"Eunice, what is this? Ano ang akala mo sa pamamahay ko, bahay ampunan? Hindi porke’t tinanggap kita rito ay puwede ka nang magdala ng kahit na sino rito. I still own this house, and you can’t just bring anybody here. Hindi ako nagkakawanggawa at wala akong plano na umabot sa langit dahil lamang sa pagkakawanggawa na iyan."
Galit ang tinig na iyon ng kausap ni Eunice kaya naman lalo na nahintatakutan si Russia habang nakaupo at naghihintay sa kan’yang kaibigan. Nais na niyang umalis pero wala siyang ibang patutunguhan. Naisin man niya na bawiin ang pakiusap niya sa kaibigan niya ay hindi rin naman niya magawa dahil saan pa nga ba siya pupunta? She had nothing. All she had was herself, and the only person that she could turn to was Eunice.
Alam niya na gaya rin niya ay malaki rin ang problema na kinakaharap ni Eunice, pero wala na siyang ibang matatakbuhan pa kaya kahit nahihiya siya dahil dumadagdag pa siya sa marami na rin na problema ng kaibigan niya ay wala siyang ibang mapagpilian.
"Please, Tita. Pansamantala lang naman ang pakiusap namin."
"My answer is no, Eunice! Hindi siya maaari na manatili rito."
Ang mga salita na iyon ang nagpatulo ng mga luha na kanina pa pinipigilan ni Russia. Alam niya na sadyang nilalakasan ng tita ni Eunice ang mga salita na iyon para siguraduhin na maririnig niya, kaya naman nais na rin niya na lamunin siya ng lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman niya. Hindi ito ang buhay na nakasanayan niya. Hindi ito ang mundo na nakalakihan niya, pero narito siya ngayon at walang ibang malalapitan.
Napakuyom na lamang siya ng kan’yang kamao habang nakayuko na lumuluha dahil sa awang-awa siya sa sarili niya. Hindi niya dapat ito nararanasan kung hindi siya naging tanga sa pag-ibig. Wala siya sana sa sitwasyon na ito kung hindi siya nagmatigas sa pamilya niya. She is stupid because she chose to be foolishly in love with the wrong person.
Naniningkit ang mga mata niya sa sobrang inis habang naaalala niya ang dahilan kung bakit narito siya sa punto na ito ngayon ng buhay niya. Blue Alegre. The man she chose over her family ended up making a fool of her and making her life miserable. Ang lalaki na siyang ipinagpalit niya sa buhay na mayroon siya ngunit iyon pala ay ipagpapalit din lamang siya sa iba.
How stupid of her to realize it too late that Blue is not worth it. Bakit hindi niya nakita noon ang mga bagay na nais na ipakita sa kan’ya ng pamilya niya patungkol sa kasintahan niya? Bakit mas pinili niya na maging bulag sa maling pagmamahal? Hindi niya maiwasan na balikan ang nakaraan upang ipaalala muli sa sarili niya ang pinakamalaking katangahan at pagkakamali na nagawa niya sa buong buhay niya.
—--
"Russia, wake up, anak. You can’t be with Blue. Hindi maaari na masira ka, masira tayo dahil lamang sa kan'ya at sa pamilya niya. He is not worth it. Open your eyes to the fact that he is only using you. Marami pang lalaki na magmamahal sa’yo ng tapat, pero hindi siya iyon, anak."
"No." Pagalit na sagot niya sa kan’yang ina. Alam na niya na aabot sa ganito ang lahat lalo na at umabot na sa mga magulang niya ang mga bali-balita tungkol sa problemang kinasasangkutan ng pamilya ng nobyo niya. "Mahal ko si Blue at wala akong pakialam sa problema ng pamilya niya. Iba siya at iba ang mga magulang niya."
"Don’t be stupid, Russia. Masisira ang pamilya natin dahil sa kan’ya. Stop with this nonsense! Hindi siya nararapat para sa'yo dahil magulo ang pamilya nila. Noon pa namin sinasabi sa'yo na makipaghiwalay ka na sa kan'ya pero patuloy mo kami na hindi pinapakinggan. I've had it with you. Enough is enough! Break up with him right now because you are getting married, and your groom is not going to be Blue Alegre, ever."
"What?!" Mas lalo ang galit na nararamdaman niya dahil sa sinabi na iyon ng kan’yang ina. Hindi lamang dahil sa pangingialam nito sa relasyon nila ng nobyo niya kung hindi mas lalo ang galit niya sa sinabi nito na magpapakasal na siya sa iba. "What do you mean I am getting married?"
