Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.
Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.
She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?
"Takte, Aldrick, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo pa nakuha ang personal na detalye niya, pero nakuha mo naman na mag-Marites sa buhay niya. Pumapalya ka na yata ngayon sa pagkuha ng impormasyon, Prinsipe?"Iritable at simangot na simangot naman siya habang nakikinig sa litanya ni Akiro. Aminado rin naman siya na nagkulang talaga siya sa pagkuha ng mga detalye na kinakailangan niya at iyon ay sa kadahilanan na nalihis siya sa motibo niya nang malaman niya ang tunay na istorya ng buhay ni Sia."I know, Akiro. Alam ko iyon kaya nga ginagawan ko nang paraan, kaya hindi mo na kailangan pa na ulit-ultin sa akin.""Tapatin mo nga ako, Drick, ikaw ba ay nagpapanggap pa rin hanggang ngayon para mapalapit sa kan’ya o baka naman talagang totohanan na ang pakikipaglapit mo na iyan dahil sa may ibang dahilan ka
"Si," Kasabay sa pagtawag na iyon ay ang mga kamay na pumigil sa kan’yang paglalakad. "Mag-usap nga tayo. Bakit mo ba ako patuloy na iniiwasan? Kausapin mo nga muna ako." Pilit siya na kumakawala pero lalo lamang nito na hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Fucking talk to me, Russia! You owe me an explanation. Hindi mo ako iiwasan kung wala kang itinatago sa akin.""I don’t owe you anything." Mabilis na tugon niya saka pilit na itinulak ang lalaki na humahawak sa kan’ya. "Let me go. Wala akong itinatago sa'yo, kaya wala tayong dapat na pag-usapan."Hindi niya inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila ng walanghiyang ex-boyfriend niya dahil matapos ang huling paghaharap nila nang sapilitan na naman siya nito na kausapin sa bahay nina Aldrick ay nanahimik na ang lalaki.She mista
"Eunice, what is this? Ano ang akala mo sa pamamahay ko, bahay ampunan? Hindi porke’t tinanggap kita rito ay puwede ka nang magdala ng kahit na sino rito. I still own this house, and you can’t just bring anybody here. Hindi ako nagkakawanggawa at wala akong plano na umabot sa langit dahil lamang sa pagkakawanggawa na iyan." Galit ang tinig na iyon ng kausap ni Eunice kaya naman lalo na nahintatakutan si Russia habang nakaupo at naghihintay sa kan’yang kaibigan. Nais na niyang umalis pero wala siyang ibang patutunguhan. Naisin man niya na bawiin ang pakiusap niya sa kaibigan niya ay hindi rin naman niya magawa dahil saan pa nga ba siya pupunta? She had nothing. All she had was herself, and the only person that she could turn to was Eunice. Alam niya na gaya rin niya ay malaki rin ang problema na kinakaharap ni Eunice, pero wala na siyang ibang matatakbuhan pa kaya kahit nahihiya siya dahil dumadagdag pa siya sa marami na rin na problema ng kaibigan niya ay wala siyang ibang mapagpil
"Aldrick!" Boses ng babae ang agad na sumalubong sa kan’ya pagbaba pa lamang niya ng sasakyan at bago pa man siya makahuma ay sinalubong na rin siya nito ng mahigpit na yakap. "We miss you! I miss you!"Halata sa boses ng babae ang kasiyahan sa kan’yang pagdating at bagama’t walang salita siya na nauusal sapat na ang pagganti niya sa yakap nito upang maiparamdam na masaya rin siya sa muli nila na pagkikita."Mabuti naman at hindi mo ako tinanggihan sa hiling ko. I missed you so much, Aldrick."Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang tuluyan siya na magpaalam sa kapatid niya na si Colton at kay Atasha. Nais niyang lumayo upang makalimot kaya kahit nga sa kasal ng dalawa ay hindi na siya dumalo pa at wala na sana siyang plano na bumalik pa kung hindi lamang ang babae mismo ang tumawag sa kan’ya. And Atasha is still the Atasha that he knows. Walang pinagbago ang babae na minahal niya noon at minamahal pa rin niya ng patago hanggang sa ngayon kahit na alam niya na mali.Fuck Akiro’s
"It’s time. Matagal-tagal ka na rin naman na nasa poder ko, Russia, kaya panahon na rin naman siguro para suklian mo ang kabutihan ko sa’yo."Sa tuwing nakakaharap niya ang Tita ni Eunice ay lagi na lamang na may takot si Russia na nararamdaman. Naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa kan’ya pero hindi niya magawa na mapalagay ang loob sa babae dahil sa napakasungit na awra nito parati. "P-pasensiya na, Tita, alam ko na matagal-tagal mo na akong sinusuportahan kaya pasensya na sa panggugulo ko at pagiging dagdag na problema sa inyo. Pangako na maghahanap ako ng permanenteng trabaho para maging regular din ang pagbibigay ko para sa mga gastusin dito." Sa totoo lamang ay pinipilit naman niya na makapagbigay ng share niya sa mga gastusin pero hindi nga lang madalas dahil wala rin naman siyang makuha na permanenteng trabaho sa ngayon. Bukod pa roon ay nahihiya rin siya na makiusap sa mga kaibigan ng pamilya nila dahil ayaw niya na makaabot sa mga magulang niya ang buhay na sinapit ni
"Kailangan natin na mag-usap dahil buntis ako at ikaw ang ama!"Puno ng emosyon ang pagkakasabi ni Russia ng mga salita na iyon sa kan’yang target na si Aldrick. Pinapanindigan niya ang kathang-isip na istorya na ginawa nila at hindi man lamang siya nagpakita ng kahit na ano na pag-aalinlangan sa pagbigkas ng mga salita na iyon. Mayroon siyang misyon at iyon ang kan’yang ipaglalaban.And everyone who would see her would no doubt believe her because of the superb acting skills that she was showing at that moment. Everyone except Aldrick and Nathan. Mga lalaking sanay na sanay yata sa mga babae na sine-set up sila kaya balewala na lamang sa dalawa ang sinabi niya. Hiyang-hiya siya lalo pa at sabay siya na tiningnan mula ulo hanggang paa ng dalawa, tapos ay nagpalitan ng mga nakakaloko na tingin at saka bumunghalit ng tawa sa harapan niya.
"Maaga ka lang ba talaga ulit na nagising o hindi ka nakatulog na naman?" Iyon ang bating tanong ni Nathan kay Aldrick ng abutan niya ang lalaki sa may hardin. "Iniisip mo ba iyon babae noong isang araw?The one that you presumably got pregnant. Lagi nang maaga ang gising mo eh."Rumolyo ang mata ni Aldrick sa kaibigan saka walang gana na sumagot. "Maaga ako dahil inaasahan ko ang pagdating ni Elon ngayon. That’s the only reason and nothing else."Ngumisi ng nakakaloko si Nathan at patuloy siya na inasar. "Kung darating ang best man mo, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi ka nga pinapatulog ng babae na iyon na dumating dito. Ginugulo ng babae na siyang nabuntis mo raw ang buong sistema mo.""Nabuntis ko? What the fuck?! Anong kabaliwan ba ang sinasabi mo at lalong anong kabaliwan ang naisip ng babae na iyon para sa
"Makikilala niya na ang tunay na Aldrick Laureus? Paano? Sa kama ba?" Nakakalokong tanong ni Nathan saka bumunghalit ng tawa matapos na sapilitan na ilabas ni Elon ang babae na kanina lamang ay nagpa-init ng ulo ni Aldrick."What the hell is wrong with that woman? Ano ba ang plano niya at patuloy niya na ipinipilit ang bagay na iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naisipan niya na paglaruan at gaguhin." Salubong ang kilay na sagot naman niya.Kuhang-kuha ng babae na iyon ang inis niya simula pa lamang nang una sila na magtagpo. He wanted to just disregard her accusations at first, but thought otherwise, kaya naman agad niya rin na tinawagan si Elon para makatulong sa pag-iimbestiga na gagawin niya patungkol sa babaeng makulit na iyon.And he is glad that he decided on bringing Elon into the picture.