Hindi siya natatakot. Hindi siya dapat na kabahan. She will get through this. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Russia sa kan’yang sarili kahit na alam niya na nanganganib na siya na mabuko sa mga kasinungalingan niya. Gano'n pa man ay kailangan niya na ipakita na hindi siya matitinag kahit na hindi niya alam kung paano niya lulusutan ngayon ang pagkakaroon ng anak sa sinapupunan niya.
Hindi niya inaasahan ang desisyon na iyon ni Aldrick na magpatingin sila sa doktor.
Everything comes as a surprise for her, of course, but she has to pretend that everything is alright with that suggestion, and she has to play along. Kitang-kita niya ang pagbabantay ni Aldrick sa magiging reaksyon niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa nais nito.
Wala rin siyang gaanong oras para makahingi ng tulong kay Eunice
"Ano?! Buntis?!" Sabay na sabay pa ang pagtatanong na iyon nina Nathan at Elon kay Aldrick at halata ang gulat sa tono nila. Dalawang salita lamang iyon pero napakaraming ibig sabihin ng tanong na iyon para kay Aldrick. Tanong na hindi niya rin alam kung paano bibigyan ng kasagutan.Buntis si Sisa. Totoong buntis ang babaeng nag-aakusa sa kan’ya at hindi niya ngayon alam kung ano ang iisipin niya. Frankly, he was as surprised as everyone else when he found out about the pregnancy. Ang buong akala niya talaga ay gawa-gawa lamang nito ang pagiging buntis, pero siya pala ang mali.Hindi niya rin alam kung paano nabuntis ang babae na iyon, pero siguro nga at mali ang naging panghuhusga niya, pero buntis man si Sisa, isa lamang ang sigurado siya: hindi siya ang ama ng bata sa sinapupunan nito."Uulitin
"Hindi ko talaga alam kung ano ang naisip ni Aldrick at ginawa niya iyon sa'yo!? Bakit kailangan ka pa niya na dalahin sa doktor at biglain ng gano'n?" Pagkibit balikat na lamang ang naging tugon ni Russia sa nanggagalaiti na tanong ni Colton sa kan’ya matapos niya na maikuwento sa lalaki ang nangyari kahapon. "That jerk! Alam niya na nga na buntis ka tapos gano’n pa ang ginawa sa’yo? Hindi man lamang niya sinabi sa akin ang mga plano niya na dadalahin ka at ipapa-check ka sa ibang doktor. Ano ba ang naiisip ng lalaki na iyon at panay sablay ang mga ginagawa niya.""Isa lang naman ang sagot sa mga tanoong mo. Ayaw ng kapatid mo na panagutan ang bata.""Ayos ka lang ba? Maayos naman ba ang pinagdalhan sa'yo na doktor ni Aldrick?"Sa pagkakataon na iyon ay pagtango na lamang ng kan’yang ulo ang naging tugon niya. Amin
"What? No! Pati ba naman ikaw? Hindi ko gagawin iyon dahil lamang sa iyon ang sinabi at gusto ni Aldrick! Why should I? My conscience is clear, and for fuck’s sake, I am not having an affair with anybody, or, to be exact, I am not having an affair with Sia!" Hindi na mapigilan ang pagkawala ng galit sa tono ng pananalita ni Colton dahil sa tema ng pinag-uusapan nila ng asawa niya.Paano ba naman na hindi niya iyon mararamdaman kung pagdating pa lamang niya sa kanilang bahay ay bubungaran na siya ni Atasha ng mga paghihinala rin nito patungkol sa kanila ni Sia at pati na ang paghahamon sa kan'ya ni Aldrick na magpa-DNA test ay nais nito na gawin niya."Then do the fucking DNA test, Colton!" Sigaw ng asawa niya bilang tugon sa kan’ya. "Kung wala kang tinatago ay hindi ka magdadalawang-isip na gawin ang bagay na iyon; kung wala kang ginawa at ginagawa na masama ba
