Share

Kabanata 02

Author: Ms. Morimien
last update Last Updated: 2024-01-12 09:30:34

02.

"Dad." Lumapit naman si Damian sa ama at magalang na nagmano.

"Who's this woman?"

"Anak ko siya, dad. She's your granddaughter."

Napalunok si Louise nang muli siyang balingan ng tingin ng matanda.

"Hello po." Tanging sabi niya habang nakayuko kaya hindi niya namalayan ang pagyakap sa kaniya ng matanda. Mabilis rin itong kumawala sa pagkakayakap tsaka hinagod ng tingin ang dalaga, mula ulo hanggang paa.

"Apo?"

"Mahabang kwento, dad. Wag na nating pag-usapan."

"Nasaan ang ina niya? You're hiding a family from us for a long years?"

"Her mother's dead."

Lingid sa kaalaman ni Louise na tinatago sila ng ama sa publiko. Ayaw kasi nitong madungisan ang mala-gintong imahe kapag lumabas na nakabuntis ng p****k ang kaniyang ama. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung ganun ba talaga nito ikinahihiya ang ina para sabihing patay na ito?

Gustong maiyak ni Louise dahil sa sakit na nararamdaman sa sinabing iyon ng ama, ngunit ginawa niya ang lahat para pigilan ang sarili. Ang ina na mismo ang nagtulak sa kaniya na sumama sa ama. Kahit tumakbo pa siya palayo sa mansion at balikan ang ina ay pihadong ipagtutulakan lang siya ulit nito pabalik.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang matanda tsaka binaling ang tingin kay Damian matapos ang matagal na pagkakatitig sa apo.

"I wanted an explanation for this, Damian. Marami kang dapat ipaliwanag sa akin kaya hayaan muna nating makapagpahinga ang apo ko habang tayo naman ay mag-uusap dito sa opisina ko."

Pinatawag ni Senyor Gideon si Mansuetta para pamahalaan ang pag-asikaso sa apo.

"Ito ang magiging kwarto mo." Deklara ng mayordoma habang nakasunod naman sa kaniya si Louise. Tumango tango nalang siya sa lahat ng mga sinabi ng mayordoma. Sa ngayon ay hindi niya pa kayang i-digest lahat ng mga sinasabi nito dahil masyadong okupado ang utak niya.

"May isang katulong na para lang sayo. Iuutos mo sa kaniya lahat ng gusto mo—"

"Ma walang galang na po, manang pero kailangan po kayo sa baba." Bulong ng isang katulong sa mayordoma. Napapikit ang mayordoma tsaka nagpaalam na aalis muna saglit.

Pagkaalis ng dalawa ay siya namang pagtawag ng kaibigan niyang si Deesse. Umiiyak ang babae dahil umano sa pangloloko ng nobyo nito.

Maingat siyang lumabas sa kwarto. Ginawa niya lahat para walang makapansin sa kaniya habang lumalabas ng mansion.

Nang makarating sa bar na pinagtatrabahuan ay kaagad hinanap ni Louise si Deesse. Dito sila magkikita ng kaibigan para mag-usap at mag-inuman pero bakit wala ang babae? Habang naghihintay ay naisipan muna niyang makipag-usap sa prof niya. Tumaas ang kilay ng professor nang makita siya.

"O, akala ko ba hindi ka na papasok? May bago na akong kinuha, eto nga't hinihintay ko pero ang tagal namang dumating."

"Magandang gabi, prof." Bati niya naman sa professor sabay upo sa katabi nitong stool. "Nandito ako para kunin ang sahod ko. Bigyan mo ako ng Jack Daniels." Seryoso niyang sabi sa prof niya.

"Anong meron?" Tanong nito sabay senyas sa bartender na bigyan ng hinihinging alak si Louise.

"Mahabang kwento, prof. Wag nalang nating pag-usapan."

Napahalakhak naman ang matandang professor sa sinabi niya. Pumupungay ang mga mata nito habang sinisilip ang mukha ng dalaga.

"Ngayon lang kita nakitang ganito. Alam kong hindi kana apektado sa mga chismis tungkol sayo at sa nanay mo kaya alam kong may bago. Gusto mong pag-usapan? Libre na 'yan."

