Salubong ang kilay ni Aldrick habang palipat-lipat ang tingin niya kay Sia at sa lalaking nagpakilalang nobyo nito. Ang lalaki ay titig na titig lamang kay Sia at hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin, habang ang babae naman ay halatang aligaga dahil sa hindi inaasahan na pagdating ng panauhin nila na iyon.
Kanina pa sila magkakaharap pero wala maski isa sa dalawa ang nais na magsalita. Kanina pa niya hinihintay ang mga paliwanag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin na nais na mag-umpisa ng usapin. Ito na ang matagal niyang hinihintay na pruweba upang mapatunayan sa lahat, lalo na kay Colton na hindi nga siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Sisa, pero bakit iba ang pakiramdam niya sa senaryo nila?
Ang pagdating ng lalaki na nasa harapan niya ngayon ang siyang magiging susi upang mabisto na niya ang pagkatao ng babaeng sumisira sa kan’ya at gumugulo sa
"Bullshit!" Galit na galit si Blue at naihagis na lamang niya ang hawak-hawak niya na baso ng alak dahil sa inis na namamayani sa kan’ya. "Hindi ka puwede na mawala sa akin! Hindi ka puwede na maagaw ng iba sa akin! Akin ka lang!"Kanina pa nya pinipigilan ang sarili niya na magwala, pero sobra ang poot na nararamdaman niya sa ngayon kaya sumambulat na ang galit na kanina pa niya pinipigilan. Galit, hindi lamang sa kan’yang sarili kung hindi sa sitwasyon na kinakaharap niya sa ngayon."Russia!" Pagsigaw pa niya sa pangalan ng nobya niya habang kinukuyom ang kamao niya. "Akin ka lang, Russia! Akin ka lang, Si!"Hindi niya talaga lubos maisip kung paano humantong sa ganito ang lahat sa pagitan nila ng dating kasintahan niya. Masaya sila noon. Mahal na mahal siya nito at sa kan’ya lamang umiikot ang mundo nito, pero sa
Kagigising lamang ni Russia ay aligaga na agad siya. Simula pa kahapon ay ganito na ang pakiramdam niya. Paano ba naman na hindi kung parang isang masamang panaginip na basta na lamang na sumulpot buhat sa kung saan ang lalaki sa nakaraan niya na ayaw na niya na balikan pa.Maghapon siya na nagkulong sa kan’yang silid upang iwasan si Aldrick na alam na alam niya na sasalubungin na naman siya ng maraming katanungan at paghihinala. Hindi niya alam kung paano siya natunton ni Blue at kung ano ang pakay nito sa kan’ya, pero isa lamang ang nasa isipan niya, tiyak na mas malaking gulo ang kakaharapin niya sa pagsulpot ng ex-broyfriend niya.Ang pag-ring ng telepono niya ang bahagya na pumutol sa pag-iisip na ginagawa niya. Nang makita niya na si Eunice ang tumatawag ay agad niya iyon na sinagot."Euni, anong balita?" tano
"Prinsipe Aldrick, may masamang balita." Humahangos na salubong ni Elon kay Aldrick ng umaga na iyon."Anong masamang balita na naman ang sisira sa umaga ko bukod kay Sisa?""Si Sisa nga ang ibabalita ko. Ang sabi kasi sa akin ng mga guwardiya ay umalis siya kaninang madaling araw. Sinubukan nilang pigilan ngunit ayaw magpapigil sa kanila. Umiiyak pa nga raw at inaaway sila dahil nga pinipigilan nila." Hindi agad siya nakasagot at parang hindi niya agad na naintindihan ang sinabi ni Elon sa kan’ya. "Ipahanap ko na ba? Sabihan ko na ba ang mga tauhan?"Nang rumehistro sa kan'ya ang sinabi nito ay agad na nangunot ang noo niya saka siya sumagot habang naglalakad patungo sa may garden area. "Ano? Sinong umalis at bakit kailangan na pasundan?"Naparolyo na
"Mabuti naman at ikaw na mismo ang nagpunta rito. May plano na ako na sadyain ka sa bahay mamaya para kausapin kung hindi ka dumating ngayon.""Well, I am here, so don't get cranky. I am here to tell you the good news!""Wala akong nakikitang good news, Aldrick. Good news ba na masasabi kung panibagong gulo na naman ang hatid mo? Anong kalokohan na naman ang ginawa mo? You are really crazy!""Ano na naman ba ang ikinagagalit mo?""Ikaw at ang mga kamalian mo sa buhay! Mali ka talaga! Maling-mali ang ginawa mo." Simula pa kanina nang dumating si Aldrick sa opisina ni Colton ay salubong na agad ang kilay nito sa kan’ya at panay bulyaw at sermon na ang ginawa nito sa mga tao na naroon.Alam niya na walang kasalanan kay Colton ang mga empleyado roon, pero dahil sa kan
