“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?!" "J-Jett, minahal kita. Pero si Gia na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---" "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo!" umiiyak kong sigaw at tumalikod. "No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako. "NOOO!! JEEETTT!!!" Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck. "JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo. "CARCEL!!!" Na-comatose si Carcel sa loob ng limang taon, at nagising siyang may-amnesia. Nakalimutan niya si Gia, at ang pagmamahal sa akin lamang ang naaalala. Ngayon ay umaakto siyang parang hindi siya nagloko at halos magmakaawa sa akin na mahalin ko siyang muli kasama ng four-year-old naming anak na babae.
view moreCALLISTO“Pambihira ang nangyari sa pamilyang Rossi, ano?”“Sinabi mo pa! Pero ang sabi-sabi ng mga maids nila, kinarma raw kasi mga cheater sila.”“Huy! Totoo ba?”“Hindi lang iyon, may mga nakapagsabi rin na marami silang kalokohaan behind closed doors.”“Gaya ng?”“Actually, mahaba ang kuwento, pero simulan natin sa padre de pamilya… balita ko ay may dalawa siyang asawa noon na pareho niyang pinakasalan sa magkaibang bansa tapos isang araw nasa iisa na silang mansyon—”“Wow. Interesting.” ngisi kong komento sa dalawang nagtsi-tsismisang nurses habang nakatayo sa likod nila.Pareho silang natigilan at sabay na napalingon sa akin. Sa mga itsura nilang nanlalaking mga mata ay halatang nakilala agad nila kung sino ako.“Oh tapos? Ano nang nangyari ng dinala ng Dad ko ang dalawa niyang asawa sa mansyon?” sarkastiko ko pang tanong.“S-S-Sir Callisto!” ang babaeng nurse na siyang nagkuwento ay parang nakakita ng multo, ganoon din ang mukha ng kanyang kasama.Bumaba ang paningin ko sa name
GIA“The patient is suffering from retrograde amnesia.” pagdedeklara ng doktor.“A-Amnesia?” kahit pa batid ko na iyon dahil sa mga inaakto ni Carcel, ang makumpirma ito ng doktor ay nagpabagsak parin sa akin sa gilid ng kama na kinahihigaan ngayon ni Carcel dala ng panlalambot.“D-Doc, ano pong ibig sabihin no'n? Ano ba iyang nangyayari sa anak ko?” rumehistro ang matinding pag-aalala sa mukha ni tita Malou.“In simpler terms, retrograde amnesia in simpler terms, is when a person has difficulty recalling memories or information from their past before a specific event, injury, or illness. This memory loss can vary in severity and can affect different periods of a person's life.” pagpapaliwanag ng doktor saka nagpatuloy. “Sa aking nakikita, dahil sa insidente five years ago at sa tagal ng pagkaka-comatose ni Mr. Carcel Rossi, maaaring nakalimutan niya ang mga pangyayari nitong nakalipas na mga taon. Importanteng malaman natin ang espisipikong taon at kaganapan na kanyang naaalala nang
GRACE Isang linggo na ang nagdaan simula nang magising ang aking son-in-law. Subalit imbes na kagalakan at selebrasyon ang mamayani sa aming mga pamilya, napuno ng kaguluhan at pagkabahala. Wala ni isa ang makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari at halos wala lahat sa kontrol. “Carcel, pleaseee! Pakinggan mo muna ako!” humahagulgol na nagmamakaawa ang aking anak na si Gianna kay Carcel, pinipilit niyang pinapatigil ang kasintahan sa pagwawala at paghahalughog sa buong mansyon namin. “Carcel, nakikiusap ako!!” “Tumabi ka!!” walang pusong binalibag ni Carcel si Gianna sa pader nang harangin nito ang dinaraanan niya. “Gianna!” “Hala! Si ma'am si Gianna!” “Gia!” Puno ng taranta at aligaga akong tumakbo patungo kay Gia sa second floor nang makita siyang namimilipit sa sakit. Subalit hindi ko pa man siya naaalalayan ay nagmamadali na siyang kumilos upang habulin muli si Carcel. “Carcel!! Please, stop! Listen to me! I'm begging you, Carcel!!” halos magkandarapa si Gia sa paghahabol sa