"Ewan niyo na po muna ako."

Napabuntong hininga nalang ang professor habang pinapanood siyang naglalasing at sumisinok sinok pa dahil sa pag-iyak.

"Alam mo, hindi alak ang solusyon sa problema. Mas lalo lang nyan ipaparamdam sayo ang bigat na nararamdaman mo."

Muling tinungga ni Louise ang bote ng alak. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng prof niya.

Dahil sa pagdating ng papalit kay Louise, umalis muna ang professor para turuan ang babae sa gagawin nitong trabaho sa bar.

Naiwang mag-isa si Louise na lasing na lasing na at kung sinu-sinong lalaki na ang lumapit sa kaniya at nag-alok sa kaniya ng alak. Tinawanan lang niya ang mga ito at tinataboy. Dahil sa bar siya nagtatrabaho ay maalam na siya sa mga galawan ng lalaki. Isang gamot, alak at kaunting harut lang ang kailangan ng mga ito para makuha ang gusto nila sa babae.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin si Deesse. At dahil hilong hilo na si Louise ay pumunta muna siya sa cr para sana maghilamos, ngunit hindi na siya tumuloy nang may marinig siyang mga ungol at halinghing sa loob ng cubicle.

Nasapo na lamang niya ang kaniyang ulo dahil parang umiikot iyon. Gusto niya sanang malamigan ang mukha niya para mahimasmasan kundi lang dahil sa mga nagmimilagro sa loob ng banyo.

Napabuntong hininga na lamang siya at paalis na sana nang bigla niyang marinig ang mga pamilyar na boses na nag-uusap sa loob.

"Tama na, ano ba? Baka nandito na siya, ahh..." Boses ng isang babae na umuungol.

Nagpupumiglas ito mula sa kasiping dahil sa kaunting pagtatalo na maririnig habang panay pa rin ang mga ungol dahil sa ginagawa.

"Ikaw talaga ang gusto ko, Deesse."

Biglang nawala ang pagkalasing ni Louise nang mapagtantong boses iyon ng nobyo niya.

"Anong ibig sabihin ni—"

"Ahh, please, Jacob, baka mahuli tayo ni Louise." Umiiyak na ngayong sabi ni Deesse sa lalaki. Lasing na lasing kasi si Deesse kaya wala itong lakas para pigilan si Jacob sa ginagawa.

Kahit hindi kaya ng katawan ni Louise na kumilos ay pinilit niya pa ring makalayo sa banyo. Nang makarating siya sa counter ay dun na siya bumulanghit ng iyak. Agad naman siyang lumayo nang lapitan siya ng isang lalaki. Sa kabila ng pagkahilo at pag-iyak ay nagawa niyang makalabas sa bar. Narinig pa niyang tinatawag siya ng prof niya pero hindi niya iyon pinansin.

Pagkapasok sa kotse ay kaagad niyang binuhay ang makina para makalayo na sa lugar ngunit natigilan siya nang makita ang isang lalaking gumi-giwang sa pagtakbo at bigla na lamang humandusay sa semento. Sinubukan pang gumapang ng lalaki nang marinig nito ang boses ng mga humahabol sa kaniya.

Tila milagrong nawala ang kalasingan ni Louise nang makita ng lalaki ang kotse at humingi ito ng tulong sa kaniya. Duguan ang kanang braso ng lalaki dahil sa tama ng baril. Hindi rin nito maidilat ang mga mata dahil sa iniindang sakit. Habang patuloy naman ang pagdaloy ng maraming dugo mula sa braso nito.

***

Nakatayo sa harapan ng malaking bintana si Louise habang nakatingin sa kulay itim na dagat. Bahagya namang kumikinang ang banayad nitong alon dahil sa tumatamang liwanag ng buwan. Walang kahit anong ilaw na nakasindi sa loob ng kwarto maliban sa kaunting liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.

Nandito siya sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. Basta na lamang niya sinunod ang sinabi sa kaniya ng lalaki dahil ayaw nitong magpadala sa ospital. Swerte nalang talaga nito dahil nag-aaral ng medisina si Louise kaya naagapan ang pagkawala ng maraming dugo mula sa katawan ng lalaki.

