Share

Chapter 4.1

"Aldrick Laureus, I hate you!" Gigil na gigil na tili ni Russia nang makarating sila ni Eunice sa bahay. Sa biyahe pa lamang pauwi ay inis na inis na siya kaya naman nang makarating sila ay hindi na niya nagawa pa na itago ang damdamin niya para sa lalaki. "Buwisit ka! May araw ka rin sa akin na lalaki ka! Guwapo ka lang pero napakayabang mo!"

"Rus, sinabi ko naman sa’yo na tigilan mo na. Mahihirapan ka talaga sa kan’ya. Matalino iyon at hindi agad iyon maniniwala dahil lamang sa sinabi mo. May ibang paraan pa naman para maibalik natin ang mga tulong ni Tita." Kahit paano ay naaawa na rin si Eunice sa kaibigan niya at ayaw na niya na ipilit pa ang mga bagay na sigurado naman sila na hindi nila kayang gawin. 

"Hindi maaari, Euni. Ayaw ko na pati sa’yo ay magalit si Tita. Isa pa, nakakahiya na hindi ko magawa ang bagay na inutos sa akin. Sa atin dalawa ibinigay ang responsibilidad na ito at nagawa mo na ang parte mo kaya nararapat lamang na gawin ko na rin ang parte ko."

Awang-awa na lamang na napa-buntong hininga na lamang sa kan’ya ang kaibigan na si Eunice. Sa totoo lamang ay nahihiya na rin talaga siya dahil pati ang kaibigan niya ay nadadamay sa kaguluhan ng buhay niya. Hindi lamang kasi siya ang binigyan ng trabaho upang makabayad sa pagkupkop sa kanila kung hindi maging si Eunice rin. Ang kaibigian kasi niya ang naatasan na mangalap ng mga impormasyon hinggil sa target nila at nagawa iyon ng kaibigan niya. Hindi rin naging madali pero nagawa ni Eunice kaya naman nakakahiya kung susukuan niya ang parte niya sa trabaho nila.

"Baka may iba pang paraan. Kausapin na lamang natin si Tita na hindi talaga kaya ang utos niya. Mahirap talaga ang nais niya."

"Hindi maaari, Eunice." Mariin na pagtanggi niya ulit. Hindi siya agad-agad na susuko sa hamon ng buhay. Nagawa na nga niya na pagtiisan ang buhay na kinasadlakan niya kaya ngayon pa ba naman siya susuko? "Kakayanin ko ito. Kakayanin ko na pasukin ang mundo niya para magtagumpay ako sa misyon ko. Gagawin ko ito para sa atin."

"Pero paano nga? Hindi ka na makakabalik ulit sa mansyon na iyon. Kung madami ang mga tauhan nila noon, mas marami na iyon tiyak sa ngayon. Let’s just give up, Rus. Wala naman masama kung tatanggapin natin ang katotohanan na hindi natin kaya ang lahat."

Maluha-luha na ang naging tono ni Eunice kaya naman agad niya na nilapitan ang kaibigan niya. Pareho sila na may matinding pinagdadaanan kaya alam nila ang damdamin ng bawat isa. Sa laban ng buhay nila na ito sa ngayon ay sila na lamang kasi ang nananatili na magkakampi.

"Euni, huwag ka nang umiyak." Ramdam niya ang bigat ng dinadala ng kaibigan at bagama’t gano’n din ang nararamdaman niya ay pinipilit na lamang niya na magpakatatag sa sitwasyon nila. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw niya na sukuan ang ipinagagawa sa kanila. Kapag nagtagumpay siya sa misyon nila ay makakabayad na sila sa pagkakautang nila ni Euni at mababawi na nila ang buhay nila. "Laban lang tayo. Kaya natin ito; kakayanin natin ito."

"Everything is so hard, Rus. Alam ko na hindi ka sanay sa ganitong buhay. Alam ko na nahihirapan ka na rin. And I am sorry for dragging you into this. Dapat ay hindi na kita isinama pa sa sitwasyon ko."

"Ano ka ba naman, Eunice. Lubos ang pasasalamat ko sa naging tulong mo sa akin dahil kung hindi mo ako kinupkop ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Tama naman si tita na utang na loob ko sa kan’ya ang buhay ko ngayon kaya dapat lamang na pagbayaran ko iyon. And besides, it is not just me who is new to all of this. Alam ko na nahihirapan ka na rin dahil hindi rin ito ang buhay na nakasanayan mo, pero sa ngayon ay wala tayong ibang mapagpipilian. We need to be strong, Eunice. Let’s just think positively. Lalaban tayo at walang aayaw dahil sa dulo alam ko na magtatagumpay rin tayo."

Hindi gano’n kadali na maging positibo lalo pa at puro kamalasan na lamang ang nangyayari sa kanila ng kaibgan niya, pero ayaw na rin naman niya na dagdagan pa ang sakit ng kalooban na nararamdaman nito, kaya naman kahit na hindi niya alam kung paano niya gagawin ay buong tapang pa rin niya na haharapin ang pagsubok.

"Hindi ko na talaga alam, Rus. Hindi ko na sigurado kung anong paraan pa ang puwede mo na magawa para makausap si Aldrick at mapapaniwala siya na buntis ka." Halata na sa boses ni Eunice ang kawalan ng pag-asa. Malaki rin ang pagsisisi niya na idinamay pa niya ang kaibigan niya sa sitwasyon na dapat ay siya na lamang. "We’re running out of options."

"Not yet." Sagot naman niya kasabay sa pagtapik-tapik sa kan’yang baba. Nahihirapan siya na makausap ng direkta si Aldrick kaya baka nararapat lamang na tingnan niya ang problema sa ibang anggulo. She may not be able to get hold of Aldrick easily, but there is certainly someone out there that she can use for her mission, ang tanong na nga lamang ay kung sino iyon. "Euni, kailangan natin balikan ang lahat ng impormasyon na nakuha mo patungkol sa kan’ya, sa pamilya niya at sa mga taong nakapaligid sa kan’ya. Hindi man natin siya makausap at mapapaniwala pero malaki ang tsansa na mayroon isa sa mga malalapit sa kan’ya ang maniniwala sa akin."

Ayaw naman muli na bigyan ng pag-asa ni Eunice ang kaibigan dahil sa totoo lamang ay suntok sa buwan talaga ang ginagawa nila, kaya kung siya lamang talaga ang tatanungin ay mas nanaisin na niya na sumuko at aminin na hindi sila magtatagumpay.  But then again, Russia is a strong woman. Hindi nito alintana ang lahat ng paghihirap at sa halip ay nagiging motibasyon pa iyon ng kaibigan para ipagpatuloy ang laban na nasimulan.

"Hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy mo, Russia. Let’s not give ourselves false hope."

 "Ang lalaki na kasama ni Aldrick." sagot niya. "Ang lalaki na lagi niya na kasama, sino iyon? Sa tingin ko siya ang magiging susi sa lahat ng ito."

"I am not sure if the man that you're referring to is Nathan, pero uunahan na kita, hindi iyon kasamahan ni Aldrick."

"He may not be, but we can use him. Ang Nathan na iyon at ang lalaki kanina na siyang nagsama sa akin para makausap ko si Aldrick ang magiging susi ko sa lahat ng ito. Alam ko na ang susunod na hakbang na gagawin ko, Euni, at sa punto na ito ay sisiguraduhin ko sa’yo na wala nang magagawa ang Aldrick na iyan kung hindi ang akuin ang responsibilidad niya."

"You sound confident about this, but I am telling you I am not so sure about your plan, Russia. Aldrick is someone that we can’t easily mess with."

"Just trust me on this."

"Granting na magawa mo nga ang plano mo na iyan at magtagumpay ka, balikan natin ang susunod na problema mo, paano mo papalabasin na totoong buntis ka? Huwag mong sabihin na susundin mo si tita at makikipag one-night stand ka nga sa kan’ya? Are you really going to do that to yourself?"

Hindi siya sigurado kung ano ang susunod na plano kapag nagawa na nga niya ang unang hakbang. Tama naman ang kaibigan niya dahil ang susunod na problema niya ay kung paano nga ba tunay na magkakalaman ang tiyan niya. Isusugal na nga ba niya ang buong buhay niya? Gagawin ba niya na ipagkanulo muli ang sarili kung ang dahilan nga sa problema niya na ito ay upang mailigtas ang sarili niya?

"Hindi ko rin alam, Eunice. Basta sa ngayon ang mahalaga sa akin ay ang mapasok ang buhay niya."

"Remember, not unless sharp shooter ang lalaki na iyon, hindi ka pa rin makakasiguro na makakabuo kayo sa isang subok lang. And just as a reminder, Aldrick is a playboy; falling in love with him is not an option. Baka sa kagustuhan mo na makabuo ay iba ang mabuo sa'yo."

"Who says about falling in love? Walang pagmamahal na mabubuo, Eunice, dahil ang lahat ng ito ay paraan lamang para makalaya tayo sa sitwasyon na kinasasadlakan natin."

"Makakalaya tayo kung babalik na lang tayo sa talagang buhay natin. Tigilan na natin ito."

"Hindi maaari, Eunice. Hindi nga maganda ang ginagawa natin, pero isispin mo ang magiging buhay natin kapag bumalik tayo?"

Naiiling na lamang si Eunice sa kan'ya dahil lahat ng sabihin nito ay ayaw niya nang pakinggan pa. "Let’s be clear about this, sige na at hindi ka mahuhulog sa kan’ya pero payag ka talaga na magkaanak sa kan’ya?"

Rumolyo na ang mga mata niya dahil kung saan-saan na napupunta ang usapan nila. "First things first, Eunice. Tsaka na natin problemahin ang bata dahil sa ngayon gaya nga ng nasabi ko na, ang prayoridad ay ang makapasok sa buhay niya. And I’ve just got the perfect plan for that now."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status