lungkot at galit ko. Lubos kong pinagsisihan ang ginawa ko ngayon."Heto, uminom ka muna ng tubig." At inabot ni tiya Rosa ang isang basong tubig sa akin. Tinanggap ko naman ito agad at ininom.Bigla akong napahawak sa tiyan ko at napaisip.Kapit ka lang d'yan baby, hindi na gagawa ulit ng isang pagkakamali si mama para saktan ka."Ayos ka lang ba?" Malungkot na tanong ni tiya Rosa at hinawakan nito ang dalawang kamay ko.Maliit akong ngumiti at tumango bilang sagot sa kanya. "Opo, ayos lang ako. Pasensiya po sa ginawa ko, hindi ko na po uu

    Huling Na-update : 2023-12-25

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Athena   Chapter 86: Turning the Page

    Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin

  • Chasing Athena   Chapter 85: Caught Between Hope and Uncertainty

    "Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun

  • Chasing Athena   Chapter 84: A Heart Laid Bare

    "I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako

  • Chasing Athena   Chapter 83: A Heart's Confession

    “Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind

  • Chasing Athena   Chapter 82: Truths That Bind

    “Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita

  • Chasing Athena   Chapter 81: When Trust Breaks

    Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi niya, pero nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. At kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.Bakit hindi sinabi sa'kin ni Zach o ni Yael ang tungkol do'n? Bakit bigla rin silang natahimik dahil sa sinabi ni Lauren? Ibig sabihin ba niyon, totoo ang sinabi niya?Putangina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ng boss mo na ihatid si Ellie? Well, in the first place hindi naman tama na ikaw ang maghatid sa kaniya since babae ka."Bakit hindi ko naisip 'yan noon? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na ihatid siya? Bakit hindi ako humindi sa utos ng boss ko?"Because everything was already planned, Athena! You were the one Ellie’s friends fancied, so they chose you as a gift for him. At ang may pakana nang lahat ng 'yon ay walang iba kundi si Yael!" Galit na sigaw ni Lauren sabay lingon sa direksyon ni Yael.Napatingin ako sa direksyon niya at ni Zach. Wal

  • Chasing Athena   Chapter 80: Fragments of the Truth

    “Saan ka nanggaling?” Tanong ko habang nilalagyan niya ng panibagong benda ang paa ko.“Bumili lang ako ng gamot at prutas para sa’yo. I wasn't able to tell you because of what happened earlier," tugon niya bago tumingin sa akin.Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko kasi umalis siya dahil nagalit siya sa sinabi ko sa kaniya kanina, pero hindi naman pala. Sa kabila nang nangyari, ako pa rin ang iniisip niya. Pinagsisihan ko tuloy ang mga naging asal ko sa kaniya kanina.“I’m sorry, Athena,” aniya na ikinagulat ko.Bakit siya nag-so-sorry sa’kin? Ako ‘tong may kasalanan at hindi siya."I'm sorry for leaving you here, and I'm sorry if I’ve been too hard on you. I just want to make sure nothing bad happens to you. But please don’t ever think that I don’t care about you, because I always do, Athena,” sensirong sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.Hindi ako nakasagot sa halip nakipagtitigan lang din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero ang gusto

  • Chasing Athena   Chapter 79: The More I Look, The More I Break

    “Nahanap niyo ba siya?” Tanong ko kay Paula at Trixie na kararating lang galing sa isang bar dito sa resort. Ngunit umiling silang dalawa bilang sagot dahilan para mas lalo akong nalungkot.Napatakip ako ng mukha at napabuntong hininga nang malalim. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Mukhang halos ‘ata ng shops, bars, at sa kahit na alin mang sulok nitong resort ay napuntahan na namin. Pero hindi pa rin namin siya nahanap.“Na check niyo ba sa villa na tinutuluyan niya?” Tanong ni Maurice habang nakahawak sa baywang niya, at halatang stress na rin sa paghahanap.“Doon na ‘ko nanggaling pero wala siya ro’n,” sagot ko at tuluyan ng napaupo sa buhangin.Saan ka ba nagpunta, Zach? Kung saan-saan na kita hinanap.Balak ko siyang kausapin, at humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nagpatulong na ‘ko kina Maurice na hanapin siya pero hindi pa rin namin siya nahanap. Imposible naman na umuwi ‘yon, at iwan ako rito. Sa tingin ko naman hindi niya magagawa ‘yon kahit n

  • Chasing Athena   Chapter 78: Words That Cut Deeper

    “Okay ka lang ba?” Tanong ni Maurice nang makaupo siya sa tabi ko. Tumango na lamang ako bilang sagot at muling napatingin sa papalubog na araw.Nandito ako ngayon sa dalampasigan kasama siya. Pinuntahan niya ‘ko ro’n sa villa para sunduin. Ayaw niya raw kasi na hindi ko ma-enjoy ang pag-stay namin dito sa resort. Kaya sumama na lang ako sa kaniya at siya na rin ang umalalay sa akin papunta rito.“Parang hindi naman,” aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.“Pa’no mo nasabi? Okay lang ako, promise,” sabi ko pero tinawanan niya lang ako.Para din siyang si Vanessa, tatawanan lang ako kapag hindi ako nagsasabi nang totoo. Namiss ko na tuloy ang kaibigan ko. Balak ko sana siyang isama rito pero ang sabi ng loka busy daw siya sa trabaho niya kaya hindi ko na siya pinilit.“P’wede mo namang sabihin sa’kin. Makikinig ako at hindi ko sasabihin sa kahit na sino, promise.”Gusto ko naman talagang sabihin sa kaniya kaso nahihiya ako.“Tungkol ba ‘yan kay sir Zach?” Aniya at nanunuksong nap

DMCA.com Protection Status