"We know that you won’t break up with him because you are so blinded by your feelings, so your father and I made the decision to arrange your marriage. Kami na mismo ang namili ng nararapat na lalaki para sa’yo. Inaayos na namin ang lahat para sa lalong madaling panahon ay maikasal kayo."
"No!" Muli na pagsigaw pa niya. "Walang ibang nararapat para sa akin kung hindi si Blue lamang. Si Blue lamang ang pakakasalan ko at wala ng iba."
"Gamitin mo nga ang utak mo, Russia. Problema lamang ang dadalahin ni Blue sa buhay mo. Look at you now, and look at the way you talk to us. Hindi ka ganyan dati; hindi ka suwail na anak pero simula nang maimpluwensiyahan ka ng lalaki na iyan ay naging ganyan ka na. Hindi ako kumibo noon dahil akala ko ay magigising ka sa katangahan mo, pero patuloy ka pa rin na nagpapakatanga sa lalaki na iyan at hindi na ako makakapayag pa!"
"Huwag mong sisihin si Blue dahil wala siyang kinalaman dito. I am like this because you are being too difficult."
"You are being too difficult, Russia. Don’t test my patience."
"No, mom. I won’t allow you to break us. Hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaki na gusto ninyo para sa akin. I am choosing Blue, and you can’t do anything about it."
Sarkastiko na tumawa ang kan’yang ina pero ang mga mata nito ay halos magliyab sa galit sa kan’ya. "You are such a brave woman, Russia, to even say that to me. Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Sigurado ka ba na kaya mo nang ipagpalit ang lahat dahil lamang sa kan’ya."
Of course, she can’t lose her family, but she also can’t just agree to a marriage that they want for her simply because they don’t want Blue for her. Hindi sa nais niya na kalabanin ang pamilya niya pero nais niya na ipakita sa mga magulang niya na hawak pa rin niya ang buhay niya at hindi nila maaari na saklawan ang mga desisyon niya lalo na sa usapin ng buhay at pag-ibig niya.
"I won’t marry anyone else but Blue, mom. Hindi ako makikipaghiwalay sa kan’ya dahil lamang sa iyon ang gusto ninyo. Iba siya sa pamilya niya kaya kung ano man ang kasalanan ng pamilya niya ay huwag ninyo iyon na isisi sa kan’ya."
"Then so be it; the moment you choose him over this family, feel free to walk away from this house, Russia. You will no longer be a part of our family."
—--
Her decision might not be the most ideal, but she needed to prove a point to her parents, and that’s why she chose Blue. Hindi naman niya akalain na seseryosohin din ng mga magulang niya na itakwil talaga siya kaya naman ngayon na maski ang lalaking pinili niya ay iniwan siya, wala siyang magawa kung hindi ang humingi ng tulong sa iba para lamang mabuhay siya.
"Fine, Eunice." Nagbago bigla ang tono ng kausap ng kaibigan niya. "Ayaw ko na may masabi ka tungkol sa akin, kaya sige, tutulungan ko ang kaibigan mo. I will allow her to live here, and I will support her for the time being, but tell her that she needs to work for it eventually. Wala ng libre sa mundo, Eunice, kaya kailangan niya na pagtrabahuhan ang lahat. She owes her life to me, so she needs to do something for me in return."
—
"Prinsipe Aldrick! Prinsipe Aldrick, gising ka na ba?" Sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng silid ni Prinsipe Aldrick ang gumising sa kan’ya. "Prinsipe!"
"Fuck, Elon! Ano na naman ang problema mo?" Inis na sigaw niya buhat sa loob ng silid. "Ang aga-aga pa!"
Walang naging tugon si Elon at nagulat na lamang siya sa pagbukas ng pintuan at ang bumungad sa kan’ya ay ang kaibigan niya na si Akiro. "Damn, Aldrick! Bumangon ka na riyan at gumising dahil tanghali na."
"Ano ang ginagawa mo rito, Altamirano?" Pagtatanong niya habang tinatabunan ng unan ang mukha niya dahil ayaw niya na makaharap ang kapatid ni Atasha. "I said no, didn’t I?"
Malalim na buntong-hininga ang narinig niya buhat sa kaibigan niya at alam na alam na niya ang sunod nito na sasabihin. "Pumayag ka na, Drick. I need help. We need all the help that we can get."