She let out a yawn tsaka tumingin sa isang sulok ng silid kung saan naroon ang lalaki na mahimbing na natutulog. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit gusto itong patayin ng mga humahabol.

Napabuntong hininga na lamang si Louise at muling sinandal ang ulo sa upuan. Kusang pumipikit ang kaniyang mga mata dahil sa antok, madaling araw na kasi ng mga oras na 'yun at naroon pa rin ang epekto ng alak sa kaniyang katawan.

She tried to entertain herself with some rock music gamit ang suot niyang headphone, para manatili siyang gising ngunit hindi nun nakayanan ang antok dahil sa malamyos na tunog ng alon na tila humihili sa kaniyang pakiramdam.

Kahit ginugupo na siya ng antok, narinig pa rin niya ang kaluskos ng lalaki mula sa kaniyang likuran. Umuungol ito dahil sa biglang pagsakit ng kaniyang sugat.

Kahit antok na antok ay nilipitan niya ang lalaki. Hindi niya akalaing bigla siyang magkakaroon ng responsibilidad sa isang estrangherong nasa bingit ng kamatayan.

Inilawan niya ang sugat nito gamit ang flashlight sa kaniyang cellphone. Napasinghap na lamang siya ng makitang dumadugo ang braso nito. Lumuhod siya sa kama para abutin ito ngunit dahil sa biglang paggalaw ng lalaki ay nasagi nito ang isang kamay niyang nakatukod sa kama. Dahil sa nangyari ay aksidenteng siyang bumagsak sa dibdib ng lalaki kaya mas lalo pa itong napaungol ng malakas dahil sa pagtama ng kamay niya sa braso na may sugat.

"Sorry! Pasensiya na!" Hinging paumanhin niya sa lalaki. Akmang tatayo na sana siya ngunit bigla na lamang pumulupot ang mga braso ng lalaki sa kaniyang beywang.

"Don't go." Anas ng lalaki habang malalim itong humihinga. "Who are you?"

Napalunok si Louise dahil sa mainit at mabangong hininga na tumatama sa kaniyang mukha.

"Aalis na ako." Akma naman siyang aalis pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng lalaki.

"Ah," napalunok na naman siya. Hindi niya maintidihan ang kakaibang init na bigla na lamang lumukob sa kaniyang sistema. May nararamdaman siyang matigas na bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita kaya hindi niya maiwasang mapapikit, dahil sa tuwing gumagalaw ang lalaki ay nagkakaroon ng epekto ng bagay na iyon sa kaniya.

Gusto na niyang pakawalan ng boses na kanina pa gusto kumawala mula sa lalamunan niya pero hindi niya magawa. Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siya sa pwedeng gawin ng lalaki.

Ngunit sa kabila ng pagtutol ng kaniyang isip ay bumigay pa rin ang kaniyang katawan nang magsimulang humaplos ang kamay ng lalaki sa iba't ibang parte ng maseselang bahagi ng kaniyang katawan. Hanggang sa nahibang na siya sa sarap na nararamdama't hindi na nakapalag pa.

Pakiramdam niya'y trinaydor siya ng sariling katawan. Napasinghap na lamang siya nang gumulong sila at siya na ngayon ang nasa ilalim.

"Um," ungol niya ng paglandasin ng lalaki ang mainit nitong dila sa kaniyang dibdib. Bumaba pa iyon hanggang sa kaniyang pusod kaya hindi na talaga niya napigilan ang sarili. Alam niyang nasasarapan siya sa ginagawa sa kaniya ng lalaki. Alam niyang nagugustuhan ng katawan niya ang bawat paghagod ng mga kamay nito sa kaniyang dibdib, ganun din sa kaniyang mga hita at pang-upo.

Bigla siyang nakaramdam ng kuryosidad sa nakakabaliw na kaligayahan na ngayon niya lang naramdaman. Hindi na niya namalayan na kusa na palang yumayakap ang mga binti niya sa beywang ng lalaking kasiping.

Mas nagiging mapusok pa ang lalaki.