"Ano? Naglayas?" Hindi makapaniwala na tanong ni Aldrick nang tawagan siya ni Akiro at sabihin nito na nag-alsa-balutan si Atasha kasama ang mga anak nito at nasa poder niya ngayon. "Bakit siya naglayas? Sinabi ba sa'yo kung ano ang problema? Sigurado ako na si Colton na naman ang dahilan. Is she and the kids okay?""They are fine. Atasha is stressed of course, but she is fine. Tell me, what is happening, Aldrick? Bakit kaya hindi ikaw ang magsabi sa akin kung bakit naglayas si Atasha kasama ang mga bata?" Balik-tanong naman ni Akiro sa kan’ya. "Bakit nga ba biglang-bigla na nagpunta rito ang mag-iina? Ano nga ba ang problama nilang mag-asawa, Aldrick?""Teka, bakit sinasagot mo ng tanong ang tanong ko? Isa pa, bakit ako ang tinatanong mo at hindi si Atasha o si Colton? Bakit kaya hindi mo na lang tanungin ang kapatid mo para masabi mo rin sa akin ang rason kung bakit lumayas siya sa kanila." Kahit na may hinala na siya kung ano ang pinagtalunan na naman nina Atasha at Colton na nagin
Salubong ang kilay ni Aldrick habang palipat-lipat ang tingin niya kay Sia at sa lalaking nagpakilalang nobyo nito. Ang lalaki ay titig na titig lamang kay Sia at hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin, habang ang babae naman ay halatang aligaga dahil sa hindi inaasahan na pagdating ng panauhin nila na iyon.Kanina pa sila magkakaharap pero wala maski isa sa dalawa ang nais na magsalita. Kanina pa niya hinihintay ang mga paliwanag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin na nais na mag-umpisa ng usapin. Ito na ang matagal niyang hinihintay na pruweba upang mapatunayan sa lahat, lalo na kay Colton na hindi nga siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Sisa, pero bakit iba ang pakiramdam niya sa senaryo nila?Ang pagdating ng lalaki na nasa harapan niya ngayon ang siyang magiging susi upang mabisto na niya ang pagkatao ng babaeng sumisira sa kan’ya at gumugulo sa
"Bullshit!" Galit na galit si Blue at naihagis na lamang niya ang hawak-hawak niya na baso ng alak dahil sa inis na namamayani sa kan’ya. "Hindi ka puwede na mawala sa akin! Hindi ka puwede na maagaw ng iba sa akin! Akin ka lang!"Kanina pa nya pinipigilan ang sarili niya na magwala, pero sobra ang poot na nararamdaman niya sa ngayon kaya sumambulat na ang galit na kanina pa niya pinipigilan. Galit, hindi lamang sa kan’yang sarili kung hindi sa sitwasyon na kinakaharap niya sa ngayon."Russia!" Pagsigaw pa niya sa pangalan ng nobya niya habang kinukuyom ang kamao niya. "Akin ka lang, Russia! Akin ka lang, Si!"Hindi niya talaga lubos maisip kung paano humantong sa ganito ang lahat sa pagitan nila ng dating kasintahan niya. Masaya sila noon. Mahal na mahal siya nito at sa kan’ya lamang umiikot ang mundo nito, pero sa
Kagigising lamang ni Russia ay aligaga na agad siya. Simula pa kahapon ay ganito na ang pakiramdam niya. Paano ba naman na hindi kung parang isang masamang panaginip na basta na lamang na sumulpot buhat sa kung saan ang lalaki sa nakaraan niya na ayaw na niya na balikan pa.Maghapon siya na nagkulong sa kan’yang silid upang iwasan si Aldrick na alam na alam niya na sasalubungin na naman siya ng maraming katanungan at paghihinala. Hindi niya alam kung paano siya natunton ni Blue at kung ano ang pakay nito sa kan’ya, pero isa lamang ang nasa isipan niya, tiyak na mas malaking gulo ang kakaharapin niya sa pagsulpot ng ex-broyfriend niya.Ang pag-ring ng telepono niya ang bahagya na pumutol sa pag-iisip na ginagawa niya. Nang makita niya na si Eunice ang tumatawag ay agad niya iyon na sinagot."Euni, anong balita?" tano
"Prinsipe Aldrick, may masamang balita." Humahangos na salubong ni Elon kay Aldrick ng umaga na iyon."Anong masamang balita na naman ang sisira sa umaga ko bukod kay Sisa?""Si Sisa nga ang ibabalita ko. Ang sabi kasi sa akin ng mga guwardiya ay umalis siya kaninang madaling araw. Sinubukan nilang pigilan ngunit ayaw magpapigil sa kanila. Umiiyak pa nga raw at inaaway sila dahil nga pinipigilan nila." Hindi agad siya nakasagot at parang hindi niya agad na naintindihan ang sinabi ni Elon sa kan’ya. "Ipahanap ko na ba? Sabihan ko na ba ang mga tauhan?"Nang rumehistro sa kan'ya ang sinabi nito ay agad na nangunot ang noo niya saka siya sumagot habang naglalakad patungo sa may garden area. "Ano? Sinong umalis at bakit kailangan na pasundan?"Naparolyo na