"I said no, Akiro. Marami akong trabaho at isa pa wala akong ibang rason para pumunta roon. Hindi tayo pareho ng sitwasyon. You have other reasons to be there, like your sister and your business, so go ahead and do your thing without me."
Agad na inagaw ni Akiro ang unan na pinangtatabon niya sa mukha niya na lalo naman niya na ikinainis sa kaibigan. "Pababayaan mo ba ang matalik na kaibigan mo na mag-isa na gawin ang trabaho?"
"Yes." Mabilis na tugon naman niya. "Ikaw ang nagsabi na tutulong ka; ikaw ang may kailangan sa pamilya nila, so go ahead and tire yourself."
"We are best friends, Aldrick; I need your help."
"Hilingin mo na ang lahat huwag lang iyon."
Tinitigan siya ng kaibigan niya at tinapik-tapik nito ang baba na parang may malalim na iniisip. "You really haven’t forgotten her. Wait, let me rephrase that: you have not gotten over her, right?"
"Tigilan mo ako, Akiro. Puyat ako at wala akong panahon na makipagkulitan sa’yo. Hindi kita matutulungan kaya makakaalis ka na."
Napapa-iling na lamang si Akiro sabay pagtapik sa braso niya. "Tang-ina! In love ka pa rin sa kapatid ko. Mahal mo pa rin ang asawa ng kapatid mo."
"Puta, Akiro, ang kulit mo! Oo na, sige na, mali man pero iyon ang totoo. Mahal ko pa rin siya kaya wala akong balak na bumalik sa Pilipinas para tulungan ka na hanapin ang lintik na prinsesa na iyan na tumakas sa pamilya niya dahil ayaw sa arranged marriage. Tang-ina! Sa paghingi mo ng tulong sa akin ay pinapaalala mo lang sa akin ang lahat ng pinagdaanan ko noon."
"Alam ko, Drick, pero seryoso kailangan ko ng tulong mo."
"Nasaan ba kasi ang lintik na mapapangasawa niyan at bakit ako ang kinukulit mo?"
"I need help, Aldrick. Nakakahiya naman kung babawiin ko ang tulong na sinabi ko, hindi ba? Ang mga prinsipe na gaya natin ay hindi tumatalikod sa mga sinabi natin, hindi ba?"
"No." Mariin na pagtanggi pa niya. "Pasensya na, bro, pero hindi talaga kita matutulungan sa ngayon. Humingi ka na lang ng tulong kay Colton dahil maraming koneksyon iyon sa Pilipinas."
—
It had been weeks since Akiro had first asked for his help, and he kept on asking him every week, hoping that he would agree, but every time his answer was always the same: No. Wala na siyang balak pa na magbalik sa Pilipinas dahil ayaw na niya na bigyan pa ng komplikasyon ang buhay nila ng kapatid niya.
They have been through a lot in the past. He has been hurt so much in the past, and that is why it is difficult for him to help Akiro find the runaway princess. Ganoon na ganoon din kasi ang naging sitwasyon nila noon ni Atasha.
Si Atasha ang nag-iisang babae na minahal niya ng tapat pero sa huli ay pinili nito ang kapatid niya, at isa siyang martir para palayain ang babae na dapat ay sa kan’ya. Ginawa na niya ang lahat para sa prinsesa pero hindi niya kaya na makipagkompitensya sa kapatid niya dahil si Colton ang tunay na itinitibok ng puso ni Atasha.
At iyon ang tanging rason kung bakit hindi siya mapapayag ng kaibigan sa hiling nito sa kan’ya. He is distancing himself from his brother and Atasha because, as he told Akiro, he is still in love with his brother’s wife.
"Elon, anong balita kay Akiro? Mukhang sa wakas ay nanahimik na rin siya." Pagtatanong niya sa tauhan niya.
"Sa pagkakaalam ko ay bumiyahe na patungo sa Pilipinas si Prinsipe Akiro. Mabuti na rin iyon para hindi ka na niya kulitin." sagot naman ng tauhan niya sa kan’ya.
"I really wanted to help him, but you know that I can’t." May panghihinayang sa tinig niya nang sabihin niya iyon. Nahihiya rin naman kasi siya na tanggihan ang kaibigan niya lalo na at ang daming pabor na ang ginawa nito hindi lamang sa kan’ya kung hindi maging sa ina niya na reyna na nagkasala sa pamilya nito. "Alam ko na maliit na bagay lamang ang hiling niya na tulong kumpara sa ginawa niya para sa reyna, pero hindi ko pa talaga kaya na harapin muli sina Colton at Atasha."