Napaungol nalang siya ng malakas nang ipasok nito ang paglalaki sa kaniya at hindi niya inaasahan na ganun pala kasakit.

Related chapters

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 03

    03.Nagising kinabukasan si Louise dahil sa maingay na hampas ng alon. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay mabilis siyang napabalikwas dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha.Nang mag-unat siya ay bigla naman siyang nanigas dahil sa mukha na nahawakan mula sa kaniyang tabi. Dahan dahan niya iyong nilingon at bumilog ang kaniyang mga mata sa nakita.Isang gwapong mukha ng lalaki ang tumambad sa kaniya. Mahimbing itong natutulog habang nakadapa at kahit kalahating mukha lang nito ang nakikita ay ubod ng gwapo ang lalaki dahil sa matangos nitong ilong, makapal na kilay, pakurba at mahahabang pilikmata at kulay rosas na mga labi. Tipong makalaglag panty ang itsura.Ngunit nang makita niya ang maraming dugo na nakapulupot sa braso nito ay doon na niya naalala ang nangyari kagabi."Shit!" Hinanap niya ang orasan sa kwarto at nang makitang tanghali na ay halos tumalon na siya kama dahil sa kaba. Pihadong hinahanap na siya ng ama at ng lolo niya."Patay ako nito." Ngunit

    Last Updated : 2024-01-12
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 04

    04."Good morning, Mr. Sullivan."Maligayang bati ng isang middle age na lalaki na nakasuot ng itim na suit and a big black rimmed eyeglasses. Malapad ang ngiti nito habang maingat na inalalayan sa pagbaba ng kotse si Gideon.Nahihirapan na kasi talaga itong maglakad dahil sa katandaan. Kailangan nito ng alalay sa tuwing maglalakad o hindi kaya'y kailangan nitong gamitin ang kaniyang mahiwagang tungkod."Nakahanda na ba ang lahat, Roger?" Tanong ni Damian sa lalaki na personal assistant ni Gideon."Opo, sir Damian. Nasa loob na po ang lahat maliban kay Mr. Montavo na mukhang hindi na darating." Balita ni Roger habang naglalakad sila papunta sa conference room."Ang lalaking 'yun," napapalatak na sabi ni Damian. "Hindi pa rin talaga marunong sumunod sa tamang oras ng meeting.""Mukhang ganun na po talaga si Johan Montavo, sir." Nakangiting turan naman ni Roger."Dumating man siya o hindi, magsisimula na tayo." Sabi ni Damian kaya kaagad tumalima si Roger para asikasuhin ang iba pang mga

    Last Updated : 2024-01-12
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 05

    05.Makalipas ang limang taon.Naging masaya ang buhay ni Louise sa Australia. Pagkatapos malaman ng mag-ama na buntis siya ay labis na nadismaya ang mga ito. At dahil bago palang naipakilala si Louise sa mga business partners nila ay nagdesisyon si Damian na ilayo ang anak sa Pilipinas para makaiwas sa issue.Medyo nasaktan naman si Louise sa desisyon ng ama. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya nito kayang ipaglaban sa ibang tao.Ngunit nagbago ang paniniwalang iyon ni Louise nang maranasan niya ang maging magulang. Naunawaan niya ang ama nang lumagay siya sa sapatos nito."Where are we going, mommy?" Bibong tanong ng batang si Louven sa ina. Isang oras na silang nakarating sa airport ng Pilipinas. Ang problema lamang ngayon ay na-stuck sila sa traffic dahil sa kaunting aksidente sa kalsada. Mabuti nalang at hindi nagrereklamo ang kambal sa kabila ng maalinsangang simoy ng hangin. Dagdag mo pa ang maruming usok dahilan kung bakit panay kamot sa leeg ang kambal.Oo, kambal ang naging

    Last Updated : 2024-02-18
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 06

    06.Kring!Napabalikwas ng bangon si Louise dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa kama pero hindi niya mahanap. Awtomatiko siyang nainis dahil kulang na kulang talaga siya sa tulog."Shit!" Mura niya dahil sa ingay ng pag-ring. Nang malaman niya kung nasaan ang cellphone ay pupungas pungas siyang tumayo para damputin iyon sa sahig.She sat on her bed, yawned and stretched a little bit before she answered the call."Sino 'to?" "Ms. Louise. Si Maricel po 'to. Naisturbo ko po ba kayo?" Maligalig na bungad ng babae sa kabilang linya. Sinulyapan niya ang orasan sa bedside table at nakitang alas singko pa lang ng umaga.Parang hindi nauubusan ng energy ang babaeng 'to. Sabi ni Louise sa isip."Hindi. Anong kailangan mo?" Tumayo na sa kama si Louise tsaka nagtungo sa kabilang kwarto para silipin ang kambal. Mahimbing pa namang natutulog ang mga ito at parang hindi namahay. Kumpara sa kaniya na halos magdamag na hindi nakatulog."Confirmed na po ang meeting niyo with Mr. M

    Last Updated : 2024-02-20
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 07

    07.Pasado alas otso ng gabi nang makalabas ng kompanya si Johan. Kasama nito ang kaibigan niyang si Arthur at ngayon ay papunta sila sa bar para mag-inuman.Madilim ang mukha ng lalaki sa nangyaring sagutan nila kanina ng kapatid niyang si Rohan. Palagi kasing magkasalungat ang mga opinyon nila pagdating sa mga bagay bagay kaya madalas silang magtalo at madalas sa harapan pa ng kanilang ama.At kanina nga ay muli na namang nabungkal ang issue tungkol sa babaeng nabuntis ni Rohan na ngayon ay naging isang malaking prolema na sa pamilya nila. Hindi kasi tumitigil ang pamilya ng babae hangga't hindi pinapanagutan ni Rohan ang bata. Nagbanta pa ang mga itong magdedemanda kapag wala pa ring ginawa si Rohan para pakasalan o akuin ang pagiging ama sa bata.Pessimistic na tao si Johan. Mas inuuna nitong tingnan ang mali bago ang tama. Kaya iniisip niya na pera lang ang habol ng pamilya sa kapatid niya kaya pinagdudutdutan ng mga ito ang anak na nabuntis, duda rin si Johan kung aksisente lang

    Last Updated : 2024-02-20
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 08

    08.Alas nuwebe nang gabi ng bumalik sa bahay si Louise kasama si Deesse. Bagsak ang balikat nito dahil bigo siyang mahanap si Lucas. Alalang alala siya sa anak lalo na't may hika ito. "It's okay, mommy. I know Lucas will be alright. I know he's safe somewhere." Yakap ni Louven sa ina. "I hope so, baby. Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kakambal mo." Hindi na mapigilan ni Louise ang umiyak. Nabasa na ng luha niya ang balikat ng anak dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya. "Shh, don't cry, mommy, please. I'll cry, too, sige ka." Napangiti nalang si Louise dahil sa pagbabanta sa kaniya ng anak. "Ikaw talaga. Okay, mommy will not cry anymore." "Yehey!" Napatalon si Lucas dahil sa sinabi ng ina. Iginiya rin nito ang ina papunta sa kusina para ipaghanda ng pagkain. Tuwang tuwa naman si Louise habang pinapanood ang anak sa ginagawa nito. "Look mommy oh! Your favorite chicken adobo!" "Thank you, baby." "You're welcome, mommy." Yumakap si

    Last Updated : 2024-02-23
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 09

    09."Where are we going, daddy?" Napalatak nalang sa sarili niyang noo si Johan nang yakapin siya ni Lucas sa leeg mula sa backseat ng sasakyan. Si Arthur naman ay kanina pa namimilipit sa kakatatawa simula ng makaalis sila sa villa. Ngayon niya lang nakita ang kaibigan na ganto, usually galit ito sa mga bata, dahil umano mahilig tumitig ang mga ito. Pero sa case ni Lucas? Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang naging maamong tupa na napapasunod nito. "To my office." "Where's your office? Malayo pa ba?" "Relax ka lang d'yan." Sagot niya rito tsaka sinagot ang tawag sa phone niya. "What? Why? Is that all? Alright." "Who's that, daddy?" Muling pangungulit ni Lucas."Ang kulit mo." Saway naman ni Johan sa anak. Sinamaan naman siya ng tingin ni Arthur mula sa rearview mirror, as if saying na, pabayaan nalang ito, total bata naman, tsaka ganun talaga ang mga bata."Parang hindi ka dumaan sa pagiging ganyan, a?" Nang-aasar na sabi ni Arthur sa kaibigan."Shut up, Art.""Daddy

    Last Updated : 2024-02-27
  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 010

    010."Hindi mo ba ako natatandaan, pa?" Lumuluhang sabi ni Louise sa ama. Hinawakan niya ito sa pisngi pero wala pa ring reaksiyon ang ama. "Ako po ang anak niyo. Si Louise po ito." Napayakap na sa leeg ng ama si Louise. "Nagbalik na po ako, kasama ko ang mga apo niyo. Gusto ko silang ipakilala sa inyo pero paano ko naman gagawin 'yun kung hindi niyo ako matandaan?" Biglang lumingon sa direksyon niya ang ama tsaka ngumiti ngunit mabilis ring nawala iyon nang makita ang luha mula sa mga mata ng anak. Inabot iyon ng ama tsaka pinahid gamit ang kaniyang daliri. Humihikbing hinawakan ni Louise ang kamay ng ama tsaka hinalikan iyon. "Sorry po kung hindi kaagad ako bumalik. Sorry kung nanganganib ngayon ang kompanya walang akong ginawa para tulungan kayo. Pero promise po gagawin ko ang lahat para maayos ito. Bubuhayin ko po ulit ang kompanyang pinaghirapan niyo ni lolo." "You're so beautiful, why are you crying?" Sambit ng ama. "You make me like home. Why do you feel so familiar?" "Da

    Last Updated : 2024-03-02

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 25

    025.Malapad ang ngisi ni Albert habang nakatanaw kay Johan mula sa hindi kalayuan."Good job, Aries!" Masigla nitong sabi at pumalakpak. Ngumiti naman ang lalaking nagngangalang Aries. Ang taong inutusan ni Stephen para hanapan ng baho ni Johan. Duda na rin kasi ito matapos ang pagkikita nila noon sa ospital."Sigurado akong matutuwa si Boss Stephen nito." Sabi ni Aries na dahilan ng biglang pagkawala ng ngiti sa labi ni Albert.Alam kasi ni Albert na nagwawala na sa galit si Stephen sa mga oras na 'to dahil sa pumalpak ang plano nila kagabi."Sibat na tayo, may mga pulis dito." Yaya ni Albert. Mabilis namang binuhay ni Ron ang makina ng sasakyan pabalik sa warehouse."Sino ang mga batang iyon? Bakit kamukha ni Montavo ang mga yun?" Tanong ni Ron. Napaisip naman si Albert habang abala sa kaniyang yusi. Maya maya ay kinasa nito ang kaniyang baril at sinukbit sa kaniyang likuran. Tiningnan niya si Aries pagkatapos at binugahan ito ng usok sa mukha."Yun yung bagay na aalamin mo ngayon.

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 24.3

    Mas lalo pang lumalim ang halik ni Natalia nang wala sa sariling hawakan siya ni Johan sa beywang.Dumidiin ang tila magnet nitong labi na parang hinihigop ang kaluluwa ng kahalikan.Tuluyan na ngang uminit ang pakiramdam ni Johan. Tila isang lumang makina na bigla na lamang nabuhay pagkatapos napainitan.He pinned Natalia on his desk. Gumaganti na siya sa mga halik nito. Lintik lang ang walang ganti ika nga. Kaya papatunayan niya sa babaeng ito kung sino ang binabangga niya.Dahil sa posisyon nilang dalawa ay mas lalo pa niyang diniin si Natalia sa kaniyang desk dahilan para mapaungol ang babae. Tumutusok sa lagusan nito ang kaniyang buhay na buhay na sandata.At dahil sa napakaikli nitong suot na bahagya pang tumaas dahil sa pagkakayakap ng mga hita nito sa beywang ni Johan — ay napakadali nalang para sa kahalikan na pasukin siya.Ungol ng ungol si Natalia na parang hibang, parang baliw.Subalit ang hinahangad nitong makapunta sa langit ay hindi natuloy bagkus ay para siyang binagsa

