"Makikilala niya na ang tunay na Aldrick Laureus? Paano? Sa kama ba?" Nakakalokong tanong ni Nathan saka bumunghalit ng tawa matapos na sapilitan na ilabas ni Elon ang babae na kanina lamang ay nagpa-init ng ulo ni Aldrick.
"What the hell is wrong with that woman? Ano ba ang plano niya at patuloy niya na ipinipilit ang bagay na iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naisipan niya na paglaruan at gaguhin." Salubong ang kilay na sagot naman niya.
Kuhang-kuha ng babae na iyon ang inis niya simula pa lamang nang una sila na magtagpo. He wanted to just disregard her accusations at first, but thought otherwise, kaya naman agad niya rin na tinawagan si Elon para makatulong sa pag-iimbestiga na gagawin niya patungkol sa babaeng makulit na iyon.
And he is glad that he decided on bringing Elon into the picture. Mabuti na lamang din talaga at naisip niya ang mga posibilidad na maaari na mangyari at gawin pa ng loka-loka na iyon kaya naman sa pagdating ng tauhan niya ay agad niya na sisimulan ang pag-iimbestiga sa tunay na pagkatao ng babae na iyon.
"Alam mo, Drick, masasagot sana natin ang mga tanong mo na iyan kung hindi mo agad-agad na ipinagtabuyan ang babae na iyon. I mean, we could have asked her questions, but now, how can we?"
At may punto nga naman si Nathan sa mga sinasabi nito, pero hindi na niya iyon naisip pa kanina dahil ang tanging nasa utak niya ang ang mapaalis ang babae sa kan’yang harapan dahil kuhang-kuha nito ang galit niya.
"I don’t care." Sagot na lamang niya kahit na alam niya na tama ang kaibigan sa sinabi nito. "And besides, that’s the reason why Elon is here. Siya na ang aatasan ko na mag-imbestiga patungkol sa babae na iyon. I need answers, and I need them fast. Sigurado rin naman ako na lahat ng sasabihin ng babae na iyon ay panay kasinungalingan lamang kaya mas makakabuti pa na gumawa na lamang ako ng sariling imbestigasyon kaysa ang magsayang ng oras na tanungin siya sa mga bagay na kasinungalingan naman ang itutugon niya."
"May punto ka naman diyan sa sinasabi mo." Pagsang-ayon naman ni Nathan sa mga sinabi niya. "Pero sino nga kaya ang babae na iyon? Literal na sino siya dahil sa dalawang beses na pagpunta niya rito ay hindi naman siya nagbanggit ng pangalan niya."
"That's precisely why I believe that everything she is saying is just a ruse. I mean, wala na siyang ibang sinabi kung hindi ang nabuntis ko siya at kailangan ko iyon na panagutan at kahit na paulit-ulit ko na sabihin na hindi ko siya kilala ay hindi rin naman siya nagpapakilala at nagsasabi kung saan ba kami nagtagpo." Pagbubuntong-hininga pa niya.
Simula yata ng mag-krus ang landas nila ng babae na iyon ay wala na siyang ibang magawa kung hindi ang malalim na magbuntong-hininga at mag-isip dahil sa hindi niya mapagtanto kung ano ang kailangan nito sa kan’ya at patuloy nito na ginugulo ang magulo na nga niya na buhay.
Nag-aalangan man ay muli na nagsalita si Nathan. "Sigurado ka ba talaga na hindi mo siya kilala? Sigurado ka ba na hindi mo nakasama ang babae na iyon kahit isang gabi lamang? Let’s be real here, Aldrick, maaari na nakasama mo na siya pero hindi mo nga lang matandaan dahil sa lahat yata ng pagkakataon ay lasing ka."
"Hindi ko nga siya kilala; hindi ko siya natatandaan at lalong hindi ko siya nakasama kahit na kailan." Mariin pa rin na pagtanggi niya sa sinasabi ng kaibigan niya. "And this is why I need to get to the bottom of this. Alam ko na may masamang balak ang babae na iyon, kung sa akin o kung kanino man ay hindi ko alam pero iyon ang aalamin ko. I can't take chances, especially if it is really Atasha’s family that she is targeting. Malay ba natin kung ginagawa niya lang ako na patibong para mapasok ang buhay nina Atasha."
