"Kailangan natin na mag-usap dahil buntis ako at ikaw ang ama!"
Puno ng emosyon ang pagkakasabi ni Russia ng mga salita na iyon sa kan’yang target na si Aldrick. Pinapanindigan niya ang kathang-isip na istorya na ginawa nila at hindi man lamang siya nagpakita ng kahit na ano na pag-aalinlangan sa pagbigkas ng mga salita na iyon. Mayroon siyang misyon at iyon ang kan’yang ipaglalaban.
And everyone who would see her would no doubt believe her because of the superb acting skills that she was showing at that moment. Everyone except Aldrick and Nathan. Mga lalaking sanay na sanay yata sa mga babae na sine-set up sila kaya balewala na lamang sa dalawa ang sinabi niya. Hiyang-hiya siya lalo pa at sabay siya na tiningnan mula ulo hanggang paa ng dalawa, tapos ay nagpalitan ng mga nakakaloko na tingin at saka bumunghalit ng tawa sa harapan niya.
Nais niyang lamunin siya ng lupa sa punto na iyon dahil ang tingin yata sa kan’ya ng dalawa ay isa siyang baliw. Aminado rin naman siya na kabaliwan naman talaga ang ginagawa niya, pero wala naman siyang ibang pagpipilian kaya naman patuloy siya na nanindigan sa paratang niya kay Aldrick.
Ipinagsalubong pa niya ang kan’yang kilay at saka pilit na nilakasan ang boses upang tumigil ang dalawang lalaki sa pagtawa nila sa kan’ya. "Buntis nga ako at ikaw ang ama! Panagutan mo ito! Kailangan mo ako na panagutan dahil anak mo ang dinadala ko!"
Ngunit kagaya lamang sa naunang reaksyon ng dalawa, pagkasabi niya ng mga salita na iyon ay muli na naman na bumunghalit ng tawa ang kasama ni Aldrick na animo ay nagpapatawa siya sa mga sinasabi niya. "Fuck, Aldrick! Lagot ka, lagot ka talaga nakabuo ka!"
"Shut-up, Nathan!" Pagsaway naman ni Aldrick sa kasama nito habang muli siya nito na binalingan. "Miss, nagbibiro ka ba? Ayos na, napatawa mo na kami."
"Mukha ba akong nagbibiro?!"
"Oo." tugon pa ni Aldrick. "Pero kung hindi 'yon biro sige seseryosohin na kita. Tama na ang laro mo dahil hindi kita kilala; hindi kita natatandaan at lalong hindi kita naikama."
"Hindi ko na problema iyon kung hindi mo ako natatandaan, basta ikaw, tandang-tanda ko. Hindi ko nakakalimutan ang mga nangyari sa atin. Baka gusto mo na ikuwento ko pa ang mga ginawa natin para maalala mo!" Matapang na sagot pa niya. Malakas ang loob niya na hamunin ang lalaki pero sa loob-loob niya ay sana ay hindi iyon pumayag dahil wala rin naman siya na masasabi na eksena nilang dalawa. "Dala-dala ko ang anak mo kaya panagutan mo ako!"
"Holy Shit! This is hilarious. Wait ‘til Colton hears about this." sagot naman ng kasama nito na lalaki. "Or, wait until Atasha hears about this, Drick. Lagot ka sa dragona!"
"Atasha won’t know about this." Nagulat na lamang siya sa matipid ngunit matigas na sagot na iyon ni Aldrick kaya hindi naman niya maiwasan na hindi ma-intriga kung ang Atasha ba na nabanggit ay ang kasintahan nito kaya gano'n na lamang ang reaksyon nito.
"Let Atasha know that I am pregnant!" Pagsingit naman niya sa usapan ng dalawa. "Mas makakabuti na maaga pa lamang ay ipaalam na sa lahat na binuntis mo ako."
At sa punto na iyon ay nagsalubong ang kilay ni Aldrick sa kan’ya at kitang-kita ang matatalim na titig na ibinigay nito sa kan’ya. If looks can kill, she should have been dead by now from those glares that she is receiving from the man in front of her. "You, whoever the hell you are, leave! Wala akong panahon na makipagbiruan sa’yo. Leave and never come back!"
Iyon lamang at saka sumenyas si Aldrick sa guard at mabilis siya na tinalikuran habang sumunod naman ang kasama nito habang ang guard naman ay sapilitan na siya na pinaalis. Wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang pansamantala na tanggapin ang katotohanan na hindi siya nagtagumpay sa misyon niya.
Of course, as expected, she failed on her first try, but that won’t stop her from doing what she intended to do. Sinabihan na rin naman siya sa simula pa lamang na kailangan niya na galingan ang pag-arte dahil hindi gano’n kadali na mapapapaniwala ang lalaki sa mga sasabihin niya pati na ang mga tao na nakapalibot dito, at iyon nga ang nagyari. Ginawa lamang katatawanan ang sinabi niya.
Mahirap pero mas magiging mahirap ang buhay niya kung hindi siya makakabayad ng utang na loob sa taong kumupkop sa kan’ya, kaya naman wala siyang ibang gagawin kung hindi ang mag-try and try until she succeeds.
Ito na muna ang magiging motto ni Russia simula ngayon hangga’t makuha niya ang nais niya. Kaya naman ito na naman muli siya sa harapan ng bahay nina Aldrick at humahanap ng tiyempo para muling makagawa ng eksena matapos ang pagkabigo niya dalawang araw pa lamang ang nakakalipas. There is no harm in trying again and again, and she will do so until she gets what she wants.
Sa punto na ito nga lamang ay hindi niya alam kung paano niya iyon magagawa lalo na at mukhang hindi siya sineryoso ng lalaki at ng kaibigan nito. Sa totoo naman talaga ay katawa-tawa ang akusasyon niya. Guwapo sa litrato ang Aldrick na iyon, pero hindi hamak na mas guwapo at ma-appeal sa personal, kaya sigurado siya na hindi ang kagaya niya ang tipo nito.
Maganda siya, oo, pero noon iyon na sagana pa siya sa buhay. Simula kasi nang itakwil siya ng mga magulang at lokohin siya ni Blue ay nagbago na rin ang estado ng pamumuhay niya kaya hindi na rin naman siya nakakapag-ayos ng sarili niya. Wala na rin naman siyang balak na magpaganda pa dahil wala rin naman na rason pa.
"Sigurado ka ba na babalik ka riyan? Huwag na kaya, Rus." Pagpipigil sa kan’ya ng kaibigan niya habang malalim siya na nag-iisip. "Pabayaan na natin ang utos na iyon. I am worried, Rus. Ayaw ko na maging negative pero baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa’yo kapag inulit mo pa ang pagpunta riyan."
"Wala naman siguro silang gagawin na masama sa akin. The worst that he can do is probably let me leave the place again, but this time I won’t just leave. I will stay whether he likes it or not." matapang pa na sagot niya.
"Paano kung ipagtabuyan ka niya? Paano kung saktan ka niya dahil ayaw mo na umalis?" Patuloy na pag-aalala ng kaibigan niya para sa kan’ya. "Let’s just leave, Rus."
"We can’t, Euni. Ayaw ko na pati ikaw ay mapahamak. I will be okay; don’t worry." Hindi man siya sigurado sa gagawin ay pilit na lamang din niya na pinalalakas ang loob niya. "I need to do this so we can both get our lives back, Euni. Pangako ko sa’yo na gagawin ko ang lahat para matapos natin ang misyon na ito."
"I don’t know, Rus. Nag-aalala talaga ako para sa’yo. What if -"
"Walang what if, Euni." Siya na mismo ang pumutol sa nais na sabihin pa ng kaibigan. "Hindi man ako nagtagumpay sa unang beses pero sigurado ako na sa pagkakataon na ito ay magtatagumpay na ako. Wala na siyang magagawa kung hindi ang akuin ang bata sa sinapupunan ko."
"Paano? Paano niya aakuin eh wala naman laman ‘yan."
"One at a time, Euni." Malalim na buntong hininga niya. "That problem is for the next time. Ang importante ngayon ay ang mapilitan siya na akuin ang inaakala niya na responsibilidad niya sa akin. Sa susunod ko na lamang iisipin kung paano magkakalaman ng tunay itong tiyan ko."
"No, Rus. I can’t let you do that. There’s no other option for you to get pregnant unless you sleep with him."
"Then so be it. I’ll sleep with him if worse comes to worse."
"Maaga ka lang ba talaga ulit na nagising o hindi ka nakatulog na naman?" Iyon ang bating tanong ni Nathan kay Aldrick ng abutan niya ang lalaki sa may hardin. "Iniisip mo ba iyon babae noong isang araw?The one that you presumably got pregnant. Lagi nang maaga ang gising mo eh."Rumolyo ang mata ni Aldrick sa kaibigan saka walang gana na sumagot. "Maaga ako dahil inaasahan ko ang pagdating ni Elon ngayon. That’s the only reason and nothing else."Ngumisi ng nakakaloko si Nathan at patuloy siya na inasar. "Kung darating ang best man mo, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi ka nga pinapatulog ng babae na iyon na dumating dito. Ginugulo ng babae na siyang nabuntis mo raw ang buong sistema mo.""Nabuntis ko? What the fuck?! Anong kabaliwan ba ang sinasabi mo at lalong anong kabaliwan ang naisip ng babae na iyon para sa
"Makikilala niya na ang tunay na Aldrick Laureus? Paano? Sa kama ba?" Nakakalokong tanong ni Nathan saka bumunghalit ng tawa matapos na sapilitan na ilabas ni Elon ang babae na kanina lamang ay nagpa-init ng ulo ni Aldrick."What the hell is wrong with that woman? Ano ba ang plano niya at patuloy niya na ipinipilit ang bagay na iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naisipan niya na paglaruan at gaguhin." Salubong ang kilay na sagot naman niya.Kuhang-kuha ng babae na iyon ang inis niya simula pa lamang nang una sila na magtagpo. He wanted to just disregard her accusations at first, but thought otherwise, kaya naman agad niya rin na tinawagan si Elon para makatulong sa pag-iimbestiga na gagawin niya patungkol sa babaeng makulit na iyon.And he is glad that he decided on bringing Elon into the picture.
"Aldrick Laureus, I hate you!" Gigil na gigil na tili ni Russia nang makarating sila ni Eunice sa bahay. Sa biyahe pa lamang pauwi ay inis na inis na siya kaya naman nang makarating sila ay hindi na niya nagawa pa na itago ang damdamin niya para sa lalaki. "Buwisit ka! May araw ka rin sa akin na lalaki ka! Guwapo ka lang pero napakayabang mo!""Rus, sinabi ko naman sa’yo na tigilan mo na. Mahihirapan ka talaga sa kan’ya. Matalino iyon at hindi agad iyon maniniwala dahil lamang sa sinabi mo. May ibang paraan pa naman para maibalik natin ang mga tulong ni Tita." Kahit paano ay naaawa na rin si Eunice sa kaibigan niya at ayaw na niya na ipilit pa ang mga bagay na sigurado naman sila na hindi nila kayang gawin."Hindi maaari, Euni. Ayaw ko na pati sa’yo ay magalit si Tita. Isa pa, nakakahiya na hindi ko magawa ang bagay na inutos sa akin. Sa atin dalawa ibini
"Elon, anong balita sa babae na pinapa-imbestigahan ko sa’yo?" Umagang-umaga pa lamang ay busangot na busangot na agad si Aldrick nang lumabas sa kan’yang silid.Ilang gabi na rin kasi siya na hindi pinapatulog sa pag-iisip ng babae na iyon na nanggugulo sa kan’ya tapos idagdag pa roon na hindi rin siya makapag-uwi ng babae o maka-iskor man lamang dahil nawawala nga siya sa wisyo kapag naaalala niya ang bwisit na babae na iyon. He needs a distraction from the biggest distraction in his life that is already distracting him, but how?"Unfortunately, there is no concrete information yet. Hindi gano’n kadali na kumuha ng impormasyon sa isang babae na wala tayong pagkakakilanlan. Bakit naman kasi kahit pangalan ay hindi mo man lamang itinanong?" Sa totoo lamang ay hirap din talag si Elon sa pagkuha ng mga impormasyon, bukod kasi sa hindi niya gamay ang proseso rito
Ilang minuto na ang lumilipas pero simula pa kanina ay wala silang ginawa kung hindi ang magtitigan lamang ng masama. Technically, kanina pa siya tinatapunan ng nakamamatay na tingin ng binata na ginugulo niya ang buhay habang siya naman ay nakaupo lamang at pinipilit na maging kalmado habang ang dalawang lalaki sa kan'yang harapan ay palipat-lipat ang tingin sa kan'ya at sa isa’t-isa.Walang maski isa sa kanila ang nais na magsimula ng usapan bagama’t ramdam na ramdam na ang tensyon na namamayani sa kanilang lahat. Alam ni Russia na hindi magiging madali ang paghaharap na ito pero sisiguraduhin niya na sa pagkakataon na ito ay siya naman ang magtatagumpay. Once is enough; two is too much; on the third try, she’ll get the victory, and that is for sure.Sa totoo lamang ay hindi niya rin malaman kung ano ba talaga ang kan'yang mararamdaman sa punto na iyon.
"Bullshit! Fuck! Anong karapatan niya na magdesisyon para sa buhay ko? Hindi porke’t iniligtas niya ako noon ay may karapatan na siya na pakialaman ang buhay ko!" Kanina pa palakad-lakad si Aldrick sa harapan ni Elon habang nagpupuyos sa galit na kan’yang nararamdaman para sa kapatid na si Colton. Hindi niya inaasahan ang desisyon na iyon kaya naman mabilis siya na nag-walk out kanina sa usapan na iyon."Anong plano mo ngayon, Prinsipe Aldrick?" Kapag ganito na mainit ang kan’yang ulo ay alam na alam na ni Elon na kailangan niya na maging maingat sa mga bibitawan niya na salita. "Gusto mo na ba na magbalik sa Genova? Ipapahanda ko ang eroplano para makauwi na tayo.""Walang aalis sa bahay na ito!" Siya naman pagdating ni Colton at nang marinig ang usapan nila ay nakisabat na rin. Nagbabadya na rin ang galit sa mga mata nito habang hinahamon ng tingin ang kapati
"Good morning! Nagluto ako ng almusal." Bagama’t ninenerbiyos si Russia ay buong sigla siya na bumati sa lalaking pumasok sa may kusina. Mukhang alam na rin naman nito na narito na siya kasi hindi na nagulat ang lalaki sa presensya niya at parang inaasahan na rin talaga ang pagtatagpo nila. "Kain tayo.""Bakit ikaw ang gumawa niyan? May mga katulong naman na maaari mo na utusan kung may gusto ka na kainin." Lumakad ang lalaki sa may ref at kumuha ng isang lata ng alak at saka binuksan iyon at tinungga agad. "Hindi mo kailangan na magtrabaho rito dahil puwede kang magbuhay prinsesa na lang."Hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaki sa mga tinuran nito pero pakiramdam niya talaga ay iba ang ibig sabihin nito sa pagsasabi na magbuhay prinsesa na lamang siya, gano’n pa man ay pinilit na lamang niya na huwag patulan ang mga salita na iyon.
"Sir Colton, may bisita ka." Nagulat si Colton sa pagpasok na iyon ng kan’yang sekretarya at pag-anunsyo nito na may bisita siya. Wala siyang appointment ngayon kaya hindi niya alam kung sino ang dumating. "Pasensya ka na at pinaakyat na nila from the lobby dahil umiiyak daw ang babae at nais ka raw na makausap. Importante raw ang sadya niya.""Sino siya?" Busy siya sa araw na iyon kaya ayaw sana niya na maabala, pero nang sabihin ng sekretarya niya na umiiyak na babae ang hindi inaasahan na panauhin niya ay may naiisip na siya na pangalan kung sino iyon."Sia raw ang pangalan niya."And he is right in his assumption. Kaya naman wala rin pagdadalawang-isip na tumugon siya na ikinagulat pa nga ng sekretarya niya. "Papasukin mo siya.""S-sige po." Naguguluhan m