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 24.2

    Nakahanda nang lumabas si Johan para puntahan ang ama. Nagsusuot na siya ng coat niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya kaya napatingin siya ron.Kumunot ang noo niya nang pumasok ang isang kaluluwa — este babaeng halos kita na ang buong kaluluwa dahil sa suot nito na parang tinipid sa tela."Hi, Johan." Bati nito sa kaniya. Lantad na lantad ang makinis at kumikinang nitong kutis. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Hindi siya pinansin ng babae.Pagkalapit sa kaniya ay bigla na lamang siya nitong hinawakan sa balikat. Hinaplos ng makinis nitong mga kamay ang kaniyang leeg at mga braso.Napasentido si Johan dahil sa inis. Kung dragon lang siya ay kanina niya pa ito binugahan ng apoy sa mukha.Tinabig niya ang kamay ng babae ngunit muli ring bumalik. Ayaw paawat. Makati."Stop, hindi na ako natutuwa." "Didn't you miss me, hm?" Umigting ang panga ni Johan nang bigla na lamang siya nitong hawakan tiyan. Pinasok ng babae sa kamay nito sa suot niya long sleeve at

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 24.1

    Nasapo ni Johan ang kaniyang buhok tsaka hinampas ang kaniyang mesa.Para siyang leon na nakalabas ang pangil at handa ng manakmal kung sino man ang mangahas na lumapit sa kaniya.Muling niyang hinampas ang mesa dahil sa biglang pagpasok ni Mr. L. Bitbit nito ang isang telepono at hindi nagugustuhan ni Johan ang pagtawag ng kung sino man dahil wala siya sa mood makipag-usap.Kumuyom ang mga kamao niya. Kung nakikita lang siguro niya ngayon ang tumatawag baka nasapak na niya ito sa mukha."Tell to whoever's calling na wala ako sa mood makipag-usap. Kung gusto niya akong kausapin, sabihin mo pumunta rito sa opisina at ng masikmuraan ko!" "P-po?"Natigilan si Mr. L sa pag-abot nito ng telepono kay Johan. Napalunok siya ng laway. Hindi niya maiwasang isipin na baka bigla na lamang sumabog sa galit ang amo dahil sa pagtawag ng ama."B-boss Johan, si Sir Franco po." Napasentido si Johan at tamad na inagaw sa kamay ni Mr. L ang telepono."Yes, dad?" Sagot niya sa pinakakalmado't banayad n

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 23

    023. Halos sumabog sa init ang mukha ni Louise habang nakatanaw siya sa bintana. Hindi niya maintidihan kung bakit bigla na lamang dumagsa ang mga media sa labas ng kompanya niya.Wala namang nangyayaring masama sa kompanya sa ngayon. Naagapan ng partnership niya kay Johan ang pagbagsak nito. At bukod pa ron ay marami ring mga malalaking negosyante na nag-offer sa kaniya ng partnership.Sa ngayon ay unti unti ng nakakabawi ang kompanya at nagsisimula na ulit itong mamayagpag katulad ng dati. Kaya hindi niya lubos maunawaan kung anong pakay sa kaniya ng mga media at bakit parang ang babangis ng mga ito. Tiningnan niya ang sekretarya para tanungin kung may nangyayari ba sa kompanya na hindi niya nalalalaman pero umiling lang ang babae tanda na malinis na tumatakbo ang lahat."Have you reminded the HR department like I told you yesterday, Maricel?" Tanong niya tsaka umupo na. Kasama niyang pumasok sa opisina ang pinsan niyang si Jack dahil may kakausapin itong kliyente mamaya. Hindi s

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 22

    022. Mabilis ang mga hakbang ni Johan papasok sa villa. Pagkarating sa living room ay una niyang nadatnan ang kapatid niyang si Rohan na nagbabasa ng libro sa sofa."Where's that fool?" Tanong niya pero sinulyapan lang siya ni Rohan at itinuro ang hinahanap na ngayon ay pabalik na sa sala. "What's up, Johan!"Pagkalapit ay inabot nito sa kaniya ang isang baso ng alak pero tinapik lang ni Johan ang kamay nito at mabilis na sinukmuraan.Napaubo si Arthur at nakabaluktot na bumagsak sa sofa habang nabasag naman ang bumagsak na baso at bote ng alak. "Alam mo bang muntikan ng mapahamak ang kambal dahil sa ginawa mo? Why did you have to bring them sa opisina ko?!" Umalingawngaw ang boses ni Johan. Tatayo na sana si Rohan para hindi madamay sa dalawa pero natigilan siya dahil sa sinabi ni Arthur."Naniniwala ka na bang anak mo sila?" "Anong ibig sabihin nito? May anak ka?" Tanong ni Rohan kay Johan."They're just kids. Why would I take their words seriously?""Pero bakit parang nagpapaka

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 21

    021.The twins stealthy run from the garden to the living room and into their room. Nakahawak sa dibdib niya sa Louven sa kaba dahil muntikan na nilang makasalubong si Jack sa may hagdan habang papunta sa kwarto. Tuwang tuwa naman si Lucas habang nagtatalon sa kama."See! See! Did you see him, Louven?! I told you he really looked like us! He's our father!" Sigaw ni Lucas."What if magalit si mommy? Kapag nalaman niyang tumakas tayo kanina?" Seryosong tanong ni Louven sa kakambal.Bumaba si Lucas mula sa kama at hinawakan sa balikat si Louven."We'll keep it as a secret, okay? Promise me you won't tell anyone?" "I don't think so, Lucas. I'm sure mommy will find it out soon. And you aren't even sure if he really is our daddy. It's just your speculations." "So, you don't believe me?""It doesn't matter whether I believe you or not. The truth is still between Johan and mommy."Napahawak sa baba niya si Lucas as if nagkaroon ng insights sa sinabi ng kakambal."Kung siya talaga ang daddy

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 20

    020.Nakahawak sa ulo niya si Johan habang nakasandal sa kaniyang swivel chair. Pumipintig ito sa galit dahil sa kapalpakan ng mga empleyado niya.Kanina lang ay karating sa kaniya ang nangyaring anumalya sa financial records ng kompanya. Dagdag pa ang chismis na umiikot dahil sa biglaang pagsuspende niya kay Jacob sa project."Magpapatawag po ba kayo ng meeting, Boss Johan?" Tanong sa kaniya ni Mr. L."No need, tukuyin niyo kung sino ang nagnanakaw sa kompanya. Asikasuhin niyo kaagad pagdating ni Rohan mamaya. Tell me immediately kapag nahanap niyo!" "Masusunod po." Ilang minuto pagkaalis ni Mr. L ay siya namang pagbukas ng pinto. Dumako ang tingin doon ni Johan at kumunot ang noo niya dahil walang pumasok."Who's there?!" Galit niyang sigaw. Walang sumagot pero naririnig niya ang bulungan ng maliliit na boses. He thought that it was only one of his employees' kid dahil pinapayagan naman niya ang mga ito na magdala ng anak sa kompanya.Maya maya pa ay nakarinig na siya ng hagikgi

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 019

    019.Hindi muna lumabas ng kotse si Louise. Nanatali muna siya sa tapat ng mansion para magmuni-muni. What happened earlier in the conference room was one of her most unexpected moment alongside his meeting with Johan. Hindi niya inaasahan na muling makikita ang dating nobyo at makakasama pa niya sa iisang project. How could she possibly survive that? Dalawang lalaki na pareho niyang iniiwasan ay miyembro ng proyektong binuo ng ama niya with Johan.Louise might not have been fully healed based on her reaction. Bakit niya kailangang tumakbo? Why does she need to walk away from him, as if saying that she's still affected?She shed tears noong nahuli niya ang boyfriend and best friend doing a very delicious miracle. She was totally devastated at that time and her actions, in an attempt to heal herself from the pain led her to met Johan.That one unexpected night when she saw him bath on his own blood. Gasping for breath, crawling and crying for help. She could have run away. Turn her bac

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status