"Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" Nakangisi na tanong ni Aldrick kay Atasha habang nasa may dining area sila at kumakain.
"Honestly, no." Nakasimangot na turan naman nito sa kan’ya kaya natawa na lamang siya. "Pero kailangan ko ng rason."
"Sinasabi ko na nga ba. Let’s admit that cooking is not your thing, Tash." Pagbibiro pa niya sa asawa ng kapatid niya. "Sigurado na rin ako na ang pagdadala ng almusal ang rason na sinasabi mo. Ano ba talaga ang sadya mo rito?"
Rumolyo muna ang mata nito sa kan’ya saka napasandal sa kinauupuan. "Bakit ba kilalang-kilala mo ako, Drick? Minsan hindi ko alam kung nakakabuti ba iyon o nakakasama."
Masuyo na lamang niya na tinitigan ang babae at hindi muna nagsalita. Nais man niya na sagutin ang tanong ni Atasha pero paano nga ba niya
"May lakad ka na naman ba ngayon? Where are you going?" Gulat na gulat si Atasha sa boses na iyon ng kan’yang asawa. Hindi niya kasi inaasahan ang pagbabalik nito agad sa bahay nila."Colton, what are you doing here? Akala ko ba ay may meeting ka ngayon?" tanong niya. Ayaw niya na magpahalata pero mukhang huli na ang lahat dahil napasin na ni Colton ang naging reaksyon niya.Lumapit sa kan'ya ang asawa at mabilis siya na hinalikan kaya naman napapikit siya sa sensasyon na hatid ng halik na iyon sa kan’ya. Gaano man katagal ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang kilig na nararamdaman niya para sa asawa niya, gano'n pa man ay may ibang pakiramdam siya sa mga halik na iyon nito sa kan'ya.Makalipas ang ilan segundo ay tumigil si Colton sa paghalik sa kan’ya at tumitig sa mga mata niya. "Masama ba na buma
Ayaw na sana ni Aldrick na mag-usap sila ni Colton, pero mukhang kailangan niya na gawin. Pagkatapos niya na malaman ang nangyari sa pagitan nina Colton at Atasha, at matapos din niya na sitahin si Sisa kahapon sa mga dagdag problema na ginagawa nito ay nagpasiya siya na puntahan ang kapatid niya sa opisina nito ngayon araw para magkalinawan sila. Minabuti na rin niya na rito na lamang kausapin ang kapatid at hindi na sa bahay nito dahil ayaw niya na mag-alala pa si Atasha para sa kanilang dalawa kapag nakita pa ang pagtatalo nila.Well, he is assuming that he and Colton will have an argument. Sigurado siya na iyon ang kahahantungan ng pag-uusap nila na ito dahil malisyosong balita ang nakarating sa kapatid niya. Actually, it is useless to even talk to that close-minded jerk, but for Atasha’s sake, he will do this. Kahit na alam niya na walang patutunguhan ay kailangan pa rin niya na subukan na ipa-intindi
"Balita ko ay nagtalo na naman kayo ni Colton?" Iyon ang bungad ni Prinsipe Akiro kay Prinsipe Aldrick habang inaabutan siya nito ng isang lata ng alak. Walang sabi-sabi na pinuntahan niya sa opisina si Akiro nanag malaman niya buhat kay Nathan na nagbalik Pilipinas ang kaibigan. "May selosan na naman daw na nangyayari sa pagitan ninyong magkapatid."Imbis na sagutin ang kaibigan ay binuksan na lamang niya ang alak na inabot sa kan'ya at tinungga iyon. Sobrang sakit na rin ng ulo niya dahil sa palala na palala na sitwasyon na naman nilang magkapatid. Ayaw na sana niya na pag-usapan pa at ang sadya niya talaga kay Akiro ay ang tungkol sa nawawalang prinsesa pero mukhang hindi siya makakalusot sa kaibigan."Ano na naman ba ang dahilan at pinagtatalunan ninyo na naman si Atasha?"Pagbubuntong-hininga na lamang an