"Buwisit talaga! Kung may tanga sa amin dalawa, sigurado ako na si Colton iyon at hindi ako!" Simula pa kanina nang makauwi ay galit na galit na naman si Aldrick dahil sa kinahantungan ng pag-uusap nila ng kapatid niya. "Siya ang gago para ipilit sa akin ang isang bagay na hindi na tama. Nasaan ba ang utak niya?"Tahimik lamang na pinagmamasdan siya nina Nathan at Elon habang sinasabayn ang trip niya na mag-inom. Sa sobrang inis niya ay niyaya niya ang dalawa na mag-inuman at simula kanina pa ay wala na siyang ginawa kung hindi ang maglabas ng hinaing niya at galit niya para sa kapatid niya."Lintik talaga! Hindi ko alam kung bakit niya ipinipilit sa akin na karguhin ang responsibilidad na iyon kay Sisa! Harap-harapan na nga na may umaako sa pagiging ama sa bata pero ako pa rin ang pinag-iinitan ng gagong kapatid ko na iyon!" Napapa-iling na lamang sina Nathan
"Mag-ina mo? Talaga ba? Kailan pa?" Iyon ang hindi makapaniwala na tanong ni Elon kay Aldrick matapos na mapaalis ni Nathan si Blue Alegre at bahagya na humupa ang tensyon sa mansyon. "Mayroon ka bang hindi inaamin sa akin?"Hindi na rin nakatiiis pa si Elon na kimkimin ang mga katanungan na iyon dahil kanina pa rin siya gulong-gulo sa nakita niya na senaryo. Hindi niya maintindihan kung bakit pilit na pinipigilan ni Aldrick ang pag-uusap ni Sia at ni Blue. Hindi niya alam kung bakit nito kailangan na hadlangan ang lalaki na umaako sa responsibilidad sa babaeng nag-aakusa sa kan’ya. Nagugulahan siya na iba ang sinasabi ng kan’yang amo sa mga nagiging aksyon nito. Hindi niya mawari kung bakit nito sinabi na mag-ina niya sina Sia at ang bata, gano’n patuloy rin naman nito na itinatanggi ang bagay na iyon sa kanila."Walang ibang ibig sabihin ang sinabi ko." Alam
"Mag-ina niya? Talaga ba? Kailan pa?" Iyon ang kanina pa rin na paulit-ulit na tinatanong ni Russia sa kan’yang sarili na hanggang ngayon ay hindi niya mabigyan ng kasagutan. "Bakit niya sinabi iyon? Hindi ba at galit nga siya sa akin, pero bakit bigla na inaako na niya ang anak ko? Ano ba ang ibig niya na sabihin? Tinatanggap na ba niya kami? Bakit? Ano bang pumasok sa isipan ng lalaki na iyon para sabihin niya na mag-ina niya kami ng anak ko?"Gulong-gulo siya at hindi talaga makapag-isip ng matuwid. Hindi niya alam kung matutuwa at ipapagpasalamat ba niya ang ginawa ni Aldrick o lalo lamang na matatakot dahil sigurado siya na hindi nito palalampasin ang eksena na iyon.Ano ba kasi ang naisip ni Blue at nagbalik pa rito sa mansyon? At ang mas malaki na katanungan sa kan'yang isip ay kung ano nga ba ang plano ng lalaki na iyon at ayaw siya na tantanan sa ngayo
"You owe me a lot of explanations, Sisa. As in a lot of explanations. Hindi lamang dahil sa mga kasinungalingan na pinagsasasabi mo na naman kay Colton kung hindi maging sa mga kasinungalingan na pinagsasasabi mo sa amin patungkol sa Blue Alegre na iyan." Kaibahan man sa nakagawian na tono ni Aldrick sa kan’ya dahil mas mukhang mahinahon ang lalaki kumpara sa mga nakaraan nila na paghaharap, ramdam na ramdam pa rin ni Russia ang emosyon nito sa bawat salita nito sa kan’ya."And I won’t let you get away without the explanations this time. Kahit na hindi ka makatulog magdamag wala akong pakialam, basta mag-uusap tayo at aaminin mo sa akin ngayon ang lahat ng mga katotohanan."And once again, her mind is in a state of chaos. Naguguluhan siya sa opsyon na pipliin niya sa pagkakataon na ito. It’s like the universe, and Aldrick is giving her an option at this moment: