"He is not the father, but you are!"
Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kan’yang isipan ang reaksyon ni Aldrick nang sabihin niya ang mga kataga na iyon. She was not supposed to say that, but ultimately she did, out of nowhere. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa, pero namalayan na lamang niya na muli na naman na pinapanindigan ng sarili niya ang mga kasinungalingan niya.
"Ang tanga mo talaga, Russia!" Nasabi na lamang niya sa kan’yang sarili habang tinatapik ang kan’yang noo. Pagkakataon na sana niya iyon para umamin at itama ang mga kalokohan niya, pero sa huling sandali ay hindi niya nagawa at lalo pa niya na nilubog ang sarili sa mga pagkukunyari.
Totoo naman na nilulukuban siya ng takot dahil hindi niya mabasa kay Aldrick kung ano nga ba ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niya ang lahat sa lalaki. S
"Good morning! Kanina pa kita hinihintay na magising. Mukhang tinanghali ka yata ngayon?"Gulat na gulat si Russia nang pagdaan niya sa dining area ay isang pagbati ang narinig niya. Hindi niya iyon inaasahan dahil nasanay na siya na parang hangin lamang siya rito sa mansyon na dinadaan-daanan lamang. Idagdag pa roon na maayos ang pagkakasabi ng mga salita, at siyempre, mas lalo na hindi kapani-paniwala na manggagaling iyon kay Aldrick."A-ano? Hinihintay mo ako? Bakit?""Maupo ka na at mag-almusal na tayo. Kanina pa ako nagpahanda ng breakfast at kanina pa rin ako naghihintay sa’yo rito." Iminuwestra pa nito sa kan’ya ang upuan sa tabi nito at mukhang doon pa siya pinapapuwesto. Nangungunot na ang noo niya sa pagtataka dahil sa inaasal nito sa kan’ya. Hindi ba at kagabi lamang ay hindi sila magkasundo sa kung
"Let’s start over again, Sia. Let’s do this for the baby. More than anything else, the baby should be our priority at this point."Kagabi pa na parang echo na paulit-ulit sa isipan ni Russia ang sinabi na iyon ni Aldrick. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na maramdaman sa naging pag-uusap nila na iyon na nagpabago ng lahat para sa kanya. Hindi niya inaasahan na bigla na lamang na mag-iiba ang ihip ng hangin at sa isang iglap ay tinatanggap na sila ni Aldrick ng buong-buo.What actually happened to make him change his views about her pregnancy? Paulit-ulit na rin ang tanong niya na iyon sa kan'yang isipan simula pa noong gabi na magharap sila nila Blue, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sapat na sagot sa kaguluhan ng isipan niya.Malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa niya dahil sa totoo laman
"Himala yata at naabutan kita rito ngayon." Ang boses ni Nathan ang nagpalingon kay Aldrick habang ninanamnam niya ang katahimikan ng gabi. "Bakit mag-isa ka riyan? Nasaan si Elon?""Work." Simpleng tugon na lamang niya. Inabutan siya ni Nathan ng isang lata ng alak at saka umupo ang lalaki sa may tabi niya.Kanina pa siya narito sa may hardin at nag-iisip. Nang pumasok kasi si Sia sa silid nito ay nagpasya siya na magpahangin muna upang makapag-isip din tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kan’yang isipan. Naka-ilang lata na nga rin siya ng alak bago pa dumating si Nathan."Nasaan ang girlfriend mo?" Nakangiti pa na tanong nito sa kan’ya na halata na inaasar na naman siya. "Tulog na ba?""The fuck! Anong girlfriend ang pinagsasasabi mo riyan? Wala akong girlf
"Hey, I miss you." Ang mga salita na iyon buhat kay Aldrick ang nagpaangat sa ulo ni Russia buhat sa librong kan’yang binabasa. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki habang si Aldrick naman ay dire-diretso na lumapit sa kan’ya at hinimas ang tiyan niya. "I miss you, Baby."Mabilis siya na pinamulahanan ng mukha dahil sa narinig. Siya ba o ang baby ang na-miss ni Aldrick? Nang mapagtanto niya ang naiisip niya ay agad niya na tinapik ang kamay ng lalaki. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo hinihimas ang tiyan ko?" Iritable na tugon pa niya.Nalilito naman na napasulyap sa kan’ya si Aldrick na halata ang gulat sa naging reaksyon niya rin. "Bakit? Ilang araw ako na na-busy kaya na-miss ko si baby." Sabi pa nito ulit sabay na akma na hihimasin ulit ang tiyan niya, pero mabilis niya ulit na tinapik ang kamay nito kaya kumunot na lamang ang noo nito sa kan
Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?
"Takte, Aldrick, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo pa nakuha ang personal na detalye niya, pero nakuha mo naman na mag-Marites sa buhay niya. Pumapalya ka na yata ngayon sa pagkuha ng impormasyon, Prinsipe?"Iritable at simangot na simangot naman siya habang nakikinig sa litanya ni Akiro. Aminado rin naman siya na nagkulang talaga siya sa pagkuha ng mga detalye na kinakailangan niya at iyon ay sa kadahilanan na nalihis siya sa motibo niya nang malaman niya ang tunay na istorya ng buhay ni Sia."I know, Akiro. Alam ko iyon kaya nga ginagawan ko nang paraan, kaya hindi mo na kailangan pa na ulit-ultin sa akin.""Tapatin mo nga ako, Drick, ikaw ba ay nagpapanggap pa rin hanggang ngayon para mapalapit sa kan’ya o baka naman talagang totohanan na ang pakikipaglapit mo na iyan dahil sa may ibang dahilan ka
"Si," Kasabay sa pagtawag na iyon ay ang mga kamay na pumigil sa kan’yang paglalakad. "Mag-usap nga tayo. Bakit mo ba ako patuloy na iniiwasan? Kausapin mo nga muna ako." Pilit siya na kumakawala pero lalo lamang nito na hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Fucking talk to me, Russia! You owe me an explanation. Hindi mo ako iiwasan kung wala kang itinatago sa akin.""I don’t owe you anything." Mabilis na tugon niya saka pilit na itinulak ang lalaki na humahawak sa kan’ya. "Let me go. Wala akong itinatago sa'yo, kaya wala tayong dapat na pag-usapan."Hindi niya inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila ng walanghiyang ex-boyfriend niya dahil matapos ang huling paghaharap nila nang sapilitan na naman siya nito na kausapin sa bahay nina Aldrick ay nanahimik na ang lalaki.She mista
"Eunice, what is this? Ano ang akala mo sa pamamahay ko, bahay ampunan? Hindi porke’t tinanggap kita rito ay puwede ka nang magdala ng kahit na sino rito. I still own this house, and you can’t just bring anybody here. Hindi ako nagkakawanggawa at wala akong plano na umabot sa langit dahil lamang sa pagkakawanggawa na iyan." Galit ang tinig na iyon ng kausap ni Eunice kaya naman lalo na nahintatakutan si Russia habang nakaupo at naghihintay sa kan’yang kaibigan. Nais na niyang umalis pero wala siyang ibang patutunguhan. Naisin man niya na bawiin ang pakiusap niya sa kaibigan niya ay hindi rin naman niya magawa dahil saan pa nga ba siya pupunta? She had nothing. All she had was herself, and the only person that she could turn to was Eunice. Alam niya na gaya rin niya ay malaki rin ang problema na kinakaharap ni Eunice, pero wala na siyang ibang matatakbuhan pa kaya kahit nahihiya siya dahil dumadagdag pa siya sa marami na rin na problema ng kaibigan niya ay wala siyang ibang mapagpil