"Good morning, Sisa!" Gulat na gulat si Russia sa masayang pagbati na iyon sa kan’ya ni Elon, ang tauhan ni Aldrick. Bakit nga ba naman hindi siya magugulat eh simula ng manirahan siya rito ay panay sambakol ang mukha ng mga lalaki na nakakasama niya at ngumingiti lamang yata ang mga iyon tuwing bumibisita rito ang asawa ni Colton na si Atasha. "Tapos ka nang mag-almusal? Ipapahanda na kita ng makakain mo.""Hindi ba obvious na tapos na ako?" tanong niya. "Kitang-kita mo naman, hindi ba, naghuhugas na ako ng pinggan?""Ang sungit naman ng Sisa namin ngayon umaga. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita, ang taray mo pa, hindi ako sanay.""Hindi rin ako sanay na may kumakausap sa akin dito." Direkta na sagot niya habang inismiran pa ang lalaki. "Alam mo kung saan ako sanay na sanay? Sanay na sanay ako na tinatawag
Hindi siya natatakot. Hindi siya dapat na kabahan. She will get through this. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Russia sa kan’yang sarili kahit na alam niya na nanganganib na siya na mabuko sa mga kasinungalingan niya. Gano'n pa man ay kailangan niya na ipakita na hindi siya matitinag kahit na hindi niya alam kung paano niya lulusutan ngayon ang pagkakaroon ng anak sa sinapupunan niya.Hindi niya inaasahan ang desisyon na iyon ni Aldrick na magpatingin sila sa doktor.Everything comes as a surprise for her, of course, but she has to pretend that everything is alright with that suggestion, and she has to play along. Kitang-kita niya ang pagbabantay ni Aldrick sa magiging reaksyon niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa nais nito.Wala rin siyang gaanong oras para makahingi ng tulong kay Eunice
"Ano?! Buntis?!" Sabay na sabay pa ang pagtatanong na iyon nina Nathan at Elon kay Aldrick at halata ang gulat sa tono nila. Dalawang salita lamang iyon pero napakaraming ibig sabihin ng tanong na iyon para kay Aldrick. Tanong na hindi niya rin alam kung paano bibigyan ng kasagutan.Buntis si Sisa. Totoong buntis ang babaeng nag-aakusa sa kan’ya at hindi niya ngayon alam kung ano ang iisipin niya. Frankly, he was as surprised as everyone else when he found out about the pregnancy. Ang buong akala niya talaga ay gawa-gawa lamang nito ang pagiging buntis, pero siya pala ang mali.Hindi niya rin alam kung paano nabuntis ang babae na iyon, pero siguro nga at mali ang naging panghuhusga niya, pero buntis man si Sisa, isa lamang ang sigurado siya: hindi siya ang ama ng bata sa sinapupunan nito."Uulitin
"Hindi ko talaga alam kung ano ang naisip ni Aldrick at ginawa niya iyon sa'yo!? Bakit kailangan ka pa niya na dalahin sa doktor at biglain ng gano'n?" Pagkibit balikat na lamang ang naging tugon ni Russia sa nanggagalaiti na tanong ni Colton sa kan’ya matapos niya na maikuwento sa lalaki ang nangyari kahapon. "That jerk! Alam niya na nga na buntis ka tapos gano’n pa ang ginawa sa’yo? Hindi man lamang niya sinabi sa akin ang mga plano niya na dadalahin ka at ipapa-check ka sa ibang doktor. Ano ba ang naiisip ng lalaki na iyon at panay sablay ang mga ginagawa niya.""Isa lang naman ang sagot sa mga tanoong mo. Ayaw ng kapatid mo na panagutan ang bata.""Ayos ka lang ba? Maayos naman ba ang pinagdalhan sa'yo na doktor ni Aldrick?"Sa pagkakataon na iyon ay pagtango na lamang ng kan’yang ulo ang naging tugon niya. Amin
"What? No! Pati ba naman ikaw? Hindi ko gagawin iyon dahil lamang sa iyon ang sinabi at gusto ni Aldrick! Why should I? My conscience is clear, and for fuck’s sake, I am not having an affair with anybody, or, to be exact, I am not having an affair with Sia!" Hindi na mapigilan ang pagkawala ng galit sa tono ng pananalita ni Colton dahil sa tema ng pinag-uusapan nila ng asawa niya.Paano ba naman na hindi niya iyon mararamdaman kung pagdating pa lamang niya sa kanilang bahay ay bubungaran na siya ni Atasha ng mga paghihinala rin nito patungkol sa kanila ni Sia at pati na ang paghahamon sa kan'ya ni Aldrick na magpa-DNA test ay nais nito na gawin niya."Then do the fucking DNA test, Colton!" Sigaw ng asawa niya bilang tugon sa kan’ya. "Kung wala kang tinatago ay hindi ka magdadalawang-isip na gawin ang bagay na iyon; kung wala kang ginawa at ginagawa na masama ba