Pareho sila na natahimik ni Nathan sa naging pagbanggit niya sa pangalan ni Atasha. Ayaw niya isipin na panggugulo na naman sa pamilya ni Atasha ang hatid ng kung sino man na babae na iyon, pero hindi niya iyon tinatanggal sa posibilidad lalo na at alam din naman niya na marami rin na kalaban ang kapatid niya na si Colton.
"Then maybe we should really tell Colton about this." Makalipas ang ilan segundo ay nasambit ni Nathan. "Kailangan na alam ng kapatid mo kung may banta sa pamilya niya lalo na kung sa prinsesa at sa mga bata iyon." More than being Atasha’s friend, Nathan’s job is to protect the princess, kaya naman nang mabanggit ni Aldrick ang tungkol sa seguridad ni Atasha at ng pamilya nito ay bigla rin na nagbago ang disposisyon nito. "And not just Colton, but Akiro as well. Kailangan ipaalam kay Prinsipe Akiro ang ano man banta sa buhay ng mga prinsesa at mga prinsipe."
"Gagawin natin iyon pero hindi pa sa ngayon. Ayaw ko na bigyan ng dahilan sina Colton at Akiro na agad na mag-alala hangga’t hindi pa ako sigurado sa mga hinala ko. I need proof and evidence that this woman is planning something against them."
"Fine, but we better make this quick." Nasabi na lamang ni Nathan. "Mag-uutos ako sa mga tauhan na manmanan ang babae na iyon."
"Hindi na kailangan, Nathan." Boses na ni Elon ang narinig nila. "Pinasundan ko na siya sa mga tauhan natin, Prinsipe Aldrick."
"May kasama ba siya?" agad na tanong niya. "Lahat ng impormasyon ay importante sa ngayon."
"Wala naman akong nakita nang sapilitan ko siya na ilabas. Hindi nga rin siya agad na umalis at sa halip ay tumayo lamang sa tapat ng bahay at salubong ang kilay na nakatitig sa akin." Agad na kuwento naman ni Elon. "Hinihintay ko nga na umalis pero mukhang walang balak na umalis kaya naman iniwan ko na siya at ibinilin ko na lamang sa ilang tauhan na sundan siya."
"Wala ba siyang binanggit habang inilalabas mo siya? Wala ba siyang sinabi na maaaring makatulong para malaman natin kung anong plano niya?" tanong ni Nathan.
Umiling-iling naman si Elon at saka sumagot. "Wala naman siyang ibang sinasabi kung hindi ang mga salita na "Hindi mo ako matatakasan, Aldrick. Kailangan mo na tanggapin ang responsibilidad mo sa akin."
"Fuck!" Napamura na lamang siya sa mga narinig niya. Mukhang siya talaga ang pakay ng babae na iyon at hindi niya alam ang dahilan.
"Sino ba ang babae na iyon, Prinsipe? Siya ba ang dahilan ng biglaan na pagpapapunta mo sa akin dito?" Sa punto na iyon ay si Elon naman ang napuno ng mga katanungan. "At bakit nga ba niya sinasabi na panagutan mo siya? Naglasing ka na naman ba at gumawa ng kalokohan?"
"Huwag mo nga akong pinagtatatanong ng mga bagay na wala pa akong sagot." iritable na tugon na lamang niya. "At oo, ang babae na iyon ang dahilan kaya kita pinapunta rito. Ang trabaho ninyo ay ang alamin ang pakay ng babae na iyon sa akin at sa pamilya ni Colton. Kailangan ninyo na malaman kung sino siya at ano ang motibo niya para ipilit sa akin na nabuntis ko siya. That woman is crazy. Hindi ko aakuin ang responsibilidad na hindi sa akin!"
"Aldrick Laureus, I hate you!" Gigil na gigil na tili ni Russia nang makarating sila ni Eunice sa bahay. Sa biyahe pa lamang pauwi ay inis na inis na siya kaya naman nang makarating sila ay hindi na niya nagawa pa na itago ang damdamin niya para sa lalaki. "Buwisit ka! May araw ka rin sa akin na lalaki ka! Guwapo ka lang pero napakayabang mo!""Rus, sinabi ko naman sa’yo na tigilan mo na. Mahihirapan ka talaga sa kan’ya. Matalino iyon at hindi agad iyon maniniwala dahil lamang sa sinabi mo. May ibang paraan pa naman para maibalik natin ang mga tulong ni Tita." Kahit paano ay naaawa na rin si Eunice sa kaibigan niya at ayaw na niya na ipilit pa ang mga bagay na sigurado naman sila na hindi nila kayang gawin."Hindi maaari, Euni. Ayaw ko na pati sa’yo ay magalit si Tita. Isa pa, nakakahiya na hindi ko magawa ang bagay na inutos sa akin. Sa atin dalawa ibini
"Elon, anong balita sa babae na pinapa-imbestigahan ko sa’yo?" Umagang-umaga pa lamang ay busangot na busangot na agad si Aldrick nang lumabas sa kan’yang silid.Ilang gabi na rin kasi siya na hindi pinapatulog sa pag-iisip ng babae na iyon na nanggugulo sa kan’ya tapos idagdag pa roon na hindi rin siya makapag-uwi ng babae o maka-iskor man lamang dahil nawawala nga siya sa wisyo kapag naaalala niya ang bwisit na babae na iyon. He needs a distraction from the biggest distraction in his life that is already distracting him, but how?"Unfortunately, there is no concrete information yet. Hindi gano’n kadali na kumuha ng impormasyon sa isang babae na wala tayong pagkakakilanlan. Bakit naman kasi kahit pangalan ay hindi mo man lamang itinanong?" Sa totoo lamang ay hirap din talag si Elon sa pagkuha ng mga impormasyon, bukod kasi sa hindi niya gamay ang proseso rito
Ilang minuto na ang lumilipas pero simula pa kanina ay wala silang ginawa kung hindi ang magtitigan lamang ng masama. Technically, kanina pa siya tinatapunan ng nakamamatay na tingin ng binata na ginugulo niya ang buhay habang siya naman ay nakaupo lamang at pinipilit na maging kalmado habang ang dalawang lalaki sa kan'yang harapan ay palipat-lipat ang tingin sa kan'ya at sa isa’t-isa.Walang maski isa sa kanila ang nais na magsimula ng usapan bagama’t ramdam na ramdam na ang tensyon na namamayani sa kanilang lahat. Alam ni Russia na hindi magiging madali ang paghaharap na ito pero sisiguraduhin niya na sa pagkakataon na ito ay siya naman ang magtatagumpay. Once is enough; two is too much; on the third try, she’ll get the victory, and that is for sure.Sa totoo lamang ay hindi niya rin malaman kung ano ba talaga ang kan'yang mararamdaman sa punto na iyon.
"Bullshit! Fuck! Anong karapatan niya na magdesisyon para sa buhay ko? Hindi porke’t iniligtas niya ako noon ay may karapatan na siya na pakialaman ang buhay ko!" Kanina pa palakad-lakad si Aldrick sa harapan ni Elon habang nagpupuyos sa galit na kan’yang nararamdaman para sa kapatid na si Colton. Hindi niya inaasahan ang desisyon na iyon kaya naman mabilis siya na nag-walk out kanina sa usapan na iyon."Anong plano mo ngayon, Prinsipe Aldrick?" Kapag ganito na mainit ang kan’yang ulo ay alam na alam na ni Elon na kailangan niya na maging maingat sa mga bibitawan niya na salita. "Gusto mo na ba na magbalik sa Genova? Ipapahanda ko ang eroplano para makauwi na tayo.""Walang aalis sa bahay na ito!" Siya naman pagdating ni Colton at nang marinig ang usapan nila ay nakisabat na rin. Nagbabadya na rin ang galit sa mga mata nito habang hinahamon ng tingin ang kapati
"Good morning! Nagluto ako ng almusal." Bagama’t ninenerbiyos si Russia ay buong sigla siya na bumati sa lalaking pumasok sa may kusina. Mukhang alam na rin naman nito na narito na siya kasi hindi na nagulat ang lalaki sa presensya niya at parang inaasahan na rin talaga ang pagtatagpo nila. "Kain tayo.""Bakit ikaw ang gumawa niyan? May mga katulong naman na maaari mo na utusan kung may gusto ka na kainin." Lumakad ang lalaki sa may ref at kumuha ng isang lata ng alak at saka binuksan iyon at tinungga agad. "Hindi mo kailangan na magtrabaho rito dahil puwede kang magbuhay prinsesa na lang."Hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaki sa mga tinuran nito pero pakiramdam niya talaga ay iba ang ibig sabihin nito sa pagsasabi na magbuhay prinsesa na lamang siya, gano’n pa man ay pinilit na lamang niya na huwag patulan ang mga salita na iyon.
"Sir Colton, may bisita ka." Nagulat si Colton sa pagpasok na iyon ng kan’yang sekretarya at pag-anunsyo nito na may bisita siya. Wala siyang appointment ngayon kaya hindi niya alam kung sino ang dumating. "Pasensya ka na at pinaakyat na nila from the lobby dahil umiiyak daw ang babae at nais ka raw na makausap. Importante raw ang sadya niya.""Sino siya?" Busy siya sa araw na iyon kaya ayaw sana niya na maabala, pero nang sabihin ng sekretarya niya na umiiyak na babae ang hindi inaasahan na panauhin niya ay may naiisip na siya na pangalan kung sino iyon."Sia raw ang pangalan niya."And he is right in his assumption. Kaya naman wala rin pagdadalawang-isip na tumugon siya na ikinagulat pa nga ng sekretarya niya. "Papasukin mo siya.""S-sige po." Naguguluhan m
"Atasha! Ano ang ginagawa mo rito?" Gulat na gulat si Aldrick nang paglabas niya sa kan’yang silid ay si Atasha agad ang nabungaran niya. At hindi lamang basta si Atasha kung hindi isang Atasha na galit na galit at parang handang-handa na manakit. "May problema ba? What’s wrong?" Agad na gumuhit ang pag-aalala niya sabay lapit sa babae."Aldrick." Nang tawagin nito ang pangalan niya ay bigla ang pagbabago ng reaksyon nito. Ang kanina na galit sa mukha nito ay napalitan ng sakit at pag-aalala kasabay sa dahan-dahan na pagtulo ng mga luha nito. "Aldrick, are you with someone now? May kasama ka ba sa kuwarto mo ngayon? Can you please leave her for a little while? I just needed someone to talk to."Natataranta na siya sa nakikita niya na pag-iyak ni Atasha. If there’s one thing he doesn’t want to see, it’s Atasha crying in front of him. Weakness niya ang baba
Alam ni Aldrick na walang katotohanan ang mga sinasabi ni Atasha laban kay Colton. Maaaring nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa at lumabas ang pagiging selosa ng babae kaya napagbintangan nito na may ibang babae na nabuntis ang kapatid niya, pero gano’n pa man ay gumawa siya ng paraan para puntahan si Colton sa opisina nito nang sumunod na araw at paaminin kung sakali."Good morning, Sir Aldrick." Bati sa kan’ya ng sekretary ng kapatid na tinanguan lamang niya saka niya diretso na binuksan ang pinto sa silid nito na hindi man lamang kumakatok."Aldrick!" Halata ang gulat ni Colton sa ginawa niya dahil nagsalubong agad ang kilay nito sa kan’ya. "Ano ang ginagawa mo rito? And haven’t you even heard of knocking?""Let’s talk." Tipid na sagot niya saka lumapit sa lamesa nito at hinampas pa iyon para lubo