Share

Chapter 17

Kagigising lamang ni Russia ay aligaga na agad siya. Simula pa kahapon ay ganito na ang pakiramdam niya. Paano ba naman na hindi kung parang isang masamang panaginip na basta na lamang na sumulpot buhat sa kung saan ang lalaki sa nakaraan niya na ayaw na niya na balikan pa.

Maghapon siya na nagkulong sa kan’yang silid upang iwasan si Aldrick na alam na alam niya na sasalubungin na naman siya ng maraming katanungan at paghihinala. Hindi niya alam kung paano siya natunton ni Blue at kung ano ang pakay nito sa kan’ya, pero isa lamang ang nasa isipan niya, tiyak na mas malaking gulo ang kakaharapin niya sa pagsulpot ng ex-broyfriend niya.

Ang pag-ring ng telepono niya ang bahagya na pumutol sa pag-iisip na ginagawa niya. Nang makita niya na si Eunice ang tumatawag ay agad niya iyon na sinagot.

"Euni, anong balita?" tano

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status