"Sigurado naman ako na naiintindihan iyon ni Prinsipe Akiro. Alam din naman niya ang pinagdaanan ninyo ng kapatid niya kaya sigurado ako na ayos lang sa kan’ya ang pagtanggi mo. Huwag mo nang isipin iyon at ang mabuti pa ay magpahinga ka na at maghanda para sa party. Magkita na lamang tayo mamaya dahil may mga utos pa ang hari." Pagpapaalam na nito sa kan'ya.
Pagtango lamang ang naging tugon niya kay Elon at saka siya dumiretso sa kan’yang silid. Tahimik man si Akiro sa ngayon ay ayaw pa rin niya na magpakasiguro. Alam niya rin naman kasi na hindi ganoon kadali na sumusuko ang kaibigan niya kaya sigurado siya na may back-up plan pa iyon sa kan’ya.
Kapapasok pa lamang niya sa kan'yang silid ay sunod-sunod na pag-ring ng telepono na niya ang narinig niya at dahil numero lamang ang rumehistro ay agad niya iyon na sinagot.
"Hello."
"Aldrick," bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa boses na bumungad sa kan’ya. "Prinsipe Aldrick, please, I need a big favor. We need your help."
Iba ang isinisigaw ng isip niya na dapat niya na isagot pero sa huli ay puso pa rin ang nanaig sa kan’ya. And he wanted to punch himself for being so weak, but he is in love, and he will do everything for the person he loves, even if it means hurting himself in the process.
"I’ll be there. Darating ako, Atasha."
"Aldrick!" Boses ng babae ang agad na sumalubong sa kan’ya pagbaba pa lamang niya ng sasakyan at bago pa man siya makahuma ay sinalubong na rin siya nito ng mahigpit na yakap. "We miss you! I miss you!"Halata sa boses ng babae ang kasiyahan sa kan’yang pagdating at bagama’t walang salita siya na nauusal sapat na ang pagganti niya sa yakap nito upang maiparamdam na masaya rin siya sa muli nila na pagkikita."Mabuti naman at hindi mo ako tinanggihan sa hiling ko. I missed you so much, Aldrick."Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang tuluyan siya na magpaalam sa kapatid niya na si Colton at kay Atasha. Nais niyang lumayo upang makalimot kaya kahit nga sa kasal ng dalawa ay hindi na siya dumalo pa at wala na sana siyang plano na bumalik pa kung hindi lamang ang babae mismo ang tumawag sa kan’ya. And Atasha is still the Atasha that he knows. Walang pinagbago ang babae na minahal niya noon at minamahal pa rin niya ng patago hanggang sa ngayon kahit na alam niya na mali.Fuck Akiro’s
"It’s time. Matagal-tagal ka na rin naman na nasa poder ko, Russia, kaya panahon na rin naman siguro para suklian mo ang kabutihan ko sa’yo."Sa tuwing nakakaharap niya ang Tita ni Eunice ay lagi na lamang na may takot si Russia na nararamdaman. Naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa kan’ya pero hindi niya magawa na mapalagay ang loob sa babae dahil sa napakasungit na awra nito parati. "P-pasensiya na, Tita, alam ko na matagal-tagal mo na akong sinusuportahan kaya pasensya na sa panggugulo ko at pagiging dagdag na problema sa inyo. Pangako na maghahanap ako ng permanenteng trabaho para maging regular din ang pagbibigay ko para sa mga gastusin dito." Sa totoo lamang ay pinipilit naman niya na makapagbigay ng share niya sa mga gastusin pero hindi nga lang madalas dahil wala rin naman siyang makuha na permanenteng trabaho sa ngayon. Bukod pa roon ay nahihiya rin siya na makiusap sa mga kaibigan ng pamilya nila dahil ayaw niya na makaabot sa mga magulang niya ang buhay na sinapit ni
"Kailangan natin na mag-usap dahil buntis ako at ikaw ang ama!"Puno ng emosyon ang pagkakasabi ni Russia ng mga salita na iyon sa kan’yang target na si Aldrick. Pinapanindigan niya ang kathang-isip na istorya na ginawa nila at hindi man lamang siya nagpakita ng kahit na ano na pag-aalinlangan sa pagbigkas ng mga salita na iyon. Mayroon siyang misyon at iyon ang kan’yang ipaglalaban.And everyone who would see her would no doubt believe her because of the superb acting skills that she was showing at that moment. Everyone except Aldrick and Nathan. Mga lalaking sanay na sanay yata sa mga babae na sine-set up sila kaya balewala na lamang sa dalawa ang sinabi niya. Hiyang-hiya siya lalo pa at sabay siya na tiningnan mula ulo hanggang paa ng dalawa, tapos ay nagpalitan ng mga nakakaloko na tingin at saka bumunghalit ng tawa sa harapan niya.
"Maaga ka lang ba talaga ulit na nagising o hindi ka nakatulog na naman?" Iyon ang bating tanong ni Nathan kay Aldrick ng abutan niya ang lalaki sa may hardin. "Iniisip mo ba iyon babae noong isang araw?The one that you presumably got pregnant. Lagi nang maaga ang gising mo eh."Rumolyo ang mata ni Aldrick sa kaibigan saka walang gana na sumagot. "Maaga ako dahil inaasahan ko ang pagdating ni Elon ngayon. That’s the only reason and nothing else."Ngumisi ng nakakaloko si Nathan at patuloy siya na inasar. "Kung darating ang best man mo, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi ka nga pinapatulog ng babae na iyon na dumating dito. Ginugulo ng babae na siyang nabuntis mo raw ang buong sistema mo.""Nabuntis ko? What the fuck?! Anong kabaliwan ba ang sinasabi mo at lalong anong kabaliwan ang naisip ng babae na iyon para sa
"Makikilala niya na ang tunay na Aldrick Laureus? Paano? Sa kama ba?" Nakakalokong tanong ni Nathan saka bumunghalit ng tawa matapos na sapilitan na ilabas ni Elon ang babae na kanina lamang ay nagpa-init ng ulo ni Aldrick."What the hell is wrong with that woman? Ano ba ang plano niya at patuloy niya na ipinipilit ang bagay na iyan? Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naisipan niya na paglaruan at gaguhin." Salubong ang kilay na sagot naman niya.Kuhang-kuha ng babae na iyon ang inis niya simula pa lamang nang una sila na magtagpo. He wanted to just disregard her accusations at first, but thought otherwise, kaya naman agad niya rin na tinawagan si Elon para makatulong sa pag-iimbestiga na gagawin niya patungkol sa babaeng makulit na iyon.And he is glad that he decided on bringing Elon into the picture.
"Aldrick Laureus, I hate you!" Gigil na gigil na tili ni Russia nang makarating sila ni Eunice sa bahay. Sa biyahe pa lamang pauwi ay inis na inis na siya kaya naman nang makarating sila ay hindi na niya nagawa pa na itago ang damdamin niya para sa lalaki. "Buwisit ka! May araw ka rin sa akin na lalaki ka! Guwapo ka lang pero napakayabang mo!""Rus, sinabi ko naman sa’yo na tigilan mo na. Mahihirapan ka talaga sa kan’ya. Matalino iyon at hindi agad iyon maniniwala dahil lamang sa sinabi mo. May ibang paraan pa naman para maibalik natin ang mga tulong ni Tita." Kahit paano ay naaawa na rin si Eunice sa kaibigan niya at ayaw na niya na ipilit pa ang mga bagay na sigurado naman sila na hindi nila kayang gawin."Hindi maaari, Euni. Ayaw ko na pati sa’yo ay magalit si Tita. Isa pa, nakakahiya na hindi ko magawa ang bagay na inutos sa akin. Sa atin dalawa ibini
"Elon, anong balita sa babae na pinapa-imbestigahan ko sa’yo?" Umagang-umaga pa lamang ay busangot na busangot na agad si Aldrick nang lumabas sa kan’yang silid.Ilang gabi na rin kasi siya na hindi pinapatulog sa pag-iisip ng babae na iyon na nanggugulo sa kan’ya tapos idagdag pa roon na hindi rin siya makapag-uwi ng babae o maka-iskor man lamang dahil nawawala nga siya sa wisyo kapag naaalala niya ang bwisit na babae na iyon. He needs a distraction from the biggest distraction in his life that is already distracting him, but how?"Unfortunately, there is no concrete information yet. Hindi gano’n kadali na kumuha ng impormasyon sa isang babae na wala tayong pagkakakilanlan. Bakit naman kasi kahit pangalan ay hindi mo man lamang itinanong?" Sa totoo lamang ay hirap din talag si Elon sa pagkuha ng mga impormasyon, bukod kasi sa hindi niya gamay ang proseso rito
Ilang minuto na ang lumilipas pero simula pa kanina ay wala silang ginawa kung hindi ang magtitigan lamang ng masama. Technically, kanina pa siya tinatapunan ng nakamamatay na tingin ng binata na ginugulo niya ang buhay habang siya naman ay nakaupo lamang at pinipilit na maging kalmado habang ang dalawang lalaki sa kan'yang harapan ay palipat-lipat ang tingin sa kan'ya at sa isa’t-isa.Walang maski isa sa kanila ang nais na magsimula ng usapan bagama’t ramdam na ramdam na ang tensyon na namamayani sa kanilang lahat. Alam ni Russia na hindi magiging madali ang paghaharap na ito pero sisiguraduhin niya na sa pagkakataon na ito ay siya naman ang magtatagumpay. Once is enough; two is too much; on the third try, she’ll get the victory, and that is for sure.Sa totoo lamang ay hindi niya rin malaman kung ano ba talaga ang kan'yang mararamdaman sa punto na iyon.
Hindi na naman mapigilan ni Russia ang mga ngiti na sumisilay sa kan’yang labi habang hawak-hawak ang telepono niya. Noon kapag hawak niya ang cellphone niya ay sambakol ang mukha niya at problemado siya, pero sa nakalipas na mga araw ay nag-iba ang ihip ng hangin, at isang tao lamang naman ang rason ng lahat ng iyon: si Aldrick.The past few days have been different for both of them. Hindi niya inaasahan ang pagbabago sa pagitan nila pero aaminin niya na nagugustuhan niya iyon. And it’s not just because that was her plan all along, but because she feels Aldrick’s sincerity in his actions towards her.Hindi niya sigurado kung ang "tayo" ba na tinukoy nito ay ang relasyon na nga nila, but she doesn't really need to formalize anything because his actions speak louder and more clearly than his words. Sapat na rin ang halik na iginawad sa kan'ya n
"Buwisit! Ang yabang! Akala mo kung sino siya! Tang-ina!" Galit na galit na naman si Blue nang makabalik siya sa kan’yang tirahan. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kaya buhat pa kanina ay ilang baso na rin ang nabasag niya dahil sa pagwawala niya. Hindi na rin kailangan pa na hulaan ang dahilan dahil ang galit na iyon ay nakatuon lamang sa iisang tao: ang lalaking pilit na nanghihimasok sa relasyon nila ng dating kasintahan niya.Hindi niya kailanman matatanggap na mawawala sa kan’ya si Russia. Hindi kailanman niya hahayaan na may ibang lalaki na aangkin sa babaeng dapat ay sa kan’ya lamang. At kahit na ano pang pananakot ang sabihin nito sa kan’ya ay hindi siya magpapatinag."Kahit na anong mangyari ay sa akin ka lamang, Russia! Ikaw at ako lamang hanggang sa huli!" Muli ay sigaw niya. "Akin ka at ang anak natin! Akin
"Elon, you know what to do." Iyon lamang ang binitiwan na salita ini Aldrick sa kan’yang tauhan at saka nagmamadali nang umalis sa lugar na iyon kasama si Sia.Salubong ang kilay niya habang hawak-kamay sila na naglalakad palabas ng mall na iyon. Matapos magbilin sa ilan pang mga kasamahan kung ano ang gagawin kay Blue ay mabilis naman na sumunod sa kanila si Elon at ang ilan pa sa mga tauhan nila na kagaya niya ay tahimik na lamang din at walang kibo.Nanggigigil na naman si Aldrick at nagpupuyos ang kan'yang damdamin dahil sa eksena na naabutan niya kanina. Hindi man siya magsalita ay alam ng mga kasamahan niya ang pagngingitngit ng kalooban niya. He is enraged, and the anger he is feeling is directed only at one person: Blue Alegre. Ang lalaki na siyang malimit ngayon na nagpapa-init ng ulo niya dahil sa patuloy na panggugulo nito sa mag-in
"Si," Kasabay sa pagtawag na iyon ay ang mga kamay na pumigil sa kan’yang paglalakad. "Mag-usap nga tayo. Bakit mo ba ako patuloy na iniiwasan? Kausapin mo nga muna ako." Pilit siya na kumakawala pero lalo lamang nito na hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Fucking talk to me, Russia! You owe me an explanation. Hindi mo ako iiwasan kung wala kang itinatago sa akin.""I don’t owe you anything." Mabilis na tugon niya saka pilit na itinulak ang lalaki na humahawak sa kan’ya. "Let me go. Wala akong itinatago sa'yo, kaya wala tayong dapat na pag-usapan."Hindi niya inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila ng walanghiyang ex-boyfriend niya dahil matapos ang huling paghaharap nila nang sapilitan na naman siya nito na kausapin sa bahay nina Aldrick ay nanahimik na ang lalaki.She mista
"Takte, Aldrick, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo pa nakuha ang personal na detalye niya, pero nakuha mo naman na mag-Marites sa buhay niya. Pumapalya ka na yata ngayon sa pagkuha ng impormasyon, Prinsipe?"Iritable at simangot na simangot naman siya habang nakikinig sa litanya ni Akiro. Aminado rin naman siya na nagkulang talaga siya sa pagkuha ng mga detalye na kinakailangan niya at iyon ay sa kadahilanan na nalihis siya sa motibo niya nang malaman niya ang tunay na istorya ng buhay ni Sia."I know, Akiro. Alam ko iyon kaya nga ginagawan ko nang paraan, kaya hindi mo na kailangan pa na ulit-ultin sa akin.""Tapatin mo nga ako, Drick, ikaw ba ay nagpapanggap pa rin hanggang ngayon para mapalapit sa kan’ya o baka naman talagang totohanan na ang pakikipaglapit mo na iyan dahil sa may ibang dahilan ka
Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?
"Hey, I miss you." Ang mga salita na iyon buhat kay Aldrick ang nagpaangat sa ulo ni Russia buhat sa librong kan’yang binabasa. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki habang si Aldrick naman ay dire-diretso na lumapit sa kan’ya at hinimas ang tiyan niya. "I miss you, Baby."Mabilis siya na pinamulahanan ng mukha dahil sa narinig. Siya ba o ang baby ang na-miss ni Aldrick? Nang mapagtanto niya ang naiisip niya ay agad niya na tinapik ang kamay ng lalaki. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo hinihimas ang tiyan ko?" Iritable na tugon pa niya.Nalilito naman na napasulyap sa kan’ya si Aldrick na halata ang gulat sa naging reaksyon niya rin. "Bakit? Ilang araw ako na na-busy kaya na-miss ko si baby." Sabi pa nito ulit sabay na akma na hihimasin ulit ang tiyan niya, pero mabilis niya ulit na tinapik ang kamay nito kaya kumunot na lamang ang noo nito sa kan
"Himala yata at naabutan kita rito ngayon." Ang boses ni Nathan ang nagpalingon kay Aldrick habang ninanamnam niya ang katahimikan ng gabi. "Bakit mag-isa ka riyan? Nasaan si Elon?""Work." Simpleng tugon na lamang niya. Inabutan siya ni Nathan ng isang lata ng alak at saka umupo ang lalaki sa may tabi niya.Kanina pa siya narito sa may hardin at nag-iisip. Nang pumasok kasi si Sia sa silid nito ay nagpasya siya na magpahangin muna upang makapag-isip din tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kan’yang isipan. Naka-ilang lata na nga rin siya ng alak bago pa dumating si Nathan."Nasaan ang girlfriend mo?" Nakangiti pa na tanong nito sa kan’ya na halata na inaasar na naman siya. "Tulog na ba?""The fuck! Anong girlfriend ang pinagsasasabi mo riyan? Wala akong girlf
"Let’s start over again, Sia. Let’s do this for the baby. More than anything else, the baby should be our priority at this point."Kagabi pa na parang echo na paulit-ulit sa isipan ni Russia ang sinabi na iyon ni Aldrick. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na maramdaman sa naging pag-uusap nila na iyon na nagpabago ng lahat para sa kanya. Hindi niya inaasahan na bigla na lamang na mag-iiba ang ihip ng hangin at sa isang iglap ay tinatanggap na sila ni Aldrick ng buong-buo.What actually happened to make him change his views about her pregnancy? Paulit-ulit na rin ang tanong niya na iyon sa kan'yang isipan simula pa noong gabi na magharap sila nila Blue, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sapat na sagot sa kaguluhan ng isipan niya.Malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa niya dahil sa totoo laman