JETT“Anjettie, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong sa akin ni Hugo pagkalabas na pagkalabas nila Callisto.Nanlalambot ang ang mga tuhod ko habang inaalalayan niya ako paupo sa couch. Unti-unting sumingaw ang labis na panlalamig mula sa aking katawan, ramdam ko parin ang pagkaputla ko. “Ate Jett, tubig po!” inabutan ako ni Yuna ng tubig na may pag-aalala habang si Vicky ay pinapaypayan ako.“Sissy, anong nangyari ba't ganon'n naman pala ang mga taong ‘yon?”Nilaghok ko ang tubig, naghabol ng hininga pagkatapos. Bahagya akong napreskuhan saka ako huminga ng malalim nang tatlong beses. “A-Ayos na ako.”“Boss, sino ba ang mga taong iyon?” kuryosong tanong ni Nisha.Umiling ako. “Simula sa araw na ito bawal niyo na silang papasukin sa shop. Walang dulot na maganda ang mga taong iyon. Naiintindihan niyo?”Nagkakatinginan silang napatango.Bahagya akong sumeryoso. “Kalimutan niyo na ang nangyari at ituloy niyo na ang pagtatrabaho ngayon din.”Nakikita ko ang pag-aat
JETT “Pambihira! Isa ka na palang negosyante, Jett. Akala ko maliit na shop lang ‘to, pero mukhang bibigatin din, ano?” nasisiyahang sabi ni Callisto. Ang malaki niyang boses ay umaalingawngaw sa buong lugar. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagsasalita, ang bawat tono na binibigkas niya dahil puno iyon ng kayabangan o ‘di naman kaya'y pagiging sarkastiko. Kung kaya't hindi ko alam kung talaga bang natutuwa siya sa papuring iyon sa akin. Lihim kong naiyukom ang dalawa kong kamao upang humugot ng lakas ng loob. Binura ko ang aking emosyon. He's a stranger to me now no matter what. “Anong kailangan mo't sinadya mo pa ako sa aming shop, Sir?” “Oh,” tinaasan niya ako ng isang kilay, kasabay no'n ay tumaas ang sulok ng labi niya. “Would you look at that?” Napaigtad ako sa kinatatayuan subalit hindi na ako umatras pa nang ilang hakbang siyang lumapit sa akin. Halos limang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Walang takot ko siyang tiningala. Matagal kami
JETT“Malayo ang tingin~ Wala namang tinatanaw~”Unati-unti akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang pagpaparinig na kanta nila Vicky at Nisha habang sila'y nagpaplantsa ng mga damit. Napapailing naman akong napaikot ng mga mata.“Ewan ko sa inyo.” naiusal ko. Natanto kong may ginagawa nga pala ako sa aking kinauupuan at tinuloy na lamang ang pagdrawing ng mga maliliit na dresses para kay Jelly.“Eh kasi naman sissy, parang ang dami-dami mong nakikita na hindi namin nakikita. Sino ba, este ano bang iniisip mo diyan?” Usyosong tanong sa akin ni Vicky.“Wala!” tanggi ko agad. “Echos mo, sissy! Panigurado namang si Poging Hugo lang iyang laman ng isipan mo!”“Ayiiieee~ Nagdadalaga na si Boss!” panunukso pa ni Nisha.Nasapo ko ang aking noo, pinipigilan na mapatawa sa pang-aasar nila. “Nababaliw na kayo. Puwede bang mag-focus na lang kayo sa ginagawa niyo at huwag niyo na akong abalahin pa?”“Hmp! Ayaw man lang mag-share ni Boss.”“Sa true~”“Tsk! Gusto niyo lang ng chismis eh. Bahal
JETT Nairaos ko ang isang linggong pag-atupag sa dress ni Madam Edna at mukha namang nasiyahan siya dahil nag-tip pa siya ng malaking halaga ng pera sa ganda ng mood niya. Linggo ngayon at pahinga ko sa mansyon. Habang sumisigop ng mainit na kape at nagrerelax sa bench ng garden ay pinapanood ko sina Jelly na naglalaro kasama sina Tanya at Tonio. Naka-set ang malaking castle ng puzzle na sila mismo ang bumuo. Hindi ko maiwasang matuwa at humanga sa kanilang paglalaro. Kinuha ko ang aking i-phone upang i-video ang sandaling iyon. Kung saan maganda ang pagkakangiti ni Jelly sa labi dahilan upang makita ang mapuputi at napakaliliit niyang ngipin. Hindi rin ako nabigo sa twins dahil match na match talaga sila sa kakulitan ni Jelly. Ang akala ko nga'y hindi agad sila magkakasundo, pero nung mismong araw na pinakilala ko sila sa isa't-isa ay nagyayaan na silang maglaro. “Ehem!” Napahinto ako sa pagvivideo nang agawin ni Hugo ang pansin ko. Kararating niya lamang sa garden. Binaba ko an
JETTInuunat ko ang aking braso sa pananakit ng likod at leeg ko. Dere-deretso ang pananahi ko ng dress na hindi ko namamalayang mahigit tatlong oras na ang nakalipas. Tumayo muna ako saka lumabas ng silid. Naglakad-lakad ako sa aming shop upang magalaw-galaw ang dalawang kong namamanhid na binti.“Break time ka na, Ate Jett?” pumasok sa shop si Yuna na may dala-dalang anim na mango shake. “Tamang-tama! Kabibili ko lang ng mga shake! Kuha ka po!”“Salamat, Yuna.” malugod ko iyong tinanggap, saka ako naupo sa mahabang couch.“Ipamimigay ko lang po ito kina Vicky!” aniya at lumisan upang tunguhin ang kapwa empleyado sa loob.Tahimik kong sinigop ang straw ng mango shake. Ang lamig at ang refreshing nitong lasa ay mas lalong nakapagpa-relax sa akin.Maya-maya lamang ay bumalik muli si Yuna at naupo sa aking tabi. “Patay ang araw ngayon, ah. Simula nung nagbukas tayo kaninang umaga, isa pa lang na customer ang napadaan.”“Napansin ko nga.” ani ko saka napailing. “Nga pala, Yuna, hindi ba
HUGO “Sir, na-deliver na ang mga raw materials na hinihingi ng Santa Maria group para sa proposal natin.” Napatango ako sa sinabi ng aking sekretarya. “Good work. Balitaan mo ako agad sa oras na ibigay na nila ang final decision nila.” “Yes, Sir. Ito nga po pala ang document report ng team sa nakaraang performance ng sales----” “Uncle, uncle!” Naagaw ang atensyon ko nang may humatak sa dulo ng itim kong polo. Napayuko ako at nakita si Jelly na nakatingala sa akin nang malaki ang pagkakangiti. Kinuha ko ang dokumento sa kamay ng aking sekretarya saka siya sinenyasan na umalis, na agad nitong ginawa. Saka ko lamang natutuwang kinarga si Jelly. “Nasaan ang yaya mo at nagawa mo akong mahanap dito sa construction site? Parang ang lakas ng pang-amoy mo at lagi mo akong natutunton, Jelly.” pagbibiro ko pa sa kanya, bahagyang kinurot ang kanyang maliit na ilong. Humagikhik siya ng tawa. Naglakad naman ako sa maayos na kalsada saka naglinga-linga ng paningin para hanapin ang yaya niya.
JETT“Congratulations! You're pregnant, Jett!” masayang wika ng aking kaibigan na doktor na si Kaye. “Isang buwan ka nang buntis sa unang baby niyo ni Carcel.”Matagal pa akong napatulala sa kanya, pinoproseso ang ibinalita niya. “B-Buntis ako?”“Yes! Wala kang sakit, kundi nakakaramdam ka lang ngayon ng mga mild symptoms of pregnancy. Actually, late mo na ngang nararanasan ang sintomas, but I can assure you, nothing's wrong with your pregnancy. Your body is healthy, you just need to keep it that way.”Nagmamadali akong lumabas ng hospital. Panay kagat-labi ko dahil sa hindi makubling saya na aking nararamdaman. Patuloy na kumakabog ang dibdib ko hanggang sa matunton ko ang naka-park na sasakyan namin.“Kuya Hector, uwi na tayo!” puno ng pananabik kong anyaya sa aking driver nang maupo sa backseat.“Yes po, Madam!” Habang umaandar ang sasakyan ay kinalikot ko ang aking cellphone para tawagan ang aking asawa. Nung una ay hindi niya pa sinagot, ngunit nang tawagan ko ulit ay sinagot na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments