"Sir Colton, may bisita ka." Nagulat si Colton sa pagpasok na iyon ng kan’yang sekretarya at pag-anunsyo nito na may bisita siya. Wala siyang appointment ngayon kaya hindi niya alam kung sino ang dumating. "Pasensya ka na at pinaakyat na nila from the lobby dahil umiiyak daw ang babae at nais ka raw na makausap. Importante raw ang sadya niya."
"Sino siya?" Busy siya sa araw na iyon kaya ayaw sana niya na maabala, pero nang sabihin ng sekretarya niya na umiiyak na babae ang hindi inaasahan na panauhin niya ay may naiisip na siya na pangalan kung sino iyon.
"Sia raw ang pangalan niya."
And he is right in his assumption. Kaya naman wala rin pagdadalawang-isip na tumugon siya na ikinagulat pa nga ng sekretarya niya. "Papasukin mo siya."
"S-sige po." Naguguluhan m
"Atasha! Ano ang ginagawa mo rito?" Gulat na gulat si Aldrick nang paglabas niya sa kan’yang silid ay si Atasha agad ang nabungaran niya. At hindi lamang basta si Atasha kung hindi isang Atasha na galit na galit at parang handang-handa na manakit. "May problema ba? What’s wrong?" Agad na gumuhit ang pag-aalala niya sabay lapit sa babae."Aldrick." Nang tawagin nito ang pangalan niya ay bigla ang pagbabago ng reaksyon nito. Ang kanina na galit sa mukha nito ay napalitan ng sakit at pag-aalala kasabay sa dahan-dahan na pagtulo ng mga luha nito. "Aldrick, are you with someone now? May kasama ka ba sa kuwarto mo ngayon? Can you please leave her for a little while? I just needed someone to talk to."Natataranta na siya sa nakikita niya na pag-iyak ni Atasha. If there’s one thing he doesn’t want to see, it’s Atasha crying in front of him. Weakness niya ang baba
Alam ni Aldrick na walang katotohanan ang mga sinasabi ni Atasha laban kay Colton. Maaaring nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa at lumabas ang pagiging selosa ng babae kaya napagbintangan nito na may ibang babae na nabuntis ang kapatid niya, pero gano’n pa man ay gumawa siya ng paraan para puntahan si Colton sa opisina nito nang sumunod na araw at paaminin kung sakali."Good morning, Sir Aldrick." Bati sa kan’ya ng sekretary ng kapatid na tinanguan lamang niya saka niya diretso na binuksan ang pinto sa silid nito na hindi man lamang kumakatok."Aldrick!" Halata ang gulat ni Colton sa ginawa niya dahil nagsalubong agad ang kilay nito sa kan’ya. "Ano ang ginagawa mo rito? And haven’t you even heard of knocking?""Let’s talk." Tipid na sagot niya saka lumapit sa lamesa nito at hinampas pa iyon para lubo
"Good morning!" Iyon ang masayang bati ni Russia kay Aldrick nang maabutan niya ang lalaki sa may hardin at mukhang kagagaling lamang sa pag-exercise. As usual, wala na naman na suot na tshirt at kitang-kita na naman ang makisig nito na pangangatawanan. "Nag-breakfast ka na? Nagluto ako ng almusal, sabay na tayo na kumain."Hindi man siya tinapunan ng tingin ay sinagot naman siya nito, pero sa tono ng pananalita ay halata ang inis nito sa kan’ya. "Ano ang good sa morning kung ikaw ang bubungad sa akin? At isa pa, hindi ako nag-aalmusal.""Ang harsh mo naman." Hindi siya nagpatinag sa kasungitan nito at pumunta pa sa harapan ng binata. Hindi siya magpapatalo sa kagaspangan ng ugali nito sa kan’ya. Marami na rin siyang pinagdaanan na sakit at pamamahiya kaya balewala na ang mga ganitong salita sa kan’ya ni Aldrick. "Galit ka pa rin ba sa akin? Hanggang kailan mo
"Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" Nakangisi na tanong ni Aldrick kay Atasha habang nasa may dining area sila at kumakain."Honestly, no." Nakasimangot na turan naman nito sa kan’ya kaya natawa na lamang siya. "Pero kailangan ko ng rason.""Sinasabi ko na nga ba. Let’s admit that cooking is not your thing, Tash." Pagbibiro pa niya sa asawa ng kapatid niya. "Sigurado na rin ako na ang pagdadala ng almusal ang rason na sinasabi mo. Ano ba talaga ang sadya mo rito?"Rumolyo muna ang mata nito sa kan’ya saka napasandal sa kinauupuan. "Bakit ba kilalang-kilala mo ako, Drick? Minsan hindi ko alam kung nakakabuti ba iyon o nakakasama."Masuyo na lamang niya na tinitigan ang babae at hindi muna nagsalita. Nais man niya na sagutin ang tanong ni Atasha pero paano nga ba niya
"May lakad ka na naman ba ngayon? Where are you going?" Gulat na gulat si Atasha sa boses na iyon ng kan’yang asawa. Hindi niya kasi inaasahan ang pagbabalik nito agad sa bahay nila."Colton, what are you doing here? Akala ko ba ay may meeting ka ngayon?" tanong niya. Ayaw niya na magpahalata pero mukhang huli na ang lahat dahil napasin na ni Colton ang naging reaksyon niya.Lumapit sa kan'ya ang asawa at mabilis siya na hinalikan kaya naman napapikit siya sa sensasyon na hatid ng halik na iyon sa kan’ya. Gaano man katagal ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang kilig na nararamdaman niya para sa asawa niya, gano'n pa man ay may ibang pakiramdam siya sa mga halik na iyon nito sa kan'ya.Makalipas ang ilan segundo ay tumigil si Colton sa paghalik sa kan’ya at tumitig sa mga mata niya. "Masama ba na buma
Ayaw na sana ni Aldrick na mag-usap sila ni Colton, pero mukhang kailangan niya na gawin. Pagkatapos niya na malaman ang nangyari sa pagitan nina Colton at Atasha, at matapos din niya na sitahin si Sisa kahapon sa mga dagdag problema na ginagawa nito ay nagpasiya siya na puntahan ang kapatid niya sa opisina nito ngayon araw para magkalinawan sila. Minabuti na rin niya na rito na lamang kausapin ang kapatid at hindi na sa bahay nito dahil ayaw niya na mag-alala pa si Atasha para sa kanilang dalawa kapag nakita pa ang pagtatalo nila.Well, he is assuming that he and Colton will have an argument. Sigurado siya na iyon ang kahahantungan ng pag-uusap nila na ito dahil malisyosong balita ang nakarating sa kapatid niya. Actually, it is useless to even talk to that close-minded jerk, but for Atasha’s sake, he will do this. Kahit na alam niya na walang patutunguhan ay kailangan pa rin niya na subukan na ipa-intindi
"Balita ko ay nagtalo na naman kayo ni Colton?" Iyon ang bungad ni Prinsipe Akiro kay Prinsipe Aldrick habang inaabutan siya nito ng isang lata ng alak. Walang sabi-sabi na pinuntahan niya sa opisina si Akiro nanag malaman niya buhat kay Nathan na nagbalik Pilipinas ang kaibigan. "May selosan na naman daw na nangyayari sa pagitan ninyong magkapatid."Imbis na sagutin ang kaibigan ay binuksan na lamang niya ang alak na inabot sa kan'ya at tinungga iyon. Sobrang sakit na rin ng ulo niya dahil sa palala na palala na sitwasyon na naman nilang magkapatid. Ayaw na sana niya na pag-usapan pa at ang sadya niya talaga kay Akiro ay ang tungkol sa nawawalang prinsesa pero mukhang hindi siya makakalusot sa kaibigan."Ano na naman ba ang dahilan at pinagtatalunan ninyo na naman si Atasha?"Pagbubuntong-hininga na lamang an
"Good morning, Sisa!" Gulat na gulat si Russia sa masayang pagbati na iyon sa kan’ya ni Elon, ang tauhan ni Aldrick. Bakit nga ba naman hindi siya magugulat eh simula ng manirahan siya rito ay panay sambakol ang mukha ng mga lalaki na nakakasama niya at ngumingiti lamang yata ang mga iyon tuwing bumibisita rito ang asawa ni Colton na si Atasha. "Tapos ka nang mag-almusal? Ipapahanda na kita ng makakain mo.""Hindi ba obvious na tapos na ako?" tanong niya. "Kitang-kita mo naman, hindi ba, naghuhugas na ako ng pinggan?""Ang sungit naman ng Sisa namin ngayon umaga. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita, ang taray mo pa, hindi ako sanay.""Hindi rin ako sanay na may kumakausap sa akin dito." Direkta na sagot niya habang inismiran pa ang lalaki. "Alam mo kung saan ako sanay na sanay? Sanay na sanay ako na tinatawag