"Hoy, Athena!"
Nagising ako sa reyalidad dahil sa ginawa ni Vanessa. Loka talaga 'tong kaibigan ko. Sa tuwing may iniisip ako lagi niya na lang sinisira."O bakit? Nag-iisip ako rito 'e, ikaw talaga epal ka minsan," inis na sambit ko pero tinawanan niya lang ako."Sorry bespren, ang layo kasi ng tingin mo. Ano ba kasi 'yan? Iniisip mo na naman ba secret admirer mo? Diyos ko kalimutan mo na 'yon, first year college na tayo pero hindi pa rin nagpapakilala sa'yo," aniya at nilapag ang isang cup ng kape sa harapan ko.Hays, tama nga naman siya, college na kami pero hindi ko pa rin nakikilala 'yong unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung ang lalaking nakilala ko 3 years ago ay siya na 'yong secret admirer ko.After nung nangyari sa pagitan naming dalawa, never ko na siyang nakita ulit at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli sa kan'ya 'yong damit na pinahiram niya sa'kin. Ewan ko nga kung nasa'n na siya ngayon pero sa pagkakaalam ko pumunta raw siya ng ibang bansa para doon mag-aral. Kaya imposible na siya 'yong Mr. Z na nagpapadala sa'kin ng bulaklak, tsokolate, at kung ano-ano pa hanggang ngayon."Hindi naman siya 'yong iniisip ko," pagde-deny ko. At muli niya na naman akong tinawanan. Napatingin tuloy sa kan'ya ang ibang customer."Sus, kunwari ka pa, 'e halata naman na siya ang iniisip mo. Hayaan mo na 'yon pero 'di bale, gagawa ako ng paraan para makilala natin siya," aniya at ngumiti sa akin. Ano naman kaya ang gagawin niya?"Ano'ng gagawin mo?" Tanong ko at ininom ang kape na binigay niya sa'kin. Hindi ako mahilig uminom neto pero dahil sa coffee shop ako nagtatrabaho, nakasanayan ko nang uminom ng kape. Coffee is life, ika nga nila."Basta, ako ng bahala ro'n, wait ka lang d'yan," sagot niya at makahulugang ngumiti sa akin. Kapag gan'yan ang ngiti niya, alam ko nang may gagawin siyang hindi ko inaasahan."Anyways, anong oras ka aalis?""Mamayang 5 pm, maaga pa naman 'tsaka may mga pumapasok pang customer. Ayoko namang iwan kita ng mag-isa rito.""Yieee, love na love mo talaga ako 'no? Thank you friend, ang bait mo talaga sa'kin," nakangiting sambit niya bago ako niyakap ng mahigpit."You're welcome, ikaw lang naman ang hindi mabait sa ating dalawa," sagot ko na ikinasama ng tingin niya sa'kin pero tinawanan ko lang siya.Nagtatrabaho kaming dalawa sa isang coffee shop na pagmamay-ari ng tiyahin niya na si tita Lorna. Ako lang naman sana ang magtatrabaho rito kaso gusto niyang makapag-ipon kaya nagtrabaho na rin siya. Half day lang naman ang pasok namin sa school kaya tuwing hapon nagtatrabaho kaming dalawa. Hindi naman mahirap kaya napagsasabay pa namin ang gawain sa school at trabaho."Alam na ba ni tiya Rosa na nagtatrabaho ka sa isang bar?" Tanong niya, umiling ako bilang sagot."O bakit? Kailan mo naman balak na sabihin sa kan'ya?""Hindi ko alam, natatakot kasi ako na baka magalit siya kapag sinabi ko sa kan'ya."Bukod sa pagtatrabaho ko rito sa coffee shop, nagtatrabaho rin ako bilang waitress sa isang bar tuwing gabi. At hindi 'yon alam ni tiya Rosa. Hindi ko sinabi sa kan'ya kasi alam kong magagalit siya at hindi niya 'ko papayagan. Pero kailangan ko kasing magtrabaho para may pang tustos ako sa pag-aaral ko. Ayoko na kasing umasa sa kan'ya dahil alam kong pagod na siya sa pagtatrabaho. Gusto ko siyang tulungan kaya kahit anong trabaho papasukin ko para sa kan'ya, para lang matulungan siya."Mas magagalit siya kapag nalaman niya sa iba. Maiintindihan ka naman niya basta magpaliwanag ka lang sa kan'ya ng maayos. Wala namang masama sa ginagawa mo 'e kaya sigurado ako na kapag sinabi mo sa kan'ya hindi siya magagalit sa'yo at mas lalong maiintindihan ka niya," aniya sabay tapik sa balikat ko.Hays, kailangan ko na ngang sabihin kay tiya Rosa bago pa niya malaman sa iba. Pero sana maintindihan niya kung bakit ko 'to ginagawa.***Malakas na tunog ng sound system, hiyawan at sayawan ng mga tao, at makukulay na mga ilaw ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bar. Nakasanayan ko na 'to gabi-gabi pero minsan talaga nagsisi ako kung bakit dito ako nagtrabaho. Pitong buwan pa lang naman ako na nagtatrabaho rito at kinakaya ko naman kahit ganito ang bumubungad sa'kin gabi-gabi."Oh, napaaga ka 'ata ng pasok ngayon, Athena?" Gulat na sambit ng isa kong katrabaho nang makapasok ako sa locker's area."Napaaga rin kasi ang out ko sa coffee shop kaya dito na 'ko dumiretso. Ikaw, Lara? Kanina ka pa nakarating?" Tanong ko at pinasok ang dala kong bag sa locker ko. Kinuha ko na rin ang itim na apron at sinuot na rin ito para makapagsimula na 'ko sa trabaho."Oo, tinext ako ni boss 'e kaya wala akong choice kundi pumasok na lang," tugon nito."Bakit? Kokonti palang naman ang mga customer na pumapasok.""Dumating kasi 'yong kaibigan niya, si Mr. VIP."Nagulat ako sa sinabi niya. Si Mr. VIP ang matalik na kaibigan ni boss Yael at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoo nitong pangalan. Hindi ko pa siya nakakaharap dahil hindi ko rin siya na aabutan dito tuwing dumadating siya. Pero ang sabi sa'kin ni Lara gwapo raw 'yon at mayaman. Kaya 'yon ang tawag namin sa kan'ya.Hindi na humaba ang usapan namin ni Lara dahil lumabas na rin ako sa locker's area para magsimula ng magtrabaho. Dumadami na ang mga tao rito ngayon at mas lalo na rin umingay at ang dami na ring lasing sa paligid."Good evening, kuya Marky," bati ko sa nag-iisang bartender nitong bar. Matagal na siyang nagtatrabaho rito, 3 years na 'ata."Good evening, Athena, mabuti naman nandito ka na. Paki-hatid naman 'to sa VIP room, ang tagal kasi bumalik ni Lara, siya ang nakatoka ro'n 'e," aniya."No problem, kuya, ako na po ang bahala," nakangiting tugon ko at inabot niya na rin sa'kin ang isang tray ng alak. Amoy pa lang mahal na at nakakalasing.Pagkatapos niyang magpasalamat sa'kin, tinungo ko na rin ang VIP room. First time kong makakapasok do'n at nakakakaba pala talaga kapag first time. Usually kasi normal customer lang ang inaasikaso ko at limitado lang kapag mga VIP customer. Pero kinakabahan ako, sana kahit papa'no mababait ang pagdadalhan ko nito.Nang makarating ako sa VIP room, kumatok muna ako bago pumasok. Pero nagulat ako pagkapasok ko sa loob, akala ko maingay rito pero hindi. Para kang nasa isang prayer meeting na iisang tao lang ang nagsasalita and the rest nakikinig lang sa'yo. Gano'n ang sitwasyon ngayon dito.Tama kaya ang kwarto na pinasukan ko?"Oh, Athena, ikaw pala 'yan. Pakilapag na rito ang dala mo, baka nabibigatan ka na."Si boss Yael, ibig sabihin nandito si Mr. VIP?Sinunod ko naman ang sinabi ng boss ko. Nilapag ko na sa mesa ang isang tray ng mga alak at isa-isang binaba ang mga baso at isang bote ng champagne. Pero habang ginagawa ko 'yon pansin ko na ang mga kasama rito ni boss ay nakatingin lahat sa'kin at isa na 'ata riyan si Mr. VIP. Hindi ko pa nakita ang mukha niya kaya hindi ako sigurado kung sino siya sa mga lalaking nandito. Nakakalito lalo na't puro gwapo ang mga kasama ni boss at kaedad pa niya. Eh, ang bata pa ni boss, kaya hindi talaga ako sigurado kung sino si Mr. VIP sa mga kasama niya rito."Thank you, Athena," nakangiting sambit ni boss.Hindi na 'ko nagsalita, ngumiti na lang ako bilang sagot at tumingin sa mga kasamahan niya na hindi maalis ang tingin sa'kin. Lima silang lahat na nandito kaya apat na mga mata ang nakatingin sa'kin maliban kay boss Yael na abala sa pag-inom ng alak."Baka naman matunaw si Athena niyan," biro ni boss Yael at umiwas na ng tingin ang mga kasamahan niya. Palihim akong natawa, ang cute nilang tingnan."She's pretty," sambit ng isang lalaki na naka-eye glasses. Sa tingin ko may lahi siyang hapon pero ang gwapo niya at halatang matalino."Yeah, why you work here? A pretty woman like you doesn't belong here. Are you still studying?" Seryosong aniya ng lalaking nakasuot ng leather jacket.Ang seryoso niyang magsalita pero ang hot pakinggan. Ha? Ano Athena? Bad ka, hindi p'wede 'yon, umayos ka."Ah, o-opo," nauutal na sagot ko. Diyos ko, bigla akong nahiya."Please cut the word "opo" I'm just 1 year older than you," natatawang aniya pero ang hinhin pakinggan. Ewan ko ba kung nilalandi ako nito o ganito lang talaga siya magsalita?"God, bro, stop flirting with her. She's not the same to every woman you've met. Anyways, I'm Thomas, nice to meet you, Ms. Athena," nakangiting sambit ng isang lalaki na bigla na lang tumayo para lumapit sa'kin. Nilahad niya ang kan'yang kamay sa harapan ko kaya wala na rin akong nagawa kundi ang hawakan ito at nakipagkamay sa kan'ya.Diyos ko, ang lambot ng kamay niya."Get off your dirty hands on her, Thomas!"Nagulat ako sa lalaki na bigla na lang sumigaw. Napatingin kami sa kan'ya lahat nang may gulat at pagtataka ang mga mata. A-anong problema niya?"Chill, Mr. VIP, I won't take her away from you," pagsuko nitong lalaki na katabi ko. Tinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis at naglakad pabalik sa inuupuan niya.Pero ano ang ibig niyang sabihin?Mr. VIP? My god, siya 'yon?!Mabuti na lang nakaalis na 'ko ro'n. Nakakawalan ng hininga doon sa VIP room dahil sa mga kaibigan ni boss Yael lalo na kay Mr. VIP. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Thomas. Ano naman kaya ang ibig sabihin niyon?'Yong titig ni Mr. VIP sa'kin kanina parang may something, hindi naman sa nag-a-assume ako pero gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ang mga titig niya na parang abot hanggang kaluluwa ko. 'Yong parang bawat galaw ng ibang parte ng katawan ko inoobserbahan niya. Hindi nakakabastos tingnan pero nakapagtataka. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa'kin?Hays, napainom tuloy ako ng tatlong baso ng tequila dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon."Athena."Limang minuto pa lang ako na nakaupo sa bar counter pero narinig ko na naman ang boses ni boss Yael. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin? Ayoko nang bumalik doon sa VIP room, baka gisahin ako ulit ng mga kaibigan niya."Po? Boss Yael, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko at napilitan
WARNING! SPG SCENES!Wala na rin akong nagawa kundi ang manatili rito. Sa totoo lang gusto ko nang umalis dahil nakakaramdam na ako ng kakaibang enerhiya rito dumagdag pa na nahihilo na 'ko. Pero ayaw niya 'kong paalisin kahit ilang beses na 'kong nagpumilit sa kan'ya.Hindi talaga tama 'tong naging desisyon ko na ihatid siya. Sana talaga iniwan ko na lang siya ro'n sa baba at ang guard na ang bahala sa kan'ya. Pero kakainin ako ng konsensiya kapag may nangyaring masama sa kan'ya.Naglakad siya papunta sa kwarto niya, sinundan ko na lang siya ng tingin habang nakaupo ako rito sa sofa. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na siya sa loob na hindi man lang natutumba.Chance ko na para makaalis.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto pero nakailang hakbang pa lang ako ay bigla akong nakarinig ng lagapok sa loob ng kwarto niya.Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang inis habang naglalakad papunta sa kwarto niya.Kapag minamalas ka nga naman, Athena.Napa-sign of the cross pa
"Agh!" Da*ng ko habang nakahawak sa ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtanto na nasa isang condo ako.Kaninong condo 'to?Ano ang nangyari? Ba't napunta ako rito?"A-aray!" Muling da*ng ko nang maramdaman ang sakit sa pang ibaba ko. At dahil dito unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi."Diyos ko po," tanging naisambit ko bago napatakip ng bibig.Bigla akong nanlumo nang maalala ko lahat ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipagtalik sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala."Bakit ko nagawa 'yon?" Tanong ko sa sarili at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Napatakip ako ng mukha at humagulgol ng malakas.Hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'yon. Hindi ko lubos akalain na hahantong kami sa gano'ng bagay. Hindi ako gano'ng babae, na papatol na lang agad sa lalaking hindi ko pa kilala ng husto.Bakit k
Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng may nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking 'yon. At mag-iisang linggo na rin akong pinagtsitsismisan ng mga tao rito sa amin. Mga tsismis na hindi naman totoo pero nakakasira ng pagkatao.Dahil sa pangyayaring 'yon, akala ng lahat nagtatrabaho ako sa bar para ibenta ang katawan ko, sa madaling salita p*okpok. Ewan ko kung bakit humantong sa gano'n. Tanging si tiya Rosa at Vanessa lang ang sinabihan ko pero paanong umabot sa buong barangay namin? Wala namang pinagsabihan si tiya Rosa o maging si Vanessa pero nagkalat ang gano'ng tsismis."Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni tiya Rosa nang makita ako nitong pababa ng hagdan mula sa kwarto ko."Gano'n pa rin po, tiya, pero ayos lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala sa'kin," tugon koKakagising ko lang dahil sa masama ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung bakit pero sa tingin ko dahil lang 'to sa pagod at puyat."Mabuti naman kung gano'n pero mamaya 'wag ka munang uminom ng gamot,
"Sigurado ka na kaya mo nang pumasok?" Tanong ni tiya Rosa nang makababa na 'ko mula sa kwarto."Opo tiya Rosa, maayos naman na po ang pakiramdam ko kaya huwag na po kayong mag-alala sa'kin," sagot ko."O siya sige basta mag-iingat ka. Kapag sumama ulit ang pakiramdam mo, tawagan mo lang ako," nag-aalala na sambit nito at niyakap ako ng mahigpit."Opo, sige po tiya aalis na po ako." Paalam ko sa kan'ya at umalis na rin ako ng bahay.Papasok na 'ko sa school, ilang araw na kasi akong absent kaya kailangan ko nang pumasok. Madami na rin kasi akong na missed na mga activities at quizzes. Kaya kahit med'yo nahihilo at mabigat pa ang katawan ko pumasok na lang ako para makabawi man lang. Wala na rin naman kasi akong ibang choice kundi ang pumasok kahit na ayoko pa."ATHENAAA!"Nagulat ako kay Vanessa nang salubungin ako nito. Ang lakas ng sigaw niya na halos lahat ng estudyante rito sa may entrance napatingin sa kan'ya. Hindi maipinta ang mukha niya, parang problemado na ano, basta hindi k
"Thank you," naisambit ko habang nakatingin sa malayo.Nahihiya akong tumingin sa kan'ya, ewan ko ba kung bakit pero siguro sa kadahilanang ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng tatlong taon.Nandito kaming dalawa ngayon sa taas ng stage malapit sa field. Nawalan na 'ko nang ganang pumasok sa klase dahil sa mga nangyari kanina. Nasa kalagitnaan na rin naman ng second period at maya-maya uwian na rin. Hihintayin ko na lang na matapos ang klase bago ako umuwi sa bahay."Are you okay?" Tanong niya, kaagad ko siyang nilingon at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.Nag-aalala siya, nakikita ko sa mga mata niya pero .. bakit?"Probably you're not, it's written on your face," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at pinipigilan ang sarili na huwag umiyak."I saw that post circulating in the social media that's why every students here in campus were talking and badmouthing about you."Nakita niya na rin pala 'yon, sabagay nagkalat na 'yon sa social media
Kaagad akong bumaba ng hagdan at napayakap ng mahigpit kay tiya Rosa. Parang bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya.Dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman ko, nakalimutan kong may munting supling na nasa loob ng tiyan ko."P-Patawad tiya .. hi-hindi ko po sinasad'ya," umiiyak na sambit ko.Ang sama ng ginawa ko. Hindi ko man lang naisip na may bata sa loob ng tiyan ko at magiging ina na 'ko. Wala siyang kasalanan dito pero dinamay ko siya sa lungkot at galit ko. Lubos kong pinagsisihan ang ginawa ko ngayon."Heto, uminom ka muna ng tubig." At inabot ni tiya Rosa ang isang basong tubig sa akin. Tinanggap ko naman ito agad at ininom.Bigla akong napahawak sa tiyan ko at napaisip.Kapit ka lang d'yan baby, hindi na gagawa ulit ng isang pagkakamali si mama para saktan ka."Ayos ka lang ba?" Malungkot na tanong ni tiya Rosa at hinawakan nito ang dalawang kamay ko.Maliit akong ngumiti at tumango bilang sagot sa kanya. "Opo, ayos lang ako. Pasensiya po sa ginawa ko, hindi ko na po uu
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Vanessa nang papasok na kami sa entrance ng school.Tumango ako bilang sagot at maliit na ngumiti sa kan'ya. "Tama na rin 'yon para maka-focus ako sa pag-aalaga sa magiging anak ko," sabi ko.Balak kong tumigil sa pag-aaral. Pagkatapos ng mga nangyari sa'kin mas pinili ko ang magpahinga muna at umiwas sa mga taong balak lamang na husgahan at insultuhin ako. Lalo na ngayon na buntis ako, kailangan kong mag-ingat at alagaan ng husto ang sarili ko."Pero p'wede ka pa namang mag-aral habang buntis ka tutal maliit pa naman ang tiyan mo," aniya."Alam ko pero alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ko, 'di ba? Kaunting stress lang maaaring mawala sa'kin ang baby ko at ayokong mangyari 'yon. Ayoko mang tumigil sa pag-aaral pero kailangan kong gawin para sa baby ko," mahinahon na sambit ko.Alam ko naman kung ano ang gustong iparating sa'kin ni Vanessa. Gusto niya na sabay kaming magtapos.Nangako kami noon sa isa't isa na sabay kaming magtatapos
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun
"I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako
“Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind
“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi niya, pero nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. At kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.Bakit hindi sinabi sa'kin ni Zach o ni Yael ang tungkol do'n? Bakit bigla rin silang natahimik dahil sa sinabi ni Lauren? Ibig sabihin ba niyon, totoo ang sinabi niya?Putangina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ng boss mo na ihatid si Ellie? Well, in the first place hindi naman tama na ikaw ang maghatid sa kaniya since babae ka."Bakit hindi ko naisip 'yan noon? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na ihatid siya? Bakit hindi ako humindi sa utos ng boss ko?"Because everything was already planned, Athena! You were the one Ellie’s friends fancied, so they chose you as a gift for him. At ang may pakana nang lahat ng 'yon ay walang iba kundi si Yael!" Galit na sigaw ni Lauren sabay lingon sa direksyon ni Yael.Napatingin ako sa direksyon niya at ni Zach. Wal
“Saan ka nanggaling?” Tanong ko habang nilalagyan niya ng panibagong benda ang paa ko.“Bumili lang ako ng gamot at prutas para sa’yo. I wasn't able to tell you because of what happened earlier," tugon niya bago tumingin sa akin.Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko kasi umalis siya dahil nagalit siya sa sinabi ko sa kaniya kanina, pero hindi naman pala. Sa kabila nang nangyari, ako pa rin ang iniisip niya. Pinagsisihan ko tuloy ang mga naging asal ko sa kaniya kanina.“I’m sorry, Athena,” aniya na ikinagulat ko.Bakit siya nag-so-sorry sa’kin? Ako ‘tong may kasalanan at hindi siya."I'm sorry for leaving you here, and I'm sorry if I’ve been too hard on you. I just want to make sure nothing bad happens to you. But please don’t ever think that I don’t care about you, because I always do, Athena,” sensirong sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.Hindi ako nakasagot sa halip nakipagtitigan lang din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero ang gusto
“Nahanap niyo ba siya?” Tanong ko kay Paula at Trixie na kararating lang galing sa isang bar dito sa resort. Ngunit umiling silang dalawa bilang sagot dahilan para mas lalo akong nalungkot.Napatakip ako ng mukha at napabuntong hininga nang malalim. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Mukhang halos ‘ata ng shops, bars, at sa kahit na alin mang sulok nitong resort ay napuntahan na namin. Pero hindi pa rin namin siya nahanap.“Na check niyo ba sa villa na tinutuluyan niya?” Tanong ni Maurice habang nakahawak sa baywang niya, at halatang stress na rin sa paghahanap.“Doon na ‘ko nanggaling pero wala siya ro’n,” sagot ko at tuluyan ng napaupo sa buhangin.Saan ka ba nagpunta, Zach? Kung saan-saan na kita hinanap.Balak ko siyang kausapin, at humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nagpatulong na ‘ko kina Maurice na hanapin siya pero hindi pa rin namin siya nahanap. Imposible naman na umuwi ‘yon, at iwan ako rito. Sa tingin ko naman hindi niya magagawa ‘yon kahit n
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Maurice nang makaupo siya sa tabi ko. Tumango na lamang ako bilang sagot at muling napatingin sa papalubog na araw.Nandito ako ngayon sa dalampasigan kasama siya. Pinuntahan niya ‘ko ro’n sa villa para sunduin. Ayaw niya raw kasi na hindi ko ma-enjoy ang pag-stay namin dito sa resort. Kaya sumama na lang ako sa kaniya at siya na rin ang umalalay sa akin papunta rito.“Parang hindi naman,” aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.“Pa’no mo nasabi? Okay lang ako, promise,” sabi ko pero tinawanan niya lang ako.Para din siyang si Vanessa, tatawanan lang ako kapag hindi ako nagsasabi nang totoo. Namiss ko na tuloy ang kaibigan ko. Balak ko sana siyang isama rito pero ang sabi ng loka busy daw siya sa trabaho niya kaya hindi ko na siya pinilit.“P’wede mo namang sabihin sa’kin. Makikinig ako at hindi ko sasabihin sa kahit na sino, promise.”Gusto ko naman talagang sabihin sa kaniya kaso nahihiya ako.“Tungkol ba ‘yan kay sir Zach?” Aniya at nanunuksong nap