Nauwi sa isang gabing pagkalimot ang dapat sana'y pagpapalipas lamang ng sama ng loob ni Margaux dahil sa sakit na dulot ng kanyang kasintahan. Ngunit ano ang gagawin niya kung malalaman niyang ang lalaki pa lang nakakuha ng kanyang iniingatang pagkabirhen ay uncle pala ng kasintahan?
view moreMargaux“Another trip?” tanong ko sa aking ama, bahagyang nagtaas ang kilay. Nasa hapag-kainan kami at kapwa bagong dating mula sa opisina na feeling pagod pero masaya. Nagulat ako sa sinabi niya, pero tinawanan lang niya iyon. Si Mommy, nakangiti rin habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok ko.“Bakit, ayaw mo bang maglamyerda naman kami ng Daddy mo?” tanong ni Mommy, nakakunot ang noo pero may lambing sa boses.“Hindi naman sa ayaw ko,” sagot ko habang hinahalo ang kanin sa ulam. “Kataka-taka lang kasi. Hindi kayo usually nagta-travel, lalo na’t out of the country pa. Business trips lang ‘yung madalas.”“Exactly!” sabat ni Dad, sabay abot ng baso kay Mommy. “Ngayon na malaki ka na, at sa tingin namin ng Mommy mo ay kaya mo na ang company, hindi ba dapat naman na ang isa’t isa naman ang intindihin namin? You should understand us lalo na at may Draco ka na sa buhay mo.”Napakagat ako sa labi at saglit na natahimik. Totoo naman ang sinabi nila. Noon, halos hindi sila makaalis dahil ayaw ni
MargauxMasaya ang bawat araw namin ni Yvonne. Kahit na kasama namin sila Draco at Kevin ay hindi naman iyon naging dahilan upang hindi rin kami mag-enjoy.Hindi na nga namin namalayan ang araw at huling araw na pala namin dito at bukas ay babalik na kami ng Manila.Nagkakaroon lang kami ng “alone” time ni Draco sa gabi.Ngayon ay nasa dagat na kami. Natapos namin ang iba’t-ibang klaseng activity at water adventure at sa lahat ng ‘yon ay may mga kuha kami.Na-in love ako lalo sa Cupcake ko dahil siya pa ang nagprisinta na maging official photographer at cameraman namin.Kapag kumakain ay magkakasama kaming apat syempre at sa tuwina ay katabi ko pa rin si Yvonne.“Ang bilis ng araw, Bruh, uuwi na agad tayo bukas…”“Isang linggo na ba talaga tayong nandito?” tanong ko pa bilang pagsang-ayon sa kanya.“Kung gusto niyo pang mag-stay ay pwede naman kayong mag-extend,” sabi ng aking Cupcake.“Wait, pinapaalala ko lang sayo na marami ka pang gagawin sa opisina,” singit naman ni Kevin.“Eh di
MargauxNakikiliti ako sa bawat banayad na halik ni Draco sa aking balikat. Mainit, magaan, pero may kasamang intensyong hindi ko maikakaila. Napapikit ako sa sarap ng sensasyong hatid ng kanyang mga labi. Pansamantala kong nakalimutan ang aking mga pangamba,, ang mga tanong tungkol sa amin, sa kung anong kahihinatnan ng relasyon namin. Sa sandaling ito, ang tanging mahalaga ay kami.His featherlight kisses send a tingling warmth all over my skin. Nakakakiliti, oo, pero higit doon ay nakakagising. Parang isang apoy na unti-unting sinisilaban ang damdamin ko, na parang may gusto pa siyang iparating, na gusto pa niya ako, nang buo, nang paulit-ulit.Nagtama ang aming paningin. Minsang titig na parang may sinasabi. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin, at sa paglalapat ng aming mga labi, isang matamis at mainit na pagsabog ang bumalot sa akin.Napapikit ako, ninanamnam ang bawat segundo ng paghihinang ng aming mga labi. Sa simula ay banayad lang iyon na tila sinusuyo, dinadama.
DracoDinala ko si Margaux sa cottage ko habang si Kevin naman ay sumama kay Yvonne sa cottage nilang magkaibigan. Buti na lang at dalawa ang kwarto roon kaya hindi ko na kinailangang mag-alala pa.Isa pa, buo ang tiwala ko kay Kevin. Alam niya kung gaano ko kamahal si Margaux at alam kong hindi siya kailanman gagawa ng kahit anong bagay na maaaring makasira sa amin.Kagagaling ko lang sa banyo matapos maligo, ang lamig ng tubig ay tila hindi sapat upang maibsan ang pagod at pagkasabik na maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Paglabas ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig, nakaharap sa lamesita kung saan nakapatong ang kanyang iPad. Wala siyang kamalay-malay sa presensya ko at masyado siyang nakatuon sa screen.Tahimik akong kumuha ng suot kong paboritong sando at lounge pants, ang mga panandaliang nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng bahay, bago ako marahang naupo sa tabi niya. Inalalayan ko ang sarili kong huwag agad siyang gambalain. Pero ang totoo, namimiss ko na agad ang aten
DracoHindi ko na talaga matatagalan ang hindi ko siya makita. Parang may kulang sa bawat segundo kapag wala si Sugar sa paningin ko. Kaya kahit medyo alanganin, agad kong niyaya si Kevin na sundan namin sila ni Yvonne.Nagulat ako nang hindi man lang siya nagdalawang-isip. Bigla na lang siyang pumayag. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko kung paano siya tahimik na nakatingin kay Yvonne mula sa kinauupuan namin, parang biglang luminaw ang lahat, may gusto ang loko sa kaibigan ng mahal ko.Pero kailangan ko siyang balaan. Hindi pwedeng makompromiso ang relasyon ko kay Sugar kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa pagitan nila ng kaibigan ng mahal ko. Ayokong masaktan si Margaux dahil lang sa kapilyuhan niya.Ngayon ay nasa isang bar kami na may disco, hindi kasing-ingay ng mga tipikal na club, pero sapat para malibang. Pinagmamasdan ko ang dalawang babae habang sumasayaw sa gitna. Malaya, masaya, at walang inaalala.Parang binabalikan ako ng alaala. Kagaya ito noong gabing nakita
Margaux“Draco!” gulat kong sabi ng pagharap ko ay makita ko ang aking Cupcake. Kahit si Yvonne ay hindi makapaniwala. “What are you doing here?”“Na-miss kita eh,” sabi niya. Napangiti ako sa kilig at pagtingin ko sa kaibigan ko ay kita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako.Agad akong yumapos sa aking Cupcake na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Sinandig ko ang aking pisngi sa kanya at saglit na pumikit upang damhin ang init ng kanyang katawan.Naramdaman ko naman ang pagpulupot din ng kanyang mga kamay sa akin ang mahigpit na yakap kasunod ang paghalik sa aking pisngi.“Ano, busog ka na?” Agad akong bumitaw kay Draco ng magsalita si Yvonne at nilingon siya. “Ngising-ngisi?”“Extra happy lang,” tugon ko naman kasunod ang pagdantay ng kamay ni Draco sa aking likod.“Kung naiinggit ka kay Margaux eh nandito naman ako.” Sabay kaming napatingin ni Yvonne sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang nakangiting si Kevin.“As if naman, mapupunan mo ang narara
Margaux“Hanep! Lungkot-lungkutan ka?” taas kilay na tanong ni Yvonne habang nakapamewang. “Hindi ba pwedeng magpanggap ka man lang na masaya dahil kasama mo ako? Ano ba, puro na lang si Uncle ang nasa utak mo? Can’t live without him na ba ang peg mo ngayon, Bruh?”Ang lakas ng naging pagtawa ko dahil sa sinabi niya dahil sa masyadong animated nitong reaksyon. Kakarating lang namin sa El Nido, sa beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ng isa sa mga classmates ko sa kolehiyo. Napakaganda ng lugar. Hangin pa lang, presko na presko na, parang pinapawi lahat ng stress sa dibdib ko kung meron man.“Lukaret! Masayang-masaya akong kasama ka dito! Hindi ko kailangang magpanggap, no,” sagot ko habang sumalampak ako sa sofa na may malambot na cushions. Nakapasok na kami sa cottage, at masasabi kong ang cozy ng vibes, perfect para sa isang escape na matagal na naming pinagplanuhan.“Siguraduhin mo lang, ha! Bruhilda ako kapag selos ang usapan!” natatawa niyang tugon habang umupo sa paanan ng sof
MargauxMedyo mabigat sa dibdib ang naging dalahin ko pag-uwi. Parang ako ang naiwanan ng bagyong hindi ko inaasahan. Oo, mukhang sinubukan ni Sam na pagaanin ang kanyang kalooban, pero sa huli, ako ang naguluhan. Ako ang nabahala.Hindi dahil may gusto pa ako sa kanya. Hindi dahil may nararamdaman pa akong naiwan. Kundi dahil doon ko lang talaga naisip… na sa kabila ng lahat, sinaktan niya rin nang husto ang sarili niya.Dati, ako lang ang iniiyakan ko. Ako lang ang naawa sa sarili. Pero ngayon… mas masakit pala makita ang isang taong minsan mong minahal, na hindi na natutong bitawan ang alaala mo at naka move on na.Si Sam na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Siya ang kusang humiwalay, pero bago siya tuluyang nagpaalam, sinabi pa rin niyang… hindi pa siya tapos. Hindi pa raw siya sumusuko. At dahil hindi pa raw kami kasal ni Draco, may pag-asa pa raw siyang magbago ang isip ko.Pero kung ako ang tatanungin, bahala na siya sa buhay niya. Dahil ako? Ako, kay Cupcake na. Siya n
Margaux“Tita, baka po pwedeng makausap muna si Margaux.” Mahinahon ngunit may halong pakiusap ang tinig ni Sam. Nilingon ako nila Mommy, at saglit kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang bigat sa kanilang mga mata. Mga matang alam ang buong istorya, pero pinipiling manahimik.Hindi ko alam kung bakit ba patuloy pa rin si Sam sa pangungulit. Ilang beses ko na siyang tinanggihan, ilang ulit ko na ring nilinaw ang lahat. Wala na. Wala nang dapat pang hintayin o balikan.“Hihintayin ka na lang namin sa labas, anak,” ani Mommy. Malumanay ang tinig niya ngunit may pagbibigay-laya.“Bakit mo pa hahayaang kausapin ng lalaking ‘yan ang anak natin?” protesta ni Dad, bakas sa kanyang boses ang pangamba at galit. Ngunit tinapik lamang siya ni Mommy sa braso, saka siya nginitian ng may pang-unawang siya lang ang kayang gawin.Hinila niya si Dad palabas ng hall, habang ako nama’y naiwan sa presensya ng isang lalaking dati kong minahal.Naglakad kami ni Sam palayo sa karamihan, patungo sa bahaging tahim
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments