Framed the Prince to be My Baby Daddy

Framed the Prince to be My Baby Daddy

By:  aiwrites  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings
42Chapters
790views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Gumuho ang mundo ni Aldrick Laureus nang piliin ng babae na pinakamamahal niya ang kan'yang kapatid sa ina. Sa ikalawang pagkakataon ay iniwan siya na lugmok at luhaan ng prinsesa na inalayan niya ng buong mundo niya. Nagpasiya siya na tuluyan nang lumayo at kalimutan ang nakaraan nila ngunit dahil sa isang pakiusap ay mapipilitan siya na muling harapin ang pait ng kahapon na ayaw na sana niyang balikan pa. Isang misyon ang ipinakiusap sa kan'ya: hanapin ang prinsesa na naglayas upang takasan ang isang arranged marriage. Sounds familiar, right? Russia Mercado has been living a good life, but that is until she falls stupidly in love with the wrong person. In a blink of an eye, things have not been easy, especially when she decided to run away from home. Napasok siya sa isang magulong sitwasyon dahil lamang sa pagtalikod niya sa sariling pamilya niya at pagpili sa maling tao. She made the biggest mistake of her life, and now she is paying all the consequences of her actions. She needs to reclaim her life and her freedom, and for her to do that, she needs to complete one mission. Isang misyon na maglalapit sa kan'ya sa isang bagay na pilit na niya na tinatakasan: ang salitang pagmamahal. Pag-ibig ang sumira sa kan'ya, ngunit pag-ibig din kaya ang muling bubuo sa pagkatao niya? Can she frame the prince to be her baby daddy and still find love in the end? Love comes in the most unexpected way at the most uncertain times. Dalawang taong galit sa salitang pag-ibig at hindi na naniniwala sa salitang pagmamahal ang pagtatagpuin ng tadhana upang guluhin ang kanilang paninindigan. Pagmamahal na isinumpa o pagmamahalan na aabot hanggang sa sumpaan? Handa na nga ba sila na muli na sumugal sa magulong mundo ng pag-ibig?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Analiza Eramis
more update pls
2024-07-31 17:08:25
0
user avatar
aiwrites
Regular updates will start this month. This is a spin-off story of The Invisible Love of Billionaire kaya mas maganda po na mabasa ninyo rin iyon para maintindihan po ang continuity nito. Although this is a stand-alone story ang iba po kasi na scenes/dialogues ay related sa unang story. thanks
2024-06-01 09:13:43
2
42 Chapters

Prologue

"Eunice, what is this? Ano ang akala mo sa pamamahay ko, bahay ampunan? Hindi porke’t tinanggap kita rito ay puwede ka nang magdala ng kahit na sino rito. I still own this house, and you can’t just bring anybody here. Hindi ako nagkakawanggawa at wala akong plano na umabot sa langit dahil lamang sa pagkakawanggawa na iyan." Galit ang tinig na iyon ng kausap ni Eunice kaya naman lalo na nahintatakutan si Russia habang nakaupo at naghihintay sa kan’yang kaibigan. Nais na niyang umalis pero wala siyang ibang patutunguhan. Naisin man niya na bawiin ang pakiusap niya sa kaibigan niya ay hindi rin naman niya magawa dahil saan pa nga ba siya pupunta? She had nothing. All she had was herself, and the only person that she could turn to was Eunice. Alam niya na gaya rin niya ay malaki rin ang problema na kinakaharap ni Eunice, pero wala na siyang ibang matatakbuhan pa kaya kahit nahihiya siya dahil dumadagdag pa siya sa marami na rin na problema ng kaibigan niya ay wala siyang ibang mapagpil
Read more

Chapter 1

"Aldrick!" Boses ng babae ang agad na sumalubong sa kan’ya pagbaba pa lamang niya ng sasakyan at bago pa man siya makahuma ay sinalubong na rin siya nito ng mahigpit na yakap. "We miss you! I miss you!"Halata sa boses ng babae ang kasiyahan sa kan’yang pagdating at bagama’t walang salita siya na nauusal sapat na ang pagganti niya sa yakap nito upang maiparamdam na masaya rin siya sa muli nila na pagkikita."Mabuti naman at hindi mo ako tinanggihan sa hiling ko. I missed you so much, Aldrick."Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang tuluyan siya na magpaalam sa kapatid niya na si Colton at kay Atasha. Nais niyang lumayo upang makalimot kaya kahit nga sa kasal ng dalawa ay hindi na siya dumalo pa at wala na sana siyang plano na bumalik pa kung hindi lamang ang babae mismo ang tumawag sa kan’ya. And Atasha is still the Atasha that he knows. Walang pinagbago ang babae na minahal niya noon at minamahal pa rin niya ng patago hanggang sa ngayon kahit na alam niya na mali.Fuck Akiro’s
Read more

Chapter 2

"It’s time. Matagal-tagal ka na rin naman na nasa poder ko, Russia, kaya panahon na rin naman siguro para suklian mo ang kabutihan ko sa’yo."Sa tuwing nakakaharap niya ang Tita ni Eunice ay lagi na lamang na may takot si Russia na nararamdaman. Naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa kan’ya pero hindi niya magawa na mapalagay ang loob sa babae dahil sa napakasungit na awra nito parati. "P-pasensiya na, Tita, alam ko na matagal-tagal mo na akong sinusuportahan kaya pasensya na sa panggugulo ko at pagiging dagdag na problema sa inyo. Pangako na maghahanap ako ng permanenteng trabaho para maging regular din ang pagbibigay ko para sa mga gastusin dito." Sa totoo lamang ay pinipilit naman niya na makapagbigay ng share niya sa mga gastusin pero hindi nga lang madalas dahil wala rin naman siyang makuha na permanenteng trabaho sa ngayon. Bukod pa roon ay nahihiya rin siya na makiusap sa mga kaibigan ng pamilya nila dahil ayaw niya na makaabot sa mga magulang niya ang buhay na sinapit ni
Read more

Chapter 3

"Kailangan natin na mag-usap dahil buntis ako at ikaw ang ama!"Puno ng emosyon ang pagkakasabi ni Russia ng mga salita na iyon sa kan’yang target na si Aldrick. Pinapanindigan niya ang kathang-isip na istorya na ginawa nila at hindi man lamang siya nagpakita ng kahit na ano na pag-aalinlangan sa pagbigkas ng mga salita na iyon. Mayroon siyang misyon at iyon ang kan’yang ipaglalaban.And everyone who would see her would no doubt believe her because of the superb acting skills that she was showing at that moment. Everyone except Aldrick and Nathan. Mga lalaking sanay na sanay yata sa mga babae na sine-set up sila kaya balewala na lamang sa dalawa ang sinabi niya. Hiyang-hiya siya lalo pa at sabay siya na tiningnan mula ulo hanggang paa ng dalawa, tapos ay nagpalitan ng mga nakakaloko na tingin at saka bumunghalit ng tawa sa harapan niya. 
Read more

Chapter 3.1

"Maaga ka lang ba talaga ulit na nagising o hindi ka nakatulog na naman?" Iyon ang bating tanong ni Nathan kay Aldrick ng abutan niya ang lalaki sa may hardin. "Iniisip mo ba iyon babae noong isang araw?The one that you presumably got pregnant. Lagi nang maaga ang gising mo eh."Rumolyo ang mata ni Aldrick sa kaibigan saka walang gana na sumagot. "Maaga ako dahil inaasahan ko ang pagdating ni Elon ngayon. That’s the only reason and nothing else."Ngumisi ng nakakaloko si Nathan at patuloy siya na inasar. "Kung darating ang best man mo, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi ka nga pinapatulog ng babae na iyon na dumating dito. Ginugulo ng babae na siyang nabuntis mo raw ang buong sistema mo.""Nabuntis ko? What the fuck?! Anong kabaliwan ba ang sinasabi mo at lalong anong kabaliwan ang naisip ng babae na iyon para sa
Read more

Chapter 4

"Makikilala niya na ang tunay na Aldrick Laureus? Paano? Sa kama ba?" Nakakalokong tanong ni Nathan saka bumunghalit ng tawa matapos na sapilitan na ilabas ni Elon ang babae na kanina lamang ay nagpa-init ng ulo ni Aldrick."What the hell is wrong with that woman? Ano ba ang plano niya at patuloy niya na ipinipilit ang bagay na iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naisipan niya na paglaruan at gaguhin." Salubong ang kilay na sagot naman niya. Kuhang-kuha ng babae na iyon ang inis niya simula pa lamang nang una sila na magtagpo. He wanted to just disregard her accusations at first, but thought otherwise, kaya naman agad niya rin na tinawagan si Elon para makatulong sa pag-iimbestiga na gagawin niya patungkol sa babaeng makulit na iyon.And he is glad that he decided on bringing Elon into the picture.
Read more

Chapter 4.1

"Aldrick Laureus, I hate you!" Gigil na gigil na tili ni Russia nang makarating sila ni Eunice sa bahay. Sa biyahe pa lamang pauwi ay inis na inis na siya kaya naman nang makarating sila ay hindi na niya nagawa pa na itago ang damdamin niya para sa lalaki. "Buwisit ka! May araw ka rin sa akin na lalaki ka! Guwapo ka lang pero napakayabang mo!""Rus, sinabi ko naman sa’yo na tigilan mo na. Mahihirapan ka talaga sa kan’ya. Matalino iyon at hindi agad iyon maniniwala dahil lamang sa sinabi mo. May ibang paraan pa naman para maibalik natin ang mga tulong ni Tita." Kahit paano ay naaawa na rin si Eunice sa kaibigan niya at ayaw na niya na ipilit pa ang mga bagay na sigurado naman sila na hindi nila kayang gawin. "Hindi maaari, Euni. Ayaw ko na pati sa’yo ay magalit si Tita. Isa pa, nakakahiya na hindi ko magawa ang bagay na inutos sa akin. Sa atin dalawa ibini
Read more

Chapter 5

"Elon, anong balita sa babae na pinapa-imbestigahan ko sa’yo?" Umagang-umaga pa lamang ay busangot na busangot na agad si Aldrick nang lumabas sa kan’yang silid.Ilang gabi na rin kasi siya na hindi pinapatulog sa pag-iisip ng babae na iyon na nanggugulo sa kan’ya tapos idagdag pa roon na hindi rin siya makapag-uwi ng babae o maka-iskor man lamang dahil nawawala nga siya sa wisyo kapag naaalala niya ang bwisit na babae na iyon. He needs a distraction from the biggest distraction in his life that is already distracting him, but how?"Unfortunately, there is no concrete information yet. Hindi gano’n kadali na kumuha ng impormasyon sa isang babae na wala tayong pagkakakilanlan. Bakit naman kasi kahit pangalan ay hindi mo man lamang itinanong?" Sa totoo lamang ay hirap din talag si Elon sa pagkuha ng mga impormasyon, bukod kasi sa hindi niya gamay ang proseso rito
Read more

Chapter 5.1

Ilang minuto na ang lumilipas pero simula pa kanina ay wala silang ginawa kung hindi ang magtitigan lamang ng masama. Technically, kanina pa siya tinatapunan ng nakamamatay na tingin ng binata na ginugulo niya ang buhay habang siya naman ay nakaupo lamang at pinipilit na maging kalmado habang ang dalawang lalaki sa kan'yang harapan ay palipat-lipat ang tingin sa kan'ya at sa isa’t-isa.Walang maski isa sa kanila ang nais na magsimula ng usapan bagama’t ramdam na ramdam na ang tensyon na namamayani sa kanilang lahat. Alam ni Russia na hindi magiging madali ang paghaharap na ito pero sisiguraduhin niya na sa pagkakataon na ito ay siya naman ang magtatagumpay. Once is enough; two is too much; on the third try, she’ll get the victory, and that is for sure. Sa totoo lamang ay hindi niya rin malaman kung ano ba talaga ang kan'yang mararamdaman sa punto na iyon.
Read more

Chapter 5.2

"Bullshit! Fuck! Anong karapatan niya na magdesisyon para sa buhay ko? Hindi porke’t iniligtas niya ako noon ay may karapatan na siya na pakialaman ang buhay ko!" Kanina pa palakad-lakad si Aldrick sa harapan ni Elon habang nagpupuyos sa galit na kan’yang nararamdaman para sa kapatid na si Colton. Hindi niya inaasahan ang desisyon na iyon kaya naman mabilis siya na nag-walk out kanina sa usapan na iyon."Anong plano mo ngayon, Prinsipe Aldrick?" Kapag ganito na mainit ang kan’yang ulo ay alam na alam na ni Elon na kailangan niya na maging maingat sa mga bibitawan niya na salita. "Gusto mo na ba na magbalik sa Genova? Ipapahanda ko ang eroplano para makauwi na tayo.""Walang aalis sa bahay na ito!" Siya naman pagdating ni Colton at nang marinig ang usapan nila ay nakisabat na rin. Nagbabadya na rin ang galit sa mga mata nito habang hinahamon ng tingin ang kapati
Read more
DMCA.com Protection Status